Thursday, January 14, 2010

Master of Puppets

"Isa kang Batang 90's kung alam mong si Dino Ignacio ang utak ng 'Bert is Evil'."

Bago ko pa man nagustuhan ang mga paulit-ulit na kuwento ni Kuya Bodjie sa Batibot ay namulat na muna ako sa Sesame Street kung saan bida si "Big Bird", ang icon ng hinahangad na laki at haba ng mga kalalakihang Pinoy. Kasama ng birdie sa palabas ang dalawa sa mga paborito kong puppets na sina Ernie and Bert

Dekada NoBenta nang marinig ko sa "Twisted on a Sunday" radio talkshow ni Jessica Zafra sa 103.5 K-Lite ang tsismis na mamamatay na raw si Ernie sa children's show. Kumalat ang haka-hakang ito nang pumanaw si Jim Henson noong 1990 dahil sa ispekulasyon na walang papalit sa kanya. Napagkwentuhan nila ang posibilidad na bakla raw ang tandem at ito ang magiging dahilan ng pagkakaroon ni Ernie ng HIV.

Urban legends lang ang mga ito at hindi naman totoong nangyari dahil pinalitan ni Steve Whitmire si Jim at pinabulaanan ng Children's Television Workshop ang pagiging binabae ng dalawa na itinuturong dahilan ng pagkakaroon ng AIDS ni Ernie (Trivia: nagkaroon talaga ng HIV-infected character ang "Takalani Sesame", isang international version ng program).

Maaring tsismis lang ang mga iyon ngunit may sumulpot na website noon na nagsasabi at nagpapatunay na si Bert ay talagang masama - ang malufet na tambayan sa net ni Dino Ignacio.

Tampok sa Fractal Cow noon ang "BERT IS EVIL" kung saan makikita ang mga larawan ni Bert na kaiba sa kinalakihan nating pagkakakilala sa kanya bilang cute at palasaway na puppet sa Sesame Street. Makikita doon ang kanyang mga koneksyon sa iba't ibang mga tao o mga grupo ng kasamaan. Ipinadala daw ito kay Dino ng ilang mga taong gustong maibunyag sa buong mundo ang tunay na pagkatao ng pakner ni Ernie ngunit mga natatakot na magpakilala . Siyempre hindi totoo ito kundi patawa lang.

bert is evil Pictures, Images and Photos
Si Dino ang isa sa mga paborito kong panauhin sa show ni Jessica. Nabilib ako sa kanya dahil ang galing-galing niya sa computer at internet. Base sa mga kuwento niya, maraming naaaliw sa digitally-edited pictures ng puppet na iyon kasama ang mga sikat na kontrabida sa mundo, mga masasamang grupo, at iba pang mga kampon ng kadiliman. Noong una, gusto niya lang makasama sa listahan ng mga links ng Rotten na kilala sa mga "out of this world" stuff. Nangyari naman ang kanyang kagustuhan at ang malufet pa nito ay tinangkilik ng iba pang humorists sa cyberspce ang kanyang bahay-sapot. Dumating ang panahon na marami nang mirror sites ng kanyang tambayan. Marami rin ang gumawa ng mga bersyon ng mga ebidensya ng kasamaan ni Bert.

Ang paborito ko sa Fractal ay ang larawan ni Bert kasama si Adolf Hitler. Hindi ko pa alam ang Photoshop noon kaya astig na astig ito nang una kong makita. Hinahangaan ko pa naman ang katalinuhan ng diktador na ito.


May koneksyon din daw ang hugis ng ulo ni Bert sa ulo ng mga aliens. Hindi kailangan ng "common sense" kundi "sense of humor" para maintindihan ito at matawa. Kung sabagay, mga nerds lang na tulad ko ang may mababaw na kaligayahan sa mga ganitong klaseng patawa.

Isa ko pang paborito doon ay ang tungkol sa "Tickle Me Elmo" - hindi siya si Bert pero kasama siya sa pamilya ng mga puppuets ng Sesame. Sikat na sikat ang laruang ito noon sa Tate at iba't ibang panig ng mundo. Malikot ang isip ni Dino kaya sinubukan niyang i-backmask ang sinasabi ni Elmo na "Oh boy, that tickles!". Dahil gibberish, parang maririnig mo na sinasabi ni Elmo ang "What the Fuck! Whoa! Hohoho!"


Sayang dahil kahit na maraming hinakot na web awards ang Fractal Cow ay hindi na natin ito masisilayan. Hanggang mirror sites nalang dahil nag-shutdown na ang orihinal na BIE noong 2001 matapos na masama ang imahe ni Bert sa litrato ni Osama Bin Laden na ginamit sa sa isang protesta sa Bangladesh. Nakita ko ang kopyang iyon ng Time Magazine. Kung ako ay nagulat, ano pa kaya ang naramdaman ni Dino nang makita niya 'yun? Ano naman ang kinalaman ni Bert kay Bin Laden?
Evil Bert Pictures, Images and Photos

Kaya kahit na sikat, napilitan si Dino na ihinto na ang lahat. Narinig ko sa Twisted ang panayam sa kanya tungkol dito. Wala siyang kinalaman sa litratong iyon and ayon sa kanya, malamang sa alamang ay galing 'yun sa mga mirror sites at aksidenteng nagamit sa kilos-protesta. Ayaw na niyang umabot pa ang kalokohang ito sa mga bata ng susunod na henerasyon. Patawa lang ang intensyon nya noong una ngunit kapag ganitong seryoso na, ibang usapan na raw ito. Sinabi niya sa isang panayam ang tunay na dahilan ang pagsasara ng BIE, "I am doing this because I feel this has gotten too close to reality.".

Sa ngayon, malayo na ang narating ni Dino. Ipagmamalaki mong isa kang Pinoy kapag alam mong siya ang gumawa ng user interface ng video game na "Dead Space" ng Microsoft. Nakatrabaho na rin niya ang Filipino-American stand–up comic na si Rex Navarrete para produksyon ng "Maritess vs. The Superfriends" na isang flash animation. Naging head din siya ng  Imaging+Design ng ABS-CBN Global mula 2007 hanggang 2008.

Geeks rule the world.





3 comments:

  1. Perry The PlatypusJune 3, 2010 at 12:10 AM

    Malaki yung nakuha niyang parangal ha.. Big time na siya ngayon. He works for EA Games. Siya pala gumawa ng UI for Dante's Inferno and Dead Space. MABUHAY ANG PINOY!!!!

    ReplyDelete
  2. wow parekoy, bagong kaalaman yan from you ha. astig talaga si Dino! Saludo at bow ako sa kanya! \m/

    ReplyDelete
  3. nito ko lang natuklasan to...wala pa kasi ako internet nang mga panahong iyon...tama big time na sya ngayon...

    trivia: sya ang nag design ng cover ng Sticker Happy

    tanong: nag pose ba talaga si Joey Mead para dun? wala masyado nasusulat sa web tungkol dun eh (i.e. kinumpirma ni Joey Mead na sya talaga yun), knowing na magaling magedit itong si Dino.

    ReplyDelete