Tuesday, April 13, 2010

Radio Killed the Video Star


Likas na sa ating mga Pinoy ang pagiging mahiligin sa music. Bago pa man nauso ang mga talent shows sa teevee natin ngayon ay may “Tawag ng Tanghalan” na nagpasikat sa mga pundasyon ng musika natin. Aminin natin na hindi lamang sa billiards at boxing tayo kilala sa buong mundo kundi walang kaduda-duda na kilala rin ang lahi natin pagdating sa kantahan. At sigurado akong sasang-ayon kayo kung sasabihin kong lahat tayo ay may “artista effect”.

Music plus konting acting equals MUSIC VIDEOS. Yup, patok sa panlasa nating mga Noypi ito – superb entertainment. Kaya nga nang magkaroon ng franchise ang MTV o MUSIC TELEVISION sa Pinas ay mabilis itong tinanggap ng masa. Sa sobrang tanggap natin dito ay MTV na nga rin ang tawag natin sa mga videos ng kanta. Parang Colgate kapag toothpaste ang gustong tukuyin. Oist, mali ‘yun!!

August 1, 1981, 12:01 a.m. unang nag-air ang original na MTV sa US. “Ladies and gentlemen, rock and roll"...sabay patugtog ng theme song na guitar riffs habang pinapakita ang image ng collage ng Apollo 11 Landing na may flag na ang nakalagay ay ang MTV logo. Oo, dito ibinase ang "moonman" trophy na pinamimigay kapag Video Awards. “Video Killed the Radio Star” ng The Buggles ang unang pinakitang video ng network. At kung tatanungin kayo kung ano ang first ten songs / videos na nasilayan sa MTV, ito ang listahan:

1. "Video Killed the Radio Star" by The Buggles
2. "You Better Run" by Pat Benatar
3. "She Won't Dance With Me" by Rod Stewart
4. "You Better You Bet" by The Who
5. "Little Suzi's on the Up" by Ph.D.
6. "We Don't Talk Anymore" by Cliff Richard
7. "Brass in Pocket" by The Pretenders
8. "Time Heals" by Todd Rundgren
9. "Take It On the Run" by REO Speedwagon
10. "Rockin' the Paradise" by Styx

Ang original na aim ng network ay magpalabas ng mga music videos 24/7 na guided ng mga on-air hosts / personalities na tinawag na VJ’s o Video Jockeys. Dahil young adults at adolescents ang target nito, madali nitong nakuha ang lugar sa popular culture.

KAMI ANG MTV GENERATION. Dekada No Benta na nang unang makasagap ang Pilipinas ng signal mula sa Satellite Television Asia Regional (STAR) Broadcasting Corporation. Pero dapat ay may malufet na antenna at TV na may UHF channels ka para makuha mo ng libre ang MTV ASIA (read my entry “We Want the Airwaves”). Hindi ko sigurado kung kailan ibinalita ng pinsan kong si Badds na mayroon nang MTV sa Channel 23 pero January 1, 1992 ito nai-launch sa Southeast Asia. Noong wala pa kaming cable teevee ay madalas akong dumayo sa mga pinsan at iba ko pang mga kamag-anak para lang sa MTV.Tandang-tanda ko pa ang pagkaadik ko sa channel na ito – nakitulog pa kami ni Badds sa bahay ng erpats niya para lang makanood. Saktong Halloween noon kaya nagpresinta kaming magbantay ng bahay dahil pupunta sila ng sementeryo. Wantusawa. Inabangan namin ang mga videos ng iniidolo naming mga banda tulad ng Metallica, Guns N’ Roses, at Nirvana. Nag-enjoy talaga kami noong mapanood namin ang “November Rain”.

Crush na crush ko si VJ NONIE na cutie na Chinese pero English-speaking. Sabi nila, bingi raw ito at may hearing aid kaya laging nakatakip yung buhok niya sa isang tenga. Okay lang dahil maganda pa rin siya, hindi nabawasan yung paghanga ko sa kanya. Siya ang host ng “Dial MTV” kung saan may tumatawag on-air para mag-request ng videos. Lagi kong pinagdarasal na sana Pinoy ang tumawag para hindi baduy ang gusto tulad ng ibang lahi.Host din siya ng “MTV Most Wanted” na kung saan susulat ka sa kanya para sa request mong video. Tuwang-tuwa ako nang mapili niya ang sulat ko at binasa on-air. Tinawag niya itong “Scaaaarrry Snake of the Day”. Gumawa kasi ako ng cardboard na ginaya ko sa ahas ng “Black Album” ng Metallica. “Enter Sandman” ang video na hiniling ko. One of the best talaga ito.

Paborito ko rin si VJ SOPHIA na isang hot Indian chick. Host siya ng “MTV Alternative Nation” na nagpapalabas ng mga videos na galing sa mga underground bands. Dito ko unang napanood at narinig ang “Today” ng Smashing Pumpkins. Bukod sa kakaibang tunog, ‘yung hot video ng mga naghahalikang teenagers ang dahilan kaya ko binili ang album nilla at naging mga idolo rin. Dito ko rin unang napanood ang Oasis na medyo sumisikat dahil sa “Live Forever”.

Headbanger’s Ball” ang pinakasikat na segment noong mga unang taon ng MTV Asia dahil ito rin ang panahon ng Seatlle Sound Movement at Pinoy Alternative. Altough dapat ay sa show ni VJ Sophia ipinapalabas ang mga videos ng alternative bands, nasasama rin ang mga bandang Soundgarden, Pearl Jam, Mudhoney, Melvins, sa line-up ng Sepultura at iba bang nakakabinging mga banda. Kundi ako nagkakamali, ang host nito ay si VJ Danny McGILL. Naaalala ko pa ‘yung isang basketball team na kalaban ng lugar namin – Headbanger’s Ball ang ginamit nilang pangalan tapos mga pangalan ng bandang pinapatugtog ang nakalagay sa jerseys nila. Astig dahil kahit ‘yung logo ng show, nagaya rin nila!

Tuwing umaga, bago magtanghali ay mayroon namang ‘MTV Classic” na nagpapalabas ng mga videos galing sa dekada bago mag-nineties. Siyempre, matiyaga kong inaabangan ang mga oldies na peyborit ko tulad ng The Beatles, Eagles, Tom Petty, David Bowie, at mga new wave groups tulad ng Fra Lippo Lippi at Duran Duran habang naglilinis kami ng bahay.

Tuwing weekends, inaabangan ko ang “MTV Asian Top 20 Countdown” at “MTV US Top 20 Countdown” para maging updated sa kung sino ang sikat sa States at sa Asia. May isang beses na talagang bad trip ako sa MTV dahil ‘di nila pinapalabas ng buo ‘yung “Heart-Shaped Box” nila pareng Kurt. Medyo hindi daw katanggap-tanggap ‘yung video dahil parang “tinarantado” daw ng grupo ang crucifixion ni Jesus. Check niyo nalang sa Youtube link na ito  kung ganoon nga ka-controversial. Paborito ko rin ang “MTV Unplugged” dahil pinapakita nito ang galing ng artist/s kahit na acoustic lang ang set. Ang ayoko lang kapag weekend ay ang “MTV Gone Taiwan” na nagpapalabas, obviously, ng mga videos ng Taiwanese. Tapos nakakaasar pa ‘yung host na si VJ DAVID “Wu Man” WU. Feeling niya ay cool siya kapag sumesenyas siya ng five fingers na nagrerepresent ng “Wu”. Paksyet ang segment niya na nagtuturo siya ng English Slang to Chinese. Bad trip!

Mayroon ding palabas na “Liquid Television”. Hindi ko maalala kung Wednesday ang airing nito o Thursday. Basta showcase ito ng mga independent animators na nagpasikat sa tulad Mike Judge na gumawa kina “Beavis and Butt-Head”. “Frog Baseball” ang una naming napanood from the duo at simula noon ay naging die-hard followers na kami ng tropa ko. Meron pa nga akong button nito na binigay sa akin ng barkada kong si Nikki galing States. Sa show din na ito nanggaling ang series ni Peter Chung na “Æon Flux”, paborito namin ng utol kong si Pot. Oo, ito ‘yung ginawan ng movie adaptation na kung saan bida si Charlize Theron. Nabu-buwisit si ermats sa nakakatawang kabobohan, violence, at sexy scenes ng mga cartoons ng MTV. Bastos daw...pero wala siyang nagawa dahil naging parte ng teevee life namin ito.

May mga iba pang shows tulad ng “MTV Fresh” na nagpapalabas ng mga bagong videos, “MTV Grind” na nagtuturo ng mga Beach Party dance moves, at “MTV Live and Loud” na nagpapalabas naman ng mga concerts.

Inaabangan ko rin siyempre ang mga awards night ng “MTV Video Awards”. Tulad sa sinabi ko sa entry kong “Grunge is Dead: The End of Music”, ang 1992 Awards ang pinakamalufet sa lahat ng napanood ko. Nai-record pa nga ni Nikki ito sa VHS tape kaya napanood pa namin ulit sa bus noong nag-field trip kami papuntang Nayong Pilipino. Ito lang naman kasi ang time na puro idol ko ang humahakot ng trophy – tropa nila pareng Kurt Cobain, pareng Axl Rose, at pareng James Hetfield.

Masarap rin panoorin ang “MTV Movie Awards”, lagi kong inaabanagan kung sino ang makakakuha ng “Best Kiss Award”. The best ‘yung nanalo sina Wynona at Ethan Hawke sa laplapan nila sa “Reality Bites”.

Ang dami talagang memories ng MTV Asia. Nagulat nalang ako isang umaga, May 1, 1994, parang may mali sa monitor dahil ‘di ko makita ang MTV logo. Napalitan ito ng “[V]” na logo at pati ang mga title ng shows ay iba na rin. Feeling ko ay nasa “Twilight Zone” ako dahil biglang nawala ang Music Telvision. Ang siste, hindi nila sinabi ang dahilan na nag-expire na ang contract nila sa mother company ng MTV at hindi nag-renew ang STAR TV. At ganun nalang ang pagbabago.

Hindi dito nagtatapos ang kuwento ko. Masyadong hahaba ang entry kung ikukuwento ko pa ang experiences ng mga Pinoy sa Channel V, muling pagbabalik ng MTV Asia, at pagkakaroon ng MTV Philippines. Don’t worry, hahatiin natin ang kuwento para ‘di kayo mabingi!




11 comments:

  1. Base!!! hehehe! Galeng ng post!

    Naalala ko nung high school pa ako na nagpapakapuyat ako para lang mapanood yang "Headbanger's Ball" Astig talaga ang MTV noon.

    Wala na ang MTV Philippines. Di ko alam kun bakit nawala. Dahil siguro inurong ng cable company ang channel at mas pinaboran ang MYX.

    Check mo din yun kwento ko kay Charlize Theron dito. Rock en roll!!! \m/

    ReplyDelete
  2. MYX killed the MTV. narinig ko na tong issue na to sa pagkawala ng MTV sa ere. Mas gusto daw kasi ng mga Pinoy magbasa ng lyrics habang nanonood..

    ---napadaan lang repa. :)

    ReplyDelete
  3. @ stone cold: salamat sa comment parekoy! na-research ko na ang tunay na issue sa pagkawala ng MTV Philippines...kuwento ko sa inyo next time

    @ goyo: salamat sa pagdaan...ganun talaga tayong mga pinoy, mahilig magbasa ng lyrics. in-apply pa nga ito sa SOP at ASAP 'di ba?

    ReplyDelete
  4. Wala na talagang MTV Philippines.
    February 16,2010 nung nag-signoff na siya..
    Nag-sign off daw sila dahil hindi na na-renew ang contract ng AYC sa Viacom at ang pondo para sa MTV gagawin sa pag improve ng TV5.

    Sana bumalik na ang MTV Philippines.

    ReplyDelete
  5. anonymous,

    'di ko nabalitaan ang ganyang isyu. binigyan mo ako ng assignment para alamin kung ano talaga ang katotohanan. sige, sa part two nitong entry ko, isasambulat ko ang totoong nangyari.

    salamat sa pagdaan. sana next time ay nakapagpabinyag ka na para may pangalan ka na. hehehe.

    ReplyDelete
  6. Perry The PlatypusMay 26, 2010 at 12:58 AM

    Ako yung anonymous na nag-comment about the contract.

    As of now, MTV Southeast Asia ang at [V] Philippines ang meron sa Sky at Destiny Cable.

    Well ngayon, effective naman ang funding ng mga Pangilinan sa TV5.
    Yung funding nila ay gagamitin sa mga future projects at para sa Digital TV simulcasts.

    Siguro naman pagkatapos ng mga yan, maibabalik din ang MTV Phils. sa TV. So miss MTV Phils.

    ReplyDelete
  7. wow parekoy, talagang nabinyagan ka na ha! apir!

    sana nga bumalik na ang MTV Pinas. mas astig pag sarili natin ang network eh. \m/

    ReplyDelete
  8. Perry The PlatypusMay 26, 2010 at 1:33 AM

    No probs..
    Next project kasi ng mga broadcasters sa Pilipinas na mag-shift to Digital TV. Buti nga sa Saudi, meron na eh may HD pa using the European DVB standards.

    Sa Pilipinas, GEM-NET 49 pa lang ang may free to air HD channel sa bansa pero under test broadcast siya using the Japanese ISDB standards.

    ReplyDelete
  9. 'di pa ako familiar sa HD. Kung meron dito sa Saudi, 'di ko pa na-try kasi naka-subscribe lang kami sa TFC at PinoyTV. Yapos meron ding mga satellite receivers.

    i'll try to research on that. thanks for the info!

    ReplyDelete
  10. Wow!!! Nobenta~~~~ nag eenjoy ako sa mga articles mo... Balik teenager ako uli. more Nobenta experienced pa!!!

    ReplyDelete
  11. Respect and that i have a neat give: What Does A Full House Renovation Cost house renovation cost

    ReplyDelete