Sabi ng mga matatanda, madali raw malalaman kung ano ang magiging propesyon ng iyong anak sa paglaki nila. Ito raw ay maaaring gawin habang sila ay mga sanggol pa lang na gumagapang at wala pang alam sa mundo. Mag-iwan ka raw ng mga bagay (na may kaugnayan sa mga trabaho) sa lugar na pinaglalaruan ng iyong chikiting. Ang unang bagay na kanilang dadamputin at paglalaruan ay ang kanilang magiging propesyon sa kanilang pagtanda.
Kung halimbawang may iniwan kang rosaryo at iyon ang dinampot ng iyong anak, may posibilidad na siya ay magiging isang alagad ng simbahan. Puwedeng maging isang pari o isang madre. Gustung-gusto ito ng mga nanay at tatay dahil ang sabi nila, ang mga batang ganito raw ang pinipili ay mabait sa kanilang paglaki kaya walang magiging sakit ng ulo! Noong bata pa ako, gusto ko talagang maging pari. Tadtad ng mga religious pictures ang loob at labas ng cabinet ko. Ngunit sa paglaki ay unti-unti akong tinubuan ng sungay kaya unti-unti ring nawala ang pangarap kong makapagdaos ng sariling misa. Hindi man lang nga ako naging isa sa mga sakristanas boys sa simbahan namin sa Crame tulad ng mga kababata ko.
Marami sa atin noong bata pa ay gustong maging isang doktor. Kung nanonood ka noon ng "Little Ms. Philippines" o 'di kaya ay " Little Mr. Pogi" ng Eat! Bulaga, alam mong ito ang pinakasikat na sagot sa tanong na "Ano'ng gusto mong maging paglaki, at bakit?". Sigurado akong narinig niyo na ang sagot ng mga chikiting na "Gusto ko pong maging doktor para makatulong sa mga mahihirap. Bow!". Magkakaroon ng follow-up question na "Gagamutin mo sila kahit walang pera?". Siyempre, ang sagot ay "OPO!". Taenang mga doktor 'yan. Kung alam ko lang noong mahilig managa ang karamihan ng mga doktor sa mga taong nag-aagaw-buhay na, hindi ko na sana pinangarap maging katulad nila. Buti nalang ay nanghihina ako sa tuwing nakakakita ng mga bangkay at dugo kaya hindi ako nagkaroon na ng interes para maging alagad ng ospital.
Naaalala ko noong kami ay maliliit pa ng utol kong si Pot, nagkaroon kami ng mala "Question & Answer" portion na ang hosts ay sina ermats at erpats.
ermats: Anak, ano ang gusto mo maging paglaki mo?
Pot: Gusto ko pong magng isang basurero!
erpats: Anak, bakit naman basurero ang napili mo? Ayaw mo bang maging doktor o pari?
Pot: Ayoko ko po. Gusto kong maging isang basurero para makatulong akong sa paglinis ng kapaligiran!
Eh ano bang pakialam niyo sa utol ko. Marangal naman ang maging isang basurero. At least hindi niya ginustong maging isang snatcher, 'di ba?! Huwag ka, isa na siyang malufet na seaman ngayon!
ermats: Jay, ikaw naman. Ano ang gusto mo paglaki mo?
ako: Ako po? Paglaki ko....GUSTO KO NA'NG TUMANDA!
Buti nalang natupad ko rin ang pangarap ko.
Noong ako ay bata pa...gusto ko nang tumanda!
(Originally posted on May 6, 2011)

ang sagot ng kaibigan ko dati... gusto niya maging DH :D... panahon iyon na kasikatan pa ng domestic helper sa HK
ReplyDeletenaalala ko noon, mga nasa grade 2 yata ako.. may activity kami regarding sa kung anong gusto namin paglaki. ang sinagot ko: taxi driver. kasi mahilig ako sa kotse nung kabataan. :D
ReplyDeleteako nga nakalagay sa pa sa yearbook ko noong kinder ako ï want to be a driver"..haha! na amazed kasi ako sa mga bus dati. (yung aircon ah)
ReplyDelete