RODOLFO "DOLPHY" VERA QUIZON, SR.
July 25, 1928 – July 10, 2012
"Isa kang Batang Nineties kung kilala mo si Kevin Kosme."
Anim na dekada ang itinagal ng nag-iisang "Hari ng Komedya" sa industriya ng Pinoy showbis. Labing-tatlong presidente sa loob ng humigit animnapung taon - magmula kay Jose P. Laurel hanggang kay Noynoy Aquino. Sa ganito kahabang itinakbo ng karera sa pagiging artista, sari-saring mga karakter na naisadula ni DOLPHY. Mga tauhang nagpakilala sa masa ng iba't ibang katauhan at mukha ng mundo.
Sa henerasyon nina erpats at ermats, mas nakilala si Pidol sa "John En Marsha" na unang ipinalabas noong 1973. Ayon kay pareng Wiki, ang programang ito ay "the longest-running and most watched primetime sitcom in the Philippines during the 1970s and 1980s". Ang totoo, sa sobrang tagal nito sa teevee ay naabutan ko pa siya sa RPN 9. Kahit na medyo wala pa ako sa kamunduhan noon ay aliw na aliw na akong nanonood sa masayang pamilya ni John Puruntong. Sino ba naman ang makakalimot sa pamatay na "Kayâ ikaw, John, magsumikap ka!" ng biyenan niyang si Doña Delilah? Sesegundahan pa ng ninang kong si Matutina ng "Etcetera, etcetera, etcetera!" ang bawat sermon ng amo. Panalo!
Para naman sa mga Batang Nineties na tulad ko, mas nakilala si Golay bilang si KEVIN KOSME ng "HOME ALONG DA RILES".
Unang ipinalabas sa ABS-CBN dalawang linggo bago mag-Pasko, December 9, 1992, ito ay ang "return of the comeback" ni Mang Dolphy sa teevee matapos manirahan sa Tate kasama si Zsa Zsa Padilla sa loob ng dalawa't kalahating taon. Ang taytol ay hango sa pelikulang "Home Alone" ni Macaulay Culkin at ang obvious na apelyido ni Kevin ay hango sa bidang aktor ng "The Bodyguard".
Ang kuwento nito ay tumatakbo sa buhay ng biyudong si Kevin at lima niyang mga anak na sila Bill (Smokey Manaloto), Bob (Gio Alvarez), ang ex-gf kong si Bing (Claudine Barretto), at Baldomero (Vandolph Quizon). Kahit na pumanaw na ang kanyang asawang si Sion ay hindi siya pinanghinaan ng loob at patuloy na nagsikap upang maitaguyod ang kanilang pamilya.
Maganda ang naging pagtanggap ng mga manonood sa HADR. Sa primetime nitong oras, ang mga naging tagasubaybay nito ay ang "average Pinoy" na madaling nakaramdam sa pinagdaraanan ng isang Kevin Kosme. Ang mamuhay sa gilid ng riles ng tren ay sumisimbulo sa kahirapan ng Pilipinas; kailangan mong kumapit sa tuwing daraan ang tren! Naipakita ng teevee sitcom na kahit mahirap, masaya basta sama-sama. Nakita ng bawa't Pinoy ang kanilang mga sarili sa katauhan ni Kosme.

Kabilang sa makulit na istorya si Corazon Madamba o Aling Ason (Nova Villa), ang identical twin ni Sion. Siya ang orihinal na nobya ni Kevin ngunit ang kanyang kapatid ang natangay noong sila ay nagplanong magtanan. Meron pa rin siyang pagnanasa kay Mang Kevin kaya madalas niya itong landiin pero hindi naman siya pinapansin. Matulungin si Ason sa kanyang mga pamangkin lalo na sa mga oras ng kagipitan. Kasama niya sa bahay ang kanyang spoiled na ampong si Maybe (Maybelyn dela Cruz) at nakakalokong kasambahay na si Roxanne (Dang Cruz).
Si Tomas (Tommy Angeles) na may-ari naman ng isang sari-sari store sa riles ay ang bespren ni Mang Kevin. Siya ang tagatipa ng gitara kapag trip ni Pidol ang "mag-translate" ng mga kanta. Napakahaba ng listahan ng utang ng mga Kosme sa kanyang tindahan pero patuloy pa rin siya sa pagtulong sa kanyang itinuturing na mabuting kaibigan. Ang mga hindi niya pinagbibigyang utangin ang kanyang mga paninda ay ang mga "Sunog-Baga" o ang mga tambay na manginginom sa riles.
Nagtatrabaho si Mang Kevin bilang isang messenger / janitor sa Lagdameo Placement Agency kung saan ang boss niya ay si Hilary (Cita Astals) na ayon kay Steve Carpio (Bernardo Bernardo) ay ang "babaeng walang balakang". Ang mga girian sa pagitan ni Steve at Kevin ay lalong nagpapasaya sa bawat episode ng palabas na ito. Isama mo pa ang mga sekretarya ng agency - ang may baluktot na dila sa pagta-Tagalog si Nonie (Erika Fife), ang aanga-angang si Sheryl (Sherilyn Reyes), at ang tipikal na si Linggit (Joymee Lim).
Sa paglipas ng panahon ay nadagdagan ng iba pang mga tauhan ang palabas. Si Estong (Boy2 Quizon) ay ang ampon ni Mang Kevin na inihabilin ng yumaong labandera ni Ason habang si Richy (Babalu) naman ay ang kapatid ni Aling Ason sa Ama. Nang pumanaw si Babalu sa totoong buhay noong 1998, siya ay pinalitan ni Carding Castro bilang si Elvis na isa pang kapatid sa labas ni Ason.
Patok sa aming pamilya ang Home Along Da Riles. Hindi puwedeng palampasin ang episode nito. Kapag nakikita ko si Dolphy ay si Mang Kevin ang naaalala ko. At kapag naaalala ko ang palabas niya ay biglang bumabalik sa akin ang mga panahong nagtatawanan kami nila ermat, erpat, at mga utol ko habang nanonood ng teevee.
Minahal ng mga tao ang HADR kaya naman tumagal ito ng higit sa isang dekada (hanggang August 10, 2003 kung isasama ang Home Along Da Airport). Nagkaroon pa nga ito ng dalawang pelikula na ipinalabas noong 1993 at 1997. Naaalala kong napanood naming pamilya ang mga ito sa Sampaguita Theater sa Cubao. Ang daming tao, siksikan, standing room, at talagang box office hits.
Saludo ako sa mga positibong aral na ibinahagi ni Kevin Kosme sa aking henerasyon. Siya ay maituturing na isa sa mga huwarang ama ng mga Batang Nineties. Kahit na nawala man sa ere ang programa at pumanaw na ang nag-iisang Dolphy ay hinding-hindi naman mawawala sa mga isipan ang mga natutunan ko sa inyo!
MARAMING SALAMAT, MANG KEVIN!
MARAMING SALAMAT, PIDOL!
No comments:
Post a Comment