Showing posts with label 90’s. Show all posts
Showing posts with label 90’s. Show all posts

Friday, April 5, 2013

Grunge is Dead: The End of Music


KURT DONALD COBAIN
(February 20, 1967 - April 5, 1994)

"Isa kang Batang Nineties kung naki-headbang ka sa tugtugan ng Nirvana."

Kung magbibigay ako ng isang salita para tukuyin Dekada NoBenta, ang maiisip ko ay ang “Generation X”. Tinatawag ding “13th Generation”, ito ay ang mga taong ipinanganak mula 1961 to 1981 na iniuugnay sa administrasyon nina Ronald Reagan at George H.W. Bush ni Uncle Sam. Ang paniniwalang-politikal ng ating dekada ay apektado ng mga pangyayari tulad ng Vietnam War, Cold War , Pagbagsak ng Berlin Wall, at People Power Revolution ng EDSA. Tayo rin ang unang nakatikim ng video games, MTV, at ng Internet. Sa musika naman ay sikat ang heavy metal, punk rock , gangsta rap, at hip-hop. Pero ang lumamon sa airwaves noong nineties ay ang GRUNGE music na ang naging pinaka-icon ay si KURT DONALD COBAIN.

Hindi ko na ikukuwento kung paano sumikat at pinatay ng kasikatan ang itinuring na “spokesperson” ng Gen X. Nandiyan naman si pareng Wiki at si pareng Google. Isa pa, ayokong magkamali sa mga impormasyon tungkol sa aking idolong itinuring na "demi-god". Sigurado naman ako na walang Batang Nineties ang hindi nakakakilala sa “flagship band of Gen X” na NIRVANA. Susugurin ko na papuntang Cebu ang bandang Cueshe(t) kung sasabihin pa rin nilang hindi nila kilala ang trio na tinutukoy ng Weezer sa “Heart Song” (‘Di raw kasi nila kilala ang Silverchair na paborito ng lola ko). Paksyet sila kung ide-deny nila ang pinakamalufet na Grunge band na yumanig sa buong mundo noong panahon namin.

Tuesday, April 13, 2010

Radio Killed the Video Star


Likas na sa ating mga Pinoy ang pagiging mahiligin sa music. Bago pa man nauso ang mga talent shows sa teevee natin ngayon ay may “Tawag ng Tanghalan” na nagpasikat sa mga pundasyon ng musika natin. Aminin natin na hindi lamang sa billiards at boxing tayo kilala sa buong mundo kundi walang kaduda-duda na kilala rin ang lahi natin pagdating sa kantahan. At sigurado akong sasang-ayon kayo kung sasabihin kong lahat tayo ay may “artista effect”.

Music plus konting acting equals MUSIC VIDEOS. Yup, patok sa panlasa nating mga Noypi ito – superb entertainment. Kaya nga nang magkaroon ng franchise ang MTV o MUSIC TELEVISION sa Pinas ay mabilis itong tinanggap ng masa. Sa sobrang tanggap natin dito ay MTV na nga rin ang tawag natin sa mga videos ng kanta. Parang Colgate kapag toothpaste ang gustong tukuyin. Oist, mali ‘yun!!

August 1, 1981, 12:01 a.m. unang nag-air ang original na MTV sa US. “Ladies and gentlemen, rock and roll"...sabay patugtog ng theme song na guitar riffs habang pinapakita ang image ng collage ng Apollo 11 Landing na may flag na ang nakalagay ay ang MTV logo. Oo, dito ibinase ang "moonman" trophy na pinamimigay kapag Video Awards. “Video Killed the Radio Star” ng The Buggles ang unang pinakitang video ng network. At kung tatanungin kayo kung ano ang first ten songs / videos na nasilayan sa MTV, ito ang listahan:

1. "Video Killed the Radio Star" by The Buggles
2. "You Better Run" by Pat Benatar
3. "She Won't Dance With Me" by Rod Stewart
4. "You Better You Bet" by The Who
5. "Little Suzi's on the Up" by Ph.D.
6. "We Don't Talk Anymore" by Cliff Richard
7. "Brass in Pocket" by The Pretenders
8. "Time Heals" by Todd Rundgren
9. "Take It On the Run" by REO Speedwagon
10. "Rockin' the Paradise" by Styx

Ang original na aim ng network ay magpalabas ng mga music videos 24/7 na guided ng mga on-air hosts / personalities na tinawag na VJ’s o Video Jockeys. Dahil young adults at adolescents ang target nito, madali nitong nakuha ang lugar sa popular culture.

KAMI ANG MTV GENERATION. Dekada No Benta na nang unang makasagap ang Pilipinas ng signal mula sa Satellite Television Asia Regional (STAR) Broadcasting Corporation. Pero dapat ay may malufet na antenna at TV na may UHF channels ka para makuha mo ng libre ang MTV ASIA (read my entry “We Want the Airwaves”). Hindi ko sigurado kung kailan ibinalita ng pinsan kong si Badds na mayroon nang MTV sa Channel 23 pero January 1, 1992 ito nai-launch sa Southeast Asia. Noong wala pa kaming cable teevee ay madalas akong dumayo sa mga pinsan at iba ko pang mga kamag-anak para lang sa MTV.Tandang-tanda ko pa ang pagkaadik ko sa channel na ito – nakitulog pa kami ni Badds sa bahay ng erpats niya para lang makanood. Saktong Halloween noon kaya nagpresinta kaming magbantay ng bahay dahil pupunta sila ng sementeryo. Wantusawa. Inabangan namin ang mga videos ng iniidolo naming mga banda tulad ng Metallica, Guns N’ Roses, at Nirvana. Nag-enjoy talaga kami noong mapanood namin ang “November Rain”.

Crush na crush ko si VJ NONIE na cutie na Chinese pero English-speaking. Sabi nila, bingi raw ito at may hearing aid kaya laging nakatakip yung buhok niya sa isang tenga. Okay lang dahil maganda pa rin siya, hindi nabawasan yung paghanga ko sa kanya. Siya ang host ng “Dial MTV” kung saan may tumatawag on-air para mag-request ng videos. Lagi kong pinagdarasal na sana Pinoy ang tumawag para hindi baduy ang gusto tulad ng ibang lahi.Host din siya ng “MTV Most Wanted” na kung saan susulat ka sa kanya para sa request mong video. Tuwang-tuwa ako nang mapili niya ang sulat ko at binasa on-air. Tinawag niya itong “Scaaaarrry Snake of the Day”. Gumawa kasi ako ng cardboard na ginaya ko sa ahas ng “Black Album” ng Metallica. “Enter Sandman” ang video na hiniling ko. One of the best talaga ito.

Paborito ko rin si VJ SOPHIA na isang hot Indian chick. Host siya ng “MTV Alternative Nation” na nagpapalabas ng mga videos na galing sa mga underground bands. Dito ko unang napanood at narinig ang “Today” ng Smashing Pumpkins. Bukod sa kakaibang tunog, ‘yung hot video ng mga naghahalikang teenagers ang dahilan kaya ko binili ang album nilla at naging mga idolo rin. Dito ko rin unang napanood ang Oasis na medyo sumisikat dahil sa “Live Forever”.

Headbanger’s Ball” ang pinakasikat na segment noong mga unang taon ng MTV Asia dahil ito rin ang panahon ng Seatlle Sound Movement at Pinoy Alternative. Altough dapat ay sa show ni VJ Sophia ipinapalabas ang mga videos ng alternative bands, nasasama rin ang mga bandang Soundgarden, Pearl Jam, Mudhoney, Melvins, sa line-up ng Sepultura at iba bang nakakabinging mga banda. Kundi ako nagkakamali, ang host nito ay si VJ Danny McGILL. Naaalala ko pa ‘yung isang basketball team na kalaban ng lugar namin – Headbanger’s Ball ang ginamit nilang pangalan tapos mga pangalan ng bandang pinapatugtog ang nakalagay sa jerseys nila. Astig dahil kahit ‘yung logo ng show, nagaya rin nila!

Tuwing umaga, bago magtanghali ay mayroon namang ‘MTV Classic” na nagpapalabas ng mga videos galing sa dekada bago mag-nineties. Siyempre, matiyaga kong inaabangan ang mga oldies na peyborit ko tulad ng The Beatles, Eagles, Tom Petty, David Bowie, at mga new wave groups tulad ng Fra Lippo Lippi at Duran Duran habang naglilinis kami ng bahay.

Tuwing weekends, inaabangan ko ang “MTV Asian Top 20 Countdown” at “MTV US Top 20 Countdown” para maging updated sa kung sino ang sikat sa States at sa Asia. May isang beses na talagang bad trip ako sa MTV dahil ‘di nila pinapalabas ng buo ‘yung “Heart-Shaped Box” nila pareng Kurt. Medyo hindi daw katanggap-tanggap ‘yung video dahil parang “tinarantado” daw ng grupo ang crucifixion ni Jesus. Check niyo nalang sa Youtube link na ito  kung ganoon nga ka-controversial. Paborito ko rin ang “MTV Unplugged” dahil pinapakita nito ang galing ng artist/s kahit na acoustic lang ang set. Ang ayoko lang kapag weekend ay ang “MTV Gone Taiwan” na nagpapalabas, obviously, ng mga videos ng Taiwanese. Tapos nakakaasar pa ‘yung host na si VJ DAVID “Wu Man” WU. Feeling niya ay cool siya kapag sumesenyas siya ng five fingers na nagrerepresent ng “Wu”. Paksyet ang segment niya na nagtuturo siya ng English Slang to Chinese. Bad trip!

Mayroon ding palabas na “Liquid Television”. Hindi ko maalala kung Wednesday ang airing nito o Thursday. Basta showcase ito ng mga independent animators na nagpasikat sa tulad Mike Judge na gumawa kina “Beavis and Butt-Head”. “Frog Baseball” ang una naming napanood from the duo at simula noon ay naging die-hard followers na kami ng tropa ko. Meron pa nga akong button nito na binigay sa akin ng barkada kong si Nikki galing States. Sa show din na ito nanggaling ang series ni Peter Chung na “Æon Flux”, paborito namin ng utol kong si Pot. Oo, ito ‘yung ginawan ng movie adaptation na kung saan bida si Charlize Theron. Nabu-buwisit si ermats sa nakakatawang kabobohan, violence, at sexy scenes ng mga cartoons ng MTV. Bastos daw...pero wala siyang nagawa dahil naging parte ng teevee life namin ito.

May mga iba pang shows tulad ng “MTV Fresh” na nagpapalabas ng mga bagong videos, “MTV Grind” na nagtuturo ng mga Beach Party dance moves, at “MTV Live and Loud” na nagpapalabas naman ng mga concerts.

Inaabangan ko rin siyempre ang mga awards night ng “MTV Video Awards”. Tulad sa sinabi ko sa entry kong “Grunge is Dead: The End of Music”, ang 1992 Awards ang pinakamalufet sa lahat ng napanood ko. Nai-record pa nga ni Nikki ito sa VHS tape kaya napanood pa namin ulit sa bus noong nag-field trip kami papuntang Nayong Pilipino. Ito lang naman kasi ang time na puro idol ko ang humahakot ng trophy – tropa nila pareng Kurt Cobain, pareng Axl Rose, at pareng James Hetfield.

Masarap rin panoorin ang “MTV Movie Awards”, lagi kong inaabanagan kung sino ang makakakuha ng “Best Kiss Award”. The best ‘yung nanalo sina Wynona at Ethan Hawke sa laplapan nila sa “Reality Bites”.

Ang dami talagang memories ng MTV Asia. Nagulat nalang ako isang umaga, May 1, 1994, parang may mali sa monitor dahil ‘di ko makita ang MTV logo. Napalitan ito ng “[V]” na logo at pati ang mga title ng shows ay iba na rin. Feeling ko ay nasa “Twilight Zone” ako dahil biglang nawala ang Music Telvision. Ang siste, hindi nila sinabi ang dahilan na nag-expire na ang contract nila sa mother company ng MTV at hindi nag-renew ang STAR TV. At ganun nalang ang pagbabago.

Hindi dito nagtatapos ang kuwento ko. Masyadong hahaba ang entry kung ikukuwento ko pa ang experiences ng mga Pinoy sa Channel V, muling pagbabalik ng MTV Asia, at pagkakaroon ng MTV Philippines. Don’t worry, hahatiin natin ang kuwento para ‘di kayo mabingi!




Saturday, March 6, 2010

Beep Beep Beeper

Sa high-tech nating panahon, napakadali na ng komunikasyon. Salamat sa internet at mga wireless communications, kasing-bilis ng “speed of light” ang pag-transmit ng messages papunta sa gusto mong kausapin. ‘Di na “in” ang snail mail, dahil may e-mail naman na at SMS o text messages.

Pero bago pa man namayagpag ang mga selepono ay nauna na sa pagpapasikat ang mga PAGERS sa panlasa nating mga Pinoy. Bago pa man naghari ang mga cellular networks na Globe at Smart ay may business competition na ang EasyCall at PocketBell.

Ang pager, o “BEEPER” para sa karamihan dahil sa beeping noise nito kapag nakakatanggap ng message, ay actually ang sinaunang paraan ng text messaging. Naaalala ko pa noon na Motorola ang pinakasikat na beeper unit. Pero hindi ito tulad ng mga celfones ngayon na puwede mong bilhin basta-basta sa Greenhills dahil kailangan mong mag-subscribe sa mga paging networks. Libre na ‘yung unit basta naka-plan ka. Hindi ako sigurado kung magkano ang subscription rate noon pero parang nasa hundreds to a thousand pesos ang halaga nito monthly.

Iba’t iba ang klase ang models na lumabas sa market: mayroong voice/tone pagers na may feature na makarecieve lang ng mga voice messages; mayroong numeric pagers na numero lang ang tinatanggap (usually phone numbers na dapat mong tawagan); at alphanumeric pagers, ang pinakasumikat sa Pinas, na combined letters and numbers ang capability na tanggapin. May pagers na one-liner ang monitor at meron din namang two-liner hanggang four. At take note, isang AAA battery ang nagbibigay buhay sa mga units na ito.

Noong highschool ako ay “in na in” ang malalaking celfones na parang pangkadkad ng yelo na nilagyan ng mahabang antenna. Nakakainggit talagang tingnan ang mga peyrents ng mga sosi kong klasmeyts kahit nakakatawang makita ang dambuhalang headset na nakadikit sa tenga nila kapag tumatawag. Talagang naging status symbol nga ito ng mga mayayaman. Nasa college naman ako nang simulang maging fashion victims ang mga anak ng mayayaman. Siyempre dahil nasa kolehiyo na, kailangang maging maporma. Halos lahat ng mga “can afford” na classmates ko sa Uste ay naka-tuck ang polo shirt (‘di pa polo ang uniform nung time ko) para makita yung beepers na nakakabit sa mga sinturon nila. Accesories ito ng mga tinanawag naming “RK” o “rich kids” na proud to the max everytime na may “beep beep beep” na manggagaling sa mga borloloy nila.

Paksyet sila, feeling cool. Kunwari ay nag-message ang crush nila o nililigawan pero ang totoo ay pinapauwi na sila ng mga magulang nila! Ito ang mahirap sa beepers dati dahil binibigay ito ng mga mayayamang parents sa kanilang mga anak para may way silang mapauwi sa bahay! Buti nalang at ipinanganak akong mahirap. Hahaha.

'Yun naman talaga ang misyon sa sangkatauhan ng mga pagers - for important messages lang. Yung tipong mamamatay na yung pasyente kaya kailangan kang i-page dahil ikaw ang doktor na tagapagligtas. Pero siyempre, Pinoy tayo kaya ginamit natin itong mga ito sa pakikipaglandian. Kahit na napaka-mais at napaka-keso ng message na "good night babes, sleep tight" wala tayong hiya at pakialam na i-dictate ito sa operator na magpapadala ng message sa esmi mo.

Ito ang isa sa mga downsides ng paging system. Biruin mo, kailangan pang tumawag sa operator yung sender para magpadala ng message. Ang nakakatawa, may moderation ang mga puwedeng gamitin na words. Kaya kung galit ka sa taong bibigyan mo ng malutong na mura ay magagalit ka rin dun sa operator na sasabihan ka ng "sorry po pero hindi allowed ang putang ina". Sigurado ako na hindi nauso o naimbento ang "SOB o sex on beepers". No chance in hell.

Ang labo ng sistemang maghahanap ka pa ng pinakamalapit na pay phone para mag-retrieve ng message at magreply through operator. Pero gayunpaman, mas tinanggap ito ng karamihan. Lalo na sa mga radio stations dahil mas madaling bumati at magrequest ng kanta through beepers kesa tumawag sa hotlines. Kaya nga nagkaroon ng clash ang hip hoppers at metal sa LA105.9 - dahil ito sa kagagawan ng mga beeper messages na binabasa ni The Doctor.

Bukod sa EC at PB ay nakisawsaw din ang Powerpage, Jaspage, at Infopage sa industry. Kaya naman ang daming nagkaroon ng trabaho bilang operator. Sila ang original "call center agents". Sa dami nila ay naging prone sila sa mga prank calls tulad ng mga ginagawa ng The Jerky Boys na sumikat din noong Dekada No Benta. May Pinoy version ito sa katuhan ni Driver Eric. Aaminin ko, isa ako sa mga nagpagulo sa buhay ng mga operators na ito.

Ang codename na ginagamit ko ay Sumalatokekek (courtesy of my brother Pot). Pangalan pa lang ng sender ay mahaba na. Tapos ay magpapadala pa ako ng message na: "Do you know what PNEUMONOULTRAMICROSCOPICSILICOVOLCANOCONIOSIS means?" (trivia: 45-letter word ito na lung disease ang meaning). Tapos papaulit ko ito at ipapa-spell. Aabutin kami ng mga limang minuto bago matapos. Ramdam na ramdam kong binibigyan ako ng nangangamatis na middle finger habang kausap niya ako.

Nang pumasok ang kalagitnaan ng nineties ay lumabas ang mga celfones na puwede nang magtext. Naaalala niyo pa ba ang commercial ng Globe na may magsyotang pipi't bingi na nag-date? Yung nag-uusap through text? Tanong niyo sa mga kuya niyo ito dahil dito nagsimulang tumamlay ang beepers hanggang sa namatay. May lumabas na pager na may keypads para puwede na ring magreply kaso 'di na ito masyadong napansin.

Sa Pinas, obsolete na ang pagers. Ang balita ko ay call center na ang Easy Call habang yung iba ay tuluyan nang nagsara. Pero sa ibang bansa tulad ng US at UK ay tuloy pa rin ang mga pagers. Ginagamit ito sa mga lugar tulad ng ospital na bawal ang mga frequency ng celfones na nakakasira ng mga aparato.

Kaya mga bata, pasalamat tayo sa mga nakaimbento ng beepers dahil kung hindi sa kanila malamang sa alamang ay hindi naimbento ang pagtetext!




Saturday, January 30, 2010

Screw You


"Isa kang Batang 90's kung nahilig ka sa World Wrestling Federation at napanood ang 'Montreal Screw Job' na nangyari sa pagitan nina Bret Hart at Shawn Michaels."
 
Tuwing Huwebes, isa sa mga inaabangan ko sa TV ay ang “WWE’s Raw” sa MBC Action Channel. Buti nalang at may "dekaledad na palabas" pang nasasagap ang satellite dish namin dito sa Saudi -  hindi puro punyetang lecheseryes tulad ng “Tinik sa Dibdib” at “Kaya Kong Abutin ang Langit” ang kinakain ng utak ko!

Lunes talaga ang time slot ng “Raw” sa Tate pero puwede na rin dahil mga kalahating buwan lang ang antala dito. Noong nakaraang linggo, astig ang pagiging guest host ng idolo kong si Bret “The Hitman” Hart. Labing-dalawang taon matapos ang “Montreal Screwjob”, nagkaayos na rin sa wakas sila ni Shawn Michaels. Nakakaiyak ‘yung nagkamayan na sila para kalimutan na ang nakaraan. Tapos nagyakapan pa kaya nagsigawan lalo ang mga nanonood. Aaaww!!

Okay na sana ang lahat pero napakapangit ng ending ng episode. Nagkaroon din kasi sina Bret at Mr. McMahon ng pag-uusap sa ring. Nagkabati rin sila. Nagkamayan. Tapos natraydor lang si idol dahil pakulo lang ng kups na may-ari ang pakikipagbati kay Hitman. Natapos  ang palabas matapos mabayagan ang dating kampyon. Paksyet.

Thursday, November 19, 2009

Isangguni Ang Kabataan

"Isa kang Batang 90's kung nakaboto ka sa kauna-unahang SK Elections noong 1992."

Sa tuwing napapanood ko ang patalastas ng Starstruck sa PinoyTV dito sa Saudi ay naaalala ko ang panahong minsan ay nangarap din akong maging isang artista. Paano ba naman, bata pa lang kami ng mga utol at pinsan ko ay itinanim na sa aming mga kukote na ang aming Lolo Bitoy ang nakadiskubre kay Ate Guy noong nagtitinda pa lamang siya ng tubig sa isang istasyon ng tren sa Bicol. Ang kuwento ni ermats sa amin, sa bahay daw nila sa Adamson Crame tumira si Nora Aunor.

Naramdaman ko ang star factor na dumadaloy sa dugo ko habang ako'y lumalaki kaya noong minsang nakita ko si Kuya Germs sa Greenhills, nagpapansin ako at nagtanong kung puwede akong maging talent niya.

Tumawa siya.

Sabi ko ay ninang ko si Matutina at ninong ko si Cesar Dimaculangan. Lalo lang siyang tumawa at sa pagkakataong iyon ay humahalakhak na siyang parang aatakihin na sa puso.

Pag-uwi ko sa bahay, nagdadabog kong sinabi sa aking erpats na bilihan niya ako ng bola. Magbabasketbol nalang ako at gagayahin ang idol niyang si Jawo. Noong magkaroon naman ako nito ay bano naman ako sa kort ng Mangoville. Hindi ko na pinangarap na mag-enrol pa sa Milo Best upang maging manlalaro sa Philippine Basketball Association.

Sinabi ko na sa blog kong Eraptions na umiikot ang buhay nating mga Pinoy sa PBA - Pulitika, Basketball at Artista. Lagpak na ako sa dalawa, kaya hindi ko na inambisyong maging pulitiko dahil senyales na iyon na wala akong pag-asa sa tatlo. Ngunit parang noong nagbitaw ang idol kong si Miriam Santiago ng pamosong linyang "I lied!", kinain ko rin ang aking mga sinabi sa pagsabak sa pulpolitika.

Thursday, November 5, 2009

Back Rider Mask: Kampon ng Kadiliman




"Isa kang Batang 90's kung alam mong nadawit ang Eraserheads, Rivermaya, at Yano sa isyu ng 'backmasking'."

Kapag ganitong nagsisimula na ang mga buwan ng “Ber”, nararamdaman ko na ang lamig ng Pasko lalo na sa pagligo sa umaga. Heto na ang mga panahong nagtatanda muna ako ng krus bago magbuhos ng isang tabong puno ng malamig-lamig na tubig.

Ito rin ang pinakaaantay ng mga istasyon ng radyo at mga damduhalang teevee networks upang masabi na nila ang “One hundred sixteen more days before Christmas!”. Langya, sa pagpatak pa lang ng alas-dose ng madaling-araw o unang araw ng Setyembre ay maririnig mo na  ang pamaskong awit ni Michael Jackson, ang “Give Love on Christmas Day”.

Isa sa mga paborito kong Christmas albums ay ang “Fruitcake (1996)” ng Eraserheads. Laman ito ngayon ng aking Nokia 5310 at pinapakinggan ko ang mga kanta mula rito habang ako ay nagtatrabaho rito sa kaharian ng Saudi na kilala bilang isa sa mga lugar sa mundo kung saan hindi ipinagdiriwang ang Pasko. Sa tuwing pinapatugtog ko ito ay naaalala ko ang aking nanay noong mga panahong sinisigawan niya ako dahil sa pakikinig sa mga kanta ng Queen.

Huwag kang makinig sa mga satanistang ‘yan!”, tiger scream ng ermats ko.

Connect the dots kung naaguguluhan ka sa aking munting palabok na binudburan ko pa ng malulutong na chicharong balat ng baboy.