Saturday, August 8, 2009

Ano'ng Sinulat ni Enteng at Joey


"Isa kang Batang 90's kung alam mong si Tito Sotto ang utak sa 'Alapaap Controversy'."


One day in the year of the pig, August 1995, nagising si Tito Sotto sa maling puwesto ng kanyang kama. Malamang ay nabulabog siya ng malakas na mga speakers ng kanilang kapitbahay na "Alapaap” ng Eraserhead ang pinapakinggan. Naalimpungatan siya at nasira ang tulog, at bigla nalang may pumasok sa kanyang kukote -“Eureka! Parang pang-adik ang kantang 'yun ha.”

Nagulat nalang ako isang umaga nang makita sa teevee ang mga bandang sumisikat noong mga panahong iyon. Kinokondena at pinapaimbestigahan ang ilang mga kanta mula sa Eraserheads, Teeth, at Yano. Ayon sa senador at kanyang mga alipores sa Junior Drug Watch, ang  “Alapaap” ay isang awitin tungkol sa droga kaya dapat itigil ang pagpapatugtog nito sa radyo. Nabasa raw nila umano sa liriko ang tungkol sa paggamit ng ipinagbabawal na shabu. An "Ode to Drug Abuse" ang ginamit ng mga nagmamarunong upang tukuyin ang mensahe ng awit. Sa mga panayam na napanood ko noon, ilang beses na pinangalandakan ng Eheads na ito ay tungkol sa kalayaan, "Ode to Freedom", at hindi tungkol sa kung ano pa mang paksyet. Wala ni-isang salitang tungkol sa droga ang binanggit sa kanta kaya nasa tao nalang daw kung paano ito bibigyan ng kahulugan.

Nadamay pa sa isyu ang kataas-taasan at kagalang-galangang Yano dahil sa kanilang kantang “Iskolar ng Bayan” na may linyang "Gumagamit ka pa rin ba ng 'S'?". Nang tinanong si Dong Abay kung ano ang ibig niyang sabihin doon, "Sapatos!" lang ang kanyang isinagot! Eh taena niyo naman pala eh, marunong pa kayo sa nagsulat ng kanta!

Ang kasikatan ng Teeth sa kanta nilang “Laklak” ay hindi nakawala sa mga taong tumutuligsa. Kahit na tungkol naman sa serbesa ang tema nila, hindi raw magandang halimbawa para sa mga kabataan ang kanilang kanta.

Hindi mo alam kung matutuwa ka sa mga "concerned citizens (kuno)" o matatawa ka nalang sa pagiging hipokrito ng ilan. Muntikan na akong magka-bukol sa iskul sa kakahalakhak. Sino ba naman ang hindi matatawa sa isang senator na miyembro ng trio na sumikat dahil sa mga "green jokes" at binaboy na bersyon ng mga sikat na kanta? Sabi nga ng iba noon, para siyang gurong bihasa sa agham na nagtuturo ng agbilang na hindi naman niya larangan.

Hindi lang mga lokal na mga grupo ang naapektuhan nito. Pati ang iniidolo kong Slayer ay gustong ipa-ban sa Pilipinas. Siguro ay dahil madalas makitang naka-print ito sa mga itim na t-shirts ng mga rockers, isinama na rin sila sa listahan ng mga bandang nakakaapekto ng masama sa mga kabataan. Kups lang talaga.

Bad publicity is always a good publicity. Mas sumikat ang mga kantang gusto nilang ipabura sa ere. Mas masarap talaga ang bawal kaya naman ito ang mas pinakinggan ng masa. Sa mga konsiyerto, ito ang isinisigaw ng manonood para tugtugin ng grupo. Naaalala ko ang isang pagkakataon na tinugtog nila Ely ang intro ng “Iskul Bukol” bago tugtugin ang “Alapaap”. Astig!

Fast Forward ilang taon matapos ang kontrobersiya. Ipinalabas sa Eat! Bulaga ang isang tribute nila para sa Pinoy Rock / Alternative. Potah, "Alapaap" lang naman ang pang-finale nila! Nice one, Tito Sen.


Kung magaling talagang magbasa si Sotto ng mga kanta, natuwa kaya siya sa "Spoliarium" na may linyang "Ano'ng sinulat ni Enteng at Joey diyan sa pintong salamin? 'Di ko na mabasa pagka't merong nagbura..."? Alam niya kaya ang mga haka-hakang kumakalat tungkol sa kaugnayan ng kantang ito kay Pepsi Paloma?

Ano ang aral ng kuwentong ko?

Huwag manira ng mga banda para hindi sila sumikat.




PAHABOL:

Ang sumusunod ay ang liham na ipinadala ng Eraserheads kay Sotto bilang tugon sa isyu.

24 August 1995

Dear Senator Sotto:

Greetings! We, the Eraserheads, are forwarding this letter in the hope that whatever misinterpretation of our song entitled “Alapaap” will soon be cleared up.

We have not forgotten, in fact we have taken to heart, our, responsibility to the public, especially the youth. Therefore, glorifying/promoting drug and substance abuse is not part of our goal, and is far from our imagination. We are 100% against it.

In the press release of the Junior Drug Watchers, it states that, “The song ‘Alapaap’ does not mention drugs but it describes the sensation of ‘trip’ felt by someone on drugs.” Words could mean anything and could be interpreted to mean everything, and people certainly definitely differ with one another in interpreation.

We are saddened by the fact that this song, “Alapaap”, which the band considers to be our “ode to freedom” as artists in our society, was dubbed as an “ode to drug abuse”, by the Junior Drug Watchers. But as artists we are willing subjects to different opinions of the public and our work subject to different interpretations.

We believe in your judgment and we are more that sure that whatever action is to be done by good office will be beneficial to the public in general, and the youth in particular. Rest be assured that we will always be supportive of the campaign against drug abuse.

Thank you very much for your time.

Sincerely,
Eraserheads

Marcus Adoro
Raymund Marasigan
Ely Buendia
Buddy Zabala

Ann Angala
Manager

(with their corresponding signatures)




9 comments:

  1. Naalala ko ito na naging ipokrito si Tito Sen. Nai-ban nya pa nga ang mga albums ng Slayer eh. Bad trip talaga nun.

    Nagkumento ang Slayer sa kanya ng "hypocrite" noon nang i-ban niya ang mga albums.

    =)

    ReplyDelete
  2. I remember this time. Tito Sotto appeared on TV Patrol (I don't like Tito Sotto, never voted for him, never will. :p ). Napag-usapan at pinag-debate pa namin yan sa Humanities class namin noon. Yung Iskul Bukol intro ng Alapaap, astig! tuwang-tuwa ako nug narinig ko yun.

    These days, inee-explain ko na sa mga kakilala kong teenager yung background ng linyang yun sa "Spolyarium", at naliliwanagan sila, haha. :D At alam ko nang matanda na talaga ako.

    Thanks for this! It's fun reading.

    ReplyDelete
  3. @ stone-cold: parekoy, sorry ngayon ko lang nakita 'tong comment mo. badtrip talaga ang mga ipokrito. 'di ko yata alam 'yang sa slayer issue ha. dapat ang i-ban eh ang mga kanta nalang ni willie! lols

    @ miranda: astig talaga ang lyrics ng eheads. well, nasa listener na rin talaga ang interpretations. natatawa ako kay sotto kasi anak niya (correct me if i'm wrong) 'yung vocalist / guitarist ng nerveline na very 90's ang tunog. playing like grunge stuff. pero ok 'yung tunog. i have copies of their first album. binibenta ko yung sobra. :)

    rakenrol \m/

    ReplyDelete
  4. Salamat merong blog na kagaya nito, keep up the good work mga parekoy, enjoy ako magbasa dito

    ReplyDelete
  5. Sotto is not even qualified to be senator , he plainly took advantage of his popularity as a comedian ( not so). Even with the three of them he's the lousiest, corniest, most boring guy. But because we have a majority of the so called BOBOTANTES Sotto was dunked to the place HE CLEARLY DON'T BELONG....the Senate!!!

    ReplyDelete
  6. Bwisit na sotto. Hipokrito! Boset. :3

    ReplyDelete
  7. Solid eraser heads pa rin ako.Tanong ko lang po sir bakit may mga eraser heads fans na nagsasabi wala naman kinalaman si Sotto sa pag ban sa alapaap.

    ReplyDelete
  8. ngayon PDEA naman gusto mag Ban ng kantang "Amatz" ni Shanti Dope.Baka sunod nyan mercury drugs naman pa ban nila.hays

    ReplyDelete