"Isa kang Batang 90's kung natatandaan mo pa ang circus elections ng 1992."
Bukas na pala ang eleksyon sa Lupang Hinirang.
Sayang, wala ako sa Pinas upang maranasang muli ang mga kapana-panabik na nagaganap sa tuwing sumasapit ang panahon kung kailan tayo ay pumipili ng mga mamumuno sa ating bayan. Parang pang-lecheserye ang mga eksenang napapanood sa teevee, nababasa sa dyaryo, at naririnig sa radyo - may patayan, may iyakan, may iringan, may pickup lines, may yabangan, at kung-anu-ano pang mga pakulong wala namang kwenta. Mabuti nalang ay may mga online streamings ng mga Pinoy channels sa internet; mapapanood ko pa rin ang laban nina Asiong Salonga at Dirty Harry sa kung sino ang dapat maghari sa Maynila!
Sayang, wala ako sa Pinas upang maranasang muli ang mga kapana-panabik na nagaganap sa tuwing sumasapit ang panahon kung kailan tayo ay pumipili ng mga mamumuno sa ating bayan. Parang pang-lecheserye ang mga eksenang napapanood sa teevee, nababasa sa dyaryo, at naririnig sa radyo - may patayan, may iyakan, may iringan, may pickup lines, may yabangan, at kung-anu-ano pang mga pakulong wala namang kwenta. Mabuti nalang ay may mga online streamings ng mga Pinoy channels sa internet; mapapanood ko pa rin ang laban nina Asiong Salonga at Dirty Harry sa kung sino ang dapat maghari sa Maynila!
Dalawampu't isang taon na ang nakakaraan nang una akong mamulat sa kung ano ba talaga ang eleksyon sa bansa ni Juan Dela Cruz.
Makasaysayan ang MAY 11, 1992 ELECTIONS dahil wala kaming pasok sa eskwelahan noong Lunes na iyon. Bukod sa kahalagahan ng long weekend, tinalakay sa aming Araling Panlipunan na ito ang unang pagkakataon na magdaraos ng regular na eleksyon sa ilalim ng 1987 Philippine Constitution matapos mapatalsik ng EDSA Revolution ang aking Lolo Macoy sa kanyang 21 years of dedicated service. Isa pa, ito ay ang kauna-unahang "synchronized election" na ang ibig sabihin ay sabay-sabay na ihahalal ang mga kumakandidato sa pagka-pangulo hanggang sa pwesto ng alkalde.
Naatasan ang Commission on Elections o COMELEC na panatilihing maayos, malinis, at mapayapa ang botohang magaganap. Ang ekonomistang si Christian Monsod ang chairman nito pero mas tumatak sa isipan ko ang commissioner nitong si Haydee Yorac (s.l.n.) na dating chairman naman ng Presidential Commission on Good Government o PCGG . Potah, isa siyang babaeng may bayag na para sa akin ay katangian ng isang TNL! Habang ginagawa ko ang entry na ito ay hindi ko pa rin kayang makipagtitigan sa litrato niya. 'Yun nga lang, may kakaiba siyang hairstyle na kinababaliwang gayahin ng mga kabadingan sa mga comedy shows noong mga panahong iyon.
Kahit na sinasabing naging tahimik ang eleksyon, sa edad kong katorse ay napakagulo nito dahil ang daming partido at mga kandidatong tumatakbo. Noong unang panahon ay dalawa lang ang grupo ng mga trapo, ang Nacionalista at Liberal Party. Napalitan ito ng nag-iisang partido ng Kilusang Bagong Lipununan matapos ideklara ang Martial Law noong 1972. Kung kaw ay isang estudyante, dapat ay alam mo ang ibig sabihin ng mga acronyms ng pitong partido na nabuo noong 1992:
- LDP - Laban ng Demokratikong Pilipino
- Lakas-NUCD - Lakas Tao–National Union of Christian Democrats
- NPC - Nationalist People's Coalition
- LP-PDP-LABAN - Liberal Party–Partido ng Demokratikong Pilipino-Lakas ng Bayan
- NP - Nacionalista Party
- KBL - Kilusang Bagong Lipunan
- PRP - People's Reform Party
Sa pagka-senador, 24 ang pipiliin ng taumbayan. Ang Top 12 ay magsisilbi ng anim na taon habang ang kalahati ay magsisilbi naman ng tatlong taon. Sa maniwala kayo o hindi, 152 ang dami ng mga nag-ambisyong makaupo sa pwesto. Star-studded ang affair dahil ito ang eleksyon kung kailan maraming mga celebrities ang tumakbo dahil sa tingin nila ay sikat sila. Mukhang sabik sa mga artista ang madla kaya ang nakakuha ng pinakamalaking boto ay ang komedyanteng si Tito Sotto. Nakasama rin ang mga personalidad tulad nila orig na anting-anting Ramon Revilla, "Lunch Date" / "Kapwa Ko, Mahal Ko" host Orly Mercado, at ang basketbolistang si Freddie Webb na tatay ni Hubert. Hindi naman pinalad ang mga personalidad katulad nila chef Nora Daza, ang musikerong si Ramon "RJ" Jacinto, "Ating Alamin" host Gerry Geronimo, at ilan pa.
Ang daming gimik na ginawa ng mga kandidato para lang pumatok sa masa at isa na dito ay ang mga teevee ads na ginagamit din ng mga pribadong sektor upang mangampanya sa kalahagan ng bawa't boto. Sa tingin ko, malaki ang naitulong ng commercial ni Leticia Ramos Shahani sa kanyang pagkakapanalo. Sino ba naman ang makakalimot sa jingle na "Sha Sha Sha, si Letty Ramos Sha!". Panalo rin ang commercial ni Butz Aquino na may linyang "Sino'ng nagsimula ng EDSA Revolution? Butz, Butz, Butz, Butz Aquino...".
Heto ang listahan ng Magic 24:
01. Tito Sotto
02. Ramon Revilla, Sr.
03. Edgardo Angara
04. Ernesto Herrera
05. Alberto Romulo
06. Ernesto Maceda
07. Orly Mercado
08. Neptali Gonzales
09. Leticia Ramos Shahani
10. Heherson Alvares
11. Blas Ople
12. Freddie Webb
13. Gloria Macapagal-Arroyo
14. Teofisto Guingona, Jr.
15. Santanina Rasul
16. Jose Lina, Jr.
17. Anna Dominique Coseteng
18. Arturo Tolentino
19. Raul Roco
20. Rodolfo Biazon
21. Wigberto Tañada
22. Francisco Tatad
23. John Henry Osmeña
24. Agapito Aquino
Sa pagka-ikalawang-pangulo, alam na kaagad ng masa kung sino ang mananalo. Nakita ng mga mahihirap sa buhay ang kanilang pag-asa sa katauhan ni Erap ng NPC. Nasabi ko na noon na ang buhay natin ay PBA - pulitika, basketball, artista. Si Joseph Estrada ang naging ehemplo ng mga artistang Pinoy upang sumabak sa pulitika. Walang kalaban-laban ang kanyang mga katunggali sa puwesto - Marcelo Fernan (LDP), Emilio Osmeña (Lakas), Ramon Magsaysay, Jr. (PRP), Aquilino Pimentel, Jr. (PDP-Laban), Vicente Magsaysay (KBL), at Eva Estrada-Kalaw (Nacionalista). Nakuha ni Erap ang 33% ng kabuuang dami ng mga balota na dahilan upang matamo niya ang "landslide victory" laban sa mga nag-suicide na sumubok bumangga sa kanya.
Matapos mapako ang mga pangako ng EDSA, nanabik ang sambayanan na makapili ng panibagong pangulo. Puwede pa muling tumakbo si Tita Cory ngunit hindi na niya kinapalan ang kanyang mukha dahil sa mas lumalang sitwasyon ng bansa sa ilalim ng kanyang panunungkulan. Sinabi niyang hindi pang-habambuhay ang pagiging presidente.
SALVADOR LAUREL
Nacionalista Party
"Unblemished name and public service record."
Ang bise-presidente natin sa loob ng anim na taon mula 1986 hanggang 1992. Naging running-mate ni Tita Cory na tumakbo sa ilalim ng United Nationalists Democratic Organizations o UNIDO upang kalabanin ang rehimeng Marcos. Hindi siya sinuportahan ng biyuda ni Ninoy para sa pagka-pangulo noong 1992.
JOVITO SALONGA
Liberal Party
"Clean government and adherence to law."
Isa rin siya sa mga kumalaban kay Marcos noong panahon ng Martial Law. Naging chairman din ng PCGG at naging senate president mula 1987 hanggang 1992. Hindi siya pinalad maging presidente kahit na kuha niya ang mayorya ng mga estudyante noong panahon ng kampanya bago mag-eleksyon.
Matapos mapako ang mga pangako ng EDSA, nanabik ang sambayanan na makapili ng panibagong pangulo. Puwede pa muling tumakbo si Tita Cory ngunit hindi na niya kinapalan ang kanyang mukha dahil sa mas lumalang sitwasyon ng bansa sa ilalim ng kanyang panunungkulan. Sinabi niyang hindi pang-habambuhay ang pagiging presidente.
SALVADOR LAUREL
Nacionalista Party
"Unblemished name and public service record."
Ang bise-presidente natin sa loob ng anim na taon mula 1986 hanggang 1992. Naging running-mate ni Tita Cory na tumakbo sa ilalim ng United Nationalists Democratic Organizations o UNIDO upang kalabanin ang rehimeng Marcos. Hindi siya sinuportahan ng biyuda ni Ninoy para sa pagka-pangulo noong 1992.
JOVITO SALONGA
Liberal Party
"Clean government and adherence to law."
Isa rin siya sa mga kumalaban kay Marcos noong panahon ng Martial Law. Naging chairman din ng PCGG at naging senate president mula 1987 hanggang 1992. Hindi siya pinalad maging presidente kahit na kuha niya ang mayorya ng mga estudyante noong panahon ng kampanya bago mag-eleksyon.
IMELDA MARCOS
Kilusang Bagong Lipunan
Marami ang nagulat sa desisyon ni Madam na tumakbo bilang presidente. Tingnan nalang daw ang dalawang dekadang pamumuno ng kanyang asawa sa anim na taong panunungkulan ni Aquino. Hindi siya lumalabas na panggulo sa eleksyon dahil nakuha pa niya ang ika-limang pwesto sa listahan ng mga presidentiables ayon sa botong nakamit.
RAMON MITRA, JR.
Laban ng Demokratikong Pilipino
"Taking full responsibility for the next six years."
Siya ang House Speaker na unang pinili ni Tita Cory na suporthan sa pagka-pangulo ngunit inilaglag bandang huli upang ipagpalit kay FVR. Tubong-Palawan, siya ang boss ng Tito Nonoy ko kaya malaki ang suporta ng mga kamag-anak namin sa kanya. Marami ang hindi naniniwalang lumaki siya sa hirap dahil sa kanyang mestizong itsura. Naalala ko pa ang kanyang teevee commercial na naglalakad sa tabing-dagat na may kasamang mga bata. Simple lang ang kanyang pananamit at may hawak bang tungkod na nagbigay sa kanya ng mala-ermitanyong dating. Sa isa sa kanyang mga talumpati, sinabi niyang "All candidates say they're going to do something about poverty, I don't doubt the sincerity of their words. But do they really know how it is to be poor? Do they really know how it is to be hungry, really hungry? I do. Do they know how to throw a fishing net, how to fish from a boat through the long night? I do. The farmer who follows the carabao, what he thinks and what he feels, is something I know very well.".
EDUARDO COJUANGCO, JR.
Nationalist People's Coalition
"Business brass tacks and management acumen."
Ang kaslukuyang chairman ng San Miguel Corporation na pinsan ni Cory. Sabi ng karamihan, "blood is thicker than water" pero sa kaso ni Danding, hindi niya nakuha ang suporta ni Tita Cory sa ambisyong maging pinakamakapangyarihang tao sa Pilipinas. Alam naman ng lahat ang kwento tungkol sa kanyang pagiging malapit sa angkan ng mga Marcoses.
MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO
People's Reform Party
"Out with traditional politics."
Nakikilala siya ngayon ng mga kabataan bilang senadorang may baong mga pickup lines.
Sa mga kumandidato noong 1992, kahit na hindi pa ako pwedeng bumoto, siya ang manok ko. Magaling magsalita sa harap ng tao mapa-Tagalog o Ingles man ang wikang ginagamit. Marami ang hanga sa kanyang lawak ng bokabularyo kaya naman marami ang napapanganga kapag siya na ang nagsasalita. Wala rin siyang hawak na kodigo kapag nagtatalumpati katulad ni Marcos. Mabilis sumagot sa mga katangungan at may nilalaman ang mga pinuputak. Sabi ko sa aking sarili, siya ang kailangan ng bansa upang makamit ang pagbabago. Halos lahat ng mga kabataan ay paborito siya kaya panalangin ko noon na siya ang manalo.
Okay na ang lahat ngunit ilang buwan o linggo bago ang eleksyon ay lumabas ang mga propaganda laban sa kanya. May kumalat na balitang siya daw ay may "brain damage" at simula noon ay binansagan siyang "Brenda". May nabasa rin akong flyer noon tungkol sa pagtawag niya sa mga estudyante bilang kanyang mga alipin. Pumutok din ang bisyo ng kanyang asawa sa pagsasabong. Nakasira ito sa mataas na rating niya sa mga surveys. Sayang.
Lakas Tao - National Union of Christian Democrats
"People empowerment from EDSA 86 to EDsa 92."
Ang nanalo sa bilang pangulo sa naganap na 1992 Elections. Marami ang nagtatanong kung bakit siya ang pinili ni Tita Cory gayung isa siyang Protestante kumpara kay Mitra na isang Katoliko. Nakaapekto sa pagpili malamang ang suportang ibinigay ni FVR kay Cory noong mga panahong gustong pabagsakin ang Aquino Administration sa pamamagitan ng mga kudeta.
Sa totoo lang, hindi ganun kalakas ang dating ni FVR noon lalo na sa mga kabataan. Ayon nga sa tala, siya ang may pinakamababang "plurality" sa kasaysayan ng eleksyon ng Pilipinas.
Noong mga unang limang araw ng bilangan ay lamang si Miriam Santiago ngunit nabaligtad ito noong mga sumunod na araw. Inakusahan siya ni Miriam ng pandaraya at ang malawakang "brownout" daw ang naging daan upang siya ay manalo. Sa kabuuan, 5.3 milyon na boto ang nakuha ni Ramos habang 4.5 milyon naman ang kay Santiago. 800k lang ang lamang ni FVR kaya umapela noon si Miriam na magkaroon ng "recount".
Ang May 11, 1992 Elections na yata ang masasabi kong pinakakapana-panabik na eleksyong naranasan ko sa aking buhay. Kasing-kulit nito ang ng mga unggoy ng 1992 na sa Chinese Horoscope ay "Year of the Monkey".
No comments:
Post a Comment