Showing posts with label yano. Show all posts
Showing posts with label yano. Show all posts

Sunday, April 1, 2012

TR3SPASSING: 3-in-1 Reunion Concert Featuring The Eraserheads, Rivermaya, and Yano



Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala.

Nagsimula sa isang sulatroniko na hindi ko kaagad pinansin sa pangambang isa lamang itong spammer na tulad ng mga gagong susulat sa iyo para ibahagi daw ang milyun-milyong pesotas bilang balato sa isang manang ayaw nilang tanggapin. Sa patuloy na pagpapadala nito sa aking imbakan ay pinatulan ko na rin at binasa ang nilalaman.

Paksyet na malagket, gusto kong himatayin sa aking kinauupuan nang malaman kong lubos ang pakay ng concert producer na itatago ko nalang sa tunay na pangalan niyang April Fullier.

TR3SPASSING: 3-in-1 Reunion Concert Featuring The Eraserheads, Rivermaya, and Yano

Wednesday, January 11, 2012

Sampu't Sari: Renmin Nadela ng Agaw Agimat


Noong Dekada NoBenta, ang musikang Pinoy ay siksik sa iba't ibang tema at ang isang klase ng tugtugang nagustuhan ko ay mula sa mga grupong masasabi kong may paninindigan pagdating sa mga usaping may kinalaman sa iba't ibang kaganapan sa ating pamumuhay. Ang pagpapahayag ng mga ideolohiya ay idinadaan sa pamamagitan ng paglikha ng mga orihinal na awit. Mga seryosong kantang kadalasan ay mga puna sa maling sistemang bumabalot sa ating lipunan. Mayroong mga piyesang nakakatawa na sa huli ay katotohanan pa rin ang gustong iparating sa mga nakikinig. Ang iba naman ay pinaghahalo ang pagiging seryoso at pagpapatawa upang ilarawan ang mundong ating ginagalawan.

Walang halong pagpapakyut. Masarap pakinggan dahil nagmumula sa puso. Tumatagos sa buto dahil walang halong pagkukunwari. Hindi mo puwedeng sabihing basura dahil hindi bulok ang nilalaman.

Saturday, July 16, 2011

Yeah, No


Masarap makinig ng musika, lalo na kung may saysay ang sinasabi nito. Kaya nga hanggang ngayon ay mga kanta mula Dekada Nobenta pa rin ang laman ng music library ko. Hindi ko sinasabing walang kuwenta ang mga pinapatugtog ngayon sa mga jejemon radio stations. May mangilan-ngilang (na mabibilang mo lang sa mga daliri ng iyong paa) musikero ang may katuturan pero mas nilalamon pa rin ng mga "wala lang" ang listahan ng mga binibentang pirated CD's sa Quiapo at Recto.

Thursday, November 5, 2009

Back Rider Mask: Kampon ng Kadiliman




"Isa kang Batang 90's kung alam mong nadawit ang Eraserheads, Rivermaya, at Yano sa isyu ng 'backmasking'."

Kapag ganitong nagsisimula na ang mga buwan ng “Ber”, nararamdaman ko na ang lamig ng Pasko lalo na sa pagligo sa umaga. Heto na ang mga panahong nagtatanda muna ako ng krus bago magbuhos ng isang tabong puno ng malamig-lamig na tubig.

Ito rin ang pinakaaantay ng mga istasyon ng radyo at mga damduhalang teevee networks upang masabi na nila ang “One hundred sixteen more days before Christmas!”. Langya, sa pagpatak pa lang ng alas-dose ng madaling-araw o unang araw ng Setyembre ay maririnig mo na  ang pamaskong awit ni Michael Jackson, ang “Give Love on Christmas Day”.

Isa sa mga paborito kong Christmas albums ay ang “Fruitcake (1996)” ng Eraserheads. Laman ito ngayon ng aking Nokia 5310 at pinapakinggan ko ang mga kanta mula rito habang ako ay nagtatrabaho rito sa kaharian ng Saudi na kilala bilang isa sa mga lugar sa mundo kung saan hindi ipinagdiriwang ang Pasko. Sa tuwing pinapatugtog ko ito ay naaalala ko ang aking nanay noong mga panahong sinisigawan niya ako dahil sa pakikinig sa mga kanta ng Queen.

Huwag kang makinig sa mga satanistang ‘yan!”, tiger scream ng ermats ko.

Connect the dots kung naaguguluhan ka sa aking munting palabok na binudburan ko pa ng malulutong na chicharong balat ng baboy.

Saturday, August 8, 2009

Ano'ng Sinulat ni Enteng at Joey


"Isa kang Batang 90's kung alam mong si Tito Sotto ang utak sa 'Alapaap Controversy'."


One day in the year of the pig, August 1995, nagising si Tito Sotto sa maling puwesto ng kanyang kama. Malamang ay nabulabog siya ng malakas na mga speakers ng kanilang kapitbahay na "Alapaap” ng Eraserhead ang pinapakinggan. Naalimpungatan siya at nasira ang tulog, at bigla nalang may pumasok sa kanyang kukote -“Eureka! Parang pang-adik ang kantang 'yun ha.”

Nagulat nalang ako isang umaga nang makita sa teevee ang mga bandang sumisikat noong mga panahong iyon. Kinokondena at pinapaimbestigahan ang ilang mga kanta mula sa Eraserheads, Teeth, at Yano. Ayon sa senador at kanyang mga alipores sa Junior Drug Watch, ang  “Alapaap” ay isang awitin tungkol sa droga kaya dapat itigil ang pagpapatugtog nito sa radyo. Nabasa raw nila umano sa liriko ang tungkol sa paggamit ng ipinagbabawal na shabu. An "Ode to Drug Abuse" ang ginamit ng mga nagmamarunong upang tukuyin ang mensahe ng awit. Sa mga panayam na napanood ko noon, ilang beses na pinangalandakan ng Eheads na ito ay tungkol sa kalayaan, "Ode to Freedom", at hindi tungkol sa kung ano pa mang paksyet. Wala ni-isang salitang tungkol sa droga ang binanggit sa kanta kaya nasa tao nalang daw kung paano ito bibigyan ng kahulugan.