"Isa kang Batang 90's kung isa ka sa mga nagulat sa anunsyong walang napiling 'Best Picture' noong 1994 MMFF."
Bago natin simulan ang kuwentuhan ay linawin muna natin ang pagkakaiba ng MMFF at MFF dahil marami ang nalilito sa dalawang kapistahan.
Ang Manila Film Festival o MFF ay taunang pista ng mga pelikula na ginaganap tuwing sasapit ang "Araw ng Maynila", Hunyo 24. Nabalot ito ng kontrobersiya noong 1994 nang magkaroon ng dayaan sa mga parangal na "Best Actor" at Best Actress" kung saan nasangkot ang mga personalidad na sila Ruffa Gutierrez, Gabby Concepcion, Lolit Solis, Nanette Medved at ang yumaong Miss Mauritius Viveka Babajee. Naitala ito sa kasaysayan bilang "MFF Fiasco" at naging pamoso sa linyang "Take it, take it!".
Rewind tayo back to the year 1975, ang taon kung kailan unang ginanap ang Metro Manila Film Festival. Dito nagsimula nag tradisyon ng mga Pinoy na kapag Christmas Season ay puro Tagalog na pelikula ang ipinapalabas sa mga sinehan. Tumatagal ang pagtatampok ng sariling atin mula Disyembre 25 hanggang sa unang linggo ng Enero ng susunod na taon. Wala kang magagawa kundi gastusin nalang ang aguinaldo galing mula kila ninong at ninang sa mga "quality films" na pinagbibidahan ng mga tinitingala nating mga artista sa industriya. Tampok din sa kasiyahan ang parada ng mga artista na nakasakay sa float sa opening ng festival. Sa awards night ay binibigyan ng parangal ang mga artista, producers, direktor, at maging ang mga floats na ginamit sa parada.
Ang pelikulang unang tumanggap ng award for "Best Picture" ay ang "Diligin Mo ng Hamog ang Uhaw na Lupa". Ito rin ang pelikulang nagbigay ng "Best Actor" award kay Erap at "Best Director" naman para kay Augusto Buenaventura. Ang award-giving body ay ang nagbigay din ng parangal sa mga di-malilimutang mga pelikula tulad ng "Burlesk Queen", "Bulaklak ng City Jail", "Karnal", at ang "Himala" na kinilala ng CNN bilang "Best Asia-Pacific Film of All Time" noong November 11, 2008.
Fast forward to December 27, 1994 sa "Gabi ng Parangal". Ayon sa mga kuwento, ang 20th MMFF Awards Night ay ang pinakamalamya kumpara sa mga nakaraang taon at hindi rin ito masyadong pinansin ng mga personalidad sa industriya ng pelikulang Pilipino. Bilang lang ang mga nakitang bigating artista doon at ang karamihan sa mga dumalo ay mga nominado lang kaya nandoon tulad ni Pidol. Hindi naman ito ikinagulat ng madla dahil alam ng lahat na nawalan ng gana ang mga kritiko at iba pang may kinalaman sa mga pelikula dahil sa naganap na dayaan sa MFF ilang buwan lang ang nakakaraan.
Ang mas ikinagulat ng sambayanan ay ang pahayag ni Dr. Alejandro Roces, ang noo'y MMFF Chairman of the Board of Jurors, na walang nominado at karapat-dapat na manalo para sa anim na kategorya - "Best Picture", "2nd Best Picture", "3rd Best Picture", "Best Director", "Best Screenplay", at "Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Award". Maririnig sa mga panauhin ang hiyawan ng panghihinayang ngunit mayroon din namang mga sumang-ayon sa desisyon ng bumubuo ng kapistahan. Isa itong direktang sampal sa pagmumukha ng lahat ng mga organizers. Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng MMFF na hindi kumpleto ang mga parangal.
Noong taong iyon ay anim ang pelikulang nakapasok - dalawang action, dalawang comedy, at dalawang fantasy / horror.
"Kanto Boy 2: Anak ni Totoy Guwapo" - Pinagbidahan ni Ian Venaracion at ng katambal niyang si Kimberly Diaz. Kasama sila Ramon Christopher, Bob Soler, Max Laurel, Dencio Padilla,at Dick Israel. Sa direksyon ni Augusto Salvador.
"Lucas Abelardo" - Sa wakas ay naging bida rin si Roi Vinzon na madalas ay supporting role lang ang papel sa mga pelikula. Kasama niya dito sila Bembol Roco, Dante Rivero, Bob Soler, Dencio Padilla, at iba pa. Sa direksyon ni Jose "Kaka" Balagtas
"Wanted: Perfect Father" - Ang pamasko ni Dolphy kasama sila Dawn Zulueta, ang tunay na 1994 MFF Best Actor na si Edu Manzano, Babalu, at Jefrey Quizon. Sa direksyon ni Efren Jarlego.

"Mama's Boys 2: Let's Go Na!" - Isang riot na comedy movie mula kila Anjo Yllana, Ogie Alcasid, Michael V., at ang baluktot-dilang si Patrick Guzman. Sa direksyon ni Tony Y. Reyes.
"Ang Pagbabalik ni Pedro Penduko" - Sa anim na mga pelikulang nakapasok sa MMFF, ito ang naaalala kong pinanood ko mismo sa sinehan kasama ang pinsan kong si Badds. Bida dito si Janno Gibbs at kasama niya sila Chiquito, Leo Martinez, Vina Morales, at Donita Rose. Sa direksyon ni J. Erastheo Navoa. May cameo rin dito sina Andrew E. bilang si Captain Barbell at Anjanette Abayari bilang Darna. Pinakapaborito ko 'yung eksenang ginamit ni Janno ang bato ni Narda. Maluwag ang bra sa kanya nang sumigaw siya ng "Darna!".
"Shake, Rattle & Roll V" - Hindi kumpleto ang kapistahan kung wala ang pelikulang ito. Isa na siyang "Pinoy Tradition" na maituturing. Ang tatlong episodes nila ay sa direkyon nina Manny Castaneda at Jose Javier Reyes. Episode 1: “Maligno” - ang pekeng 1994 MFF Best Actress Ruffa Gutierrez at Monsour del Rosario; Episode 2: “Anino”- Sheryl Cruz, Jaclyn Jose, Dingdong Dantes, at Ogie Diaz; Episode 3: “Impakto”- Cast- Manilyn Reynes, Tom Taus, Jr., Chuck Perez, at Don Pepot.
Malamang sa alamang ay naging maingat ang mga hurado sa proseso ng pagpili ng mga nanalo dahil na nga sa MFF Fiasco, ngunit hindi nakaligtas ang MMFF sa pangungutya ng mga kritiko dahil sa mga ipinanalo nitong "Best Actor" at "Best Actress". Marami ang nagsasabing hindi ganun kaganda ang mga pelikulang inihain noong taon na iyon pero sigurado namang may mga mahuhusay na artista kahit na hindi pang-Cannes ang mga tema ng palabas.
Si ROI VINZON ang itinanghal na pinakamahusay na aktor sa gabi ng parangal. Kalaban lang naman niya sa kategorya ang "Hari ng Komedya" kaya marami ang nagulat. Ganun pa man, naging mapagpakumbaba si Roi at sinabi sa kanyang talumpati na siya ay nagpapasalamat sa mga hurado sa kung ano mang nakitang potensyal sa kanya upang magwagi sa kategorya.
Kung marami ang nagulat kay Roi, mas maraming nagulat sa itinanghal na pinakamagaling na aktres, ang baguhang si KIMBERLY DIAZ. Sino daw? Kimberly Diaz. Paki-ulit lang dahil hindi ko siya kilala. Kimberly Diaz. Hindi ko talaga siya kilala. Tingnan mo 'yung caption ng litrato niya sa Manila Standard, walang nakalagay na Best Actress, hindi katulad kay Roi na may nakalagay na Best Actor. Ano kaya ang naramdaman ni Dawn Zulueta sa pagkakapanalo ni Kim?

Sino nga ba talaga si Kimberly? Ayon kay pareng WikiPilipinas, "...is a Filipina actress who did several movies during the 90's and the millenium. She is now more visible as a theater actress and as a commercial model.". Nakasama pala siya sa mga pelikulang "Tirad Pass: The Story of Gen. Gregorio del Pilar (1997)", at "Chickboys (1994)" noong Dekada NoBenta.
Hindi ko pa rin siya maalala.
Naging makulay at kontrobersyal ang taong 1994 sa industriya ng pelikulang Pilipino. Ang mga pangyayaring ito ay nagsilbing "eye-opener" upang baguhin ang pananaw na "pera-pera" lang ang labanan at mapalitan ng mentalidad na kailangan natin ang mga de-kalidad na palabas tuwing may mga ganitong kapistahan upang mabuhay o sumigla ng bahagya ang industriya.
Hindi naawa si Bro. Mukhang mas malala ang mga pelikulang napapanod natin ngayong bagong milenyo.
hala di ko kilala yung mga nanalo sa best actor at actress. yung roi, familiar ang muka nia pero di ko sya matandaans :p
ReplyDelete