Ilang beses ko nang nabanggit sa ilang mga walang kakuwenta-kuwenta kong naisulat na wala akong hilig sa mga potang lecheseryes sa teevee. Kahit na patok sa panlasang Pinoy, nauumay ako sa mga dramang paulit-ulit na hindi pinagsasawaang subaybayan ng karamihan. May mahirap na inaapi tapos yayaman dahil nanalo sa lotteng kaya maghihiganti. Sampalan, suntukan, sabunutan, at tadyakan. Nakaka-stress.
Early 90's nagulat nalang kami nila utol nang magpalabas ang ABS-CBN ng isang kakaibang cartoon sa kanilang istasyon. Para siyang telenovela na pambata. Sa totoo lang, ito ang kauna-unahang "Tagalized" o Tinagalog na anime' na ipinalabas sa Pilipinas at hindi nila alam kung kakagatin ito ng masa. Ang malufet pa nito, ito ay family-oriented na malayong-malayo sa mga Japanese masterpieces tulad ng Voltes V at Daimos. Walang laser sword. Walang ultraelectromagnetictop. Iyakan at mga nakakaiyak na eksena, napakarami. Mabuti nalang at mahilig ako sa cartoons kaya sinubaybayan ko ang madramang buhay ng bida ng palabas na ito!
Babatukan ko ang sino mang Batang Nineties na hindi nakakakilala kay CEDIE, ANG MUNTING PRINSIPE.
Kapag nakakanood tayo ng mga cartoons mula sa bansa kung saan nagmula ang Family Computer at Tamagotchi, ang nakasanayang itinatawag natin dito ay anime'. Pero kung bibigyan ng tiyak na kategorya o genre, ang palabas na Cedie ay isang sekai meisaku gekijoo o MEISAKU nalang for short. Isang uri ito ng animation na taunang ipinapalabas sa The World Masterpiece Theater (1969-1997) na likha ng Nippon Animation. Sa Japan, ito ay ipinapalabas tuwing Linggo ng gabi, 7:30pm sa Fuji TV. Ang mga kuwento nito ay hango sa mga western novels na may temang pambata at kadalasang umaabot sa 50 episodes per title. Sa case ng ating prinsipe, umabot lang ito ng 43 episodes na may original airing mula January 10, 1988 hanggang December 25, 1988. Akalain mo 'yun, naluma na pala ito ng panahon nang makarating sa Pinas! Kung sabagay, mas luma na ang nobela kung saan ito hango - "Little Lord Fauntleroy" na isinulat at inilathala ni Frances Hodgson Burnett sometime between November 1885 and October 1886. Ang orihinal na taytol nito sa Hapon ay "Shōkōshi Sedi" na kapag isinalin naman sa Ingles ay "Little Prince Cedie".
Simple lang naman ang istorya nito. Typical na kuwento ng isang tagapagmana. Si Cedric Errol at ang kanyang ina (o mas kilala bilang "Mrs. Errol" lang) ay namumuhay sa kahirapan sa bansang Amerika. Nang pumanaw ang kanyang amang si Kapitan James Errol na kaisa-isang tagapagmana ng Earl of Dorincourt, si Cedie ay automatic na nabigyan ng titulong "Lord Fauntleroy" at siya rin ang nakalinyang tagapagmana ng posisyon ng Mahal na Konde at lahat ng mga ari-arian nito. Ipinasundo ng masungit na Konde ang mag-ina sa Amerika upang turuan ang bata na maging isang dugong bughaw. Galit ang lolo ni Cedie sa mga Amerikano kaya hindi nito matanggap ang napangasawa ng kanyang anak. Pero dahil sa angking likas na kabaitan at kabibuhan ni Cedie, napalambot niya ang pusong bato ng kanyang lolo from hell. In the end, siyempre, ito ay nagkaroon ng isang happy ending.
Sa pagkakatanda ko, ito ay may time slot na umaga bago ipalabas ang mga noontime shows. Parang Batibot phenomenon lang, kapag ito na ang palabas sa teevee ay wala ka nang makikitang bata sa lansangan. Lahat ay nakatutok para makiusyoso sa buhay ng prinsipe. Ang kakaiba nga lang sa mga panahong ito, kahit mga lolo at lola ay nanonood ng cartoon. Sino ba namang Pinoy ang hindi tatamaan sa makabagdamdaming serye na ito? Panghapon ako sa eskuwela noon kaya nasubaybayan ko ang palabas na ito. Kasa-kasama ko sila habang kumakain ng pananghalian bago pumasok.
Ano ang mga memorable moments mo sa palabas na ito?
Si Cedie mismo ay memorable sa akin. Taena kasi ang boses niya, hindi ko alam kung babae siya o lalaki katulad ni Ida ng Shaider (Ang alam ko, ang nag-dub sa kanya ay ang nagbigay rin ng boses kina Lavinia ng "Princess Sarah", at kay Remi. Parang kay Bart Simpson, alam mo bang babae sa tunay na buhay ang nag-dub sa kanya?). Hindi ko rin alam kung maganda ba siya o pogi. Ang haba kasi ng buhok niyang yellow kaya akala ko noon ay babae siya! Katangahan lang talaga dahil obvious naman sa taytol ng palabas kung ano talaga siya! Pero tingnan niyo naman ang pang-FB na posing niya kasama ang asong si Dugal at pusang si Katrina...may lace pang pula sa baywang (o, 'wag seryosohin, patawang corny ko lang 'to)! Isa pang naaalala ko kay Cedric ay ang talento niya sa pagpu-flute. Nang mapanood kong tinugtog niya ang kanyang pamosong piyesang "Annie Laurie", gusto ko na ring matuto kung paano ihipan ang ganung klase ng instrumentong pangmusika. Gusto ko na nga sanang bumili ng "Magic Flute" na ibinibenta sa mga tiangge ng Rustan's Cubao para sumubok kaso may nagustuhan kong tumipa ng girata.
Akala ko dati ay ang Mahal na Konde ang kontrabida. 'Yun pala ay si Bridgett at ang kanyang nanay na pilit na ginugulo ng buhay ng bida. Isama mo pa ang impostor na nagpupumilit na agawin ang kinalalagyan ni Cedie. Nakakaiyak 'yung eksenang nagyakapan ang mag-lolo dahil sa pangangamba ng Konde na baka nga hindi si Cedie ang tagapagmana. Paksyet, naaalala kong tumulo ang uhog ko sa eksenang 'yun! Nakakatuwa ring mapanood 'yung mga eksenang nakipaglaro ang konde ng baseball kina Cedie. Ang saya-sayang panoorin 'nun dahil naaalala ko ang yumao kong lolo na may paborito sa akin Noong Ako ay Bata Pa.
Ilan pa sa mga memorable characters na natatandaan ko sa palabas na ito ay ang cute na cute na si Colleen (Cokie sa original) na bestfriend ni Cedie. Marami silang masasayang eksena ng prinsipe. Kung medyo teenagers na sila tulad ng mga bagets sa TGIS, malamang bagay sila dahil dalawang taon lang naman yata ang pagitan ng kanilang edad. Si Jefferson naman ay ang alalay ng konde na madalas nanginginig kapag naririnig na ang galit na boses ng kanyang amo! Si Mr. Hobbs ay ang tinderong tropa rin ni Cedie na nagpatunay na impostor ang nagpapanggap na manugang ng konde. Sila Mr. Havisham, Mr. Wilkins, Mr. Nyuwick, at Lady Constanzia Lorridale ay mga memorable ding characters na nawala na sa memory ko (pakitulungan nalang ako kng sino sila)!
Wala yata akong pinalampas na episode sa palabas na ito. Para siyang Simbang Gabi na kailangang mabuo para makapag-wish. Exciting kasi lahat ng episodes lalo na kapag Biyernes. Parang gusto mo na kaagad mag-Lunes para malaman ang susunod na kabanata! Minsan nga ay napapanaginipan ko pa ang lintek na series na ito.
Nang matapos ang palabas na ito, tuwang-tuwa ang Dos sa mataas na rating. Nagkaroon ito ng re-run na ipinalabas naman tuwing hapon. Si Cedie rin ang naging daan upang maipalabas ang iba pang meisaku tulad ng "Princess Sarah", "Remi", "Peter Pan", at marami pang iba! Pero maniwala man kayo o sa hindi, mas naunang ipalabas ang buhay ni Sarah (1985) sa Japan bago ang kay Cedie.
Dahil nagustuhan nga ito ng mga noypi, naisipan ng Star Cinema na gawaan ito ng pelikula na ang shooting sa pagkakaalam ko ay sa New York pa ginawa. Hindi ako sigurado dito dahil 'di pa ako nakakapunta sa Amerika at hindi ko napanood ang pelikulang pinagbidahan ng child actor na si Tom Taus. Nabasa ko naman sa isang blog entry ng isa sa mga tropa na may planong gawing lecheserye ng Dos ang klasik na Cedie at ang napipisil na gumanap ay si Zaijan Jaranilla. Ayus!
Maraming mga alaala at mga aral ang iniwan ni Cedie. Sigurado ako, kasama ka sa mga na-adik sa kanyang buhay!
Pangarap lang naman ng bawat magulang noon na maging kasing-bait ng mga anak nila ang Munting Prinsipe!

Oh my god. Super fan ako nito. Pinapanood ko to.. simula ng maadik ako sa mga cartoons na pang hapon sa ABS, thanks to the Dogs of flanders - ang pinaka nakakadepress na cartoon, ever. haha
ReplyDeleteinaabangan namin to noon. Nakakaasar yung part na nabintangan si jane na nakabasag ng vase dahil kay bridget.
ReplyDeleteat nakakainis yung part na may nagpapanggap na anak daw nung tito ni cedie.
me tagalog version yung kanta neto di ko lang mahanap heheh
ReplyDeleteJay, I am laughing kasi the content was automatically translated to ENglish... wahahaha
ReplyDeleteOriginal Text:
Sa totoo lang, ito ang kauna-unahang "Tagalized" o Tinagalog na anime' na ipinalabas sa Pilipinas at hindi nila alam kung kakagatin ito ng masa.
Translation:
Actually, this is the first "Tagalized" or Tinagalog anime 'issued in the Philippines and they do not know if it bite mass.
I must say, Google translate is entertaining!
hi mia! taena lang, na-try ko na rin dati yang google translate. sumakit ang ulo ko! pero tama ka, nakakatawa siyang gamitin!
ReplyDeleteyup, meron nga. 'di ko rin mahanap pa.
ReplyDeleteparekoy! nagpalit ka na pal ng pangalan! akala ko kung sino na! hehehe
ReplyDeletepaborito ko rin ang kuwento ni nelo. sad ending. kakaiyak. may separate entry ko para dito \m/
ReplyDeletehuwaw. galing mo, san mo nakukuha mga info na to sa utak mo lang ba, natatandaan kong sumubaybay din ako sa cartoon na ito
ReplyDeleteuu inaabangan nmin itong mgkptd...ayw q nga dati maligo dhl gsto q mtpos muna ung serye..tas pg friday,naku nangangarap nq n sana lunes na..ansaya tlg noon.....
ReplyDeleteko naman, pinipigilan kong tumae para matapos ko ng buo ng kada episode!
ReplyDeletepap, siyempre naman may tulong yan galig kina pareng wiki at pareng googs! \m/
ReplyDeletedi ko itatanggi isa ito sa humubog sa aking pagkabata.
ReplyDeleteSino ang makakalimot sa pagtugtog nya ng flute na alay nya sa kanyang ina. If I'm Not mistaken "Annie-laurie" yung title nun at kabisado ng utol ko kung pano iplay sa flute astegg! hehehe
inabangan ko din to non... kakaiyak kasi nakakrelate ako, mananahe non ang nanay ni cedie, ganon din si mama non sa tototong buhay... peo DH na siya naun...
ReplyDeletehttp://maquoleet.blogspot.com
Ay love na love ko si cedie,, kada epis0de naiiyak aq.. Mganda rin ang princess sarah,, remi ,,at romeo
ReplyDeletehuwaw!!! cedie.... panalo sa akin ung opening song nito.. ung nakasakay siya sa kabayo, tapos tatalon ng mataas tapos titigil..heheheh... isa ito sa mga paborito kong cartoons as in...
ReplyDeletekeep it up sir!
Naalala ko pa kasama ko lola ko sa panunuod nito. Tapos tumatakbo ako sa kanya at nagtatago kapag inaapi na si Cedie..
ReplyDelete