STP.
Para sa isang batang henyo sa subject na science, "standard temperature and pressure". Para sa mga big boys na mahilig sa fast cars, "scientifically treated petroleum".
At para naman sa isang Batang Nineties, STONE PEMPLE PILOTS.
Hindi naging masyadong kilala ang grupo nila Scott Weiland, DeLeo Brothers (Dean and Robert), at Eric Kretz sa masang noypi. Hindi sila naging kasing-sikat nila pareng Kurdt sa atin noong kasagsagan ng grunge at alternative music pero isa ang grupo nila sa mga bandang hinangaan, sinundan, at pinakinggan ng buong mundo noong Dekada NoBenta. Sa katunayan, No. 40 sila sa VH1's "The 100 Greatest Artists of Hard Rock". Nasa 40 million copies ng mga albums lang naman ang naibenta nila sa buong mundo!! Sa'n ka pa, 'di ba?
Umagaw ng atensyon ko ang kanta nilang "PLUSH" na una kong narinig sa yumaong NU107 (sumalangit nawa). Sabi ko sa sarili ko, "Astig 'yung bandang 'yun ha, katunog ni Eddie Vedder ng Pearl Jam!". Naging personal favorite ko ang single kaya binili ko ang debut album nilang "CORE" sa Musikland (Ali Mall Cubao branch). Hindi ako nagdalawang-isip na dustayin ang inipong 90 pesoses para magkaroon ng cassette copy kung saan kasama ang sumisikat nilang kanta. Ilang araw lang, pinapatugtog na rin siya sa ibang radio stations tulad ng LSFM, The Campus Radio. Sa pagkakatanda ko, nakasama siya sa "Top 20 at 12" pero hindi ko maalala kung nag No. 1 ito. Ang pinakasigurado lang ako, talagang bumenta ang "Plush" dahil naglabas ang local record distributor nito ng may bonus track na acoustic version na gustung-gustong tugtugin ng mga kabataang may hawak-hawak na gitara. Isang mortal sin kapag hindi mo alam ang tipa nito!
Memorable para sa akin ang first album nila dahil ginamit ko ang isang track nila entitled "Wet My Bed" sa skit presentation namin sa school. Mukhang masyado kong nai-portray ang mala-adik na persona kaya nabigyan ako ng "Best Actor" award sa section namin. 'Yung nagkatuluyang barkada naming sina Jen at Melvin, pinangalanan naman ng Weiland Kurdt ang panganay nilang anak.
Akala ng iba ay panandalian lang ang STP pero nang lumabas ang second album nilang "PURPLE" ay napatunayan nilang hindi sila isang second rate typical dumb rockers. Kumpara sa hard-rocking debut, mas radio-friendly ang pangalawa nila na mapapatunayan sa mga kantang "Interstate Love Song", "Vasoline", at "Big Empty" na naisama pa sa original soundtrack ng "The Crow". Nagkaroon ako ng cassette copy ng album na ito courtesy of pareng Bobot. Paborito ko ang first line ng "Unglued" - MODERATION IS MASTURBATION.
Maganda na sana ang career ng STP pero nasira dahil sa alcohol and drug addiction ng vocalist nilang si Scott Weiland. Bago ma-release ang third album nilang "TINY MUSIC...SONGS FROM THE VATICAN GIFT SHOP" ay nag-disband sila dahil sa mga arrests ni Scott na may kinalaman sa droga. Lumabas ang pang-apat na "NO. 4". Droga ulit. Panglima, "SHANGRI-LA DEE DA". Droga pa. Disband nanaman. May mangilan-ngilan din naman mga kantang umakyat sa charts pero hindi na katulad noong sa una at pangalawa. Naisama ko pa rin sa playlist ko ang mga kanta nilang "Sour Girl", "Big Bang Baby", at "Trippin on a Hole in a Paper Heart". Naging magulo ang takbo ng banda nila kaya hindi ko na masyadong nasubaybayan ang nangyari sa kanila.
Ang latest kong nabalitaan ay nag-reunite sila at naglabas ng pang-anim na album na self-titled, "STONE TEMPLE PILOTS". Kasabay nito ay may concert tour silang gagawin para i-promote ang album.
Ilang beses akong ngangarap na sana ay mapanood ko sila ng live. Sana ay maligaw sila sa Pilipinas.
Matapos ang halos dalawang dekadang paghihintay, sa wakas ay dadaan sila sa pinas upang bingiin ang mga natutulog na tenga ng mga old school rockers ng nobenta. Sa March 9, 2011, gigibain nila ang Araneta Coliseum.
Halos dalawang dekada. Sa wakas, makikita na sila ng Lupang Hinirang!
Pautang ina, bakit nandito ako sa China?!!
PAHABOL:
Mga kabayan, ka-dekads at ka-utak, paki-suportahan po ang walang kakuwenta-kuwentang blog na ito. Naligaw ang tambayan natin sa listahan ng mga semi-finalists sa Blog Category ng 12th PHILIPPINE WEB AWARDS. Paki-click lang po ang NOBENTA - REMINISCING THE 90'S sa LINK NA ITO. Maraming Salamat Po!!
di ko na ata inabutan yang band na yan pero yung kanta sounds familiar.
ReplyDeletebig fan talaga ako ng STP. THey were huge in the nineties. Hindi pa bading noon yung vocalist nila :) pero nagustuhan ko yung pagdevelop nila. gusto ko yung Album na STP at yung Songs from the Vatican Gift Shop, ok din yung Shangri lalala.. pero the best sila legendary status. Id watch their concert, kung may pera lang ako :)
ReplyDeleteSTP astig! They were one of the best bands in the '90s. And tama ka, ang lahat ng marunong mag-gitarang kabataan noon ay alam ang Plush, kahit intro lang. I would love to see them live too, kaso lang nagtitipid ako, and I feel too old for rock concerts now. :p Thanks for this! On Moday ako naman magsusulat about my STP memories in my blog.
ReplyDeleteExcited na ko. I'm watching them! yahooo!!!
ReplyDeletewow mia, sana makapag-take ka ng pics tapos i-post mo sa blog mo! kakainggit ka naman!
ReplyDeleteang mga introboys, 'di pwedeng hindi alam ang tugtuguin sa gitara ang intro ng plush. anatyin ko post mo tungkol sa kanila!
ReplyDeletenaku, kung nandyan ako sa pinas eh papanoorin ko sila kahit pangutang. 500 lang naman ang pinakamura. sayang ang gig. may copy narin ako ng sel-titled nila. they matured enough pero mas gusto ko pa rin ang tunog nila noong 90s. \m/
ReplyDeletehi khanto. medyo pang old school yung entry ko ngayon eh. :)
ReplyDelete