Tuwing malapit na ang birthday ko ay may isang araw akong naaalala sa buwan ng July. Actually, hindi ko lang siya naaalala kundi kinakatakutan ko pa. Tungaw, hindi ang "Fil-American Friendship Day" o ang dating "Philippine Indepence Day" na isinabay sa "4th of July" ni Uncle Sam ang tinutukoy ko dito.
Nasa grade five level kami nang mangyari ang lahat. Tandang-tanda ko pa kung gaano kalakas ang ulan na bumuhos noong hapon na iyon tatlong araw bago sumapit ang kaarawan ko. Malakas ang kidlat, malakas ang hangin at kailangan naming isara ang mga jalousie windows ng classroom namin para hindi kami pasukin ng patak ng ulan. Akala ko nga noon ay maliligo na kaming pauwi ng bahay dahil parang ayaw tumigil ng ulan na nagsimula mga bandang alas-dos. Kung uso lang ang celfone that time, malamang ay nag-send na ang lahat ng mga estudyante ng text messages sa kanilang mga magulang para magpasundo dahil malapit na ang uwian ng alas-singko.
Buti nalang mga bandang alas-kuwatro ng hapon ay tumigil na ang ulan. Nabuksan na namin ang mga bintana at nakita na ang araw sa kalangitan. Mathematics ang subject noong mga oras na iyon at ang paborito kong si Mrs. Sable (R.I.P., ma'am) ang nagtuturo. Teacher's pet niya ako dahil madalas akong ipanglaban sa mga quiz bees. Nasira ang concentration ko sa kanyang lecture nang may naramdaman akong umuuga ng upuan ko. Sa sobrang bad trip ay tumitig ang aking evil eyes sa katabi ko at sinabi sa kanyang itigil ang paggalaw ng inuupuan ko kung ayaw niyang maglaho sa mundo. Napataas lang siya ng kilay at sinagot ako na hindi daw siya ang yumuyugyog. Maya-maya ay biglang may sumigaw ng "Ma'am, lumilindol!!".
Maraming nag-panic, lalo na ang mga babae. May nag-iiyakan, may nagsisigawan, at may mga gustong tumakbo pero natatakot umalis sa kinatatayuan. Nasa second floor kasi kami ng nagg-iisang two-storey building ng Camp Crame Elementary School at that time kaya medyo ramdam namin ang impact ng malakas na pagyanig ng lupa. Wala nalang kaming nagawa kundi magkapit-kapit ng kamay habang nagdarasal ng "Our Father". Sa murang edad namin noon, ang pakiramdam ko ay parang sumakay ako sa space shuttle ng Enchanted Kingdom na walang seatbelt. Tumagal din ng halos isang minuto ang paghinto ng aming mundo sa magalaw na daigdig. Nang matapos na ang lahat ay hindi na namin alam kung ano ang gagawin. Lalabas ba kami o mananatili sa loob ng classroom? Nakita ko pa nga sa labas ng building ang isang asong umakyat sa buhanginang nakatambak malapit sa isang ginagawang building. Nakatitig 'yung hayop sa biyak sa buhangin na hindi rin alam ang gagawin.Para akong niyanig ni John "Earthquake" Tenta ng World Wrestling Federation sa nangyari.
Akala ko ay ganun-ganun nalang ang naganap. Wala naman kasing nawasak o gumuho sa school namin.Nang makauwi ako sa bahay namin ay naabutan kong tulala ang lahat sa ipinapalabas sa mga flash reports sa teevee. July 16, 4:26 P.M., isang malakas na lindol ang yumanig sa Luzon. May lakas itong 7.7 na naitala sa Richter Scale at tumagal ng forty-five seconds.
Nang makita ko sa balita ang nangyari sa Christian College of the Philippines sa Cabanatuan City, Nueva Ecija ay talaga namang nanlumo ako dahil mga estudyanteng katulad ko ang naging biktima ng trahedya. Gumuho ang six-storey building ng CCP dahil sa lakas ng lindol. Maraming mga mag-aaral ang na-trap sa ilalim ng mga debris - may mga buhay na humihingi ng saklolo at napakarami ring binawian na ng buhay. Napanood ko pa noon ang footage ng actual rescue operation sa isang babae na hindi nila mailabas sa mga patong-patong na konkreto dahil nadaganan ang paa niya. Hindi mahila ng mga rescuers dahil umiiyak at sumisigaw sa sakit ang bata kapag ginagawa nila ito. Ramdam na ramdam mo ang awa sa pangyayari.
Maraming mga dumating na volunteers para tumulong sa pagre-recover ng mga nadaganan ng gumuhong gusali. Local at foreign rescuers ang dumating sa CCP para magtulung-tulong sa retrieval ng mga survivors. Isa sa kanila ay si Robin Garcia, isang 20-year old high school student na nakapagbigay-saklolo sa walong katao. Sa kasamaang-palad nga lang ay nasawi rin siya nang magkaroon ng aftershock at siya'y nadaganan ng debris.
Ang CCP lang ang tanging building sa Cabanatuan City ang gumuho at ayon sa mga sabi-sabi ay dahil ito sa kapabayaan ng mga city engineers. Base daw kasi sa design, hanggang second floor lang dapat ang building ngunit umabot ito ng hanggang anim na palapag. Sa tala, nasa 363 ang casualties sa naganap na pagguho. Mabuti nalang ay kasalukuyang nasa Daily Saving Time o DST ang bansa kaya mas maagang nakauwi ng isang oras ang ibang estudyante sa ibang grade level.
Sa Baguio City, Benguet naman ay mas malaki ang naging pinsala ng lindol. Nasa 28 buildings ang gumuho sa Summer Capital at isa na dito ay ang Hyatt Terraces Hotel kung saan may natalang 80 kataong nasawi. Sa Hotel Nevada naman ay may naitalang 27 na kataong kasalukuyang nasa isang seminar na sponsored ng United States Agency for International Development. Karamihan ng mga nasawi sa Baguio ay mga turista.
Naging pahirapan ang pagdating ng mga rescue volunteers papuntang Baguio dahil gumuho rin ang mga zig zag roads na dinadaanan papunta roon galing sa mga kalapit na lalawigan. Ang hindi ko talaga makakalimutan sa lahat ay ang determinasyon ng mga kamag-anak ng mga na-trap sa mga rubbles ng gumuhong hotels. Kahit na ilang araw na ang nakakalipas at sumuko na ang mga search and rescue teams ay patuloy pa rin sila ng paghahanap sa kanilang mga mahal sa buhay. Ayon naman sa mga survivors, ang tanging naging panlaban nila sa kagutuman ay ang mga dahon, papel, tissue, at mga damit na tinastas. Patak naman ng ulan ang ginamit nila upang malabanan ang uhaw. Nang wala ng choice, sariling dumi na nila at ihi ang ginamit para lang makaligtas sa loob ng dalawang linggong pagkakabilanggo sa mga gumuhong struktura.
Nang makita ko sa balita ang nangyari sa Christian College of the Philippines sa Cabanatuan City, Nueva Ecija ay talaga namang nanlumo ako dahil mga estudyanteng katulad ko ang naging biktima ng trahedya. Gumuho ang six-storey building ng CCP dahil sa lakas ng lindol. Maraming mga mag-aaral ang na-trap sa ilalim ng mga debris - may mga buhay na humihingi ng saklolo at napakarami ring binawian na ng buhay. Napanood ko pa noon ang footage ng actual rescue operation sa isang babae na hindi nila mailabas sa mga patong-patong na konkreto dahil nadaganan ang paa niya. Hindi mahila ng mga rescuers dahil umiiyak at sumisigaw sa sakit ang bata kapag ginagawa nila ito. Ramdam na ramdam mo ang awa sa pangyayari.
Maraming mga dumating na volunteers para tumulong sa pagre-recover ng mga nadaganan ng gumuhong gusali. Local at foreign rescuers ang dumating sa CCP para magtulung-tulong sa retrieval ng mga survivors. Isa sa kanila ay si Robin Garcia, isang 20-year old high school student na nakapagbigay-saklolo sa walong katao. Sa kasamaang-palad nga lang ay nasawi rin siya nang magkaroon ng aftershock at siya'y nadaganan ng debris.
Ang CCP lang ang tanging building sa Cabanatuan City ang gumuho at ayon sa mga sabi-sabi ay dahil ito sa kapabayaan ng mga city engineers. Base daw kasi sa design, hanggang second floor lang dapat ang building ngunit umabot ito ng hanggang anim na palapag. Sa tala, nasa 363 ang casualties sa naganap na pagguho. Mabuti nalang ay kasalukuyang nasa Daily Saving Time o DST ang bansa kaya mas maagang nakauwi ng isang oras ang ibang estudyante sa ibang grade level.
Sa Baguio City, Benguet naman ay mas malaki ang naging pinsala ng lindol. Nasa 28 buildings ang gumuho sa Summer Capital at isa na dito ay ang Hyatt Terraces Hotel kung saan may natalang 80 kataong nasawi. Sa Hotel Nevada naman ay may naitalang 27 na kataong kasalukuyang nasa isang seminar na sponsored ng United States Agency for International Development. Karamihan ng mga nasawi sa Baguio ay mga turista.
Sa Dagupan City, Pangasinan ay may 20 buildings ang gumuho at nasa 64 casulaties ang naitala habang sa La Union ay may limang municipalities ang naapektuhan at nagtala ng 32 kataong nasawi.
Lahat ng tao sa Pilipinas noon ay naging alerto sa mga aftershocks. Sa mga naapektuhang lugar, halos lahat ay nagka-trauma at na-phobia na manirahan sa loob ng kani-kanilang bahay sa pangambang baka gumuho ito kapag nagkaroon ng biglaang pagyanig. Ang karamihan ay nagtayo na lamang ng mga tents sa labas. Panay ang paalala ng mga palabas sa teevee ang tamang gagawin kapag may lindol. Isa sa mga tumatak sa isip ko at dala ko pa hanggang ngayon ay ang magtago sa ilalim ng lamesa kapag may lindol.
Ang July 16 Earthquake ay isa sa mga trahedyang sumubok sa katatagan nating mga Pinoy. Sana ay natuto tayo sa bagsik na ipinatikim sa atin ng Inang Kalikasan. Sa mga nasawi, may your souls rest in peace.

base!
ReplyDeleteayoko ng lindol. parang andaming nakikipagdyugdyugan ng sabay-sabay sa mga motmot.
Kidding aside, ayokong nakakabalita ng paglindol sapagkat nakakaawa ang mga matatabunan at madadaganan. :(
I can still remember that day now. Thanks for reminding me. I was in HighSchool, First Year.
ReplyDeletei was 1 month old when that happened.. my mother told me that story.. she was carrying me..
ReplyDeletegrade 4 ako nung nangyari to! tas kami yung mga boyscout na tagakuha ng bag sa klasroom ng mga kaklase naming umiiyak! :D
ReplyDeleteunforgettable na talaga sa ating mga taga luzon ang date na yan. Bagamat di naman masyadong naapektuhan ang probinsya naming ilocos e talaga namang malulunos ka sa aftermath ng lindol sa mga karatig probinsya. I remember ung mga relatives ko sa Baguio, halos di namin makontak dahil down ang communication at closed din lahat ang entrance paakyat nun. Ayon sa kanila, talagang nightmare ang experience na yun at mas masahol pa ang kanilang naranasan after the lindol dahil sa emotional at psychological na epekto sa kanila...Sana lang di na maulit ang pangyayaring ito sa atin.
ReplyDeleteAng bata ko pa nito kaya hindi ko na natatandaan... Salamat sa pagkwento
ReplyDeletebuti na lang pang-umaga ang pasok sa school kaya nasa bahay ako nung naganap ang lindol. grade 2 yata ako nun. naalala ko lang lumuhod kami ng nanay ko sa harap ng altar at sabay na nagdasal. nakakatakot.
ReplyDeletehmmm... wala pa akong 1 year old nung naganap ito... ibig sabihin matanda ka na talaga. hihihi. peace tayo :P buti naalala mo pa.. ang tagal na ah. well, mahirap nga namang makalimutan ang pangyayaring yan.
ReplyDeleteHIndi ko na natatandaan ang mga kaganapang ito.. actually sa tanan ng buhay ko di pa ako nakakaranas ng lindol or mahina lang talaga ang pakiramdam ko...
ReplyDeletegrabe naman pala talaga yung mga nangyari dati tsk!
salamat sa bagong gamot na binigay mo sa aking sakit na Alzheimer disease
\m/ blogenroll bossing!
You had me at "tandang tanda ko pa..." moving on...
ReplyDeleteOkay, natawa ako sa evil eyes....aaahhh Nostaligic.
ReplyDeleteNow to the serious side. Malungkot ito. Of course, we all have our own stories to tell. Every time I return sa Baguio at napapadaan sa Hyatt lot, yung mga friends ko na "nakakakita", laging sinasabi, bilisan niyo. I am creeped out by it. Super kilabot. Lalo n adaw sila, santambak na tao at lamang-lupa ang nakikita nila. Anyways...We are lucky to have been spared.
ReplyDeleteat bumi-base ka na parekoy ha! :)
ReplyDeleteiba namang lindol 'yung naisip mo. hehehe.
hi gerard, thanks for visiting my blog. balik ka ulit. \m/
ReplyDeletewelcome sa saking tambayan....at least alam mo na ngayon ang nangyari. thanks sa pagbasa! \m/
ReplyDeleteboy scout laging handa, 'pag sinapak laging.....
ReplyDeletesalamat parekoy sa pagbasa!
it's my pleasure master glentot!! \m/
ReplyDeletebuti nalang talag pang-umaga ka dahil nakakatakot ang ganun kapag bata ka pa tapos wala yung magulang mo sa tabi mo. \m/
ReplyDeleteoo na, kami na ang matanda at ikaw na ang sperm cell. hihihi.
ReplyDeletemahirap makalimutan ang mga ganitong bagay parekoy. thanks for visiting. naks, parang may sakit lang ako. \m/
ayon sa mga scientists, ang earth ay continuously moving kaya may mga tremors na nasa ilalim ng lupa. yun nga lang, mahina lang ito kaya hindi mo nararamdaman. meron namang earthquake pills na naiinom na para lang makaramdam ka ng lindol. hihihi.
ReplyDeleteblogenroll!! \m/
trademark ko 'yun. walang tatalo. hehehe
ReplyDeletemalungkot talaga kaya ayoko na maulit 'yung ganito.
ReplyDeletehanggang ngayon wala pa ring nakatayo sa lote ng hyatt 'di ba? marami nga daw nagpapakita 'dun. buti nalang wala tayong third eye.
grade four ako nyan, walanghiya yung kawayang bakod na hinahawakan ko, bugiay. takbooo..
ReplyDeleteang tindi ng memory recall mo, ser. naalala mo pa talaga ang maliliit na detalye bago ang lindol. ako ang naalala ko lang eh hubo't walang salawal akong naglalaro sa may gate namin kasama ang mga pinsan kong chikiting nung mangyari 'yung trahedyang 'yun.
ReplyDeletemalakas ba yung lindol o mabigat ka lang talaga? hehehe. peace! \m/
ReplyDeletewaahhhh.....ano naman ang nilalaro mo habang hubo't hubad ka sir? hehehe
ReplyDeletemahirap mawala sa memory ang mga nakakatakot na experiences.
Epal! Walang dating.
ReplyDelete3 days after ako po ay ipinanganak...
ReplyDeletePero ako po ay palaging na-eentertain sa blog niyo.
i was in high school sa arellano university ,practical arts subject namin nun ,kaloka nasa 4th floor kami di ko na alam kung paano ako nakababa nung time na yun ,Thnxs talaga kay God !!! ako yung pinakamaliit sa class room namin at buti na lang hindi ako nadaganan ng mga kalasmeyt or nahulog sa hagdan that time. UP to now sa age kong to takot pa din ako sa lindol .
ReplyDeletegrade 1 ako nyan buti nasa bahay lang kami. ewan ko baka panng umaga ata ako kaya nakauwi na. tapos lumabas sa CR ang pinsan kong naliligo dahil nabitak nga daw ang semento. Pero hindi na masyado clear ang buong pangyayari sakin. Salamat sa article na to, very nostalgic kahit nakakalungkot ang trahedya.
ReplyDelete