"Isa
kang Batang 90's kung pinangarap mong tumugtog ang GNR sa Pilipinas."
Dalawang dekada. O higit pa.
Ganito katagal naming hinintay ang pagkakataong ito, ang bisitahin ng GUNS N' ROSES ang Lupang Hinirang upang tugtugan ang mga sabik na Pinoy nilang taga-hanga!
Pero teka, sabi ng Tide, "Gulat ka?!".
Sa kasabikan ko sa isang importanteng kaganapan sa kasaysayan ng musika ay hindi ko naiwasang magsulat muli sa blog kong inamag na ng panahon. Hanggang ngayon kasi ay naririnig pa rin ng mga bingi kong tenga ang lakas ng tugtugang naganap sa Philippine Arena noong nakaraang Linggo, November 11, 2018, 7:30PM.

At oo, after 14 years, susubukan ko muling halungkatin ang mga alaala sa aking isipan upang bigyan kayo ng mga walang kuwentang kuwentong-karanasang may kinalaman sa Dekada NoBenta.
Simulan na natin ang kuwentuhan. Time space warp, ngayon din!
Malaki ang naging kontribusyon ng nila pareng Axl sa sa pagiging rockers ko noon. Oo, rockers pa ang tawag sa amin noon, hindi rakista.
Noong nag-aaral pa ako sa Mababang Paaralang ng Kampo Crame ay may mga kaklase akong nakikita kong laging nagsusulat ng "Guns N' Roses" at "GNR" sa likod ng kanilang mga kuwaderno pero hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng mga 'yun dahil sina Vanilla Ice at MC Hammer lang ang mga pinapakinggan ko noon. Isama mo pa sila Francis Magalona, Andrew E., at Michael V. sa mga koleksyon ko ng mix tapes na ni-record ko sa pakikinig sa 89.1 DMZ. Sa madaling salita, isa akong hip-hopper noong ako ay nasa elementarya kaya napagkamalan kong pangalan ng fraternity ng mga kaklase kong sina Danilo Misajon at Drollinger Ominga ang GNR. Wala lang, ignorante pa kasi sa ingay ng gitara kaya tan-G.A. lang ang peg.
Nagkaroon na lang ng linaw ang lahat noong ako ay nasa hayskul na nang ipinakilala ng matalik kong pinsang si Badds at ng kanyang kabarkadang si Melvin ang albums ng Guns. Ang cassette ng "Use Your Illusion II" ang una kong hiniram na tape upang mapakinggan ang mga tugtulan nila Slash. May kung anong puwersang mula sa kung saan ang gumising sa aking dugong musikero nang marinig ko ang mga kanta mula side A hanggang side B. Ang mga piyesang "Civil War", "Don't Cry", "Knockin' on Heaven's Door", at "Estranged" ang apat sa mga maraming dahilan kung bakit ako naging isang malufet na taga-hanga.
Kung hindi kayo naniniwalang die-hard fan ako ng gangsengroses, tanungin niyo ang bunso kong anak na si WILLIAM AXL QUITIQUIT, siya ang makakapagpatunay.
Tama na nga ang palabok, fast forward to 2018.
Hindi ko matandaan kung kailan ko unang nabalitaan sa efbee na kasama nga raw ang Pilipinas sa mga bibisitahin ng GNR pero tandang-tanda kong sa pangalawang araw kami bumili ng mga tickets para sa "NOT IN THIS LIFETIME TOUR" matapos i-anunsyo ng MMI na puwede nang bumili sa online stores ng TicketWorld at Ticketnet.
Taena, kahit wala akong kasiguraduhang nasa Pilipinas ako sa araw ng konsyerto ay pinilit ko ang aking misis na bumili ng mga tickets. Kahit na hindi ako ilibre ng boss ko pauwi ng Maynila galing sa kaharian ng mga Intsik ay uuwi talaga ako kahit na anong mangyari. Pinangarap ko ito nang matagal kaya hindi ko kakayaning palagpasin ang pagkakataon. Kung marami nga lang talaga akong pera ay malamang sa alamang sa VIP kami pupuwesto ni misis kaso pamilyado na tayong mga gurang na fans kaya okay na sa amin ang lower box section.
Kung noon ay sa MTV ko lang sila napapanood, matutupad na ang kahilingan kong makita sila nang live!
Pause muna. Bukas natin ituloy ang kuwentuhan. \m/
Maraming salamat kay Sir JASPER LUCENA sa pagpapahiram ng malufet na litrato. Sir, marami pa akong hihiramin mula sa efbee mo!

sayang hindi tayo nagkita sir! hindi kami nagrecord dahil hindi namin maeenjoy ang 'once in a lifetime' experience with GNR. sobrang sulit ang bayad natin hindi dahil sa pera kundi sa experience na ipinaramdam nila. maygash! nun lang ako nakita ng asawa oo na sobrang kilig nung makita ko si slash! �� aabangan ko ang kasunod nito ��
ReplyDeletetalagang sulit ang bayad! feeling ko ay nasa Tokyo ako noong kapanahunan ng "Use Your Illusion Tour" na napanood ko lang sa VHS. Hahaha
Deleteapir! ��
Delete