"Isa kang Batang 90's kung naabutan mo ang "Lunch Date" at "SST" sa Siete kung kailan sikat na sikat si Randy Santiago."
Halos kasing-tanda ko ang Eat Bulaga. Ipinagmamalaki ng mga dabarkads ang kanilang ikatlong dekada sa telebisyon dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin matinag ang trio nila Tito, Vic, and Joey kahit na hindi na sila bumabata sa paglipas ng panahon. Ilang noontime shows na ang pinataob ng itinuturing na pundasyon sa oras ng siesta ng mga Pinoy.
Dekada NoBenta na nang magkamalay ako sa mga noontime shows. March 10, 1986 unang umere ang "Lunch Date" sa GMA Network, Nineties ko na nasakyan ang mga kalokohan ng mga hosts na paboritong pinapanood ng ermats ko. 'Yung batch na nila Toni Rose Gayda ang medyo naaalala ko. Siya nalang ang natira sa orihinal cast kung saan kasama sila Rico J. Puno, Orly Mercado, at Chiqui Hollman.
Naisip siguro ng Channel 7 na medyo oldies na ang naunang tropa kaya nila pinalitan ang pangkat ng mga hosts. Pinaghalo nila ang mga bago at lumang mukha sa showbis tulad nila Keno na walang apelyido, Jon Santos, Fe Delos Reyes, Pilita Corrales, Dennis Padilla, Lito Pimentel, Tina Revilla, Sheryl Cruz, Louie Heredia, Willie Revillame, at Randy Santiago.
Si Ratsky ang dahilan kung bakit pinapanood ng nanay ko ang palabas na ito. Sobrang sikat niya noong mga panahong iyon - patok na patok sita sa radyo, sa tv, at sa sinehan. Maniwala man kayo o hindi, si Willie ay isa pa lamang sa mga "hawi boys" ni Randy noong mga panahong iyon. Magaling ang naging desisyon ng Siete na gamitin ang taong nagpasikat sa mga kanta tulad ng "Hindi Magbabago" at "Babaero".
Naging idol ng kapatid kong si Pot ang artistang nagpasikat din ng shades sa Pinas. Ang mga kanta ni Teroy ang ipinanglalaban dati ni utol sa mga singing contests. Sa sobrang kasikatan noon ni Randy ay hindi nakaligtas ang papel na limang piso. Kapag nilagyan mo ng nunal at salamin, at ginawang long hair si Aguinaldo ay magmumukha siyang si Randy Santiago! Ang dami nitong kumalat noon kaya nagbigay ng babala ang Bangko Sentral ng Pilipinas na ipinagbabawal ng gobyerno ang ganitong bandalismo at sino mang mahuhuli ay mabibigyan ng karampatang parusa.
Maraming segments ang Lunch Date. Ang ilan sa mga sumikat dito ay ang "Modus Operandi" - isang comedy sketch nila araw-araw na pangtapat sa "Bulagaan" ng EB. "Dear Kuya Randy, PS Kuya Lito" na spoof ng mga anthology at advice shows. "Mister Dream Boy" , talent search na hango sa kanta ni Sheryl Cruz at kung saaan may tyansa ang mananalo na makasali sa "That's Entertainment". "Munting Mutya Philippines" na ipinantapat sa "Little Miss Philippines". Paborito ko sa lahat ang mga pamatay na adik na tirada sa "Power Words" ni Toni Rose Gayda na parang sinaunang "Ang Dating Doon".
ang BMG dancers ang madalas na opening act ng Lunch Date
Sayang ang effort dahil noong namatay ang Randy-mania ay nawalan na ng kislap ang kalaban ng EB. Ang huling palabas nila ay noong March 6, 1993. Nagdesisyon ang GMA na magbago ng format. Sina Randy at Dennis lang ang nanatili mula sa dating grupo. Unang umere noong March 20, 1993, isinama sa dalawa sila Smokey Manoloto, Giselle Sanchez, Liezl Martinez, Joy Ortega at ang da bomb na si Anjanette Abayari. Binago nila ang taytol ng show - "Salo-Salo Together" o "SST".
Ilang buwan matapos lumabas sa ere ay medyo nakaarangkada ang bagong palabas laban sa EB. Epektibo ang mga bagong pakulo dito tulad ng "Knock Knock, Hello" kung saan bibigyan ka ng wall clock kapag nakita ng crew na may sticker ng SST ang gate o pinto ng bahay ninyo. Sumikat din ang segment na "Grabe!" na parang live studio version ng "Who Dares Win". Panalo din ang "Sari-Sari Stories" na gumagawa ng spoof ng mga pelikulang Pinoy at kung anu-ano pang pop culture. Dito nabigyan ng break sina Ai-Ai Delas Alas at Bayani Agbayani na parehong nagsimula sa mga karakter na laging kinakawawa.
Habang gumaganda noon ang ratings ay napabalitang lilipat ang Eat Bulaga sa Siete dahil hindi sila nagkasundo ng Dos. Tsismis lang sa ito simula pero sa New Year Episode ng SST noong December 31, 1994, pinasabog ni Randy ang katotohanan. Sayang dahil hindi nila napatunayan sa madla na puwede silang makipagkumpitensya sa TVJ and company.
Hindi naman agad nawala ang SST dahil ginawa silang pre-program ng EB tuwing 10:30 ng umaga. January 27, 1995 ang huling paglabas nila bilang "noontime show". Binago ang format nila at ginawang isang talkshow para ipangtapat sa "Teysi ng Tahanan" ng Dos. Noong January 30, 1995, nagkaroon si Giovanni Calvo ng segment sa SST na "Katok Mga Misis" kung saan tsismax ang pakulo.
Hindi naging maganda ang rating ng SST kaya nagpaalam ito sa ere noong July 28, 1995.
Sa kultura nating mga Pinoy, hindi na mawawala ang mga variety shows. Maaring nakalimutan na natin ang mga primetime variety shows tulad ng "Superstar", "Vilma in Person", "Tonight with Dick and Carmi" na napalitan ng mga lecheseryes, fantaserye, paskoserye at iba pang putaserye, ngunit hindi na mawawala sa panlasa natin ang mga ito tuwing hapon.
Sila lang naman ang nagsisilbing patis sa hapag-kainan natin tuwing alas-dose ng tanghali!
wow...
ReplyDeleteang tatag ng EB..di ko nga lang alam yung mga issues na nabanggit mo, kasi bata pa ko nun..hehe..
noontime shows..yeah,bahagi na din yan ng buhay ng pinoy..
ang astig mo talaga kuya!..
Yam, salamat sa pag-appreciate mo sa blog na ito. Keep enjoying my post. New topics every week.
ReplyDeletewow history ito ng Philipine noontime shows ang galing mo :-)
ReplyDeletethanks POEA. Sana ay mabasa mo rin ang iba pang stories dito. Spread the word. Peace!
ReplyDeletehaha lecheserye. talagang sumikat nang todo si willie e noh? nakakamiss ang sticker ng sst. nagkabit yata kami niyan sa pintuan ng bahay namin pero hindi naman kami nanalo.
ReplyDelete- tenco
si willie na yata ang pinakasumikat na pinakamayamang mayabang. Magkaroon ka ba naman ng mansyon at yate eh!
ReplyDeleteAng galing ng post mo ah.. detalyado.. I do remember yung EB nung bata pako. It was still on Channel 9, then sa 2, then sa 7. Pinapanood ko to as in. Hanggang ngayon..
ReplyDeleteang ganda ng blog mo, ang galing mo pang magsulat, panalo!
ReplyDeleteAng galeng ng blog mo Sir.. Sobrang nostalgic.. Naaala ko kabataan ko.. At P1.50 pa lang pamasahe nung mga time na yun.. Hahaha.. Kudos to you blog Sir..
ReplyDeleteReal Time Analyst
galing! SST stickers naalala ko tuloy ang kabataan ko..hahaha
ReplyDelete