Tuesday, April 20, 2010

Anak Ka ng Ina Mo

(credits to Schizo Archives for the photo)

Kapag sinabing Fab Four ng Pinas, Eraserheads ang una mong maiisip. Eh paano kung tatanungin kita kung sino ang Rock Power Trio ng Alternatibong Pinoy noong Dekada NoBenta, sino ang maaalala mo?

Dalawa ang mga grupong tumatak sa isip ko noong Golden Era ng Pinoy bands – una, ang (Electric) Sky Church na trio ng malulufet na Dela Cruz Brothers. Pero technically speaking, hindi ito ang sasagot sa tanong ko sa inyo dahil hindi alternative at “pang-masa” ang tugtugan nila. Ang tinutukoy ko sa entry kong ito ay ang THE YOUTH, ang itinuring na Nirvana ng mga noypi noong nineties. Dahil sa kanilang mainstream success noong panahon nila pareng Kurdt Cobain, natanggap ng mga ermats at erpats natin na puwede rin palang pakinggan ang mga kanta ng mga rockers.

Originally, “Boyish Days” ang pangalan ng grupo nila Dodong Cruz (bass / backup vocals), Erap Carrasco (drums), Pat Epino (lead guitar), at Zaldy Carrasco (vocals) na nabuo noong 1989.

Dahil sa musical differences ay binuo nina Dodong at Pat ang EnVoice habang sina Erap at Zaldy ay binuo ang Obscure Tone kasama si John Olidan. Madalas pa rin silang magkasabay-sabay sa mga gigs at kapag walang gustong mauna ay nagpiprisinta sila Dodong, Erap at John upang maging front Act. Naisama rin sa line-up nila Dodong si Raul Velez. Nakilala sila bilang THE YOUTH.

Nakitaan ni Robert Tan ng Backbeat Records ang grupo ni Dodong ng original talent kaya nai-produce ang kanilang self-titled debut album noong 1990. Sayang dahil noong commercially released na ito sa Musikland nang sumikat na ang kanilang album sa major label ay hindi ako bumili. Medyo mahirap pa kasing magwaldas ng nobenta pesos para sa isang cassette tape dahil estudyante pa lang ako at that time. Malamang ay collector’s item na ito tulad ng “Pop U” ng Eheads dahil limited lang ang copies nito. 'Yun nga lang, hindi “hit” sa mainstream ang mga indie productions kaya hindi narinig ang mga kanta nila sa ere.

Sa panahon ding ‘yun sila sumali sa 1990 RJ Battle of the Bands. Medyo hindi nga sila qualified dahil strictly for amateur bands lang ang contest (eh meron na silang indie album). Ang malufet pa nito ay sila ang nag-champion!  "Da Wol" ang ginamit nilang pangalang ng grupo upang makasali.

Nang kumalas sina John at Raul sa grupo, sila ay pinalitan ni Robert Javier na naging bahista para sa The Youth. Ito na rin ang simula ng klasik line-up nila as Power Trio. Si Javier ang naglagay ng humor sa mga kanta at gigs nila para mas medaling masakayan ng mga nakikinig. Si Dodong naman ang nagsilbing “tagalakad” para makakuha ng mga gigs. At sa kakulitan niya ay pinatugtog sila ni Patrick Reidenbach sa Club Dredd na tulad namin ay itinuturing na “mecca ng mga musikero”. Parang walang silbi ang pagtugtog niyo sa underground kung hindi kayo nakatuntong sa stage nila. Dahil sa lufet ng trio ay piniling mabingi ng mga followers sa tugtugan nila. Saksi ako dito dahil naging madalas sila sa Dredd Sked. Umabot pa nga sila sa puntong twice a week! Tuwang-tuwa pa nga kami noong maging isa kami sa mga front acts sa gig nila ng Datu’s Tribe!

Dahil sa nag-iiba na ang panlasa ng masa ay pinapirma sila ng kontrata ng Polycosmic Records noong 1993. Nang sumunod na taon, lumabas ang debut album nila na “Album na Walang Pamagat”. Ang carrier single nito ay “Multo sa Paningin”. Medyo 'di tanggap ng iba ang title at huling mga salita ng lyrics pero kung pakikinggan ang lyrics ay ‘di naman talaga ito anti-homo’s. Naikuwento ko sa entry kong “Pag-Ibig Ko’y Metal” na ginawaan ni Robert ito ng lyrics na anti-hiphoppers at tinawag na “Multong Hip Hop”. Sampu ang kanta dito pero ang lima ay galling sa una nilang record sa Backbeat. Bale labing-isa lahat kung isasama mo ang hidden track na tungkol sa mga characters ng Street Fighter. Tanggap na tanggap ng mga pinoy ang humor-injected rock ng The Youth. Kahit ang Parokya ni Edgar ay kino-cover ang “The Alphabet Song (Mother Funker)” noong hindi pa sila sikat. Wala kang itatapon sa kanta nila, mula Side A hanggang Side B. Personal favorite ko ang “Mukha ng Pera” at “Magulo Buhay ng Tao”. Lahat ng kabataan noon na nagpipilit mag-gitara ay gustong malaman ang chords ng mga kanta nila. Bass ang una kong hinawakan kaya paborito ko naman ang “Takbo”. Ang album na ito ang naglagay sa kanila sa cover ng songhits tulad ng Musika, Hot Hits at Rock ‘N Rhythm. ‘Yung picture sa itaas na cover ng isang issue ng R’NR, may kopya rin ako niyan na hanggang ngayon ay buhay pa. Paminsan-minsan ay binabasa ko pa rin ang mga articles doon lalo na ang “Kamalayan” ni Sir Robert Javier. Umabot sa 100,000 copies ang naibenta ng kanilang debut. Sa teevee at radio, patok ang guesting nila. At lalong-lalo na sa mga gigs, lagi silang headliner. Ilang beses akong naka-attend ng konsiyerto sa Binangonan at Marikina na sila ang inaabangan. Minsan nga ay ginagamit pa ang pangalan nila ng mga pesteng organizers para makabenta ng tickets. In the end, batuhan ang nangyayari kapag alam nalaman nang hindi naman talaga sila guest. Kilala rin ang The Youth sa riot concerts dahil laging nagkakagulo sa mosh pits kapag nag-iingay na sila. May instance pa nga sa Araneta Coliseum na hindi sila nakatugtog kahit isang kanta dahil nagkagulo na ang mga “bollocks” nang Makita na ang iniidolo nila.

After three years bago sila napaglabas ng follow-up album dahil sa dami ng concerts nila sa buong Pilipinas, “Tao Po” ang naging resulta ng mga bago nilang kanta. Halos pareho ang dami ng naibenta nito kumpara sa una pero hindi na ganun kaganda ang reactions at reviews ng mga listeners.

Tulad nila John at Paul, Lemon and Ely, Slash and Axl, medyo ‘di gumanda ang relationship ninaDodong at Robert. Kaya nang mai-release ang “Eksperimento” na solo album ng frontman ay nabuo naman ang Warehouse Club nila Erap at Robert. Dito na sila biglang nawala sa mainstream at nag-kanya-kanya.

In 1999, nagkaroon sila ng Reunion Gig sa Mayric’s. One Night Only lang dapat ito pero dahil nakita pa rin nila ang charisma nila sa mga fans ay nasundan ito ng iba pang gigs. Then in 2004, lumabas ang kanilang comeback indie album na “Ultra Violent Ray” on Jack Daniels Manila. Sa ngayon ay silang tatlo pa rin ang lineup at sila’y aktibo pa ring sumisigaw ng “Anak Ka ng Ina Mo” para gisingin ang mga old at younger generations.



17 comments:

  1. Ang hirap bumili noon ng "Album Na Walang Pamagat" Ilang record bars ang pinuntahan ko bago ako nakabili ng album nila. Buhay pa siya hanggang ngayon.

    Idol ko din ang The Youth!

    Salamat sa post! =)

    ReplyDelete
  2. nawala na sa hiraman ang copy ko nito. Sayang nga dahil di ko naitago. Mp3s nalang ang meron ako. Buti ka pa!

    ReplyDelete
  3. Pakiramdam ko tuloy hindi ako tao dahil hindi ko sila kilala.

    ReplyDelete
  4. well ngayon glentot, tao ka na! congrats parekoy! bwahahaha

    ReplyDelete
  5. Astig ka pla parekoy!

    Iilan lng din ang alam kong kanta ng The youth. Featured ata ung grupong The Youth sa Jessica Soho...

    ReplyDelete
  6. salaman jag sa pagdaan...

    malamang ay bata pa kayo ni Glentot noong nakikinig kami ni Stone Cold sa The Youth.

    Sana mapanood ko ang story nila sa Jessica Soho.

    ReplyDelete
  7. Masarap alalahanin ang 90's... Nasa high school pa lang ako nun... hehehe!!!

    I also have a Blog. It talks about anything that is "Pinoy", mountaineering, politics and also my travels and adventures around the Philippines. Hope you could visit. Thanks!

    http://mymervin.blogspot.com

    ReplyDelete
  8. mervin, magka-edad tayo malamang. salamat sa pagdaan. at bilang ganti ay kasama ka na sa blogroll ko.

    ReplyDelete
  9. siguro nga magka-edad tayo... hehehe!!!

    thanks po sa pag add ng site ko sa blogroll mo... pag naglagay ako ng blogroll, i-add din kita... salamat po...

    ReplyDelete
  10. salamat pareng mervin. dalaw ka ulit next time.

    ReplyDelete
  11. ngayong hindi na sila pinapansin masyado sa UP fair

    ReplyDelete
  12. i saw mr. dodong cruz here in cagayan de oro years ago. meron kasing guro sa xavier university (ateneo de cagayan) grade school department na kaibigan nya or ka banda ata bumisita siya at nag tugtog siya ng acoustic version ng "multong bakla," at "kakanta" I still have a tape of the "Album Na Walang Pamagat" and I lost the "Tao Po" album which was autographed by them. sayang....

    ReplyDelete
  13. Sir dagdag lang po kung oks lang. Si Dodong po at Pat ay mula sa bandang Envois, na naging notorious sa Pasay/Makati scene noong late 80s early 90s, gaya po ng Half Life half Death, My Dead Idol etc. Minsan rin pong naggitara si Dodong sa Wuds. Maraming salamat po sir. Sobrang astig ang blog nyo. mabuhay po kayo...

    ReplyDelete
  14. sa facebook ni robert javier ko na-discover blog mo. ayos mga post mo. album na walang pamagat isa sa mga all time favorite kong opm rock albums. may bago pala silang album PIRATA.

    ReplyDelete
  15. elementary na ko nung maadik ako sa The Youth, pati na rin yung Green Dept, Siakol atbp...thanks sa mga posts. ansarap balikan ng '90s :D

    ReplyDelete
  16. 🤜🔥🤛

    ReplyDelete