Friday, April 15, 2011

Ina ng Pinoy Lecheseryes

 paano kaya kung si Gladys ang naging si Mara?

Hindi ako mahilig sa mga lecheseryes (maliban sa original na Mari Mar starring Thalia).

Pero nang magbakasyon ako ng halos dalawang buwan sa Pinas ay 'di ko magawang palipasin ang isang taenang episode ng 2010 remake ng MARA CLARA. Alam ito ni Supernanay dahil kapag ito na ang ipinapalabas sa teevee ay talagang nakatutok ako kasama sila. Minsan nga ay ako lang mag-isa. Bawal kumurap. Commercial lang ang pahinga.

Nagmukha tuloy akong die-hard fan ng "Ina ng Pinoy Teleserye" (ayon sa kanilang nanay na ABS-CBN). Ang totoo, gusto ko lang naman makita kung paano nila pilit na pinapantayan ang legacy na iniwan ng original na palabas na sinubaybayan ng sambayanang noypi noong Dekada NoBenta.


Sino nga ba ang makakalimot sa pang-aapi ni GLADYS REYES (bilang Clara) kay JUDY ANN SANTOS (bilang Mara)? Kung napanood mo dati ang mga episodes nito ay siguradong maaawa ka sa mga namamagang pisngi ni Juday na pinapaliguan ng mga malulutong na nagliliparang sampal ni Gladys! Nalaman ko dati sa isang talkshow na totoo daw ang mga sampalan at sabunutan sa harap ng camera para mas feel nila ang pag-acting. Ouch, kaya naman pala mas lalong namaga ang mukha ni Juday matapos ang series na ito.

Magaling ang pagkakaisip ni EMIL CRUZ JR. (na siya ring director ng MC) para sa main characters ng kanyang nobela - isang nakakaawang siopao, este tao pala, na inaapi ng isang maldita. Patok na patok sa ating panlasa ang mga ganitong melodrama kaya naging napakataas ng ratings nito. Mantakin mong umabot ng 1,209 lang naman ang mga episodes ng palabas na ito. Wala na yatang kokontra kung inangkin na nito ang title bilang "Longest Series of Philippine Drama" dahil apat na taon at kalahati itong tinanggkilik ng masa.

August 17, 1992, 2:30 PM, unang nasilayan ang Book One ng buhay sa pagitan nina Mara at Clara. Nasa Second Year Highschool ako during that time at ang uwian namin ay alas-tres ng hapon kaya mga last fifteen minutes nalang ang naaabutan ko pagdating sa bahay. Kahit na mga huling minuto nalang iyon ay masaya pa rin akong nakikisali sa panonood kasama ang buong barangay dahil hitik pa rin sa bakbakan ang nakikita ko sa teevee. Taena, kung may asawa o kapatid ang demonyo, malamang ay si Clara na iyon dahil ginawa niyang impyerno ang mundo ni Mara!

Hindi ko alam kung bakit sarap na sarap tayong sumusubaybay at gustung-gusto nating malaman ng mga DEL VALLE at DAVIS ang katotohanan sa kung sino ang kani-kanilang tunay na anak. Kahit na pinahaba ng pinahaba at pinagulo na ng pinagulo ang istorya hanggang sa umabot sa Book Two ay okay lang. Tumaas ang ratings to the highest level kaya nalipat ang time slot nito sa prime time noong 1996, taon na kung kailan naisipan ding gawin itong pelikula. Ang totoo, ito ang first teevee series ng ABS na nagkaroon ng film adaptation sa Star Cinema

Ang daming mga memorable "sampalan scenes" sa Mara Clara. Sa sobrang dami, ni isa ay wala na akong maalala. Siguro ay dahil naumay na ang mata ko sa kakapanood ng paulit-ulit na pang-aapi sa bida.

Mas naaalala ko pa ang pagkamatay sa tunay na buhay ni ERUEL TONGCO, ang gumanap na Gary Davis na "tatay from hell" ni Mara. Sa kanyang pagpanaw dahil sa isang car accident, naiba ang takbo ng istorya - nakita natin kung paano gumana (daw) ang mga craetive writers ng higanteng network. Ito rin ang naging dahilan upang si William Martinez ang gumanap sa kanyang character sa film adaptation.

Naisama rin sa extended cast ng palabas na ito sila Wowie De Guzman, Rico Yan, Christopher Roxas, Paolo Contis, at Angelika dela Cruz. Ito ang teleseryeng nakapagpaganda ng kani-kanilang karera sa mundo ng showbis. Sayang nga lang at binangungot si pareng Corics.

Noong nineties, katanggap-tanggap ang mga ganitong apihan sa teevee. Pero kung papanoorin mo ang mga taenang remake-remake ng mga sumikat na palabas noon ngayong nasa panahon ka na ng potang Ipad, matatae ka na o kaya'y masusuka. Kahit na lagyan mo ng wi-fi ang beeper, magmumukha ka lang tanga dahil celfone na ang uso.


11 comments:

  1. base.

    kung mauulit ang 4 years sa remake ng mara clara, tyak bgsak n ratings. nnawa n tayo sa mhhbang sow.

    pero mas mganda yung orig kasi talagang may emosyon lalo n tuwing bugbog sarado sa sampal at pang-aapi ang siopao

    ReplyDelete
  2. nagoyo rin ako ng mara clara na 'yan, ser. pero hindi katulad nung dalaginding sa youtube na naglupasay sa kama dahil akala niya kasamang naging pira-pirasong karne si mara sa pagsabog. lol!

    alam mo kung sino ang tunay na del valle?
    .
    .
    .
    si desiree del valle! XD

    ReplyDelete
  3. -Ouch, kaya naman pala mas lalong namaga ang mukha ni Juday matapos ang series na ito.

    -sang nakakaawang siopao, este tao pala, na inaapi ng isang maldita.

    ------------------------

    Grabe pre. Lakas ng tawa ko sa dalawang linya na yan. Oi, infairness payat na siya ngayon ah. lol.

    ReplyDelete
  4. grabe naman pala yung old mara clara, 4 years ang running period wow!!!

    ReplyDelete
  5. 'di naman...gusto nga nilang tapusin sana iyon after pa ng Dekada NoBenta!

    ReplyDelete
  6. salamat parekoy! tambay ka ulit dito! \m/

    ReplyDelete
  7. sa kasamaang palad ni marya, 'di ko pa napapanood ang kawawang dalaginding sa iyotube. 'di ko na rin naaaabutan noong nasa pinas ako 'yung episode na tinutukoy mo.

    si desiree...taena, ang galing mo ser, 'di ko naisip 'yun! \m/

    ReplyDelete
  8. nakakaumay na ang mga ganung eksena. at tama ka, siguradong babagsak ang ratings dahil magiging mabagal ang takbo ng istorya pag sinubukan nila ulit itong ipalabas sa loob ng apat na taon. sanay na tayong mga noypi na ilang buwan lang ang itinatagal ng mga lecheseryes!

    ReplyDelete
  9. as in poh lecheserye..hehehe...naaddict dn aq rto..crush q p nga si Rico Yan (RIP)...hehe..and gndang gnda ako ke angelika dela cruz..dati ngaun...nkksawa na

    ReplyDelete
  10. magkakasundo kayo ng ermats ko. lab na lab nya pa rin si rico yan kahit na nasa ilalim na ito ng lupa!

    ReplyDelete
  11. si cardo na po ata ngayon ng probinsyano ang tatalo sa legacy nila hahaha

    ReplyDelete