Saturday, March 6, 2010

Beep Beep Beeper

Sa high-tech nating panahon, napakadali na ng komunikasyon. Salamat sa internet at mga wireless communications, kasing-bilis ng “speed of light” ang pag-transmit ng messages papunta sa gusto mong kausapin. ‘Di na “in” ang snail mail, dahil may e-mail naman na at SMS o text messages.

Pero bago pa man namayagpag ang mga selepono ay nauna na sa pagpapasikat ang mga PAGERS sa panlasa nating mga Pinoy. Bago pa man naghari ang mga cellular networks na Globe at Smart ay may business competition na ang EasyCall at PocketBell.

Ang pager, o “BEEPER” para sa karamihan dahil sa beeping noise nito kapag nakakatanggap ng message, ay actually ang sinaunang paraan ng text messaging. Naaalala ko pa noon na Motorola ang pinakasikat na beeper unit. Pero hindi ito tulad ng mga celfones ngayon na puwede mong bilhin basta-basta sa Greenhills dahil kailangan mong mag-subscribe sa mga paging networks. Libre na ‘yung unit basta naka-plan ka. Hindi ako sigurado kung magkano ang subscription rate noon pero parang nasa hundreds to a thousand pesos ang halaga nito monthly.

Iba’t iba ang klase ang models na lumabas sa market: mayroong voice/tone pagers na may feature na makarecieve lang ng mga voice messages; mayroong numeric pagers na numero lang ang tinatanggap (usually phone numbers na dapat mong tawagan); at alphanumeric pagers, ang pinakasumikat sa Pinas, na combined letters and numbers ang capability na tanggapin. May pagers na one-liner ang monitor at meron din namang two-liner hanggang four. At take note, isang AAA battery ang nagbibigay buhay sa mga units na ito.

Noong highschool ako ay “in na in” ang malalaking celfones na parang pangkadkad ng yelo na nilagyan ng mahabang antenna. Nakakainggit talagang tingnan ang mga peyrents ng mga sosi kong klasmeyts kahit nakakatawang makita ang dambuhalang headset na nakadikit sa tenga nila kapag tumatawag. Talagang naging status symbol nga ito ng mga mayayaman. Nasa college naman ako nang simulang maging fashion victims ang mga anak ng mayayaman. Siyempre dahil nasa kolehiyo na, kailangang maging maporma. Halos lahat ng mga “can afford” na classmates ko sa Uste ay naka-tuck ang polo shirt (‘di pa polo ang uniform nung time ko) para makita yung beepers na nakakabit sa mga sinturon nila. Accesories ito ng mga tinanawag naming “RK” o “rich kids” na proud to the max everytime na may “beep beep beep” na manggagaling sa mga borloloy nila.

Paksyet sila, feeling cool. Kunwari ay nag-message ang crush nila o nililigawan pero ang totoo ay pinapauwi na sila ng mga magulang nila! Ito ang mahirap sa beepers dati dahil binibigay ito ng mga mayayamang parents sa kanilang mga anak para may way silang mapauwi sa bahay! Buti nalang at ipinanganak akong mahirap. Hahaha.

'Yun naman talaga ang misyon sa sangkatauhan ng mga pagers - for important messages lang. Yung tipong mamamatay na yung pasyente kaya kailangan kang i-page dahil ikaw ang doktor na tagapagligtas. Pero siyempre, Pinoy tayo kaya ginamit natin itong mga ito sa pakikipaglandian. Kahit na napaka-mais at napaka-keso ng message na "good night babes, sleep tight" wala tayong hiya at pakialam na i-dictate ito sa operator na magpapadala ng message sa esmi mo.

Ito ang isa sa mga downsides ng paging system. Biruin mo, kailangan pang tumawag sa operator yung sender para magpadala ng message. Ang nakakatawa, may moderation ang mga puwedeng gamitin na words. Kaya kung galit ka sa taong bibigyan mo ng malutong na mura ay magagalit ka rin dun sa operator na sasabihan ka ng "sorry po pero hindi allowed ang putang ina". Sigurado ako na hindi nauso o naimbento ang "SOB o sex on beepers". No chance in hell.

Ang labo ng sistemang maghahanap ka pa ng pinakamalapit na pay phone para mag-retrieve ng message at magreply through operator. Pero gayunpaman, mas tinanggap ito ng karamihan. Lalo na sa mga radio stations dahil mas madaling bumati at magrequest ng kanta through beepers kesa tumawag sa hotlines. Kaya nga nagkaroon ng clash ang hip hoppers at metal sa LA105.9 - dahil ito sa kagagawan ng mga beeper messages na binabasa ni The Doctor.

Bukod sa EC at PB ay nakisawsaw din ang Powerpage, Jaspage, at Infopage sa industry. Kaya naman ang daming nagkaroon ng trabaho bilang operator. Sila ang original "call center agents". Sa dami nila ay naging prone sila sa mga prank calls tulad ng mga ginagawa ng The Jerky Boys na sumikat din noong Dekada No Benta. May Pinoy version ito sa katuhan ni Driver Eric. Aaminin ko, isa ako sa mga nagpagulo sa buhay ng mga operators na ito.

Ang codename na ginagamit ko ay Sumalatokekek (courtesy of my brother Pot). Pangalan pa lang ng sender ay mahaba na. Tapos ay magpapadala pa ako ng message na: "Do you know what PNEUMONOULTRAMICROSCOPICSILICOVOLCANOCONIOSIS means?" (trivia: 45-letter word ito na lung disease ang meaning). Tapos papaulit ko ito at ipapa-spell. Aabutin kami ng mga limang minuto bago matapos. Ramdam na ramdam kong binibigyan ako ng nangangamatis na middle finger habang kausap niya ako.

Nang pumasok ang kalagitnaan ng nineties ay lumabas ang mga celfones na puwede nang magtext. Naaalala niyo pa ba ang commercial ng Globe na may magsyotang pipi't bingi na nag-date? Yung nag-uusap through text? Tanong niyo sa mga kuya niyo ito dahil dito nagsimulang tumamlay ang beepers hanggang sa namatay. May lumabas na pager na may keypads para puwede na ring magreply kaso 'di na ito masyadong napansin.

Sa Pinas, obsolete na ang pagers. Ang balita ko ay call center na ang Easy Call habang yung iba ay tuluyan nang nagsara. Pero sa ibang bansa tulad ng US at UK ay tuloy pa rin ang mga pagers. Ginagamit ito sa mga lugar tulad ng ospital na bawal ang mga frequency ng celfones na nakakasira ng mga aparato.

Kaya mga bata, pasalamat tayo sa mga nakaimbento ng beepers dahil kung hindi sa kanila malamang sa alamang ay hindi naimbento ang pagtetext!




10 comments:

  1. haha. natuwa ako sa post mo kasi naalala ko nung bata pa ako, my mom used to have a beeper. tapos para makapag-send ka ng message, tatawag ka pa sa telepono. tapos sasabihin ng operator, "easy call pager number please, who is it from?, what's the message?" haha. bakit ko natatandaan? kasi walang araw na di ko kinulit ang mama ko! haha. saka natutuwa kasi ako sa operator. haha. first time ko nga pala dito. ayos :P

    ReplyDelete
  2. Parekoy, salamat sa pagdaan.

    Talaga namang masarap kulitin yung mga may pagers dati. Pati na rin yung mga operators na kumukuha ng message. Mga sabik pa kasi tayo sa bagong uso!

    ReplyDelete
  3. hahaha! eh noob pa tayo nun sa teknolohiya kaya pager pa lang. ngayon sandamakmak na. halos araw-araw e gumagawa sila ng bagong modelo ng selpon.

    ReplyDelete
  4. Ang silbi nalang ngayon ng mga beepers na nasa mga dating subscriber ay gawing alarm clock!

    ReplyDelete
  5. wahaha

    nakakahiya mang aminin, nagkaroon ako ng pager...na hindi ko pinakinabangan kasi naging alarm clock ko lang siya eh

    ReplyDelete
  6. try mong ipa-bid sa ebay. may mga mayayamang praning na nangongolekta ng basura.

    ReplyDelete
  7. Naalala ko noon meron akong infopage. Haha, so jurassic! :) Lovet!

    ReplyDelete
  8. its all coming back to me... i received a lot of important messages from that pager.... its so nice to look back, i like this post... :-) i started reminiscin...

    ReplyDelete
  9. Its such as you read my thoughts! Υou appear to graѕp а lot approхimatelу this,
    suсh as you wrote the e-book in it or ѕomething.
    I bеlieve that yοu juѕt cаn do with some % to force the message house a little bit, but instead of that, this is wonderful blog. A great read. I will definitely be back.

    Here is my blog: %anchοr_text%
    Take a look at my site : sports massage oils

    ReplyDelete