Thursday, July 29, 2010

Hadouken

Street Fighter Characters





Click niyo muna ang play button ng player bago basahin ang entry.

Ang inyong naririnig niyong maingay sa background ay mula sa first album ng The Youth na "Album na Walang Pamagat". Ito ay isang hidden track sa side B ng cassette tape kaya ang taytol nito malamang ay "Kantang Walang Pamagat". Kung pakikinggang mabuti, ang istoryang bunga ng malikot na pag-iisip ni Sir Robert Javier ay puwedeng bigyan ng pamagat na "Tindahan ng Patis ni Chun-Li".

Ganito kaadik sa STREET FIGHTER ang Dekada NoBenta. Ganito kami kaadik.



try mo ito, pwede na rin!! click mo lang 'yung nagbi-blink

Minsang nagla-lunch break kami ng mga ka-trio kong "kutings" noong nasa highschool pa kami ay biglang humirit si Ryan (ang Jomari naming tatlo; ako si Mark at si Noel naman ay si Eric) ng "Siguro ang hirap mag-hadouken sa totoong buhay. Kailangan ng buong energy para makapagpalabas ng 'fireball'. Ano sa tingin niyo?". Paksyet, 'di ko kinayang ibato sa mukha niya 'yung kinakain kong roast beef dahil napatulala ako sa sinabi niya. 

Nakakatawang isipin pero talagang ganun kami ka-seryoso sa buhay pagdating sa arcade game na ito. Ilang beses ko nang napanaginipan na isa ako sa mga character ng SFII - madalas ay napapasuntok ako habang tulog dahil sa panaginip ko ay ako si Ryu o si Ken na magkaparehas halos ng mga moves kahit na ang nauna ay galing Japan at ang huli ay galing sa America. Sila kasi ang madalas kong gamitin na characters dati nang unang ilabas ng Capcom ang Street Fighter II: The World Warrior noong 1991.

Hindi ko alam kung bakit SFII na kaagad eh hindi man lang nga namin nakita o nalaro ang prequel nito na Street Fighter. Ayon kay pareng Googs, lumabas ang unang series noong 1987 pa at ang characters lang dito ay sina Ken at Ryu na may tatlong special moves - ang hadouken o "wave motion fist", ang shoryuken  o "rising dragon fist", at ang tatsumaki senpuukyaku o "tornado whirlwind foot". Tulad ng isang true follower ng martial arts, dapat ay may skills ka sa paggalaw at pagpindot ng joystick para magawa ang mga special moves.

Ayon naman kay pareng Wiki, ang unang sequel ng SF ay ang Final Fight. Kung batang nineties ka na mahilig sa arcade ay alam mo ang larong ito sa Super Nintendo Entertainment System o SNES. Dahil hindi naging successful na i-promote ito as sequel ay inilabas ang SFII:TWW.

Ang original characters na puwede mong gamitin sa World Warrior ay sila Ken (USA), Ryu (Japan), Blanka (Brazil), E. Honda (Japan), Guile (USA), Chun-Li (China), Dhalsim (India) at Zangief (USSR). Kailangan mong talunin ang pitong characters bago ka makarating sa mga big bosses. Anytime din ay puwedeng mag-challenge sa iyo ang second player. Tandang-tanda ko pa kung gaano kahaba sa Paco Amusement sa SM Cubao ang nakapila sa "coin credits" para lang labanan ang mga magagaling. Sa kasikatan kasi ng larong ito ay 'di sapat ang mga machines para sa mga gamers kaya ang ginagawa ng iba ay naghuhulog na ng token coin para mag-reserve ng laro. Puwedeng maghintay kang ma-game over 'yung nauna o kaya naman ay puwede mong i-challenge kung sa tingin mo ay mas magaling ka sa kanya at naiinip na!

Sa walong characters, halos lahat ay paborito sila Ken at Ryu nga dahil sa kanilang malufet na move. Minsan ay ginagamit ko rin si E. (Edmond) Honda dahil sa kanyang mabilis na kamay. Madali kasing pataubin 'yung kalaban mo kapag na-corner mo na sa dulo at gagamitin ang "hundred violent sumo hands" ng dambuhalang sumo wrestler na lumilipad! Hirap akong gamiitin ang ibang characters lalo na sina Chun-Li at Guile.

May apat na big bosses sa international version, ang final boss ay si M.Bison (Thailand) habang ang tatlo sa likod niya sy sila Sagat (Thailand), Balrog (USA), at Vega (Spain). Kung medyo fanatic ka, alam mo na sa Japan version, si M.Bison ng international ay si Vega; si Balrog ng international ay si M. Bison; at si  Vega ng international ay si Balrog. Magulo ba? Hindi naman gaano dahil pinagpalit-palit lang ang names nila para hindi sila makasuhan ni Mike Tyson dahil sa character na binase sa kanya. Ang "M" sa M. Bison ay "Mike" kaya delikado sila sa kasong "likeness infringement lawsuit" pag nagkataon dahil sa parody.

Lumipas ang ilang buwan ay naglabas naman ang Capcom ng Street Fighter II' - Champion Edition (dash ang pag-pronounce ng mga Japanese sa apostrophe sign). Sa version na ito ay puwede mo nang gamitin ang apat na big bosses. At matapos ang ilang buwan pa ay naglabas naman ng Strret Fighter II' - Hyper Fighting. Sa version na ito ay marami na ang mga modifications dahil pwede ka na mandaya tulad ng pag-teleport ni Dhalsim at "magic handcuffs" ni Guile, at "flaming shoryuken" nina Ken at Ryu. Taena, ang daya ng version na ito kaya nakakaasar laruin! Dito rin unang nagpakita si Akuma, ang younger brother ni Gouken, ang sensei nina Ryu at Ken. Puwede mo siyang gamitin kapag tama ang pagpindot mo ng cheat code bago mo i-press ang start. Kapag malufet mo namang natapos ang stages nang hindi natatalo ay lalabas siya sa final match at papatayin si M. Bison para siya ang lalaban!

Ito yata ang una sa mga pinakamagandang one-on-one fighting game kaya masyadong nag-click sa mga kabataan at sa masa. Sa sobrang click nito dati ay nagkaroon pa nga ng Family Computer bootleg version kung saan puwede mong gamitin si Mario ng Super Mario Bros.! Paksyet talaga dahil ang alam lang gawin ni Mario ay tumalon at tumira! Natuwa naman ako ng magkaroon na ito ng version sa Sega dahil hindi na namin kailangang magsayang pa ng pera para lang makalaro kaming magkakapatid.

Natatandaan niyo rin ba nang lumabas noong 1994 ang American movie adaptation ng arcade game na ito kung saan bida si Jean-Claude Van Damme? Potah, sobra kaming na-excite at talaga namang inabangan namin. Pinag-ipunan ng pera para mapanood sa Megamall. Taena, taeng-tae ang Hollywood version na Street Fighter!!

Marami pang sumunod na mga versions ng arcade game tulad ng "Alpha", "Zero" at "EX" series. Nagkaroon rin ng Street Fighter III: The New Generation. Dumami ang mga character at dumami rin ang mga combo's at special moves. Nagkaroon pa nga ng mge "versus series" tulad ng X-Men vs. Street Fighter, Marvel Super Heroes vs. Street Fighter, at Marvel vs. Capcom. Balita ko nga ay mayroon ng Street Fighter IV na matindi na ang graphics at moves! Pero ganun pa man at masyado akong na-stuck sa SFII' dahil hanggang ngayon ay 'di ko pa rin ma-perfect ang mga special moves. Ginagawa lang akong punching bag ng mga utol ko lalo na ng bunso naming si Carlo kapag naglalaro kami!

Naaalala mo pa ba ang mga victory quotes ng mga characters? Kapag tinalo ka ni Ken ay sasabihan ka lang ng "Attack me if you dare, I will crush you!". Kapag kay Guile ka naman nabokya ay makakakita ka ng "Are you man enough to fight with me?". Kung 'di ka naman umubra sa likot ni Blanka ay makakatikim ka ng "Seeing you in action is a joke!". Ang lufet 'di ba? Mas naaalala ko pa sila kaysa sa mga famous quotations galing sa mga historical figures!

Pero ang pinakanaaalala ko sa lahat ay ang linya ng minaster kong character na si Vega. Tugmang-tugma kasi ito sa katauhan ko: "HANDSOME FIGHTERS NEVER LOSE A BATTLE!".




38 comments:

  1. Perry The PlatypusJuly 29, 2010 at 9:49 PM

    Tama ka about SFII.. Nothing beats the classics miski ako sanay parin sa SF2.
    Sa Super/Hyper SF2 medyo improved lang ang graphics, may QSound technology silang ginamit at additional characters.
    SF3 was fine, mixed with 3D elements.
    SFA,A2,A3 ayos lang
    SF EX and EX2 plus na nasa PS1, pixelized ang characters.
    SF4 is not worth it, I have the game on PC.
    Ginaya ang fighting style ng Tekken tapos ngayon magkakaroon na ng Street Fighter vs Tekken at Tekken x Street Fighter which is set for 2011 on consoles.

    ReplyDelete
  2. Ang tinik talaga ng memorya mo bossing!

    ako basta may isang arcade lang at street fighter ang laro sige lang ako ng sige... taena hindi ako makalagpas ng stage 4 sa SFII na yan, kaya pinagtyatyagaan ko nalang yung contra sa FamCom eh.. hihihi

    astig talaga.. salamat sir!

    ReplyDelete
  3. Hahaha naalala ko nung elementary ako at una ko itong nalaro sa arcade. Naubos pera ko, hidi ko na inulit ahahaha.

    ReplyDelete
  4. hay, I never was able to get the hang of anime talaga :) Pero nakakaloka ang STreet Fighter rage noon. Natawa ako ng naalala ko yung the kutings. :P

    ReplyDelete
  5. hi perry. sabi ko na nga ba at ikaw ang magiging exert pagdating sa topic na ito! talaga, hindi ok ang SF4? akala ko pa naman ay sobrang ganda nun!

    ReplyDelete
  6. kahit naman ako parekoy, hindi ko kailan na-master ang SF2. mas kabisado ko ang super mario 3 kesa sa moves nila vega! hanggang ngayon ay mag family computer games pa rin ako sa celfone!

    ReplyDelete
  7. kami ng barkada ko, ubos din literally. umuuwi kami madalas na pamasahe lang ang pera. o minsan naman ay nilalakad nalang namin from cubao to crame! ganun kaadik! hehehe

    ReplyDelete
  8. hi mia! alam ko, ikaw ang nagbigay sa'min ng "the kutings" eh. nabasa ko 'yun sa "unforgets" natin. hehehe. na kanino ba 'yun? sana ma-scan mo para gawan natin ng entry at makapag-reminisce!

    ReplyDelete
  9. Perry The PlatypusJuly 31, 2010 at 11:44 AM

    Syempre.. You can try SF4 sa Timezone pagbalik mo, maganda yung arcade cabinet dahil LED/LCD screen tapos malinaw ang tunog or bumili ka ng game kay Manong Dibidi (kaso mahulian ka ng customs) or Datablitz.

    Hindi ko parin mabili yung arcade stick sa CDR-King para buo na ang SF thrill. Tae nga nauubusan ako pag-bibili ako.
    Maganda pa naman yun dahil may vibrating function.
    http://www.cdrking.com/index.php?mod=products&type=view&sid=6421&main=31
    or yung may colors kaso medyo mahal
    http://www.cdrking.com/index.php?mod=products&type=view&sid=2802&main=31

    Atleast mangyayari na ang pinakahihintay ko na collaboration sa mga fighting games. Tekken x Street Fighter or Street Fighter vs Tekken.. Maghiwalay silang laro.
    Tekken x Street Fighter will be made by Namco Bandai while
    SF vs Tekken will be made by Capcom for XBOX 360 and PS3 consoles.. Bahala na sa PC kung magkakaroon

    ReplyDelete
  10. grabe talaga ang enthusiasm mo pagdating sa mga ganito. sige try ko ang SF4 pag-uwi ko. mukhang astig ang tekken vs. street fighter!

    ReplyDelete
  11. haha... ang naabutan ko na kasi ay yung ghost fighter eh... elementary ako nun. hehe. pero nagustuhan ko rin naman ang street fighter kahit na hindi na siya sikat nun. pero ayaw ko yung live action movie nun parekoy. pangit di ba? walang kwenta ang casting at pati director, pwedng pagbuhlin siya at si mnight shyamalan na director ng last airbender na binaboy din ang mahal kong series. haaayy....

    ReplyDelete
  12. Actually, mas interest ko ang mga adventure/action at FPS. Gusto ko rin ang fighting dahil may endless strategies at doon talaga may thrills lalo na kapag 2 players.

    Nalalaro ko lang sa ngayon eh GTA:EFLC at Toy Story 3(pambata, pero parang bumabalik ka na sa 90s when playing the game)

    ReplyDelete
  13. astig ung game.

    astig si cammy. sexy cadette.

    inaabangan ko lagi release nito nuon

    ReplyDelete
  14. masarap ang one-on-one games lalo na kapag may pustahan. hehehe

    wow, toy story! siguro ayus yun laruin. \m/

    ReplyDelete
  15. ghost fighter, klasik!

    tama ka parekoy, basura ang movie ng SF. 'di ko pa napapanood ang airbender pero pangit daw based sa mga reviews na nabasa ko!

    ReplyDelete
  16. oo nga parekoy, astig 'yung game kay in-embed ko siya dito. brings back memories. sexy si cammy. didila pa. waah!

    musta ang trip niyo ng family mo?

    ReplyDelete
  17. ako lang talaga ang malihis ng landas nun dahil lahat ng friends ko e naadik sa street fighters na yan!...pero aaminin ko na ako naman ang nabuwang ng una kong masilayan ang kakisigan ni Van Damme sa movie version nito! :D

    tungkol naman sa The Youth- grabee!...I miss ds guys along with another fave band Yano. Dapat bumalik sila sa eksena at gumawa ng bagong musika dahil sa totoo lang, waley ang mga opm bands ngaun!

    ReplyDelete
  18. pards, pareho tayo ng linya..ha ha ha

    ReplyDelete
  19. Na try ko rin laruin to nung college ako, kaya lang di ko talaga nakahihiligan ang video games. Mas gusto ko lang pinapanood yung mga barkada ko. Tapos parang na-inlove ako kay Chun-Li, kaya pinanood ko agad yung movie na The Legend of Chun Li - kaya lang dissapointing, kasi mas maganda pa rin si Chun-Li pag anime siya.

    ReplyDelete
  20. haha, pinatawa mo ako tungkol kay van damme! kahit na tae pala yung movie eh nagandahan ka sa view! :)

    nabasa mo na ba ang entry ko tungkol sa the youth? ayun sa net, parang bumalik na sila sa eksena! \m/

    ReplyDelete
  21. mabuhay ang mga guwapong tulad natin!! \m/

    ReplyDelete
  22. mas gusto ko pa rin ang street fighter kesa sa tekken. pera sabi nga ni perry the platypus ay lalabas na ang versus edition nila. im looking forward to that! astig siguro yun! \m/

    ReplyDelete
  23. hmmmm....something tells me that you're in the wrong comment box. bwahahaha

    ReplyDelete
  24. kanya-kanya naman tayong trip. ok lang yun parekoy. 'di ko pa napapanood yung sinasabi mong movie, mahanap nga. \m/

    ReplyDelete
  25. Nakagawa ka na ba ng post about mga sumikat na toys nung 90's like this:

    http://thereifixedit.com/2010/07/22/historical-thursday-lol-wut-goes-down-stairz/

    ReplyDelete
  26. wala pa akong nababasang accidental creations ng 90's. check ko si pareng google kung meron. gawan ko ng istorya. magandang idea ito parekoy!

    \m/blogenroll\m/

    ReplyDelete
  27. Up to now, hindi ko maalala kung nakanino ang unforgets...Na kay Jill Ann nga ba or Maan?

    ReplyDelete
  28. ay ganun ba. sayang naman. sarap sana basahin nun!

    ReplyDelete
  29. napansin niyo ba na pag natapos niyo ang laban na to, ang lalabas ay CONGRATULATION. Note: Singular. hahaha I always thought na congratulations dapat. Anyway, sisiw si sagat, ang dali talunin. wala nabang mas mahirap pa? hehehe joke. Nice post. Nostalgic.

    ReplyDelete
  30. waahhhh....parang 'di ko napansin ang CONGRATULATION!!

    check ko nga 'yan minsan! salamat parekoy! \m/

    ReplyDelete
  31. "Dito rin unang nagpakita si Akuma, ang younger brother ni Ryu." - Hindi mag-utol sina Ryu at Akuma (o "Gouki"). Ang utol ni Akuma ay si Gouken (older bro), na siya namang sensei nina Ryu (also an adopted son), Ken Masters at Dan Hibiki. They aren't consanguineously related, though I read in some article that it was hinted that Ryu could be Akuma's son, but Capcom never said anything about it.

    "Marami pang sumunod na mga versions ng arcade game tulad ng "Alpha", "Zero"..." - Ayon sa article na nabasa ko, iisa lang daw ang "Alpha" (American version) at "Zero" (Japanese).

    ReplyDelete
  32. parekoy, salamat sa pag-korek! \m/

    ReplyDelete
  33. Favorite ko dati sila E.HONDA at DHALSIM! Nice post, parang kailan lang, ang bilis ng panahon... hehehe! =)

    ReplyDelete
  34. Gusto ko yung bida. Because of Haduken and many cool moves na gingawa nya. Gusto ko na malaro yung Tekken vs Street Fighter.

    ReplyDelete
  35. guys alam nyo ba san pwedeng bumiling arcade ng SF2

    ReplyDelete
  36. guys alam nyo ba san pwedeng makabili or magpagawa ng arcade ng SF2

    ReplyDelete
  37. Nagsimula lang akong maglaro ng Street Fighter when I burned out on Mortal Kombat 3. My first SF game was Street Fighter EX sa PlayStation. And it grew ever since, hanggang ngayong may Super Street Fighter IV na.

    ReplyDelete
  38. parekoy, salamat sa pag-korek! \m/

    ReplyDelete