Showing posts with label tito sotto. Show all posts
Showing posts with label tito sotto. Show all posts

Sunday, May 12, 2013

1992 Unggoy Elections

"Isa kang Batang 90's kung natatandaan mo pa ang circus elections ng 1992."

Bukas na pala ang eleksyon sa Lupang Hinirang.

Sayang, wala ako sa Pinas upang maranasang muli ang mga kapana-panabik na nagaganap sa tuwing sumasapit ang panahon kung kailan tayo ay pumipili ng mga mamumuno sa ating bayan. Parang pang-lecheserye ang mga eksenang napapanood sa teevee, nababasa sa dyaryo, at naririnig sa radyo - may patayan, may iyakan, may iringan, may pickup lines, may yabangan, at kung-anu-ano pang mga pakulong wala namang kwenta. Mabuti nalang ay may mga online streamings ng mga Pinoy channels sa internet; mapapanood ko pa rin ang laban nina Asiong Salonga at Dirty Harry sa kung sino ang dapat maghari sa Maynila!

Dalawampu't isang taon na ang nakakaraan nang una akong mamulat sa kung ano ba talaga ang eleksyon sa bansa ni Juan Dela Cruz. 

Sunday, September 2, 2012

Gintong Alak

"Isa kang Batang Nineties kung inakala mong may kaugnayan ang 'Spoliarium' ng Eraserheads sa rape case ni Pepsi Paloma."

Masyado na ang pagsikat ni Tito Sen sa internet. 'Yun nga lang, bilang isang bigotilyong kontrabida ng RH Bill, LGBT groups, at ng mga bloggers.

Nagsimula ang kanyang kalbaryo sa mga netizens nang mabuko na ang isa sa kanyang mga talumpati ay walang pahintulot na naglalaman ng mga artikulo mula sa isang kapwa-blogger. Sa madaling salita, PLAGIARIZED. Lumala ang sitwasyon nang sinabi niyang "Bakit ko naman iku-quote ang blogger? Blogger LANG 'yon." bilang pagtatanggol sa sarili.

Saturday, August 8, 2009

Ano'ng Sinulat ni Enteng at Joey


"Isa kang Batang 90's kung alam mong si Tito Sotto ang utak sa 'Alapaap Controversy'."


One day in the year of the pig, August 1995, nagising si Tito Sotto sa maling puwesto ng kanyang kama. Malamang ay nabulabog siya ng malakas na mga speakers ng kanilang kapitbahay na "Alapaap” ng Eraserhead ang pinapakinggan. Naalimpungatan siya at nasira ang tulog, at bigla nalang may pumasok sa kanyang kukote -“Eureka! Parang pang-adik ang kantang 'yun ha.”

Nagulat nalang ako isang umaga nang makita sa teevee ang mga bandang sumisikat noong mga panahong iyon. Kinokondena at pinapaimbestigahan ang ilang mga kanta mula sa Eraserheads, Teeth, at Yano. Ayon sa senador at kanyang mga alipores sa Junior Drug Watch, ang  “Alapaap” ay isang awitin tungkol sa droga kaya dapat itigil ang pagpapatugtog nito sa radyo. Nabasa raw nila umano sa liriko ang tungkol sa paggamit ng ipinagbabawal na shabu. An "Ode to Drug Abuse" ang ginamit ng mga nagmamarunong upang tukuyin ang mensahe ng awit. Sa mga panayam na napanood ko noon, ilang beses na pinangalandakan ng Eheads na ito ay tungkol sa kalayaan, "Ode to Freedom", at hindi tungkol sa kung ano pa mang paksyet. Wala ni-isang salitang tungkol sa droga ang binanggit sa kanta kaya nasa tao nalang daw kung paano ito bibigyan ng kahulugan.