Showing posts with label pop culture. Show all posts
Showing posts with label pop culture. Show all posts

Thursday, June 3, 2010

Aye Carumba



"Isa kang Batang 90's kung alam mo kung sino ang pinakasikat na pamilya ng Springfield."


Malapit na ang pasukan kaya naisipan kong gumawa ng kuwentong pambata. Puwede rin ito sa mga isip-bata tulad namin ni Taympers na si Noynoy, este Homer pala, ang layout / template ng blog.

Matino ba ang pamilya mo?

Siyempre sa walang kakuwenta-kuwenta kong intro, obvious na title,  at picture sa itaas na kuha sa Market! Market! ay alam mo na ang laman ng blog entry na ito -  ang pinakasikat na pamilya galing Springfield, The Simpsons.

Ang utak na gumawa sa kanila ay pag-aari ni Matt Groening, isang American cartoonist, screenwriter, at producer na siya ring gumawa sa "Futurama". Kung nagustuhan niyo ang mga pelikulang "Big", "As Good As It Gets", at "Jerry Maguire" ay hindi ka na siguro magugulat kung sasabihin ko ngayon na ang producer ng The Simpsons at ng tatlo sa mga paborito kong pelikulang nabanggit ay walang iba kundi si James L. Brooks. May "connect" sila sa isa't isa kaya nga de-kalidad ang mga ito.

Unang nakilala ang pamilya nila Homer, Marge, Bart, Lisa, at Maggie sa "The Tracy Ullman Show" (April 19, 1987) bilang "animated shorts" na tumatagal lang ng isang minuto. Matapos ang tatlong seasons ay nalipat ito sa Fox Broadcasting Company at nag-debut noong December 17, 1989 bilang isang "half-hour prime time show". Okay, hindi ko idi-detalye ang kasaysayan nila dahil magiging nobela ang tungkol sa 464 episodes na nagawa nila sa loob ng twenty-one seasons na kakatapos lang noong nakaraang May 23.

Saturday, August 8, 2009

Dekada Nobenta


Dekada NoBenta. Ang sarap balik-balikan dahil siguro ay nabitin ako sa panahong ito. Sabi nga nila, “I’m still living with its ghost”. Hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa isipan ko ang mga pangyayari noong nineties na malaki ang naging epekto sa kasalukuyang henerasyon.

Nasubukan mo bang tumawag sa operator para magpadala ng "beeper message" sa iyong kasintahan? Kilala mo ba sina Mario at Luigi na nagpasikat ng malufet sa Nintendo? Ano ang paborito mong kanta ng Eraseheads noong ikaw ay nagbibinata o nagdadalaga? Naniwala ka rin bang nanganganak ang mababangong "kisses" kapag inalagaan mo ito ng mabuti?

Sa isang Batang 90's na tulad ko, ang mga "pagbabalik-tanaw" ay tunay na nakakapagbigay ng kakaibang saya at ngiti kaya naman naisipan kong ibahagi sa mga tulad ko at mga taong interesado ang aking mga kuwentong-karanasan sa pamamagitan ng walang kuwentang tambayan na ito.

Maraming nangyaring masaya at malungkot sa buhay nating mga Pinoy noong dekadang iyon. 'Yung iba, kasing-tindi ng July 16, 1990 earthquake na mahirap malimutan habang ang iba naman ay parang one hit wonder tulad ng "Macarena" na saglit lang pero nakapagbigay naman ng kulay sa buong mundo.

Habang nandito ka sa mundo ko, palagi mong maririnig si Ida na sinasambit ang "Time space warp, ngayon din!".


Para sa mga puna at komento, SUBUKAN MO AKO: