Sunday, August 5, 2012

Ako si Green Two

"Isa kang Batang Nineties kung pinangarap mong maging miyembro ng Bioman."

Noong unang panahon, ako ay napadpad sa kaharian ng National Bookstore baon ang misyong makabili ng mga gagamitin ko sa isang proyekto para sa HeKaSi. Sa paghahanap ng mga mukha ng mga naging presidente ng Pilipinas ay napadpad ako sa lugar kung saan makikita ang mga post cards ng zodiac signs. Noon ko lang nalaman na lahat pala ng mga "cancer" na tulad ko ay ipinanganak na matatalino at gwapings. Matagal ko nang nararamdaman iyon kaya hindi ko masyadong pinansin. Ang natapukaw ng aking atensyon ay ang lucky number na "two" at lucky color na "green" - isa itong signos.

Hindi natupad ang pangarap kong ipatawag ng Galactic Union Patrol upang gawing isang pulis pangkalawakang may sidekick na laging nabobosohan, pero ang lucky color at lucky number ng aking astrological sign ay maaaring palatandaan na ako ay isang bloodline ng isa sa limang nilalang na nabudburan ng "Bio Particles" mula sa Bio Robo limang dantaon na ang nakakaraan.

"RED ONE! GREEN TWO! BLUE THREE! YELLOW FOUR! PINK FIVE!"

Hindi ito product codes ng mga food coloring na ginagamit sa palamig ni Manong Hepa. Ito lang naman ang isa sa mga madalas mong maririnig na isinisigaw ng mga batang naglalaro noong uso pa ang lansangan. Lahat ng totoy at nene noon ay pinangarap na maging tropa ang android na si Peebo para makahingi ng Techno Brace na ginagamit upang makapag-transform at maging isang (CHOUDENSHI) BIOMAN. Ipinalabas sa Japan mula February 4, 1984 hanggang January 26, 1985, ito ay nakagawa ng 51 episodes. Unang nasilayan ng mga Pinoy noong 1988 sa ABS-CBN, ito ang kahuli-hulihang English-dubbed "Super Sentai" sa Pilipinas dahil nauso ang Tagalog-dubbed na palabas nang dumating si Shaider. Tumagal ito sa bansa ni Juan Dela Cruz hanggang sa mga unang taon ng Dekada NoBenta.


Ang bawat miyembro ng Bioman ay may sari-sariling Bio Sword na puwedeng gamiting dagger, blaster, at espada laban sa mga kalaban. Sila ay may natatangi ring kakayahan at espesyal na pag-atake.


Si Kenny ang tumatayong pinuno ng pangkat; malamang sa alamang dahil hindi na kailangang ipaliwanag ang kanyang code name na "Red One". Bago naging kasapi ay isa siyang piloto ng kauna-unahang space shuttle ng Japan. May kakayahang makipag-usap sa mga hayop at ang kanyang Bio Brain Computer ay nagbibigay sa kanya ng special move na "Super Electron Radar". Lahat ng kabataang lalaki ay gustong maging si Red One. Kahit ako, pinangarap kong maging siya kaso hindi puwede dahil ang mas nakatatanda kong pinsang si Badds ang palaging si Kenny. Nagiging si R1 lang ako kapag wala siya o kaya naman ay kasama ko ang dalawa kong mga nakababatang utol.

Si Sammy naman ang nagsisilbing "Green Two" ng tropa. Isa siyang race car driver kaya sa kanya itinoka ang pagmamaneho ng  Bio Turbo, ang kotse ng grupo na kung titingnan mo ay parang may hotdog na umiikot sa itaas. May kakayahan siyang makakita ng panlilinlang at pagbabalat-kayo ng mga kalabang monsters sa pamamagitan ng kanyang "Super Electronic Scope". Mayroon din siyang Green Boomerang at ang kanyang pamatay ay "Break Action". Sa totoo lang, hinihintay kong mamatay si G2 dahil alam kong ako ang papalit sa kanya. Itanong mo pa sa post card na nakita ko Cubao branch ng National.

Ang pinakabata sa grupo ay si Franky na siya ring gumaganap bilang "Blue Three". Isang water sportsman na nagkakaroon ng malakas ng pandinig sa tuwing ginagamit ang kanyang "Super Electron Ear". Sana ay may tenga akong katulad ng sa kanya para hindi ako nahihirapan sa tuwing nagtotono ako ng aking gitara. "Super Sky Diving" ang special move ng pinakamaliksi at pinakapalaban na alaga ni Peebo. Ang utol kong si Pot ang madalas na B3.

Ang unang kinilalang "Yellow Four" ay si Mika, isang litratista bago siya maging kasapi ng Bioman. Para sa akin, siya ay ang may pinakabaduy na special move, ang "Action Shot" na kapag papanoorin mo sa teevee ay makikita mong kinokodakan niya ang kalaban bago atakihin - nakakasilaw na flash at tunog ng shutter ang panlaban niya sa mga kaaway ni Mang Jose. May gamit din siyang "Super Electron Holography" na nagbibigay sa kanya ng abilidad na magpakita ng mga holograms. Sa Episode 10 ng series, nakaimbento ang kanilang kalaban ng isang Bio Killer gun na ginamit ni Psygorn upang tanggalin ang Bio Particles sa kanyang katawan na dahilan upang siya ay manghina at mamatay. Marami ang nagsasabi na isang kabayanihan ang ipinamalas niya sa pagbubuwis ng buhay upang hindi si Red One ang ma-dedo pero ang totoo, umalis ang aktres na gumaganap dahil sa ilang isyu na may kinalaman sa kontrata. Kung mapapansin mo ang episode na 'yun, mga ilang minuto lang ipinakitang hindi nakasuot ng Yellow Suit si Mika. Ito ay isang palatandaan na inindyan niya ang shooting. Ang resulta, isang malufet na pagbabago sa takbo ng kuwento. Nakakaiyak ang pagkamatay ni Y4, apektado lahat ng mga batang manonood.

Si June ay ang pumalit kay Mika bilang Yellow Four. Isa siyang olympic archer na nagpumilit sumali sa Bioman matapos niyang makita ang mga miyembro nito na nakikipaglaban sa mga kampon ng kasamaan. Noong una ay hindi siya pinansin ngunit dahil sa kanyang pagpupursige ay nalaman nila Peebo na isa pala siyang bloodline ng mga ninunong nakasalo ng Bio Particles. Namana niya ang holography ni Mika pero ang Bio Arrow ang madalas niyang gamitin sa pakikipaglaban.

Ang pangarap ng mga nene noon ay maging si "Pink Five". Si Kimberly ang pinagpapantasyan pinakagusto ng mga fans na kalalakihan. Bukod kasi sa napakagandang mukha ng flutist na ito ay napakaamo rin ng kanyang itsura. Kahit nga ang kalabang "Evil Brain" ay naging bespren niya. Sa angkin niyang alindog ay may potensyal siyang maging soft porn actress tulad ni pabosong Annie. Dapat din siyang bigyan ng special award dahil napakagaling niyang umiyak sa mga piling episodes ng palabas. Ang ibinigay sa kanyang abilidad ng Bio Brain Computer ay "Super Electronic Beamlight". Ang kanyang mga special moves ay "Pink Flash", "Pink Barrier", at "Spin Chop".

O sya, hanggang dito nalang muna. Abangan ang karug ng kuwento. Mahaba na masyado ang ti___ ko....




21 comments:

  1. naiyaks me nung nagsakripisyo si yellow por. heheheh. pero bitchie sya kasi umayaw sya sa POwer rangers este bioman! hahaha

    ReplyDelete
  2. hehe bigla ko tuloy naalala ang storya nito..
    parang hindi ko lang maalala na namatay pala si yellow four?.

    pagnagbabasa ako dito hindi ako naboboring haha! kudos! ^_^

    ReplyDelete
  3. basta ako lagi si red one!!! hehe

    ReplyDelete
  4. Waah, naging peyborit ko din ang Bioman noon!

    ReplyDelete
  5. iyak ako ng iyak nuon nung mamatay c yellow 4..

    ReplyDelete
  6. blue 3 haha aq.per dati gusto ko rin maging si green

    ReplyDelete
  7. "action shot" hahaha! dakila...

    ReplyDelete
  8. ang galing nito! kumpleto impormasyon!! batang nineties din ako!! yebah!!

    ReplyDelete
  9. Kaya pala naaadik sa blogs mo ang tropa ko, makabuluhan kahit mababaw, makulay, madetalye, interesting, ayos ang atake, maestro sa pagblog. Nice one upon my first reading in here

    ReplyDelete
  10. ayos... balik nanaman sa pagkabata...meron ba kayong alam na site na pwede ma download bioman?

    ReplyDelete
  11. I'm curious to find out what blog system you have been utilizing? I'm having some minor security problems
    with my latest site and I would like to find something more safeguarded.

    Do you have any recommendations?

    my blog post: quiz machines

    ReplyDelete
  12. Нeу there fantastiс website! Does running а blog similаг tο
    this take a largе amount of wοrk? I hаνe nο undeгstаnding of сomputer prοgrаmming hoωеver І had
    bеen hoping to start my own blog soon. Аnyhow, ѕhоuld
    you haѵе any ideaѕ οг tiρs for nеw blog ownегѕ please ѕhare.

    I understand this is оff topic but І just needed to аsk.
    Thanks а lot!

    Viѕit my ωеbsite :: Brummie

    ReplyDelete
  13. Hey this is kinda of οff topic but I wаs wondering if blοgs use WYSIWYG editors or if you
    have to manuallу codе with HTML. I'm starting a blog soon but have no coding expertise so I wanted to get guidance from someone with experience. Any help would be greatly appreciated!

    my page :: colonic hydrotheraphy

    ReplyDelete
  14. Everу wеekenԁ і usеԁ to gο to see
    this website, foг the гeаѕon
    that і wаnt еnjoуmеnt,
    for the reason that this thіs site conаtions
    tгulу fastidious funny ѕtuff too.


    Here iѕ my ωeb-sіtе - ear ringing treatment

    ReplyDelete
  15. Tоԁay, ӏ wеnt to thе
    beach wіth my κiԁs. I fоund a ѕea shell and
    gaѵe it tο my 4 yeаr оlԁ daughter аnԁ ѕаid "You can hear the ocean if you put this to your ear." She ρlaсеd thе shell tο her eаr аnd sсreamed.

    Therе was a hеrmit crab insіde and it pinchеd her ear.
    Ѕhе never wants to go back! LoL I know this іs comρlеtely οff topic
    but I had tо tеll ѕοmeone!

    Alsο νisіt my web sitе ... best solihull double glazing

    ReplyDelete
  16. Its like yоu leaгn mу thoughts! You aрpear tо grasp a lot approxіmately this, such as you wгotе the e-boοk in it oг somеthіng.
    I believe that you can do with somе p.c. to pоwer the message home a little bit, but іnstеad of that,
    this іs fantastiс blog. An excellent read.
    I will certainly be back.

    Visіt my page; best way to get rid of herpes

    ReplyDelete
  17. I'm really enjoying the design and layout of your site. It's a νery
    eaѕy on the eyes which mаkеs it
    much mοre pleаsant for me to come heгe anԁ visіt mοre often.
    Dіd you hіre out a ԁeveloper to creatе
    youг theme? Supеrb work!

    Feel frеe tο vіsit mу
    web blog ... how to save on disney world vacation

    ReplyDelete
  18. I love it whenever people gеt together and shаre viеwѕ.

    Great blog, kеeр it up!

    My web site; battery operated cars kids

    ReplyDelete
  19. Hеllo thегe! Ι know this іs kіnԁa off
    topic but I wаѕ wonԁering
    іf you κnew ωheгe Ӏ could get a captcha plugin fοr mу comment form?
    I'm using the same blog platform as yours and I'm having tгouble finding one?
    Тhanks a lot!

    My ωeb site - Lose Belly Fat Quick

    ReplyDelete
  20. Hey, I think your blog might be having browser compatibility issues.
    When I look at your blog in Safari, it looks fine but when opening in Internet Explorer, it has some overlapping.
    I just wanted to give you a quick heads up! Other then that, fantastic blog!


    Here is my website; gambling

    ReplyDelete