"Isa
kang Batang 90's kung narinig mo si Duff na nagmura sa harap ng libu-libong mga Pinoy Gunners."
Taena, isa lang ang masasabi ko. Tang n' ah! Plus another exclamation point.
Taena, isa sa mga pinakamalufet na concerts na napanood ko sa buong buhay ko! Dabestest.
Taena, sayang kayong ibang mga Gunners (daw) na hindi man lang nag-effort para mapanood ang GNR sa Philippine Arena. Magsisisi kayo habambuhay habang pinapanood niyo lang kay pareng YT ang mga uploaded videos ng 'di malilimutang gabi sa Bulacan.
Taena, maramimg maraming salamas sa mga organizers na nagdala kila Axl Rose dito sa Pilipinas. Natupad ang pangarap naming mga taga-hanga na makita silang magtanghal kahit sa una at huling (huwag naman sana) pagkakataon!
Nang kaskasin na ni Slash ang kanyang gitara para sa kanilang first song na "It's So Easy" ay nagtilian na ang lahat nang mas malakas. Mas lalo pang nagwala ang manonood nang lumabas na si Axl at nagsimulang kumanta. Akala ko ay magigiba na ang buong Arena noong lalo pang magwala ang crowd dahil nakumpleto na ang grupo sa entablado! Taena, perstaym kong ma-star-struck nang ganoon dahil nakita ko na sa wakas ang mga iniidolo kong isa sa mga dahilan kung bakit ako nagkombo-kombo noong kabataan ko. Halos tumalsik na ang ngala-ngala ko sa kasisisgaw at may mga moments rin na bigla nalang akong napahinto't lumutang dahil hindi pa rin ako makapaniwala. Abot-tenga ang aking ngiti at talagang hindi ko napigilan ang paggulong ng aking mga luha dahil sa labis na kasiyahan!
Pagkatapos ng unang kanta ay diretso sila kay "Mr. Bownstone". Kahit na mahirap kantahin ang mala-tongue twister na "I used to do a little but a little wouldn't do it so the little got more and more.." ay pilit itong sinabayan habang kinakanta ni idol!
Medyo napahinga nang konti ang tilian nang kantahin ang "Chinese Democracy". Aminin nating mga Gunners, lalo na ang mga Batang Nineties, na medyo hindi ito kilala kaya hindi masyadong click. Siguro ay dahil si Axl lang ang original member na natira para sa album na iyon kaya hindi masyadaong na-dig ng masa at mga fans. Pero ang totoo, ang huling album ng GNR ay pinuri ni Slash at sinabi niyang "It's a really good record. It's very different from what the original Guns N' Roses sounded like, but it's a great statement by Axl ... It's a record that the original Guns N' Roses could never possibly make. And at the same time it just shows you how brilliant Axl is.".
Habang naggi-guitar intro si Slash ay lumabas si Axl at sumigaw, "You know where the fuck you are?! You're in the jungle baby...you're gonna die!". Taena, ewan ko kung totoo ang tsismis pero sabi ng iba ay pinayagang tumugtog ang GNR sa Arena sa kundisyong hindi sila magmumura! Ang lufet talaga ng kantang ito, walang kupas. Si Axl lang talaga ang makakakanta nang "Watch it bring you to your knees, knees, knees, knees, knees, knees, knees, knees, knees...". Alam niyo na ang ibig kong sabihon, 'di ko na kailangang ipaliwanag ang parteng ito ng "Welcome to the Jungle".
Sa "Use Your Illusion I" album, ang "Double Talkin' Jive" ay isa sa mga kantang hindi ko masyadong gusto at madalas kong i-skip kapag nagsa-soundtrip pero nang tugtugin ito noong gabing iyon sa Bulacan ay doon ko siya na-appreciate. Taena naman kasi 'yung daliri ni Slash eh, ang sarap angkinin kung puwede lang!
Bumalik sa "Chinese Democracy" kaya napaupo ulit ang karamihan nang tugtugin ang "Better". Ito ang paborito ko sa last album kaya enjoy pa rin.
Okay, guilty ako sa paggamit ng selepono habang nagtutugtugan na pero hindi naman ako katulad ng ibang ni-record na yata ang buong concert para sa laptop nila sa bahay panoorin. Tatlo lang ang ipinangako ko sa sarili kong ire-record ko sa gabing iyon. Una na nga ay ang "Estranged" na ang pinakapaborito kong kanta mula sa Guns. Bukod sa pamatay kasi ang mga guitar riffs ni Slash dito, malufet din ang music video na kahit halos sampung minuto ang haba ay inaabangan ko noon sa MTV. Hindi ko na ipo-post 'yung na-record kong video dahil mas malakas pa ang boses ko kay Axl! Hindi ko akalain na kasama si Dizzy Reed sa tour. Nalaman ko nalang noong ipakilala siya ni Axl sa piano solo ng kantang ito.
Tinugtog nila sunod ang "Live and Let Die" at "Slither" na mga covers mula kay Paul McCartney at Velvet Revolver. Kung buhay pa si Scott Weiland, malamang ay mas proud siya sa original niyang piyesa. Personal favorites ko rin ang mga kantang "Rocket Queen" mula "Appetite for Desctruction" at "You Could Be Mine" na mas nakilala bilang isa sa mga kanta sa OST ng "Terminator 2".
Ang isa sa mga highlights ng gabi ay ang pagsalang ni Duff Mckagan para kantahin ang "Can't Put Your Arms Around a Memory / Attitude" na pawang mga covers mula sa album na "The Spaghetti Incident?". Taena, kung totoo ang tsismis sa pagmumura, malamang ay ito ang dahilan kung bakit nagmura si Duff sa sagradong venue ng Arena!
Okay na sana ang power ballad na "This I Love" kung hindi paos si Axl noong gabing yun. Sa "Chinese Democracy" album, isa ito sa mga malufet na kanta kung saan bumirit ng todo ang aking idol.
Matapos ang mga kantang "Civil War" at "Coma" ay nagpasikat si Slash sa gitara. Sabihin man ng mga karamihan sa mga nakapanood na wala siyang baong t-shirt na pamalit noong gabing iyon ay sobrang dami naman niyang guitar leads na dala para ipamukha sa lahat na hindi pa rin siya laos at mas lalo siyang tumindi! Isa sa mga signature solos niya ay ang "Speak Softly Love" na mula sa "The Godfather" soundtrack. Ang totoo, may mangilan-ngilan akong mga nakitang nagsilabasan habang lumiliyab si Slash, siguro ay para mag-break sa C.R. Naiihi na rin kami ni misis sa mga oras na ito kaso tiniis na lang namin dahil mukhang ayaw nilang magpahinga sa pagtugtog. Kahit na sasabog na ang mga pantog namin ay hindi kami umalis ng upuan para lang masaksihan ng buong-buo ang konsyerto!
Next in line ay ang pambansang kanta ng mga Gunners ng Pinas - "Sweet Child O' Mine". Ito ang pangalawang kantang ini-record ko dahil katulad ng mga karamihang Pinoy, paborito ito ni ermats. Sa maniwala man kayo o hindi ay ni-lipsynch ito ng aking nanay sa kanilang Christmas party noong 1994. Wala pang YT at internet noon sa Lupang Hinirang kaya pareho kaming nag-aabang sa MTV para malaman ang mga moves at style ni Axl. Nagugulat nalang ang mga anakis ko kapag ikinukuwento kong ginawa iyon ng kanilang lola once upon a time! Ang lufet ng Arena sa pagkakataong ito, akala mo ay may isang giant videoke dahil ang lahat ay kumakanta!
Dalawang covers ulit ang tinugtog matapos ang SCOM - "Wichita Lineman" na originally done by Glen Campbell at "Wish You Were Here" ng Pink Floyd.
Nang inilabas na ang grand piano sa stage ay inihanda ko na rin ang aking selepono dahil alam kong ang sunod na nilang tutugtugin ay "November Rain". Hindi ako nagkamali, para ulit kaming nasa KTV bar dahil sa alingawngaw ng mga kantatero. Nangawit man ang aking kamay sa pag-record habang nakikisabay sa pagkanta ay nabalot naman ako ng galak pagkatapos noon. Isa ito sa mga all-time favorites ko kaya nga ayoko si Bon Jovi noon. Dumating kasi ang pagkakataong tinalo kasi ng "Bed of Roses" ang kantang ito sa "Top 20 at 12" ng LSFM.
Matapos ang kanta, uupo na sana ako ulit ngunit napatayo akong muli nang tugtugin nila ang "Blackhole Sun" mula sa isa ko pang paboritong bandang Soundgarden. Nabalitaan ko na ito noong namatay si Chris Cornell - na tinutugtog nila ito bilang tribute pero hindi ko expected na makakasama siya sa setlist ng Pinas! Puwede na, pero wala pa ring makakagaya sa guitar leads ni Kim Thayil sa kantang ito. Rank 63 lang naman ito sa "100 Greatest Guitar Solos" ng Guitar World.
Ang "Knockin' on Heaven's Door" ang pinakamahabang kanta sa set. May palitan ng guitar leads sina Slash at Richard Fortus na member ng Guns since 2002 pa. Dito rin sa kantang ito nagkaroon ng crowd interaction. Nakakatindig-balahibo talaga ang sabay-sabay na pagsigaw ng mga Pinoy ng "Knock knock knockin' on heaven's door!" kada itatapat ni Axl ang mic sa mga manonood. Abot talaga hanggang langit ang himig nating mga Pinoy!
Tinapos ng kantang "Night Train" ang set list pero siyempre, based on experience, may encore na magaganap. Namatay ang mga ilaw sa stage pero hindi ang mga spot lights. Nagsigawan ng "Guns N' Roses" ng ilang beses. Hindi tulad ng ibang concerts na nadaluhan ko na at napanood sa teevee, mabilis lang ang pangyayari. Walang time para umihi dahil mga dalawang minuto pa lang ay muling lumabas sila Slash na may dalang acoustic guitars. Palaisipan ang sunod nilang kinanta dahil wala sa playlist ko ang "Patience". Potah, isa ko pang paborito at ng madlang pipol!
Nakakatuwang malaman na binuo ng GNR ang kanilang trilogy songs na kung saan kasama ang "Don't Cry". Isa ito sa mga alam kong tugtugin sa gitara kaya para akong kinukuryente sa kilig habang tinutugtog nila ito. 'Yun nga lang, wala na yung mahabang "hey yey yeah..." ni Axl sa huli ng awitin.
Last cover song of the night ay ang "The Seeker" na orinal ng grupong The Who. Ayos ang pagakakatugtog nila dahil bumagay sa kanilang istilo.
"Paradise City" ang pinakahuling tinugtog nila sa gabing iyon. Napakabilis ng oras, hindi namin namalayang halos tatlong oras na pala ang nagdaan. Malungkot mang isipin pero maligaya ang lahat dahil kahit sa konting sandali ay naranasan namig marating ang paraisong dala ng tropa nila idol!
Sulit na sulit na sulit ang gabi. Wala akong pagsisising naglaan kami ng oras ni misis upang sila ay mapanood. Ipinapanalangin ko lang na natuwa sila sa 50k+ na nanood, at huwag nilang kalimutang bumalik sa Pilipans sa susunod nilang world tour!
Wala akong pakialam sa mga komentong matatanda na sila kaya paos na si Axl at ''di na makatakbo sa stage. Walang edad-edad sa mga tunay nafans! Mas naiisip ko pa kung sino kaya ang nakasalo ng ginamit na pito sa "Paradise City". Sino kaya ang nakabalya sa mga nag-agawan sa mikroponong inihagis ni Axl matapos ang show? Ilang guitar picks kaya ang ipinamigay nila Duff?
Hindi man buo ang classic line-up ng mga miyembro ay buong-buo pa rin ang aking pag-hanga sa GNR! Pinatunayan niyo kung gaano kayo kagaling at ka-professional sa industriya ng musika!
GUNS N' ROSES, maraming maraming salamat sa pag-landing sa Pilipinas! Isa itong "dream come true"! Hihintayin namin kayo sa inyong pagbabalik!

credits to the original owner
hindi ko matandaan kung saan ko ito nakuha sa internetz
Wala akong pakialam sa mga komentong matatanda na sila kaya paos na si Axl at ''di na makatakbo sa stage. Walang edad-edad sa mga tunay nafans! Mas naiisip ko pa kung sino kaya ang nakasalo ng ginamit na pito sa "Paradise City". Sino kaya ang nakabalya sa mga nag-agawan sa mikroponong inihagis ni Axl matapos ang show? Ilang guitar picks kaya ang ipinamigay nila Duff?
Hindi man buo ang classic line-up ng mga miyembro ay buong-buo pa rin ang aking pag-hanga sa GNR! Pinatunayan niyo kung gaano kayo kagaling at ka-professional sa industriya ng musika!
GUNS N' ROSES, maraming maraming salamat sa pag-landing sa Pilipinas! Isa itong "dream come true"! Hihintayin namin kayo sa inyong pagbabalik!
Maraming salamat kay Sir JASPER LUCENA sa pagpapahiram ng malufet na litrato.
Napakasarap balikan,at mas masarap kung mauulit pa!
ReplyDeletewooo
ReplyDeleteCool inabangan ko blogs nyo.gawa kp sna madami story noon panahon ng metal
ReplyDeletei found your website from another website. when i visit your website i saw an immerical post!
ReplyDeletei love it!
#satta king
Madhur Satta Matka
ReplyDeleteDamn bro buti nga napanood mo! Rock God’s talaga tong mga ‘to.
ReplyDeleteYour post was a ray of sunshine, thank you! Gratitude for the valuable lessons in your post. Also check the gloucester twp municipal court
ReplyDeleteAppreciate this bloog post
ReplyDelete