Wednesday, June 9, 2010

Pakanton Ka


"Isa kang Batang 90's kung isa ka sa mga unang nakatikim ng instant pancit canton."


Kapag beerday natin ay madalas na nating marinig sa ating mga dabarkads ang “Happy birthday! Pa-kanton ka naman!”. Parte na kasi ng kulturang Pinoy ang pansit sa tuwing may mga okasyon tulad ng kaarawan. Sinisimbulo raw kasi nito ang “long life” kaya dapat tayong maghanda nito sa ating special day. Kung hindi man pansit ay puwede rin namang spaghetti o kahit na anong putaheng noodles ang pangunahing sangkap.

Alam lahat nating mga Pinoy na hindi sa atin nagmula ang pansit. Inangkin lang natin ang pagkaing ito mula sa mga singkit. Ang salitang pansit ay galing sa Hokkien na “pian i sit” meaning “something conveniently cooked fast”. Kung ikukumpara mo ang luto natin sa luto nila, malaki ang pagkakaiba.

Mahilig ako sa mga noodles, lalo na ‘yung mga instant. Epekto yata ito ng “Royco” na madalas pinapakain sa akin kapag may lagnat noong ako ay bata pa. Isa pa sigurong dahilan ay ang mga pasalubong na “Nissin Cup Ramen” ng mga japayuking pinsan ng pinsan ko. Nakakaadik ang “junk food” na ito kahit na sinasabi ni ermats dati na bawasan ang pagkain dahil magkakaroon ako ng UTI.

Ang unang instant noodles na tinawag na “Chikin Ramen” ay nai-market ng Taiwanese na si Momofuko Ando noong August 5, 1958 na panahon ng Japanese Colonization . Ang una namang instant cup noodles na ginawa ng Nissin ay lumabas noong 1971. Ayon sa isang poll noong 2000, ang cup noodles ang pinili nilang “Most Important Japanese invention of the Century”. Pangalawa lang ang Karaoke na kabayan natin ang unang nakapagparehistro o patent.

Dalawa ang klase ng instant noodles – mayroong may sabaw at mayroon namang tuyot. Depende sa mood ko ang pagkain ng mga ito. Kapag may hangover sa umaga, ‘yung may sabaw ang binabanatan ko. Mas masarap kung medyo maanghang para tulo ang sipon. At kung meryenda lang naman, mas gusto ko ang instant pancit canton.

Kung ang toothpaste ay may Colgate, mayroong Lucky Me! Pancit Canton ang instant fried noodles! Sigurado akong lahat ng mga Batang 90's ang unang nakatikim ng pambihirang pagkain na ito dahil November 1991 unang ibinenta ng Monde Nissin ang LMPC. Hindi pa ganun kasikat ang Lucky Me! noodles. Naaalala ko dati na kasama lang siya sa mga relief goods na ipinamimigay kapag may kudeta sa tapat ng lugar namin sa Crame. Magkahanay sila ng "Payless" na medyo mura pa kumpara sa naghaharing "Maggi" na paborito ko naman dahil sa mga stickers at iba pang laruan na makukuha sa loob nito.

Tandang-tanda ko pa noong una kong napanood sa Lunch Date ang tamang pagluluto nito. Si Toni Rose Gayda pa ang kasama ng kinatawan ng Monde sa cooking demo. Sa loob ng tatlong minuto ay mayroon ka nang pancit canton! Namangha talaga kami ng utol kong si Pot nang makita namin ang cooking show na iyon. Naintriga kami sa nakita kaya nagpabili kami kay ermats noong sumunod na pagpunta sa Uniwide Sales sa Cubao upang mag-grocery. And we lived happily ever after.

Hindi puwedeng mawala ito sa estante ng mga groceries namin. Nagtatrabaho pa si ermats noon sa pribadong pabrika at ang LMPC ay ang isa sa mga paboritong almusal naming magkakapatid sa umaga. Madali lang itonglutuin ito kaya bago pumasok si ermats ay may nakahanda na nito sa aming lamesa. Paggising namin ay luto na ang noodles at hahaluiin nalang ang seasoning. I love you mami, este, mama pala!

Kapag meryenda, masarap naman itong haluan ng nilagang itlog tapos sasabayan ng pandesal o kahit na anong klase ng tinapay. Kung wala kang ulam sa gabi ay puwede ka namang maggisa ng konting gulay na isasama sa dalawang pakete nito. Solb! Kahit sa inuman ay naging pulutan namin ito ng mga ka-tropa ko. Kung medyo gipit para bumili ng Andok’s, LMPC lang ang katapat ni Ginebra San Miguel. Sa mga campinga at mga overnights, hindi mo rin puwedeng kalimutang magbitbit nito sa iyong bacpack.

Marami na ang variations o flavors nito. Simula nang lumabas ang Extra Hot Chili ay parang natabangan na ako sa Original. Panalo rin ang Calamansi at Chilimansi na ginawa naman para makatipid ka na sa pagpiga ng extrang pampalasa. May Sweet Chili rin kaso hindi ko siya trip. Mas nagustuhan ko pa ang lasa ng Adobo Flavor na biglang naglaho dahil hindi nag-click.

Maraming paniniwala sa pagkain ng instant noodles. Taliwas sa Chinese belief na “for long life”, nakakasama raw ang pagkain nito. Sagana raw ito sa sodium at MSG na masama sa katawan lalo na sa mga bato natin. Sinasabi rin daw na nakakapagdulot ito ng bangungot - ito raw ang isa sa mga sinisisi sa pagkamatay ni Rico Yan. Kahit ano pa ang sabihin nila ay wla pa rin namang epekto sa akin dahil naniniwala ako na ang pagkain ng sobra ang nagiging dahilan kung bakit ito nakakasama.

Dito sa Saudi, medyo mahal ang LMPC. Five Riyals para sa tatlong pakete o halos bente pesos sa pera natin. Ngayong OFW na ako ay nasubukan ko nang tumikim ng “imported na lokal”! Okay lang, wala kang magagawa kundi bumili nalang dahil mas pipiliin ng tiyan mo ang makakain ng sariling atin kaysa naman kumain ng kakaibang putahe na galing sa ibang lahi!

This entry is brought to you by Muhmee! Instant Mami Noodles.




32 comments:

  1. nothing beats LMPC.... hahanap-hanapin ng dila ng pinoy!

    ReplyDelete
  2. tama ka diyan parekoy! pakhanton ka na....\m/

    ReplyDelete
  3. ako na yata ang pinaka-adik sa pancit canton parekoy. nung highschool, nakaka-apat pa ako sa isang araw na may dalawang hard-boiled eggs pa. hahaha. adik no?

    ReplyDelete
  4. gusto ko ang nissin cup noodles yung seafood. :) yumyum

    ReplyDelete
  5. Perry The PlatypusJune 9, 2010 at 5:14 PM

    Sinabi mo pa na impossible na matikman ng isang batang nobenta ang pansit canton.. trip ko rin yung noodles eh. LM,Quickchow,Maggi,Payless,Nissin. Trip ko rin yung Magnolia noodles.
    The best talaga sa pansit canton ay Lucky Me.
    Mas gusto ko yung American at ung Japanese variants ng Nissin Cup noodles dahil mas malaki ang size at mas marami yung flavors.
    Naalala ko yung Pista pansit ulam from 2001 na may flavor ng squid at bistek at masarap ihalo sa kanin. Wala na nga talaga ang Royco pero hindi naman impossible na magkaroon ng comeback.

    Ngayon ang LMPC, NAPA daw sila.
    No Artificial Preservatives Added

    ReplyDelete
  6. Perry The PlatypusJune 9, 2010 at 5:15 PM

    correction: Impossible na hindi matikman.. nakalimutan ko itype

    ReplyDelete
  7. dati gusto ko ang LMPC kaso nadiskubre ko ang nissin's yakisoba na spicy beef. from then on mas gusto ko na yun :p

    ReplyDelete
  8. Impossible rin sa isang batang nobenta na hindi makakain ng Fibisco Choco Mallows..

    Kain muna tayo from 1995:
    http://www.youtube.com/watch?v=i0e-FQXUNVQ

    ReplyDelete
  9. Impossible rin sa isang batang nobenta na hindi makakain ng Fibisco Choco Mallows..

    Kain muna tayo from 1995:
    http://www.youtube.com/watch?v=i0e-FQXUNVQ

    ReplyDelete
  10. @ mr. nightcrawler: wow, hindi na kain ang tawg sa ginagawa mo ha. lamon! ako, ang record ko ay tatlo lang na walang itlog. kapag meron, hanggang dalawa lang. try mo ang corned beef na topping, masarap din siya. yung purefoods na blue.

    @ paps: adik din ako dun sa nissin cup na yun. sarap ng toppings nila. dati kahit nasa seventy to ninety pesos yun sa sm ay bumibili ako paminsan. naubusan na kasi kami ng japayuki friends

    ReplyDelete
  11. @ perry: sinabi ko ba yun? :) baka typo. check ko ulit. tama, nakalimutan kong banggitin ang quickchow. sila yung unang nagpauso naman ng instant pancit bihon at instant pancit palabok!! sarap!

    @ mau: naadik din ako sa yakisoba! kaso ang konti ng serving nila at mas mahal ng piso sa LMPC. pareho ko silang peyborit!

    ReplyDelete
  12. @ anonymous: binibigyan kita ng nick na "soumynona". sarap din ng fibisco. paborito ko ang choco mallows. pampatanggal ng umay kapag nakakain na ng isang banyerang instant pancit canton!!

    ReplyDelete
  13. Perry The PlatypusJune 9, 2010 at 10:32 PM

    Sorry about the typo kanina..
    Ako rin yung anonymous na nag-type ng tungkol sa Choco Mallows.. Sarap kasi eh. Pero pag spaghetti naman Maggi Spaghetti and Carbonara, hindi ko trip yung LM Spaghetti. Masarap din yung LM Baked Mac/Mac & Cheese kaso kaka-bitin

    ReplyDelete
  14. @ perry a.k.a. "suomynona": ok lang 'yun. kahit nga textbooks sa public schools ay nagkamali sa pagsabing si agapito flores ang nakaimbento ng ng fluorescent light.

    tama ka parekoy, nagkaroon nga pala ang maggi ng spaghetti at carbonara. although 'di siya nineties nauso ay paborito ko sila. ang daming ayaw sa lasa nun. parang ako lang yata ang may gusto sa amin. ewan ko kung bakit ba ganun.

    rakenrol \m/

    ReplyDelete
  15. Yan lang ang handa ko sa nakaraang birthday ko. Iba talaga ang LMPC atsaka yun Nissin Cup Noodles Seafood Flavor.

    Sarap nitong entry mo! nagutom tuloy ako! hahaha! =)

    ReplyDelete
  16. ako naman, nagutom rin sa mga comments niyo. makakain nga ng isang pack.

    \m/

    ReplyDelete
  17. hmm, ito yung bumuhay sakin nung college ako at nag d-dorm. Pag short sa budget kakalakwatsa, pancit canton na lang. Favorite ko yung calamansi flavor, tapos lalagyan ko pa ng kalamansi... he he he.

    pero may nabasa ako na bad for health ang madalas na pagkain ng instant noodles kasi daw yung ingredients na ginagamit para magdikit-dikit yung mga noodles (for packing purpose) takes 2 to 3 days to get completely digested.

    so ang health advise, once a week lang daw. nabasa ko to sa isang health magazine sa isang lounge.

    ReplyDelete
  18. paborito ko tong meryenda :] btw nagfollow na din here :] proud to be batang 90's

    ReplyDelete
  19. astig ang LMPC,, ilang beses nako nagpromise na hindi na kakain niyan kasi nga bad,, pero i always crave for it. haayyyss..

    nway,, ngayon ko lang nadiscover ang page mo.. mukhang mapapadalas nako dito!
    keep it up! :)

    ReplyDelete
  20. ayun, cnxa na medyo maliligaw tong comment na to, di ko kasi alam kung nasaan ang chat box :] anyways na add na din kita sa blogroll..thanks sa follow back :]

    ReplyDelete
  21. @ yodz: pareho tayo parekoy, ang LMPC ang bumuhay sa ain noong coolege days. siya kasi ang pinakamadaling lutuin kapag gutom ka. kahit saan makakabili ka rin. tama ka, maraming health issues sa instant noodles kaya kahit ako, in moderation lang talaga kung kumain. baka kasi bumalik ang UTI ko eh!

    @ gesmunds: salamat sa puwersang nakapagpapunta sa'yo dito! talagang tempting ang LMPC. naaalala ko na kapag wala si misis noong nasa pinas pa ako ay pumupuslit ako ng dalawang packs para lang ma-satisfy ko ang craving ko!

    \m/

    ReplyDelete
  22. @ renz: thanks din sa pag-follow! malamang ay 'di ka na maliligaw next time.

    proud to be a 90's kid! rakenrol! \m/

    ReplyDelete
  23. galing ng site na to
    puede xchange link?
    thanx


    http://aykantot.com

    ReplyDelete
  24. papa piolo, salamat sa comment mo. gusto ko sana ng ex-link kaso hindi ako nagpo-promote ng porn sites dito sa blog ko. baka mag wholesome kang naitatago para 'yun ang ilalagay ko sa blogroll ko?

    \m/

    ReplyDelete
  25. pards, magkano bayad sa AD?..ha ha ha, yan din ang instant na binibili ko dito.. ang pansit kanton!

    maganda yung haplos ng kwento pards..

    ReplyDelete
  26. parekoy, one year supply lang naman para isang taon akong kumakanton!

    salamat sa pagbisita sa aking muminting pansitan! \m/

    ReplyDelete
  27. astig men. \m/
    dami ko natututunan dito.

    masarap nga ang lucky me, masarap lalo kapag iuulam. lalo na pag hating gabi. :D

    ReplyDelete
  28. parekoy, salamat at may natututunan kang mga kalokohan mula sa aking munting bahay! rakenrol \m/

    ReplyDelete
  29. dre pansin ko lang.. nasa saudi ka ba? naeenganyo ako sa blogs mo.. gusto ko nga magkaron din ng ganito.. haha cool pare.. saludo ako sayo..

    ReplyDelete
  30. nakakataba naman parekoy ng puso ang comment mong ito. salamat salamat at marami pang salamat. tama ang napansin mo, nasa saudi ako ngayon.

    panalo sa kuwento ng 90s. maraming pwedeng isulat at kung 'yun ang tinitibok ng puso mo, SUNDIN MO!! suportahan taka! rakenrol parekoy! \m/

    ReplyDelete
  31. hinahaluan ko ng konting carrots at repolyo tsaka chorizong macao kapag sinisipag haha

    ReplyDelete
  32. paboritong pagkain ng mga ofw samahan mo pa ng nilagang itlog...the best...

    ReplyDelete