"Isa kang Batang 90's kung isa ka sa mga kabataang gustong matutong mag-gitara para makapagbuo ng sariling banda."
Ang kalagitnaan ng Dekada Nobenta ang sinasabing "Panahon ng Alternatibong Pinoy". Katulad ng nangyari sa Seattle Sound Movement, naging mainstream ang underground scene sa Pilipinas. Sila pareng Kurt at iba pang grunge musicians ang isa sa mga dahilan kung bakit karamihan ng bata noong panahon ko ay gustong matutong tumugtog ng gitara.
Kahit na hindi ko ganun ka-gusto ang asignaturang MAPE sa eskuwelahan ay maipagmamalaki kong ang musika ay malaking bahagi ng aking buhay. Siguro ay dahil nasa dugo namin ang pagiging mahiligin sa musika. Kung hindi niyo naitatanong, tiyahin ko si Carmelita Bubay na isa sa mga pinakamatagal na naging weekly champion sa “Tawag ng Tanghalan”. Sigurado akong hindi niyo alam kung sino siya pero sigurado rin akong naabutan siya ng mga tatay at nanay niyo. Peksman, tanungin niyo pa sila mamaya pagkatapos mong basahin ito.
Ganun pa man, kahit na gaano ako kahilig sa pakikinig ay tamad ako noong matutong humawak ng kung ano mang instrumentong pang-musika. Sinikap ko nalang matuto dahil naiinggit ako sa utol kong si Pot kapag ipinagmamalaki ni erpats sa mga tropa niya ang angking galing ng nakababata kong kapatid. Elibs ang mga tomador sa utol kong noo'y nasa ika-anim na baytang ng elementarya kapag tumutugtog siya ng mga Pinoy folk songs sa tuwing may mga inuman sa amin.

Kahit na matigas ang aking mga daliri ay nagpaturo ako sa kapitbahay naming si Tito Bibe para makasakay sa bagong uso. Ang kantang “Knockin’ on Heaven’s Door” ng idol kong Gangsengroses ang una niyang itinuro sa akin dahil apat lang ang chords nito (G-D-Am/C). Bukod sa konti lang ang kakabisaduhin mo ay hindi rin ito mahirap sa daliri dahil "basic" lang ang sayusay. Masakit ang unang karanasan. Ilang araw ko ring naramdaman ang hapdi ng pagka-devirginize ng mga daliri ko. Kahit na masakit na ay patuloy pa rin sa pag-eensayo pagkagaling sa eskuwela. Paulit-ulit ko itong tinutugtog hanggang sa dumating na sa puntong natutulilig na sa akin si ermats dahil mukha akong sirang plaka. Nang makabisado ko na ay tuwang-tuwa ako dahil may piyesa na akong maipagmamalaki sa mga kasama kong tumatambay.
Kanya-kanyang yabang ang dala ng bawa’t isa kapag nasa tambayan kaming magkakaibigan. Lalo na kapag may kasamang bote ng gin bulag. Kanya-kanyang istilo.
Merong mga “intro boys” na intro lang ang alam tugtugin. Pinakasikat na intro noon ay ‘yung sa “Plush” ng Stone Temple Pilots. Lahat yata ng gitarista noon ay alam kung paano tugtugin ang intro ng kantang nagpasikat sa STP. Pangalawa rito ang “More Than Words” ng Extreme – kahit ako ay intro lang ang alam ko dito dahil mahirap ang mga "broken chords" ng kanta.
Meron din namang mga gitaristang kung tawagin “chorus boys” na halata na ang ibig sabihin.
Ang pinakamalufet sa lahat ay ang mga “guitar masters” na plakado kung tumugtog. Pupunahin nila ang lahat ng mga mali mo kapag may narining silang sablay sa tinutugtog mo. Sa madaling salita, sila ang mga magagaling na wala na yatang iniintindi sa buhay at hindi na natutulog sa gabi upang kabisaduhin ang mga pamatay na guitar solos ng mga kantang tulad ng “Master of Puppets” ng Metallica.

Marami akong songhits noon dahil pinangarap kong makabisado ang lahat ng mga kanta ng mga paborito kong banda. Pinag-iipunan ko talaga ng pambili ang mga kopya ng Rock 'N Rhythm, Hot Hits, at Musika. Kung medyo "to the next level" naman na ang trip mo ay pupunta ka sa Project 4, Quezon City upang bumili ng mga guitar tablatures mula sa tindahang “Fade to Black”. Ang totoo, isa lang itong bahay na namimirata ng mga tabs na napakamahal kung bibilhin mo nang orig. Salamat sa mga sinaunang pirata ng mga libro, natutunan kong tugtugin ang halos lahat ng mga kanta sa "Siamese Dreams" album ng Smashing Pumpkins na kasama sa playlist ng banda naming Demo From Mars.
Marami-rami rin akong piyesang natutunang tugtugin - karamihan ay mga kanta mula sa mga bandang sariling atin katulad ng Dead Sperm, Philippine Violators, Askals, Datu's Tribe, The Youth, at Wuds. Sa mga dayuhan naman ay hindi mawawala ang mga kanta ng Nirvana, Metallica, Hole, Cranberries, at Pearl Jam.
Masarap tumugtog sa mga inuman sessions at ilan sa mga kinabisado ko para sa mga sunog-baga ay ang mga kanta ng Eheads tulad ng walang kamatayang "Pare Ko", "Ang Huling El Bimbo", "Spoliarium", at halos lahat ng kanilang mga kanta. Hindi rin nawawala sa listahan ang "Buloy","Maniwala Ka Sana", at "Harana" na mula sa Parokya ni Edgar. Ang tropa kong si Jomar naman ang bahala sa mga kanta ng Rivermaya.
Kapag isa kang gitarista, may mga iba ka pang dapat matutunan. Una, dapat ay marunong kang kumanta dahil walang taong marunong humawak nito ang hindi marunong umungol na parang asong ulol. Kahit na hindi maganda ang boses basta't tono, hindi tulad ng mga paksyet na lasenggero sa amin na kung bumirit sa videoke akala mo ay kalahok ng American Idol. At Pangalawa, dapat ay marunong ka ring magtono ng sarili mong gitara dahil diyahe kung tutugtog kang wala sa tono. Natatandaan ko noon, nababatukan ako ng mas nakababata kong kapatid na si Pot dahil dito. Ito ang isa sa mga pinakamatagal kong natutunan sa lahat dahil bingi ako sa totoo lang.
Karamihan ng mga bata noon ay gustong humawak ng gitara at magtayo ng sarili nilang mga banda. Hindi ako ang tipong "sunod sa uso" kaya noong naimbitahan akong sumali sa kombo-kombo ay pinilit kongg mag-aral ng tambol. Sa kasamaang-palad ay hindi umubra ang magkasalungat kong mga paa at at kamay kaya sumuko sa akin ang nagtuturo. Nang sumali ako sa una kong naging grupong "Aneurysm", ay sinubukan ko nalang mag-baho dahil idolo ko rin naman si Jason Newsted. Noong magsama kami ni Pot sa DFM ay nabuyo naman niya akong maging rhythm guitarist nalang dahil hindi ako marunong mag-guitar solo. Umubra naman ang tag team namin dahil okay ang kinalabasan ng tunog namin.
Maniwala man kayo o hindi, nakasabay kaming magkapatid sa buhay-banda na wala man lang sariling gitara. Madalas lang kaming manghiram sa mga kakilala noon dahil wala kaming perang pambili! Nakatugtog kami sa UP, sa Club Dredd, sa Radyo ng Marikina, sa 70's Bistro, sa Yosh Cafe, at sa kung saan-saang underground gigs na walang bitbit na sariling instrumento. Mabuti nalang ay mababait ang mga nakikilala naminat nakakasabay sa mga tugtugan.
Pinangarap namin noon ni utol na makabili ng sariling electric guitar balangaraw. Lagi nalang kasi kaming "tagatanaw" sa mga displays sa Perfect Pitch sa Cubao, sa RJ City sa Robinson's Galleria, at sa lahat ng mga Yamaha Stores. Kahit nga ang kahabaan ng Sta. Mesa noon ay madalas naming dalawin para lang makita ang mga "latest imitation" ng sikat na sikat na Lumanog at iba pang mga branded guitars. Isang napakalaking negosyo ang pagbebenta ng gitara noong Dekada NoBenta. Awa ng Diyos, ngayong isa na akong inhinyero at seaman na si Pot, ay wala pa rin kaming nabibiling sariling electric guitars!
Meron akong Yamaha acoustic guitar na minana ko pa sa aking Tito Nonoy na nagbabanda rin noong kapanahunan niya. Iniwan ko siya sa Pilipinas walong buwan na ang nakakaraan simula nang mapadpad ako dito sa disyerto. Miss ko na talaga ang kanyang seksing katawan at ang kanyang makinis na kutis. Sabik rin siya siguro sa pag-finger pluck ko sa kanyang mga kuwerdas na "Mariposa" ang tatak.

rock en roll!
ReplyDeletenakaka relate talaga ako sa post mo... pareho tayo ng generation na kinalakihan.
ReplyDeletegagawa ako ng post na ganito sa blog ko, abangan mo lang.
Excellent post! =)
@ paps: \m/\m/
ReplyDelete@ stone cold: malamang bata ka pa rin kung pareho tayo ng generation. jam tayo pag-uwi ko. antayin ko yang entry mo.
rakenrol!
Mag popost ka din ng blog tungkol sa House/Club music of the 90s,ung panahon ng Stardust,Daft Punk,Square Heads,Ghost Town DJ at iba pa?
ReplyDeleteRock & Roll \m/
Ayos ung blog mo. Hehe..
Ginamit ko ung kantang Plush para sa AVP namin ng batch ko.
parekoy, subukan kong gumawa ng post sa club/house/techno/trance music. dumating din sa point na nahilig ako sa ganyang genre. thanks for reminding me!
ReplyDeletebalik ka dito ha. rakenrol \m/
Yah.. No problem, lagi ako nagbabasa dito. Nagustuhan ko yung post mo tungkol sa situwasyon sa mga malls noong bagong tayo,International rock bands na pumunta sa bansa tsaka ung beeper. Naalala ko tuloy ung time na tinawagan ko ung operator ng PocketBell. Sabi kasi kung ano ung pangalan ko, sabi ko Happy Meal.
ReplyDeleteMessage ko din,Happy Meal..
4 years old pa naman ako nun eh.. Nanay ko ung nagdial
wow, i'm really honored and flattered to know that i have a reader as young as you! bow ako sa'yo for loving the 90's.
ReplyDeletedo you have a blog or FB account where we can connect para maging updated?
astig ka talaga parekoy! \m/
yeah!!!rakenroll
ReplyDeleteyeah
ReplyDeleterakenrol parekoy! salamat sa pagbasa! \m/\m/
ReplyDeleteMatindi! nakakarelate ako brad! hehehe. ASTIG!
ReplyDeletesalamat parekoy at welcome sa aking tambayan!! malamang ay isa ka ring metal noong panahon ko! rakenrol!! \m/
ReplyDeleteNice... Nkarelate ako ampf hahaha Metal Rules!!! hehehe 90s RULES!! heheheh ^^
ReplyDeleteExactly! putek, pumupunta din kami sa Proj.4 mula Laguna para lang sa Tab. Ang ganda nga ni Ate (asawa nung colletor na mahilig sa gitara. (Actually I grew up in Proj.4 but moved to Laguna in '86. Bitbit ko mga kaklase ko) mga orig na Ernie Ball products meron din sila noon that was around '91.
ReplyDeleteNobenta, just keep on rock'n my friend!
Salamat!
Sobra akong naka-relate dito. Nag aral din ako mag gitara dati kasi USO!!! May gitara kami sa bahay, binili ng tatay ko sa ibang bansa kasi seaman sya nung di pa ako pinapanganak, pagdating sa barko, nakita niya...Made in Cebu, Philippines. hehehe. . . Nagkaisip ako na nasa amin na ang gitarang yun, nakadisplay lang at walang gumagamit kasi...wala naman marunong. Kaya nung 90s, nag aral din ako mag gitara pero self teaching lang, hanggang rhythms lang at konti lang ang alam ko...mga tatlo...LOL!!! Linggo linggo bumibili din ako ng songhits dahil sa [1] kanta [frustrated singer kaya ako!], [2] sa chords at [3] dun sa page kung saan nagpapadala ng sulat ang mga readers at nagtatalo talo sa pagdepensa sa mga bandang paborito nila. Di ko lang maalala kung anong songhits yun pero regular akong sender doon. Tanda ko pa ang pen name ko: PENNYLANE! Haaay..those were the days!!! =D
ReplyDeleteparekoy, salamat sa pagdaan! rakenrol! \m/
ReplyDeletenice, pennylane pala ha. baka nabasa kita from somewhere! hehehe. sarap tumugtog noong mga panahong iyon. kaka-miss! \m/
ReplyDeleteSubrang galing mo parekoy..nalibang ako sa article mo..well para ring nakaka relate yung mga experience mo sakin.yung nasa elementarya pa ako..once na ang subject ay about music saglitang di ako makarelate kaya nga yung grade kuy laging 75%..Lol. pero nang nasa highskol na ako parang nahiligan ko ng mag guitara dahil once na may talent ka sa music na kahit ay di gaano ka pogi ay lapitan sa mga checks..kaya nga sinikap kung matoto eh..hehehe..ang problema lang ay di ako maka afford ng pambile ng guitara.kaya sinikap kong mag sideline as labor saming lugar then yun naka hanap rin ako na mas affordable 900 hundred lumanog at doon nagsimula ako matotong mag guitar..yehey! at maybe nextweek bibili ako ng electric guitar para then may collection ako..hehee..
ReplyDeleteKeep in posting parekoy rock'n roll ^^
http://nulleddirectory.blogspot.com/
Sir d nyo nasama rivermaya dyan? hehe...
ReplyDeletetol nandito ka ba sa riyadh?
ReplyDeletekundi lamang blogsite mo eto...aakalain ko na ako ang sumulat...
ReplyDeleteang dami ng symmetry ng pagka musikero natin...prvileged ka lang kasi nag pursue ka kahit papaano...ako..maaga ko na-realize na pang tapusan ng tuklungan lang ang talent namin ng banda ko....
nahuhulaan ko na mas matanda ako sa iyo...pero hindi masyadong talamak.....
mabuhay ka...sana'y magsulat ka pa ulit....
chong rules \m/