"Isa kang Batang Nineties kung alam mong ang 'Mayonaise' ay isang kanta mula sa The Smashing Pumpkins."
Dali-daling tumawag sa akin si esmi noong may nabasa siyang FB post tungkol sa isang malufet na konsiyertong magaganap ngayong Agosto.
Nang sabihin ng Labs ko ang mainit-init na balita ay tumayo ang aking balahibo. Kasing-tindi ng aking nararamdaman sa tuwing ako ay natatae at nangangambang hindi na aabot sa kubeta. 'Yung pagkakataong nakita mo na ang inidoro kaso sa sobrang excitement ay hindi umabot ang pururot. Agad kong tinanong with matching crossed fingers kung kailan ang gig dahil baka nandito pa ako sa lupain ng mga singkit. Nagsawa na akong ma-disappoint, matunaw sa inggit, at manghinayang sa tuwing may mga foreign acts na dumadalaw sa Pinas habang ako ay nandito sa China.
OCEANIA TOUR. August 7, 2012. Araneta Coliseum.
OCEANIA TOUR. August 7, 2012. Araneta Coliseum.
Paksyet na malagket. 'Di tulad ng sa The Cranberries at Stone Temple Pilots, nasa Pinas na ako sa petsang nabanggit!
Ayoko munang maniwala dahil baka isa lang itong patawa tulad ng Trespassing: 3-in-1 Reunion Concert featuring The Eraserheads, Rivermaya, at Yano. Pag-uwi ko ng bahay ay hinalukay ko kaagad ang kaharian ni pareng Mark Zuckerberg. Natuwa naman ako ng isa't kalahati nang mahanap ko ang isang official "Live in Manila" FB Page. Pero dahil isang segurista ay hindi pa rin ako naniwala. Kaya ko rin namang gumawa ng sariling pahina sa internet.
Pinindot ko ang teklada ng aking laptop papunta sa website ng grupong hinahangaan ko. WALA ANG PILIPINAS SA TOUR DATES.
Hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa sa mga nasa likod ng tugtugang magaganap.
Noong isang araw ay talagang napasigaw ako ng isang milyong napakalakas na "Yes!!" nang mabasa ko sa Tour Blog ng THE SMASHING PUMPKINS na dadaan sila sa Lupang Hinirang. Totohanan na ito, mga Ka-Dekads!
Una kong narinig at napanood ang grupo nila Billy Corgan (vocals / lead guitar), James Iha (rhythm guitar), D'arcy (bass guitar), at Jimmy Chamberlin (drums) sa "Alternative Nation" ng MTV. Masyado akong nalibugan sa mga kabataang naglalaplapan naastigan sa video ng "Today" dahil kakaiba ang tunog na narinig ko mula sa kanila sa gitna ng kasikatan ng Grunge. Pumunta ako kaagad sa SM Cubao para bumili ng ng kopya ng 1993 album na "Siamese Dreams". Tuwing umaga ay ito ang kantang pinanggigising ko sa mga surot sa aming salas. Hindi ko masyadong napansin ang ibang mga kanta sa record na ito hanggang sa mapanood ko ang Pinoy amateur band na "Free Toasted Rotten Slippers" sa RJTV's Junior Jam sa Robinson's Galleria. Apat na kanta mula sa SP ang kanilang tinugtog noon at talaga namang nagising ang kaluluwa ko sa kanilang all-out performance. Simula noon ay itinaga ko sa bato na ang itatayo kong banda ay tutugtog din ng Pumpkins. Nabuo ang grupo namin nila Joe, utol Pot, pinsang Badds, at bespren Geline at tinawag namin itong Nexus One hanggang sa mas makilala sa pangalang Demo From Mars. Kasama sa listahan ng tinutugtog namin ang mga klasik na kantang "Cherub Rock", "Quiet", "Mayonaise", "Disarm", at "Rocket". Noong gf ko palang si misis ay inalayan ko siya ng kantang "Luna" na nagbigay sa akin ng 10k pogi points. Wala kang itatapong kanta sa pangalawang allbum na ito ng SP mula Side A hanggang Side B. Sa katunayan ito ang isa sa mga pinakamalufet na album ng Dekada NoBenta. Rank 360 ito sa November 2003 issue ng Rolling Stones' "The 500 Greatest Albums of All Time".
Sa kanilang 1991 debut album na"Gish", ang tugtugan ng SP ay mas "raw" kumpara sa Siamese. Wala kaming pondong kanta mula dito dahil medyo mahirap ang mga piyesa. Hindi rin kami pinalad na makahanap ng tablatures sa Fade to Black, Project 4, Quezon City. Isa sa mga peyborits ko ang "I Am One" na ginawang intro sa "Speak Easy" ng Channel V.
Nagkaroon ng 1994 compilation ng mga outtakes, rarities, at B-sides - "Pisces Iscariot" ang naging resulta ng pagsasama-sama. Ito ang pinaghugutan ko ng inspirasyon sa una kong musical composition para sa DFM, ang "Whining". Dito rin galing ang hit rendition ng "Landslide" na orihinal ni Stevie Nicks.
October 24, 1995 ay inilabas ang 28-track double album na "Mellon Collie and the Infinite Sadness". Ayon sa mga kritiko, ito ay pinakaambisyoso ngunit pinakamatagumpay na obra ng Pumpkins. Itinuring ito ni pareng Billy bilang "The Wall" (Pink Floyd) ng Generation X. Sa puntong ito, masasbi kong sikat na sikat na sikat na sikat na sila. Ang dami nilag nakuhang mga parangal para sa kanilang mga videos at kanta. Nagkaroon pa nga sila ng guesting sa episode na "Homerpalooza" ng The Simpsons. Laking pasalamat talaga ako sa barkada kong si Zab dahil pinasalubungan niya ako ng original CD's nito mula sa Tate. Hanggang ngayon ay kabisado ko pa rin ang tipa sa gitara ng "Bullet With Butterfly Wings". Hinding-hindi ko malilimutan ang kantang ito dahil isa ito sa mga tinugtog namin noong mag-guest kami sa RJTV's Junior Jam. Marami ang singles mula sa album na ito at kabilang ang award-winning song na "Tonight, Tonight", ang cool na cool na "1979", "Zero", "Thirty-Three", at "Muzzle". May kaklase ako noong college na nahuli kong paulit-ulit na nagsusulat ng "Galapogos" sa kanyang kuwaderno. Peyborit ko rin 'yun. Hindi ako nagulat na alam niya ang kanta; 'di lang ako makapaniwala na Madonna ang kanyang pangalan!
Okay na sana ang takbo ng kanilang karera ngunit isang trahedya ang naganap noong July 11, 1996 habang sila ay nasa kalagitnaan ng kanilang world tour. Natagpuang patay ang session keyboardist na si Jonathan Melvoin sa kanyang hotel room dahil sa drug overdose. Naaresto naman si Jimmy sa drug possession kahit na suwerteng nakaligtas sa OD.Ito ang naging dahilan upang mapatalsik sa grupo ang orihinal na drummer ng SP.
Sa sumunod na taon, nakita at narinig ang pagbabago sa SP. Lumabas ang single na "Eye" mula sa OST ng pelikulang "Lost Highway". Ang electronica song na ito ay ang naging inspirasyon ko sa kanta naming "Bitter Eyes". Nakasali rin ang kantang "The End is the Beginning is the End" sa soundtrack ng nilangaw na pelikulang "Batman & Robin". Nauuso ang techno noon at ang tingin ng mga tao ay nakikiuso ang kanilang grupo.
Nang lumabas ang 1998 album na "Adore", nagustuhan ulit ito ng mga kritiko ngunit hindi ng mga old skul listeners. Nag-iba ang kanilang mga itsura na maihahambing mo sa mga goth musicians. Mas madilim din ang tema ng mga liriko dito. Inaabangan kong mapanood sa MTV ang unedited music video ng "Ava Adore" kaso wala akong suwerte. Ngayon ko nalang ito napanood sa YT. Personal faves ko mula dito ang "Perfect", "To Sheila", "Appels + Oranjes", at "Shame". Kahit na maraming astig na kanta ang Adore, naging mababa ang benta nito na naging dahilan upang ituring na isang epic fail.
Ginulat ni Jimmy Chamberlin ang mga fans nang bumalik siya sa SP noong 1999 matapos ang kanyang drug rehab. Nakasama siya sa paggawa ng ikalimang album ng SP, ang "Machina/The Machines of God". Balik sa orig na line-up hanggang sa si D'arcy naman ang nagpaalam. Si Melissa Auf der Maur (ex-Hole member) ang pumalit sa kanya bilang bahista. Kapag pinakinggan mo ang record, ramdam mo ang unti-unting pagkakawatak ng Pumpkins. Medyo bumalik ang dating tunog nila sa album na ito pero nandoon pa rin ang tunog na parang "theatrical". Siguro dahil ito ay isang concept album. Peyborit ko ang mga singles na "The Everlasting Gaze" at ang nakakaiyak na "Stand Inside Your Love".
Sa pagpasok ng bagong milenyo ay nag-iba na ang "taste" ng mga kabataan pagdating sa musika. Mas mataas ang bentahe ng mga "Britney's" at kung anu-ano pang mga boy at girl bands na hindi naman talaga banda kundi mga totoy at nenena mukhang marunong lang kumanta dahil magaling mag-lipsynch.
May 23, 2000, sa isang live interview sa KROQ-FM sa Los Angeles, ay inamin ni Billy na tatapusin lang nila ang taon at sila ay maghihiwa-hiwalay na ng landas sa SP. December 2, 2000 ay idinaos nila ang kanilang farewell concert sa The Metro, isang club sa Chicago kung saan sila nagsimula. Bago magpaalam ay inilabas muna noong September 5, 2000 ang "Machina II/The Friends & Enemies of Modern Music" ng libre sa internet.
Nagkaroon ng mga side projects at solo career ang bawat miyembro nito. Nasundan ko pa sila dahil nasa dugo ko pa rin ang musikang kanilang iniwanan. Pero ibang kuwento na 'yun, balik tayo sa konsiyertong magaganap.
Nag-anunsiyo si Billy na magkakaroon ng reunion ang kanilang grupo noong 2005. Si Jimmy lang ang sumama sa kanya ngunit sa huli ay kumalas din. Nailabas ang "Zeitgeist" noong July 6, 2007. Sabik na sabik ako sa kopya ko nito ngunit medyo nawala ng konti nang marinig ko ang mga kanta. Para sa isang die-hard fan na tulad ko, parang amateur SP ang narinig kong nag-iingay. Hindi masyadong maganda ang pagtanggap sa album na ito at ang ipinupukol ng mga kritiko ay ang line-up ng mga musikero. Hindi na raw kasi orig ang mga miyembro kaya nawala sa hulog ang Smashing.
Sa ngayon, si Billy nalang ang natitirang orig na Pumpkin. Kasama niya sa grupo ngayon sila Mike Byrne (drums), Nicole Fiorentino (bass guitar, backing vocals), at Jeff Schroeder (rhythm guitar).
Na-download ko na ang ilang mga kanta mula sa ikawalong album na "Teargarden by Kaleidyscope (2009)" at kasalukuyan kong pinapakinggan ang mga kanta sa "Oceania", isang "album within an album" na lumabas lang noong June 19, 2012. Naririnig ng mga bingi kong tenga ang unti-unting pagkabuhay ng rakrakan! Let there be rock!
Pareng Billy, wala nang atrasan. Kailangang mapanood namin kayo. Pwera bawi, isang basong ihi!
PLEASE INVITE YOUR FRIENDS AND ENEMIES TO THIS EVENT
Okay na sana ang takbo ng kanilang karera ngunit isang trahedya ang naganap noong July 11, 1996 habang sila ay nasa kalagitnaan ng kanilang world tour. Natagpuang patay ang session keyboardist na si Jonathan Melvoin sa kanyang hotel room dahil sa drug overdose. Naaresto naman si Jimmy sa drug possession kahit na suwerteng nakaligtas sa OD.Ito ang naging dahilan upang mapatalsik sa grupo ang orihinal na drummer ng SP.
Sa sumunod na taon, nakita at narinig ang pagbabago sa SP. Lumabas ang single na "Eye" mula sa OST ng pelikulang "Lost Highway". Ang electronica song na ito ay ang naging inspirasyon ko sa kanta naming "Bitter Eyes". Nakasali rin ang kantang "The End is the Beginning is the End" sa soundtrack ng nilangaw na pelikulang "Batman & Robin". Nauuso ang techno noon at ang tingin ng mga tao ay nakikiuso ang kanilang grupo.
Nang lumabas ang 1998 album na "Adore", nagustuhan ulit ito ng mga kritiko ngunit hindi ng mga old skul listeners. Nag-iba ang kanilang mga itsura na maihahambing mo sa mga goth musicians. Mas madilim din ang tema ng mga liriko dito. Inaabangan kong mapanood sa MTV ang unedited music video ng "Ava Adore" kaso wala akong suwerte. Ngayon ko nalang ito napanood sa YT. Personal faves ko mula dito ang "Perfect", "To Sheila", "Appels + Oranjes", at "Shame". Kahit na maraming astig na kanta ang Adore, naging mababa ang benta nito na naging dahilan upang ituring na isang epic fail.
Ginulat ni Jimmy Chamberlin ang mga fans nang bumalik siya sa SP noong 1999 matapos ang kanyang drug rehab. Nakasama siya sa paggawa ng ikalimang album ng SP, ang "Machina/The Machines of God". Balik sa orig na line-up hanggang sa si D'arcy naman ang nagpaalam. Si Melissa Auf der Maur (ex-Hole member) ang pumalit sa kanya bilang bahista. Kapag pinakinggan mo ang record, ramdam mo ang unti-unting pagkakawatak ng Pumpkins. Medyo bumalik ang dating tunog nila sa album na ito pero nandoon pa rin ang tunog na parang "theatrical". Siguro dahil ito ay isang concept album. Peyborit ko ang mga singles na "The Everlasting Gaze" at ang nakakaiyak na "Stand Inside Your Love".
Sa pagpasok ng bagong milenyo ay nag-iba na ang "taste" ng mga kabataan pagdating sa musika. Mas mataas ang bentahe ng mga "Britney's" at kung anu-ano pang mga boy at girl bands na hindi naman talaga banda kundi mga totoy at nenena mukhang marunong lang kumanta dahil magaling mag-lipsynch.
Nagkaroon ng mga side projects at solo career ang bawat miyembro nito. Nasundan ko pa sila dahil nasa dugo ko pa rin ang musikang kanilang iniwanan. Pero ibang kuwento na 'yun, balik tayo sa konsiyertong magaganap.
Nag-anunsiyo si Billy na magkakaroon ng reunion ang kanilang grupo noong 2005. Si Jimmy lang ang sumama sa kanya ngunit sa huli ay kumalas din. Nailabas ang "Zeitgeist" noong July 6, 2007. Sabik na sabik ako sa kopya ko nito ngunit medyo nawala ng konti nang marinig ko ang mga kanta. Para sa isang die-hard fan na tulad ko, parang amateur SP ang narinig kong nag-iingay. Hindi masyadong maganda ang pagtanggap sa album na ito at ang ipinupukol ng mga kritiko ay ang line-up ng mga musikero. Hindi na raw kasi orig ang mga miyembro kaya nawala sa hulog ang Smashing.
Sa ngayon, si Billy nalang ang natitirang orig na Pumpkin. Kasama niya sa grupo ngayon sila Mike Byrne (drums), Nicole Fiorentino (bass guitar, backing vocals), at Jeff Schroeder (rhythm guitar).
Na-download ko na ang ilang mga kanta mula sa ikawalong album na "Teargarden by Kaleidyscope (2009)" at kasalukuyan kong pinapakinggan ang mga kanta sa "Oceania", isang "album within an album" na lumabas lang noong June 19, 2012. Naririnig ng mga bingi kong tenga ang unti-unting pagkabuhay ng rakrakan! Let there be rock!
PLEASE INVITE YOUR FRIENDS AND ENEMIES TO THIS EVENT
the best talaga tong banda ng idol natin!! can't wait for their concert. Matagal ko na ito pinangarap, at ngayon magkakatotoo na. :)
ReplyDeleteAstig pagkakasulat mo.... Sa author so parehu pala tayong thirty three na? Pinanganak karing 1979? Kaya mahal na mahal natin ang pumpkins hehehe
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteKita kits tayo, ser! =D excited na rin kami dito!
ReplyDeletethanks po sa article na ito! wow ang dami ko pa palang di alam sa kanila! bagama't batang uhugin pa lamang ako noong knilang kasikatan at talagang nagustuhan ko ang mga tugtugin nila ngayon. nalulungkot nga ako na di ko natunghayan ang totoong 'buhay' at orig na SP ngunit di ako nawawalan ng pag-asa kay Billy. nagustuhan ko ang Oceania! sana lang bumalik sila dito sa lalong madaling panahon dahil di ako nkapanuod kagabi dahil kay Habagat:(... nakakainggit po kayo dahil natunghayan nyo ang kanilang paglago sa inndustriya ng musika! saludo ako sayo isa kang tunay na kalabasa! jajajajajja
ReplyDelete