Ilang beses ko nang nabanggit sa ilang mga walang kakuwenta-kuwenta kong naisulat na wala akong hilig sa mga potang lecheseryes sa teevee. Kahit na patok sa panlasang Pinoy, nauumay ako sa mga dramang paulit-ulit na hindi pinagsasawaang subaybayan ng karamihan. May mahirap na inaapi tapos yayaman dahil nanalo sa lotteng kaya maghihiganti. Sampalan, suntukan, sabunutan, at tadyakan. Nakaka-stress.
Early 90's nagulat nalang kami nila utol nang magpalabas ang ABS-CBN ng isang kakaibang cartoon sa kanilang istasyon. Para siyang telenovela na pambata. Sa totoo lang, ito ang kauna-unahang "Tagalized" o Tinagalog na anime' na ipinalabas sa Pilipinas at hindi nila alam kung kakagatin ito ng masa. Ang malufet pa nito, ito ay family-oriented na malayong-malayo sa mga Japanese masterpieces tulad ng Voltes V at Daimos. Walang laser sword. Walang ultraelectromagnetictop. Iyakan at mga nakakaiyak na eksena, napakarami. Mabuti nalang at mahilig ako sa cartoons kaya sinubaybayan ko ang madramang buhay ng bida ng palabas na ito!
Babatukan ko ang sino mang Batang Nineties na hindi nakakakilala kay CEDIE, ANG MUNTING PRINSIPE.