"Isa kang Batang 90's kung alam mong si Tito Sotto ang utak sa 'Alapaap Controversy'."
One day in the year of the pig, August 1995, nagising si Tito Sotto sa maling puwesto ng kanyang kama. Malamang ay nabulabog siya ng malakas na mga speakers ng kanilang kapitbahay na "Alapaap” ng Eraserhead ang pinapakinggan. Naalimpungatan siya at nasira ang tulog, at bigla nalang may pumasok sa kanyang kukote -“Eureka! Parang pang-adik ang kantang 'yun ha.”
Nagulat nalang ako isang umaga nang makita sa teevee ang mga bandang sumisikat noong mga panahong iyon. Kinokondena at pinapaimbestigahan ang ilang mga kanta mula sa Eraserheads, Teeth, at Yano. Ayon sa senador at kanyang mga alipores sa Junior Drug Watch, ang “Alapaap” ay isang awitin tungkol sa droga kaya dapat itigil ang pagpapatugtog nito sa radyo. Nabasa raw nila umano sa liriko ang tungkol sa paggamit ng ipinagbabawal na shabu. An "Ode to Drug Abuse" ang ginamit ng mga nagmamarunong upang tukuyin ang mensahe ng awit. Sa mga panayam na napanood ko noon, ilang beses na pinangalandakan ng Eheads na ito ay tungkol sa kalayaan, "Ode to Freedom", at hindi tungkol sa kung ano pa mang paksyet. Wala ni-isang salitang tungkol sa droga ang binanggit sa kanta kaya nasa tao nalang daw kung paano ito bibigyan ng kahulugan.
