Rakistang Aktibista
Nasa third year high school ako nang marinig ko sa noo'y sikat na sikat na LA105.9 ang kantang "Praning". Sa totoo lang, talaga namang nakakapraning ang chorus nitong "O hindi, hindi ako, hindi ako, baka sila, baka sila ang hinahanap niyo, hinahanap niyo ay nawawala!" kaya ang sarap pakinggan at ulit-ulitin. Maingay. Matindi ang liriko. Hindi na ako nagtaka nang masungkit nito ang number one spot ng "Alternative Filipino Countdown" na tumagal ng anim na Linggo. Ayaw itong naririnig ni ermats kaya alam kong papatok ito sa mga Batang Nineties na tulad ko.
Tandang-tanda ko pa kung paano namin inabangan ng tropa ko sa aming mini-karaoke ang kantang ito para i-record gamit ang isang blank tape na binili ko pa sa Musikland Ali Mall branch. Noon kasing panahon ng gitara, isa ito sa mga paboritong tugtugin ng mga kabataang nahihilig sa kombo-kombo. Medyo mahirap ang intro nito kaya kailangang pakinggan ng mabuti para matipa ng tama. Ito ang isa sa mga pinanlalaban ng mga barkada namin sa Maria Juana sa mga battle of the bands at kahit na hindi naman nila plakado ang piyesa ay nagkakagulo ang mga nag-iislaman kapag ito na ang naririnig. Taena, ilang beses akong nakanood ng pasiklaban kung saan ito ay kinanta ng ilang banda. Kulang nalang ay tawagin itong "battle of the praning bands" dahil minsan, lahat ng mga kalahok ay may kanya-kanyang bersyon. Ganun kaputok ang awiting ito ng DATU'S TRIBE.
Datu's Tribe Current Members:
Eric "Cabring" Cabrera - mic
Andrei "DarakstaR" Umali - bass
Moel "Doc Moel" Diaz - guitar
Paolo "El Paolo Loco" Manuel - drums
Sa pagtanggap ng masa sa mga grupong tulad ng Yano, The Youth, at Eraserheads, batid ng mga producers na pwedeng pagkakitaan ang Alternatibong Pinoy. Kaya naman noong August 1995, sa ilalim ng Universal Records, ay inilabas ang debut album nilang "Galit Kami sa Baboy" kung saan galing ang mga malulufet na obra tulad ng "Praning", "Kuwento ni Del", "And I See" at paborito kong "Sarsa Platoon" na ayaw na ayaw naman ng mga baboy ng lipunan. Sa loob lamang ng ilang buwan ay nakamit kaagad nito ang Gold Status. Hindi sila kasing-mainstream tulad nila pareng Ely at hindi rin sila kasing-underground tulad ng Kabaong ni Kamatayan. May sarili silang angas na bumuo ng grupo ng mga tagapakinig. Sapat upang sila ay maimbitahan sa iba't ibang panig ng Pinas para bingiin ang grupo ng mga "praning". Ang Datu's Tribe ay naging parte ng alamat ng Pinoy Rock Revolution.
Mid-1998 ay nawala sa eksena ang DT kasabay ng unti-unting pagsikat ng mga potang novelty songs. Ganun talaga ang buhay, parang ice cream, mayroong "flavor of the month".
April 2005 ay nagbalik sila sa music scene sa pamamagitan ng paglabas ng isang live EP na pinamagatang "Fat Burner". Dito nagmula ang single na "Lakambini Bottom" na lubos na tinanggap ng mga "old skul rockers" at mga bagong rakista. October 2007 ay inilabas naman ang kanilang pangalawang album na "Whoa! Pilipinas!". Labingdalawang taon ang lumipas pero hindi pa rin nawawala ang bangis nila. Amen!
Isa pang napakalakas na "Amen!" dahil napagbigyan ako ng malufet na bokalista nitong si Sir CABRING CABRERA na siya ay makapanayam. Napakalaking karangalan na makakuwentuhan ang isang haligi ng Pinoy Rock tungkol sa dekadang aking kinabibilangan. Heto na ang kanyang kuwentong-karanasan:
Mid-1998 ay nawala sa eksena ang DT kasabay ng unti-unting pagsikat ng mga potang novelty songs. Ganun talaga ang buhay, parang ice cream, mayroong "flavor of the month".
April 2005 ay nagbalik sila sa music scene sa pamamagitan ng paglabas ng isang live EP na pinamagatang "Fat Burner". Dito nagmula ang single na "Lakambini Bottom" na lubos na tinanggap ng mga "old skul rockers" at mga bagong rakista. October 2007 ay inilabas naman ang kanilang pangalawang album na "Whoa! Pilipinas!". Labingdalawang taon ang lumipas pero hindi pa rin nawawala ang bangis nila. Amen!
Isa pang napakalakas na "Amen!" dahil napagbigyan ako ng malufet na bokalista nitong si Sir CABRING CABRERA na siya ay makapanayam. Napakalaking karangalan na makakuwentuhan ang isang haligi ng Pinoy Rock tungkol sa dekadang aking kinabibilangan. Heto na ang kanyang kuwentong-karanasan:
1. Paano nakatulong ang LA105.9 sa inyong banda at iba pang grupo noong Dekada NoBenta? Ano ang istilo ng istasyong ito ang lubos niyong hinangaan bilang musikero?
They had guts. Everyone else was playing safe, so it was such an encouragement for us to see a radio station that was willing to take chances on unknown bands. Tinulungan nila kami ng sobra and they never asked for anything in return. In fairness, NU also helped us, pero, quite frankly, elitist ang dating nung istasyon. I guess we just felt more comfortable associating ourselves with the people at LA because we tend to gravitate towards people na mga masayahing kupal rin tulad namin, hehe.
2. Sa mga kantang mula sa inyong debut album, ano ang pinakapaborito mo pagdating sa mga lirikong iyong naisulat? Anong kanta doon, sa iyong opinyon, ang pinaka-nasapul ang mga pangyayari sa komunidad noong Dekada NoBenta?
That would have to be "And I See". Panahon ni President Ramos, so many interest groups were jockeying for power and peddling influence; I decided to bastardize the alphabet song and replace the letters with acronyms ng mga grupo dito sa Pilipinas.
3. Bilang isang bandang mula sa isang major label noon, nabigyan kayo ng pagkakataong tumugtog sa mga noontime shows noong 90’s. Ano ang kuwentong karanasan mo dito at ano ang naging reaksyon ng mga manonood sa inyong tugtugan?
We didn’t really care for it, pero kasama sa kontrata, eh, haha. I don’t remember all of our guestings anymore, but a few of them are still very memorable for me. Yung isa yung nung “tinugtog” namin yung "And I See" sa “Sa Linggo nAPO Sila” tapos sinabayan kami ng “Kidlots” (yung mga ang sarap pagtatadyakan na child actors/actresses sa stable ng ABS). Hindi pala pina-memorize o pina-praktis man lang sa kanila yung lyrics, so they naturally just resorted to singing the real alphabet song. That really fucked my day up.
Another was also on the same show and also for another “performance“ of "And I See". Pagkatapos nung kanta, ininterbyu ako nina Jim Paredes at Agot Isidro tapos ang binato sa akin na tanong made it so obvious that they didn’t get the sarcasm and the wry humor behind the piece. When Jim Paredes gave me his “interpretation” of the song’s message (something like napakagandang kanta raw kasi pinapakita na malapit na tayong dumating sa kaunlaran, etc.) and then asked me to confirm it, I just exclaimed, “Tingnan natin!” and let out a weird sarcastic laugh. Sinabi na lang sa akin nina Robert Javier nung nagkausap kami a few days after na bigla raw naiba yung disposisyon nung dalawang hosts tapos parang iniwasan na lang akong kausapin, haha.
Pero yung pinaka-memorable yung sa GMA Supershow, nung binigay sa amin ng Universal at ng PARI yung Gold Record Award para sa first album. Lahat kami sa banda nagtatalo kung sino yung tatanggap kasi baka si German Moreno ang magbigay, eh ayaw naming makipag-kamayan sa kanya. Buti na lang si Megan Aguilar yung lumabas. I guess ayaw rin ni German Moreno na makamayan kami. Pero eto lang, kung ganun na yung nararamdaman namin, imagine kung ano kaya yung tumatakbo sa utak ng Wolfgang nung araw na yun. Andun rin kasi sila para tanggapin yung Gold Record Award nila for their debut, hahaha.
Ginamit nila kami, ginamit rin namin sila. Bad trip lang nga, sila yung talagang kumita, haha.
4. Mahaba ang mga pagitang taon ng inyong debut album at “Whoa Pilipinas”. May mga kanta ba mula sa album na ito na naisulat pa noong 90’s? Kung mayroon, paano niyo nagawang makipagsabayan sa agos ng bagong milenyo?
Five out of the ten songs in Whoa! Pilipinas! were already written nung 90s pa lang. We hardly changed anything pagdating sa content tapos plinantsa na lang namin yung music before namin ni-record for the 2007 release. Dun naman sa pagsabay sa agos ng bagong milenyo, we’ve always been content-driven. We don’t really adhere to a specific musical style, so the primary concern is the message. Given the fact that in spite of being gone for around 7years (bago kami bumalik nung 2005), nakatutuwa at nakalulungkot rin isipin na di pa rin paso yung laman ng mga kanta namin.
Ibig sabihin lang nun, yung mga problema at mga isyu na naging inspirasyon sa pagsusulat namin ng mga kanta nung dekada nobenta ay di pa rin nawawala kahit halos isang dekada na ang nagdaan. Hangga’t di nagbabago yung sistema dito sa Pilipinas, hindi malalaos yung mga kanta namin.
5. Sumagi ba minsan sa isipan mo na mag-solo at mag-iba ng tugtugan tulad ng ginawa ni Jerome Abalos?
Sumagi rin ata sa isip ko minsan, malamang nung skyflakes at tubig na lang ang kinakain ng pamilya ko, hehehe. Joke.
6. Sinu-sinong mga banda (local at foreign) mula sa Dekada NoBenta ang iyong mga hinangaan at paano ito nakaapekto sa iyong istilo ng pagsusulat?
Ang mga hinangaan ko nung dekada nobenta ay ang mga kakontemporaryo rin namin tulad ng The Youth, Mutiny, Razorback, Wolfgang, Tropical Depression, Tame the Tikbalang, Feet Like Fins, si Francis Magalona, Parokya ni Edgar, Eraserheads, Yano, at marami pang iba, mostly mga Dredd regulars.
Pero yung masasabi kong naka-impluwensiya? Either galing halos sa o mga kinalakihan ko nung dekada otsenta: The Wuds, Betrayed, G.I. and The Idiots, Urban Bandits, The Dawn, Joey Ayala, The Jerks.
Sa foreign halu-halo. RATM, Green Day, U2, Dead Kennedys, Rollins Band, mga Grunge acts, GnR, Foo Fighters, Death Angel, Stray Cats, Metallica, etc. Sobrang dami, eh.
7. Ano ang masasabi mo sa biglaang pagkamatay ni Direk Lino Brocka sa isang aksidente noong May 21, 1991? May mga natatandaan ka bang pelikulang kanyang nagawa sa unang taon ng Dekada NoBenta na lubos mong nagustuhan?
Ang masasabi ko lang nabubuwisit ako at hindi kami nag-abot sa CAP (Concerned Artists of the Philippines) kasi ilang taon pa lang akong miyembro nung organisasyon. I would’ve considered it a great honor kung nagkaroon ako ng pagkakataong makatrabaho si Direk Lino.
8. Nagustuhan mo ba ang Hollywood version ng “Godzilla” na ipinalabas noong 1998?
Hindi. Ako ay masugid na tagahanga ng mga pelikula ni Godzilla at masasabi kong binaboy at binarubal ng mga Amerikano ang imahe at kaluluwa ni Godzilla dun sa Hollywood version. Like most other fans of Godzilla, hindi ko rin tinuturing na tutoong Godzilla movie yung ginawa ni Roland Emmerich. Yan ang hirap sa Hollywood, eh. Madalas puro form, walang substance, walang kaluluwa, haha.
9. Anong mga Erap jokes ang natatandaan at pinakapaborito mo?
Wala na akong natatandaang mga Erap jokes. Ang natatandaan ko na lang, joke yung presidency niya.
10. Mamili sa dalawa at sabihin kung ano ang unang pumapasok sa isip mo kapag naririnig ito:
A. DWKC o DWLS - Payola at kabalbalan, haha.
B. Chicago Bulls o Utah Jazz - Wala akong hilig sa basketball.
Football player ako dati, at para sa akin, football dapat
ang kinababaliwan ng Pilipino.
C. Eraserheads o Rivermaya - Eraserheads. Taga-Peyups sila
lahat,eh, hehehe. Tsaka kasama namin sila sa Dredd.
D. Street Fighter o Mortal Kombat - Tekken ang trip ko, eh.
E. Game Boy o Game Gear - Sorry, Game and Watch pa rin ako.
F. MTV o Channel [V] - Channel [V] siguro, if only for the fact na
mas kabit sila sa sensibilidad ng Asyano. Pero, having said
that, I still don’t really care much for either one. When MTV
started out, they were cool. Ngayon, pera-pera na lang
talaga. And don’t even ask me about MYX, hahaha.
G. Sky Cable o Home Cable - Torrent, wahaha.
H. Batibot o Atbp. - Pareho kong labs, pero mas malapit sa puso
ko ang Batibot. Bukod sa nakatrabaho ko na si Kya Bodjie sa
ilang pagkakataon, ako ay fan niya!
I. Sarah o Cedie - Wala akong pakialam sa kanila. Parehong
nakakairita mga boses nila.
J. Zagu o Orbitz - Quickly and trip ko, eh. Sorry.
Mensahe sa mga Batang Nineties:
Buhay pa tayo! Congrats! \m/@@\m/
SIR, MARAMING SALAMAT AT RAKENROL!!
Talagang inaabangan ko itong post mo pare ko, dahil batang NoBenta din ako, sa Datu's Tribe belib ako kay Andrei Umali, an lupet. Musta na lang dyan sa China (ka pa rin ba?)
ReplyDeletehehehe :D dun sa select between the two, medyo lamang yung sagot na wala sa pagpipilian. hehehe, he is thinking out of the box :p
ReplyDeleteFeeling ko pinatay si Lino Brocka.
ReplyDelete