Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala.
Nagsimula sa isang sulatroniko na hindi ko kaagad pinansin sa pangambang isa lamang itong spammer na tulad ng mga gagong susulat sa iyo para ibahagi daw ang milyun-milyong pesotas bilang balato sa isang manang ayaw nilang tanggapin. Sa patuloy na pagpapadala nito sa aking imbakan ay pinatulan ko na rin at binasa ang nilalaman.
Paksyet na malagket, gusto kong himatayin sa aking kinauupuan nang malaman kong lubos ang pakay ng concert producer na itatago ko nalang sa tunay na pangalan niyang April Fullier.
TR3SPASSING: 3-in-1 Reunion Concert Featuring The Eraserheads, Rivermaya, and Yano
Magsasama-samang muli ang tatlo sa bigating grupong yumanig sa mundo ng musikang Pinoy noong Dekada NoBenta. Isang gabi lang ito mangyayari at ang malufet sa lahat, ITO AY LIBRE!
Ang mas gumulat sa akin ay ang pag-alok ni Ms. Fullier na gawin akong isa sa mga magsusulat ng mga impormasyon at pagsusuri sa gig na ayon sa kanya ay ituturing na "Konsiyerto ng Dekada". Nahiya ako habang pumapalakpak ang mga lugaing tenga nang sabhihin niya sa kanyang liham na isa siyang masugid na tagasubaybay ng walang kuwentang tambayan na ito. Bilang isang blogger na tumatalakay sa Nineties, naisipan niyang bagay sa akin itong once-in-a-lifetime concert.
Hindi pa rin ako naniwala dahil "hard to get" ako sa mga taong hindi ko kilala. Ibinigay ko nalang ang numero ko dito sa China para masubukan kung mag-aaksaya siya ng load para ako ay tawagan nang international. Wala pang isang oras matapos kong sagutin ang liham ay nag-ring kaagad ang aking telepeno. Mga isang oras din kaming nag-usap tungkol sa kanyang alok kaya alam kong hindi na ito masamang biro. Totoo na ito kaya parang sa efbee lang, click kaagad sa "accept".
Markahan mo na ang ang iyong kalendaryo, APRIL 10, 2012. Magaganap sa MALL OF ASIA OPEN GROUNDS, 7:30 PM. Ang una kong napansin ay kasabay ito ng pagtatanghal ng The Cranberries sa Pinas kaya tinanong ko si April kung bakit naman itinaon niya pa ang kanyang gig sa konsiyerto ng isa sa mga icons din ng 90's. Hindi raw sinasadya dahil ang "Tr3spassing" ay matagal nang naka-reserba sa MOA. Binalak nilang magpabago ng araw nang mabalitaan ang kasabay na gig ngunit fully-booked na ang lugar. Ngapala, hindi ito kaagad ipinaalam sa masa dahil nais ng mga producers na ang mga "karapat-dapat" lang ang makakadalo. Tinatayang nasa 100k katao ang papalaring makakapanood ng live.
Ang mga grupong kasama sa konsiyerto ay mga alamat at itinuturing na institusyon kaya magtataka ka kung kaninong paldong bulsa huhugutin ng One Full April Productions ang ipambabayad sa kanila. Ayon kay Fullier, ang bawa't grupo ay bibigyan ng isang set na tatagal lamang ng isa't kalahating oras upang tugtugin ang kanilang mga hit songs. Nakakalula ang perang nakapatong sa ulo ng bawa't miyembro - isang milyong piso lang naman! Wala daw problema sa gastusin dahil mahaba ang pisi ni "MP" na kanilang amo. Hindi niya sinabi kung sino ang kanyang boss pero nasa atin na raw kung sino ang ating maiisip; maaaring MP na may-ari ng isang teevee network o maaari namang MP na mahilig magdaos ng thanksgiving concert matapos manalo sa boksing. Sana ay mabalatuan din ako.
Akala natin ay nagtapos na ang reunion ng ERASERHEADS sa kanilang "Final Set" ngunit heto at hihirit pa sila ng isa. Bilang tagapagbalita ng gig na ito, ibinigay sa akin ni Ms. April ang mga contacts ng mga grupong kasali. Maiinggit kayo dahil madalas kong ka-text ko si pareng Ely B. at heto ang isa sa mga mensahe niya: "Pinakikinggan namin ang hiling ng mga loyal sa amin. Ang concert na ito ay para sa masa...".
Baka magtaka kayo kung bakit kasama sa reunion ang RIVERMAYA kahit na aktibo pa rin naman sila ngayon. Ang tinutukoy dito ay ang original line-up nila Bamboo, Rico Blanco, Nathan Azarcon, Perf De Castro, at Mark Escueta. Sa palitan ng email namin ni Rico, heto ang binanggit niya tungkol sa konsiyerto: "It's time to set aside our differences and play (even just for one night) for the people who love our music...". Taena, tumatayo ang balahibo ko sa puwet kapag naiisip kong magsasama ulit sa isang grupo sina Mr. MaƱalac at Mr. Blanco!
Isa pang hindi dapat palampasin ay ang tambalan ng malufet - ang kataas-taasan at kagalang-galangang YANO. Ka-chat ko lang kani-kanina si Eric Gancio at sinabi niyang abala sila nitong mga nakaraang araw ni Dong Abay sa pag-eensayo. "Tunog ng nakaraan, gugulatin ang sambayanan!", ang huling natanggap kong mensahe niya sa efbee chat.
Ang event host ay walang iba kundi ang idol kong si Lourd De Veyra. O ha, may mas aangas pa ba? Abangan niyo ang mga "Word of the Lourd" mini dokyu na ipapakita bago tumutugtog ang bawa't banda!
Sa pagitan ng mga sets ng tatlong grupo ay magkakaroon ng dalawang thirty-minute intermission na magmumula sa Parokya ni Edgar at Siakol. Dalawang grupo mula sa Dekada NoBenta na hanggang ngayon ay patuloy na nakikipagrakrakan sa daloy ng panahon. Ang twist dito, wala silang tutugtuging mga awit nila. Dalawang hindi sikat na kanta mula sa Eheads, Maya at Yano ang kanilang gagawan ng rendisyon!
Excited ka na ba?!
Lalo naman ako.
Ano pa ang hinihintay mo? CLICK na dito para sa libreng tiket!

Mang Kulas, magbenta ka na ng TSINELAS dahil magkakaroon ng HIMALA para tayo ay muling makaranas ng LIGAYA!
Excited ka na ba?!
Lalo naman ako.
Ano pa ang hinihintay mo? CLICK na dito para sa libreng tiket!
Pano po maka-avail ng libreng ticket?
ReplyDeleteBkt paranf di nman matunog tong concert na to. Totoo b tlga to sir jay?
ReplyDeleteHoax!
ReplyDeleteApril fools?
ReplyDeleteHAPPY APRIL FOOL'S DAY!
ReplyDeleteWala pong konsiyertong magaganap. Isa lang itong pangarap ng isang tagahanga pero malay mo, balang-araw ay magkakatotoo rin. Ipagdasal natin na nakikinig ang mga rock gods.
Paumanhin sa mga naloko at nakisaya.
Paumanhin kila Sir Ely, Sir Rico at Sir Yano Eric Gancio sa paggamit ng kanilang mga pangalan sa mga pag-uusap na nakalahad sa blog entry.
Paumanhin sa lahat ng mga musikerong nabanggit na kasali. Wala silang kinalaman sa anumang bagay dito.
RAKENROL!
Nakupo! Di pa naman ako panatiko ng April fool's hehehe. pero nice one!
ReplyDeleteAhahaha.. Sabi ko na nga ba.. :)
ReplyDeletehahaha! sabi na eh. i smell something fishy. mabuti na lang hindi ako kumagat agad.
ReplyDeletenice one, ser. hapee april fool's! \m/
tang ina nyo..ang pangit ng biro nyo...wag ganun!!!
ReplyDeleteMGA GAGO MAMATAY NA KAYO
ReplyDeletewala po bang full video nento?
ReplyDelete