Monday, May 23, 2011

Ang Pagwawakas ng Dekada


Bakit ba may mga sira-ulong gustong malaman kung kailan ang katapusan ng mundo?

Ang malufet pa nito, may mga taong mas malala ang topak na pinaniniwalaan ang mga sira-ulong nanghuhula ng araw ng paggunaw ng sanlibutan.

Kamakailan ay nabalitaan ko sa internet na nagpasabog nanaman si HAROLD CAMPING tungkol sa katapusan ng mundo. Ayon sa kanya, ito ay nakatakdang maganap May 21, 2011. Magsisimula raw ang Rapture sa pamamagitan ng malalakas na lindol sa iba't ibang panig ng mundo. Lahat ng mababait ay kukunin ni Lord papuntang kalangitan habang ang mga masasamang damo ay maiiwan at mararanasan ang impiyerno sa lupa hanggang October 21, 2011, ang araw ng End of the World.


Taena lang at todo sa pagka-potah dahil kung nakatsamba ang kups ay nandito pala ako sa China habang nagaganap ang katulad ng mga senaryong napanood ko sa pelikulang "Deep Impact" na isa sa mga paborito ko noong Dekada NoBenta.

Hindi ko alam kung ang mga taong nag-resign sa kani-kanilang mga trabaho para mamigay ng babala sa lansangan ay alam ang background nitong si Mr. Camping. Ang dami pa rin kasing nagpauto kahit na pumalpak na siya noong panahon ko. Ang totoo, una na niyang sinabi sa kanyang librong "1994?(published 1992)" na darating na si Papa Jesus sa planet Earth noong September 6, 1994. Mahirap ipaliwanag kung paano niya kinalkula ang mga petsang nabanggit pero kung ikaw ay interesadong pumatol sa baliw, puwede mong alamin ang kasagutan kay pareng Wiki. Nang ito ay hindi nangyari, marami ang bumatikos sa kanya at nagsabing ang kanyang religious (daw) group ay isang kulto.

May mga hulang nagkakatotoo. May mga hulang coincidence lang. Pero sa tingin ko, mas maraming mga hula ang 'di nagyayari. May mga hula rin na mukhang tanga lang. May titser ako dati na nagpahula dahil may nagpadala sa kanya ng isang condolence card. Ang sabi ng mala-Madam Auring na psychic, "kung di lalaking estudyante mo ang gumawa nito, malamang ay 'yung babae...". Wapak!

Napanood ko sa Channel 2 noon nang ipalabas ang "The Man Who Saw Tomorrow", isang 1981 dokyu tungkol sa mga predictions ng kilalang si Nostradamus. Maraming mga historical events ang sinasabing nahulaan niya tulad ng paghahasik ng lagim ni Hitler, ang pagkamatay nina Abe at JFK, ang paggamit ng atomic bomb sa Hiroshima, at iba pa. Nang ipalabas ito sa Pinas ay panahon ng Gulf War kaya hinala ng mga tao ay si Saddam ang tinutukoy na "King of Terror" na mula sa bansa ng mga Arabo. Ang taong ito raw ang magsisimula ng World War III na tatagal ng 27 years. Takot na takot ako sa potang palabas na ito lalo na sa boses ng narrator na si Orson Welles. Iniisip ko noon na anytime ay may sasabog na nuclear missiles sa bubungan namin! Awa ni Bro, bigo si Nostradamus. Kaiba sa hula ni camping, ayon sa kanya ay magugunaw ang mundo sa taong 3797.

Bago pa man pumalpak si Camping noong 1994, may isang grupo ng mga rehiliyosong (daw) tao sa ang nagsabing ang Rapture ay magaganap sa petsang October 28, 1992. Wala pang internet noon kaya sa teevee lang nami napapanood ang mga katarantaduhang ito. Pero aaminin ko, isa ako sa mga umuurong ang bayag noon kapag naririnig kong matatapos na ang pag-ikot ng mundo. Ang lider ng grupong "Mission for the Coming Days" ay si  Lee Jang Rim, isang Korean na naka-base sa Australia. Sa araw ng kanyang hinulaang pagwawakas, may mahigit sa isang libong followers siyang sumama sa paghihintay sa kalokohang gusto nilang maganap. Katulad ng mga nauto ni Camping, ng mga ito ay umalis sa kanilang trabaho, binenta ng lahat ng mga ari-arian, at iba pang mga bagay na panghihinayangan. Matunog ang balitang magkakaroon ng mass suicide kaya nakaantaby ang mga riot police noon. Natapos ang araw at wala namang Rapture na naganap. Napanood ko nalang sa teevee ang mga nabalitang followers na nagpakamatay dahil sa pagkabigo. Mga ungas.

Para sa akin, walang tatalo sa nangyari sa grupong Heaven's Gate, isang UFO cult / religion. Naniniwala sila na ang pagdaan ng kometang Hale-Bopp ay isang senyales na magkakaroon ng "recycling" ang planet earth. Walang matitira sa mundo at ang tanging paraan lamang upang makaligtas ay ang makasakay sa alien aircraft na sumusunod sa Hale-Bopp. Makakasakay ka lamang dito kapag iniwanan mo ang iyong katawang-lupa. March 26, 1997, natagpuan ang bangkay ng 39 nitong kasapi sa kanilang rinentahang bahay para gawin ang teleportation. Ang malufet ito, lahat sila ay nakasuot ng Nike sneakers ng matagpuan! Interesante ang kuwento nito kaya magkakaroon ako ng separate na entry tungkol dito. Abangan.

Ang medyo pinaniwalaan kong puwedeng maging senyales ng end of the world ay ang pagsapit ng year 2000. Matuog na matunog noon ang Y2K Bug o Millennium Time Bomb.Tanda ko pa noon na nagbibigay ng paalala ang mga maepal na i-withdraw na lahat ng pera sa bangko dahil baka raw magsisi kapag ito ay biglang nawala sa records pagsapit ng January 1, 2000. Magkakagulo daw ang mga bansa dahil sa mga computer at iba pang teknolohiya. Yun nga lang, sadyang matalino ang mga tao kaya heto ngayon at nagbabasa ka pa rin ng blog kong walang kakwenta-kwenta.

Ang buhay natin ay napakaigsi lamang. Hindi naman tayo tulad ng mga nilalang noong Bible times na umaabot ng ilang daan ang edad. Huwag naman sana nating mas pabilisin ang oras natin sa pamamagitan ng pag-aaksya ng panahon sa mga katarantaduhang hula kung kailan magugunaw ang mundo.

Manood nalang tayo ng 2012. Dibidi. Dibidi.

11 comments:

  1. he he he...no one really knows the day and time, si bro lang nakaka-alam niyan, just always be ready.. kaya magpakabait kayo.. este tayo pala palagi

    ReplyDelete
  2. parekoy, salamat sa pagtambay. tama ka, si bro lang ang nakakaalam ng araw ng kanyng pagbabalik sa mundo. kahit si satanas, 'di niya alam kung kailan 'yun kaya pakabait nalang tayo! \m/

    ReplyDelete
  3. hehehe. sana nagharakiri yung nagsabi na gunaw na last may 21. 

    ReplyDelete
  4. parekoy! mukhang walang balak magpatiwakal ang lider dahil binago na niya ang date ng rapture. sa october 21 nalang, after 5 months! ayos! \m/

    ReplyDelete
  5. it's trending a topic!

    ReplyDelete
  6. yup, lahat yata ng tao ay interesado sa katapusan ng mundo! \m/

    ReplyDelete
  7. haha, sira talaga ulo nyang si camping nung malaon napahiya nagextend pa :))

    http://www.mixndmatch.com

    ReplyDelete
  8. wow!!! na-entertain aq r2..90s n 90s tlg...

    ReplyDelete
  9. salamat at welcome! dalaw ka ulit ha!

    ReplyDelete
  10. Nakakagago lang di ba.. Meron pang nagsabi in year 1999 kc daw pag binaliktad mo ung tatlong 9.. Magiging 666.. Dafuq lang d b..

    ReplyDelete