Thursday, June 3, 2010

Aye Carumba



"Isa kang Batang 90's kung alam mo kung sino ang pinakasikat na pamilya ng Springfield."


Malapit na ang pasukan kaya naisipan kong gumawa ng kuwentong pambata. Puwede rin ito sa mga isip-bata tulad namin ni Taympers na si Noynoy, este Homer pala, ang layout / template ng blog.

Matino ba ang pamilya mo?

Siyempre sa walang kakuwenta-kuwenta kong intro, obvious na title,  at picture sa itaas na kuha sa Market! Market! ay alam mo na ang laman ng blog entry na ito -  ang pinakasikat na pamilya galing Springfield, The Simpsons.

Ang utak na gumawa sa kanila ay pag-aari ni Matt Groening, isang American cartoonist, screenwriter, at producer na siya ring gumawa sa "Futurama". Kung nagustuhan niyo ang mga pelikulang "Big", "As Good As It Gets", at "Jerry Maguire" ay hindi ka na siguro magugulat kung sasabihin ko ngayon na ang producer ng The Simpsons at ng tatlo sa mga paborito kong pelikulang nabanggit ay walang iba kundi si James L. Brooks. May "connect" sila sa isa't isa kaya nga de-kalidad ang mga ito.

Unang nakilala ang pamilya nila Homer, Marge, Bart, Lisa, at Maggie sa "The Tracy Ullman Show" (April 19, 1987) bilang "animated shorts" na tumatagal lang ng isang minuto. Matapos ang tatlong seasons ay nalipat ito sa Fox Broadcasting Company at nag-debut noong December 17, 1989 bilang isang "half-hour prime time show". Okay, hindi ko idi-detalye ang kasaysayan nila dahil magiging nobela ang tungkol sa 464 episodes na nagawa nila sa loob ng twenty-one seasons na kakatapos lang noong nakaraang May 23.


Salamat nalang at nasa early thirties na ako dahil kung bata pa ako ngayon ay siguradong na-miss ko ang mga napakagandang episodes ng cartoon na ito. Nasa trese anyos yata ako noong una ko silang napanood sa teevee. Medyo sikat pa ang RPN 9 noong mga panahong iyon. Nang minsang nanonood ako ay naintriga ako sa patalastasl nilang ipinapakita ang mga grupong sumisigaw ng "We love the Simpsons!". Sa totoy kong edad noon ay bigla akong nasabik nang bumulaga ang "opening scene" ng palabas na tinutukoy nila. Wow, cartoons! Eh die-hard fan ako ng klasik Warner Bros. animations nila Bug Bunny na ipinapalabas naman ng paulit-ulit tuwing hapon sa IBC13. Siyempre, inabangan ko ang show at simula noon ay naging masugid na tagasubaybay na ako kasama ang utol kong si Pot. Kung sa entry ko tungkol kina Beavis and Butt-Head ay nagagalit si ermats dahil sa cool na kabobohan, ibahin mo ito dahil naging fan ang mga magulang ko ng pamilya Simpson.

Inaabangan naming lahat ang "opening sequence" na  depende ang bilis sa haba ng episode na ipapalabas. Kapag mahaba ay hindi nila ipapakita ang buong opening kundi doon kaagad sa bahaging pumaparada na si Homer sa kanilang garahe. Kapag ipinakita naman ang buo ay inaabanagan ko ang bagong isinusulat ni Bart sa blackboard, ang tono ng saxophone solo ni Lisa, at siyempre ang "couch gag" na palaging hinihintay ng mga manonood. Pinakagusto kong gag na ginawa nila ay ang "evolution of human race" kung saan ipinakita ang pagbabagong anyo ng isang isda hanggang maging si Homer. Isa pa ay 'yung ginaya nila ang opening scene ng "The Flintstones". Panalo rin 'yung nabuhay ang sofa at iniwanan sila!

Hindi ko na matandaan ang una kong napanood na episode pero nakatatak pa rin sa isip ko ang mga paborito ko. Ang una sa lahat ay ang "Simpsons Roasting on an Open Fire" na isang Christmas Special. Talaga namang nahabag kami nila mama, papa, at utol noong napanood namin ito. Nagpa-tattoo kasi si Bart at nalaman ni Marge kaya ipinabura niya ito sa pamamagitan ng laser surgery. Kahit na medyo mahal iyon ay ginawa niya pa rin dahil alam naman niyang may bonus na makukuha si Homer galing kay Mr. Burns. Ang siste, hindi niya alam na $13 lang ang nakuha ng kanyang asawa. Gustong mapalago ni Homer ang pera kaya nabuyo siyang sumama papunta sa isang karerahan ng mga aso at napililitang pumusta. Sa kasamaang palad ay natalo pa ang parang dapat ay pang-Noche Buena nila. Paglabas nila sa karerahan ay nakita nila ag greyhound na pinustahan nila. Itinapon na ito ng amo niya kaya kinuha nalang siya ni Homer. Masaya pa rin ang ending dahil kahit na wala silang pagkain sa "Christmas Eve" ay may bagong aso naman sila. Dito nakilala si "Santa's Little Helper" na ka-buddy ni "Snowball V" na isa namang pusa. Ngayon ko lang nalaman na ito pala ang kauna-unahang episode na ipinalabas noon sa Fox. Kaya siguro ganun nalang katindi ang dating nito sa aming mag-anak. Bukod sa episode na ito ay paborito ko rin ang "Flaming Moe's" kung saan nasukat ang pagkakaibigan nina Homer at Moe dahil sa naimbento nilang inumin. Ang "Krusty Gets Busted" na naging dahilan para maging mortal na kaaway ni Sideshow Bob si Bartholomew. Panalo rin ang "Lisa's First Word", "Bart Gets Famous", at ang "Homerpalooza". Karamihan ng mga gusto ko ay mula sa mga seasons noong Dekada NoBenta.

Kung merong "Captain Caveman" ang "The Flintstones" ay meron ding "The Itchy and Scratchy Show" ang The Simpsons. Isa itong "show within a show" na parang "Tom and Jerry" ang dating pero mas brutal. Laging patay sa show ang pusang si Scratchy.

Isa sa mga pinasikat din ng palabas ay ang mga "guesting" ng mga sikat na personalidad sa kanilang mga episodes. Siyempre bilang isang rocker, paborito ko ang mga episodes kung saan panauhin ang Red Hot Chili Peppers, Smashing Pumpkins, Sonic Youth, Cypress Hill, U2, Green Day, at marami pang ibang banda. Magugulat ka nalang na kasama pala sa episode si Tony Bennett. O kaya si George Bush Sr., o sina Linda at Paul McCartney , at Mike Judge. Sa ngayon, ang show na ito ang record holder ng may pinakamaraming guest stars in a television series.

Naging bahagi ng pop culture ang pamilyang ito lalo na noong Dekada NoBenta. Tandang-tanda ko pa 'yung paborito kong mug ng tito ko na may picture ni Bart at may nakasulat na "Damn if you do, damn if you don't". Sa lahat ng characters ay si Bart ang pinakasumikat dahil sa kanyang mga kalokohan. Maraming t-shirts noon na may puwet niya ang ibinibenta sa mga pamilihan. Sa kanya rin nauso ang catch phrase na "I didn't do it" at itong pamagat ng entry ko, "Aye Carumba". Alam mo bang euphemism o tumutukoy sa etits ang salitang carumba? Si Homer naman ay kilala sa kanyang "D'oh" na tinanggap na sa English dictionary. Nagkaroon din ng isang music album ang pamilya kung saan ang first single ay "Do the Bartman" na sinulat pa ni King of Pop Michael Jackson! Sa Video games naman ay naadikkami ng pinsan kong si Badds noon sa paglalaro sa arcade ng larong "Konami's The Simpsons".

Kahit na dalawang dekada na ang lumipas ay hindi pa rin sila tumatanda. Hanggang ngayon ay apat pa rin ang kanilang daliri. Hindi rin sila nagpapalit ng damit (okay, nagpapalit din paminsan depende sa okasyon). Ang mga bagong episodes nila ay sumasabay na rin sa bagong henerasyon - may ipod na sila, HDTV, laptop, at kung anu-anong pang uso sa bawat panahon.

Sabi ng maraming kritiko ay nawala na ang pagiging patok nito matapos ang ninth season. Nawalan na raw ng "creative writing" ang mga sumunod na episodes pagkatapos nito. Kahit na anong sabihin ng ibang mga tao ay hindi magbabago ang pagkahilig ko sa "Longest Running American Sitcom". Hangga't nandiyan sila ay patuloy akong manonood at tatawa sa dysfunctional family napatamas sa bawa't pamilya.



22 comments:

  1. Perry The PlatypusJune 3, 2010 at 1:43 AM

    Yan ang isa sa mga cartoons na hindi ko malilimutan sa buong buhay ko..
    Desperado nga ako makabili ng DVD ng Season 1 - Season 17 at hirap akong maghanap nun kay Manong Dibidi..

    Pati the Simpsons Konami and EA game pinagaksayahan ko ng panahon. Nung una nabaduyan ako pero dumating sa point na na-oobsessed ako pa palabas na to..
    Pati nung church camp namin last April eh The Simpsons ang pangalan ng team namin kasi Yellow yung team code.

    Naalala ko na kaya ko pang gayahin ang boses ni Homer (teka, nagagawa ko parin hanggang ngayun eh, namamaos nga lang).

    Tae naman, natalo sila ng kakulay nilang si Spongebob sa 2010 Nick Kids Choice Awards. Binoto ko sila eh kahit yung pangalan ko eh character sa Phineas & Ferb, si Perry the Platypus or Agent P.
    Pati ung aso namin Perry din ang tawag ko kasi halos magkaugali sila eh..

    ReplyDelete
  2. kakatuwa ka namang bata ka dahil gusto mo rin ang the simsons. ilang seasons ang meron kang copy?

    sigurado ka bang wala ka pa sa thirties?!

    kaka-sad naman na natalo sila ni sponge bob (although fave ko rin ito).

    teka, akala ko kaya perry ang tawag mo sa aso mo dahil magkaugali rin kayo! peace tayo parekoy!

    rakenrol!! \m/

    ReplyDelete
  3. Perry The PlatypusJune 3, 2010 at 2:23 AM

    Wala pa nga ako sa 20s eh..
    But I rented VHS noong mahal pa ang "ultra-hay-tetch" na DIBIDI pleyer.
    Nakatsempo rin naman ako dati kay Manong Dibidi kaso nga lang hiniram ng pinsan ko at hindi binalik hanggang sa na Ondoy. Na sa-akin pa rin ang Seasons 14-16 na nabili ko kay Manong Dibidi.

    Well si Spongebob din naman eh noong Nobenta naman nagsimula kaso ang Nickelodeon noon sa Pilipinas sa piling lugar lang eh pero naka-tsamba kami sa Cebu dahil merong Nickelodeon sa SkyCable pero hindi pa siya yung Southeast Asian Nick kundi Nick Australia. Alam ko meron din sa Metro Manila eh.
    Kahit galing Australia yun basta merong mapapanood na bagong episodes ng Spongebob,Rugrats at iba pang shows ng Nick pero naging Nick SEA na noong 2004, nagulat din ako na meron siyang commercials galing Pilipinas.

    ReplyDelete
  4. marami din akong nabiling original pirated dvds ng mga seasons nila pero nahihiram din at hindi na naibabalik sa akin!

    maganda ang nick lalo na 'yung mga shows nila noong dekada no benta!!

    ReplyDelete
  5. Favorite ko din ang The Simpsons! Gusto ko yun pagkamatigas ng mukha ni bart...

    Nice entry! =)

    ReplyDelete
  6. yup, kasing tigas nga aking T na ineexercise ko sa pamamagitan ng sit-ups! Sana ay magkaroon ulit ako ng abs at mawala na ang tabs.

    rakenrol! \m/

    ReplyDelete
  7. di ako nakarelate..haha..di ko to pinanood ih.. :p

    ReplyDelete
  8. hahaha, mukhang naligaw ka nga. 'di bale, marami namang mga uploads sa youtube at torrents na puwedeng i-download para mapanood mo ang paborito naming cartoons!

    salamat sa pagdaan,pag-aksaya ng panahon, at pag-follow!

    ReplyDelete
  9. hahanap ako sa quiapo ng dvd na ito. Gusto kong masimulan ang kwento nila.

    ReplyDelete
  10. good luck sa paghahanap mo sa quiapo. 'di ko sure kung makakahanap ka ng lahat ng seasons doon. sinubukan ko na dati pero nabigo lang ako!

    salamat sa pagdaan!

    ReplyDelete
  11. Perry The PlatypusJune 4, 2010 at 11:27 AM

    Sa post mong ito, mapapapunta ako ng Marikina Public Market para maghanap ng mga DVD ng The Simpsons. Nakabili ako doon dati eh.

    ReplyDelete
  12. Perry The PlatypusJune 4, 2010 at 12:17 PM

    Bago mo ipost yung topic for next week about the ads, don't forget to include ads from ProvillPhilippines and MonBC

    ReplyDelete
  13. dito na lang sa amerika ako natutong manood ng simpsons. . . noon sa pinas e hindi talaga. . . ito pala ang blog mo. =) ang dami kase e

    ReplyDelete
  14. @ perry: 'di ko pa nagagawa yung draft. kailangan ng malufet na pag-recall ang mga alaala. inom muna ako ng pampatanggal ng limot. basta gagawaan natin ito ng entry. pahiram ng dvd copies pag-uwi ko ha!

    @ paps: salamat talaga sa pagpili mo sa site na ito at gawing blogger of the month. i'm the happiest blogger in the world. yahooooo!!

    ReplyDelete
  15. Isa sa most watched TV cartoons sa America ang Simpsons and Homer was named as the best character created for film and TV for the last 20 years.

    Great post.

    ReplyDelete
  16. wow pope, nice trivia 'yung tungkol kay homer. astig 'yang info mo.

    salamat sa pagbisita! \m/

    ReplyDelete
  17. alam mo sa totoo lang, paborito ko din ang simpsons, may mga dvd ako nyan. at nakompleto ko ang huling season. hehehehe.salamat sa pagbangit sa blog ko. tenk u bradir!

    ReplyDelete
  18. idol!! salamat at napadaan ka ulit. 'di naman obvious sa blog layout mo na peyborit mo ang pamilya ni homer.

    parekoy, magkano yung t-shirt na binibenta mo? tinatanong ko lang pero sana bigyan mo ako ng libre. hehehe

    \m/

    ReplyDelete
  19. naaalala ko noong grade four ako, lagi pag lunes ito tsaka xmen ang pinaguusapan namin ng mga kaklase ko...

    medyo nga nanamlay sa comedy tong palabas na 'to. hay

    ReplyDelete
  20. salamat parekoy at naligaw ka dito sa bahay ko!

    yup, medyo nanamalay pero ok lang dahil napapasaya pa rin naman nila ako kapag pianpanood ko sila!

    ReplyDelete
  21. Simpsons.. hahaha ten-ten-ten-ten,, ten-ten..tenenenen.. hahaha isa ito sa sinusubaybayang kong cartoons nun bata pa ako.. maliban sa beavis and butthead a thundercats.. at syempre ang classic na gi joe.. hahaha pero iba ang dating ng simpsons.. lalo na yung itchy and scratchy show.. hahaha its not a cartoons for kids pero dito ako lumaki, kaya ako naging ganito.. hahahaha

    ReplyDelete
  22. parekoy, bigla ko tuloy tinugtog sa isipan ko ang "ten-ten-ten-ten,, ten-ten..tenenenen.."! the best talaga ang cartoons na ito. kaya nga tumagal siya ng dalawang dekada. sinisimulan ko na i-download ang first nine seasons na ang sabi ng karamihan ay ang "best seasons" of the simpsons. sa ngayon, tapos ko na ang one to three. wala kasi akong mahanap na dvd nito sa pinas mapa-orig o pirata kaya tiyaga-tiyaga nalang sa torrent! \m/

    ReplyDelete