Mahilig ako sa karnabal. Wala naman sigurong bata, isip-bata, at mga nagpapabata ang hindi nahuhumalig dito.
Kahit na mga peryahan sa barangay ay dinarayo ko para lang makasakay sa mga karag-karag rides na nakakapagpabuhay ng kaluluwa. Gustung-gusto ko 'yung feeling na parang matatanggal na ang mukha mo dahil sa bilis ng sinasakyan. Pangarap kong masakyan 'yung mga nakakatakot na rollercoasters na ipinapakita sa Discovery Channel. At siyempre pa, pangarap ko ring makapunta sa Disneyland kasama ang aming Wonder Twins at ang kanilang Supernanay.
Ako ay laking-Crame kaya naman laman ako ng Cubao Noong Ako ay Bata Pa. Paborito kong pinupuntahan ng pamilya namin noon ay ang di-naalagaang (kaya naglaho nalang na parang bula) Fiesta Carnival. Isa ako sa mga milyung-milyong batang nagpakuha ng litrato noon sa istatwa ng kalabaw doon. Sayang nga lang at hindi man lang ako nakapagtago kahit isa nito. Tuwang-tuwa na ako sa Horror Ride, Go Kart, Ferris Wheel, Octopus at ang sikat na sikat nilang Rollercoaster. Kapag may birthday, may bonus si erpats, may anniversary, at iba pang mahahalagang pampamilyang okasyon, naisasama sa listahan ang pagbisita rito. Paksyet nga lang ang Araneta Center at napagpasyahan nilang tanggalin ang karnabal na maituturing na isang napakahalagang lugar sa kasaysayan ng Pilipinas at alaala ng bawat Pilipinong dumaan sa pagkabata noon.
Sa unti-unting paglubog ng FC noon, bigla namang nagsulputan parang kabute ang mga theme parks tulad ng Payanig sa Pasig, Boom na Boom, at Star City. Kaiba sa nakilala kong tambayan, mas malalaki at mas maraming rides ang laman ng mga ito. 'Yun nga lang, 'di tulad ng FC, ang mga ito ay nagbubukas lang tuwing Pasko at bakasyon. Ganun pa man, mas nadalas ang pagbisita namin dito kaysa 'yung nasa Cubao dahil siguro ay naghahanap na rin kami ng mas bagong ride.
May mga nagsasabing magkaiba raw ang carnival at theme park. Parang sa kaso daw ng OFW's at expats. Ah potah, basta para sa akin ay pareho lang sila dalawa.
May mga nagsasabing magkaiba raw ang carnival at theme park. Parang sa kaso daw ng OFW's at expats. Ah potah, basta para sa akin ay pareho lang sila dalawa.
Kalagitnaan ng Dekada NoBenta, pumutok ang balitang may itatayong 17-hectare theme park sa Sta. Rosa, Laguna. Ayon sa mga uzi, ito raw ay ang kikilalaning Disney ng Pinas. Sa loob-loob ko noon, Gagawa lang ng taenang karnabal, sa malayong lugar pa. Paano kaya dadayuhin 'yun ng tao? Biruin mo naman, kailangan pang maglakbay ng 29 kilometers mula Manila para lang 'yun marating. Pero nang malaman kong ang isa sa mga ipagyayabang ng park ay ang rollercoaster nilang may loop, potah, na-excite na ako to the max. Gusto kong makasakay sa ganun!
October 19, 1995, binuksan ang ENCHANTED KINGDOM na pagmamay-ari ng Amtrust Leisure Corporation (Enchanted Kingdom, Inc. ngayon). Ito ay kinonsepto ng Landmark Entertainment Group at iginaya sa Knott's Berry Farm, ang pinakaunang theme park ni Uncle Sam. Ang ginastos para maisakatuparan ang proyektong ito at mura lang naman sa halagang Php1.2Billion!
Ilang linggo pa lang matapos itong buksan para sa madlang-bayan, napakarami ko na kaagad narinig na magaganda at malulufet na komento tungkol dito. Sa teevee, radyo, at sa mga babasahin, panalo ang mga reviews tungkol sa EK. Marami-rami rin akong kakilalang may braces ang ngipin ang nagkuwento ng kanilang experience doon. Sabi nila ay dapat din daw akong makapunta roon dahil mami-miss ko raw ang kalahati ng buhay ko kapag sa Fiesta Carnival pa rin ako tatambay. Atat na akong pumunta kaagad ng Laguna para magkaroon ng enchanting experience kaso potah ang presyo ng one day pass na halos five hundred pesoses ang halaga! Kung hindi ako nagkakamali, Php380 ang dapat mong bayaran para sa ride-all-you-can na package. Noong mga panahong iyon, napakamahal na ng ganung halaga kaya sa tingin ko ay mahihirapang makatapak ang mga paa ko sa kanilang tinitirikan.
Talagang mabait si Lord sa mga batang mabait na tulad ko. Parang dininig Niya ang kahilingan ko kaya naman isang araw (ilang buwan lang matapos ang grand opening) ay may imbitasyon akong natanggap mula sa tropa kong si Cathy. Malapit na raw ang kanyang Sweet 16 at expected niya akong dadalo. Ayoko sanang pumunta dahil kapag ganung okasyon, siguradong may sayawan at 'yun ang pinaka-kryptonite ko. Eh parehong kaliwa ang mga paa ko kaya nga 'di ako nakapagsayaw ng Macarena dati. Buti nalang, isa nga palang rocker si Kat na may pag-ibig na metal kaya sinabihan niya ang kanyang ermats na ayaw niya ng kung anu-ano pang sweetie paksyet sa kanyang kaarawan. Sa EK siya magpapa-kanton, period.
Kaya ganun ang nangyari. Lulan ng isang coaster na bumabaha ng nakakalasing (daw) na Cali, naglakbay kami mula Manila papuntang Laguna para ipagdiwang ang kapanganakan ng aming kaibigan. Expected namin na konti lang ang tao doon dahil weekday kami pumunta. At isa pa, dahil nga sa mahal ang ticket, marami pa ang mga "can't afford".
Kaya ganun ang nangyari. Lulan ng isang coaster na bumabaha ng nakakalasing (daw) na Cali, naglakbay kami mula Manila papuntang Laguna para ipagdiwang ang kapanganakan ng aming kaibigan. Expected namin na konti lang ang tao doon dahil weekday kami pumunta. At isa pa, dahil nga sa mahal ang ticket, marami pa ang mga "can't afford".
Hindi kami nagkamali dahil mabibilang mo lang ang mga taong naroon! Syet, siguradong sulit ang ticket namin. Wantusawa. Excited na kaming puntahan ang lahat ng rides na nakalagay sa mapang ibinigay sa amin. Aaminin ko, sa sobrang tuwa namin noon ay hindi ko maalala kung ano ang pagkakasunud-sunod ng mga pinuntahan namin pero nasa isip ko pa rin ang mga moments na 'yun!
Sa bungad pa lang pagpasok ng gate ay namangha na ako sa Grand Carousel at fountain na parte ng VICTORIA PARK. Huwaw, parang nasa ibang bansa ako! Sumakay rin kami sa mga kabayong ito pero sa pagkakatanda ko ay sa huli na namin ginawa. Wala kasing thrill ang paikot-ikot lang na ride.
Hindi pa noon developed masyado ang PORTABELLO. Hinuhukay pa lang ang pundasyon ng Rio Grande at wala pa ang 4D Theater, at SSR:X - The Experience. Ang naaalala ko ay ang mala-Science Centrum na building nila. Okay 'dun kasi nakadagdag sa katalinuhan namin ang mga bagay-bagay na naka-exhibit doon. Ang highlight ng zone na ito ay ang Flying Fiesta. Malufet itong wave swinger na ito dahil akala ko ay wala lang ang ganitong klase ng ride. Paikot-ikot lang siya na parang carousel. Pero potah, nanginig rin ang bayag ko nang maramdaman ko ang centrifugal force ng astig na ride. Natakot ako noon na baka maputol sa pagkakakabit ang mga chains ng swing!
Sa BROOKLYN PLACE naman ay mas na-feel kong "wala ako sa Pinas" dahil maganda ang pagkakagawa ng replica ng 1940's Brooklyn, New York. Dito matatagpuan ang Rialto na isang motion simulator theater. Gumagalaw ang upuan ayon sa galaw ng pinapanood mo. Sa pagkakatanda ko, rollercoaster ride ang pelikulang naabutan namin. May thrill pero konti lang ang naramdaman ko. Masakit sa katawan ang pagyanig ng upuan dahil payatot pa ako noon.
Sa bungad pa lang pagpasok ng gate ay namangha na ako sa Grand Carousel at fountain na parte ng VICTORIA PARK. Huwaw, parang nasa ibang bansa ako! Sumakay rin kami sa mga kabayong ito pero sa pagkakatanda ko ay sa huli na namin ginawa. Wala kasing thrill ang paikot-ikot lang na ride.
Hindi pa noon developed masyado ang PORTABELLO. Hinuhukay pa lang ang pundasyon ng Rio Grande at wala pa ang 4D Theater, at SSR:X - The Experience. Ang naaalala ko ay ang mala-Science Centrum na building nila. Okay 'dun kasi nakadagdag sa katalinuhan namin ang mga bagay-bagay na naka-exhibit doon. Ang highlight ng zone na ito ay ang Flying Fiesta. Malufet itong wave swinger na ito dahil akala ko ay wala lang ang ganitong klase ng ride. Paikot-ikot lang siya na parang carousel. Pero potah, nanginig rin ang bayag ko nang maramdaman ko ang centrifugal force ng astig na ride. Natakot ako noon na baka maputol sa pagkakakabit ang mga chains ng swing!
Sa BROOKLYN PLACE naman ay mas na-feel kong "wala ako sa Pinas" dahil maganda ang pagkakagawa ng replica ng 1940's Brooklyn, New York. Dito matatagpuan ang Rialto na isang motion simulator theater. Gumagalaw ang upuan ayon sa galaw ng pinapanood mo. Sa pagkakatanda ko, rollercoaster ride ang pelikulang naabutan namin. May thrill pero konti lang ang naramdaman ko. Masakit sa katawan ang pagyanig ng upuan dahil payatot pa ako noon.
Dahil nabitin kami sa Rialto, napagpasyahan na naming hanapin ang ipinagmamalaki nilang rollercoaster na may loop. Ayon sa mapa, ito ay matatagpuan sa park zone na SPACEPORT. Napanganga ako sa pagkakagawa ng ride dahil hindi lang pala isang loop ang meron sila kundi tatlo! Ang nakapagtataka lang ay hindi magkagugtong ang magkabilang dulo ng Space Shuttle. Sa pila pa lang ay naghahalo na ang kaba ko at saya dahil first time ko nga ito. Hindi ko maalala kung sino sa mga tropa namin ang sumama basta ang alam ko ay napilit ko ang barkada naming si Mia na kami ang magtabi sa ride at sa dulo kami pumuwesto. Sa totoo lang, may pagka-acrophobic (o takot sa matataas na lugar) ako kaya nanginginig na kaagad ang tumbong ko kapag nasa ika-limang palapag ako ng Megamall at dahang-dahang sinusulyapan ang ground floor. Malay ko bang 11-storey high ang potang ride na ito! Nang unti-unti na itong tumataas para bumuwelo ay unti-unti akong napapalunok ng laway dahil nararamdaman ko na 'yung malamig na hangin sa mukha ko. Sabi ko kay Mia, "mamamatay na tayo...". Nang makarating sa tuktok ay bigla na itong bumitaw at doon namin na-experience ang "pagbaligtad ng mundo". Kaya pala hindi magkadugtong ang dulo ng ride na ito ay dahil aandar siyang pabalik at 'yun ang mas malufet sa lahat. Saglit lang ang ride pero full adrenalin rush ang naramdaman ko! Pumila pa kami ulit pagkababa. Ang alam ko, nakatatlong beses kami rito.
Sa MIDWAY BOARDWALK naman ay mae-experience mo ang replica ng Coney Island ng Amerika. Dito namin nakita ang Anchor's Away na isang malaking barko na nagsi-swing na parang pendulum. Ang lakas ng tili ng mga nakasakay doon, kahit 'yung mga barakong maton na akala mo ay miyembro ng PSG, kaya masyado kaming naintriga. Kung titingnan mo naman, parang wala lang. Nang kami na ang sumakay, sa dulo kami pumuwesto. Mga unang swing, boring pero may mga tumitili na. Habang tumatagal, palakas na ng palakas ang tili at paksyet, naramdaman kong nanginginig 'yung tuhod ko! Napahawak talaga ako sa bar na kinakapitan at nagsisilbi na ring seat belt. Two thumbs up ang panalong ride na ito. Mas gusto ko ito kaysa sa Space Shuttle kung excitement lang ang pag-uusapan. Sa park zone ding ito namin natagpuan ang Wheel of Fate na isang malaking ferris wheel. Sanay naman ako sa ganito kaya parang nagpahinga lang kami nang sumakay kami rito. Ang thrilling lang dito ay noong huminto ang wheel para magsakay ng iba at sa pinakataas kami sumakto! Takot na takot ang tropa naming si Bentley habang pinapaikot ko ang steering wheel ng gondola. Sumakay rin kami sa Roller Skaters na isang mini rollercoaster ride. Kaya naman pala ito mini ay dahil pambata. Wala masyadong thrill. Gusto naming sulitin ang lahat kaya sumakay rin kami sa Up, Up and Away na umiikot-ikot na balloon ride. Muntikan na akong masuka sa buwisit na 'toh. Sumisigaw na ako sa nag-ooperate ng ride para pababain na ako kaso ang pagkakaintindi niya yata eh nag-eenjoy kami kaya mas lalo pang tinagalan ang sakay namin!
May mas nakakahilo at nakakasukang ride sa EK na hindi ko matandaan kung saan nakapuwesto, ang Condor. Sobra sa katangahan ang nakaisip ng ride na ito. Hanggang ngayon ay nagsisisi pa rin ako kung bakit ako sumakay dati dito. Sa pagkakaalam ko, ilang taon na itong hindi gumagana. Siguro ay maraming nagreklamo ng kakaibang feeling matapos mong tiisin ang four to five minutes na paikot-ikot at pataas-baba.
Sa JUNGLE OUTPOST na may setting na Amazon Jungle naman naganap ang aming "wet and wild" experience. Literally, basang-basa na parang buhay na talaba. Dahil nga wala gaanong tao sa EK noong araw na 'yun, naulit-ulit namin ang Jungle Log Jam na hindi na kailangang pumila pa. Huminto nalang (kami kahit 'di pa nagsasawa) nang maramdaman naming naliligo na ang aming mga damit sa malamig na tubig. May experience din akong nabasa kami ng klasmeyt kong si Michelle sa Swan Lake pero sa ibang okasyon ito nangyari.
Gusto pa sana naming sakyan ang mga rides sa BOULDERVILLE kaso inawat kami ng mga nagbabantay dahil pambata lang daw ang mga 'yun. Dito nalang kami nagpahinga habang kumakain ng hotdogs, cotton candy, at ice cream na ibinibenta sa mga stalls.
Natapos ang gabi na pagod na pagod kami ngunit baon namin pauwi ang mga masasayang alaala na galing sa balwarte ng wizard na si Eldar. Proud kami na ilan kami sa mga naunang kabataang nakapunta rito nang ito ay magbukas noong nineties.
Sino ang magsasabing ang Disney ang "happiest place on earth?" Eh kami kaya ang pinakamasayang grupo sa balat ng lupa nang lumanding kami sa Laguna.
Thanks sa pagshare mo nito. napaka nostalgic. At ang mga batang nineties ay tiak na makakarelate.
ReplyDeletePersonally batang Fiesta Carnival ako dati. Dahil malapit lang kami sa cubao.
Theme parks haven't lost their appeal to me. :D
at bigla ko naalala yung pers taym ko sa ek... lols. space shuttle at yung anchors ang nasakyan ko, nangatog tuhod ko at napapikits ako.
ReplyDeletedoon sa ibang theme park / carnival, di ko napuntahan except fiesta carnival.
grabe pare, mahal na mahal ko na ang blog mo! mabuhay ang dekada nobenta!
ReplyDeleteparekoy, well-cum sa aking tambayan. mahal ka na rin ng blog na ito. balik-balik lang. \m/
ReplyDeletesa laki mo parekoy, 'di ko ma-imagine ang itsura mo! sabagay, ako nga eh halos maihi sa ngatog nang sumakay ako sa space shuttle at anchors away! \m/
ReplyDeletemay picture ka rin ba sa kalabas ng FC?
parekoy, salamat rin sa madalas na pagtambay dito! baka nga nagkita na tayo sa cubao (malay mo di ba?)! nakaka-miss ang FC - yung mga shooting range na may mga tau-tauhang inaasinta, 'yung mga t-shirts ng gangsengroses na binibili ko, 'yung waffle na kalahati lang ang laman na hotdogs. sarap balik-balikan! \m/
ReplyDeletenakakatawa pag may umawat sa inyo, na ayaw kayong pasakayin sa pambatang rides na ang akala mo talaga ay pwede sa matatanda
ReplyDeletehaha may mumunting alaala ako dun sa Fiesta Carnaval dati... Yun yung nagpapicture pa kame dun sa Dinasaur na gumagalaw.. Di ko alam kung totoong nangyari un o imagination ko lang hahahaha...
ReplyDeleteisang beses palang akong nakapunta sa EK, mga 2006 pa ata un.. Gusto kong bumalik. Meron ata silang promo para sa katulad nating OFW... hihihi
Nalala ko nung nagspace shuttle kame, putragis naluha ako nung natapos ung ride.. hahahahaha \m/
ang tanong dun paps, hanggang anong edad ba ang bata? kasi matanda na ako noon pero bata pa rin naman ang tingin samin!
ReplyDeleteparekoy nabuhay ka! tama, may promo para sa mga ofws na tulad natin kaso di ko pa nasusubukan.
ReplyDeletedi ko na maalala yung dinosaur na gumagalaw. hanggang kalabaw lang talaga ako. hehehe
wah ang sarap magpaulit ulit sa space shuttle!!!! naalog ata ang utak ko!!!!!!!!!!
ReplyDeleteheheheh i'm starting to love your blogs lalo na toh super tawa ako (sympre i'm from Sta. Rosa, Laguna) halos every weekend noon nsa EK kmi kasi meh discount kmi at ngkron kmi ng Annual Pass..then when i was in 3rd yr college during the summer break ngwork ako don so pag rest day pwede kmi magpark ng libre heheheh :)
ReplyDeletewow... grabe,,, sobrang nakakatuwa ang mga blog mo... :)
ReplyDeleteparang sobrang late ko ng nabasa blog mo about EK..sobrang natuwa lang ako..madami din kami experience ng mga kaibigan ko sa magical world na ito,..nung last kong uwi sa pinas bumalik kami ng mga mga kaibigan ko dito..nagsaya parang bata..just like the old times..thanks for sharing ur Ek story..:)
ReplyDeletethis one made me laugh. madaming beses na akong pumunta sa EK pero isang beses lang ako sumakay sa mga pamatay nilang rides na space shuttle at anchor's away. totally wicked experience. nakagat ko pa ang dila ko sa space shuttle. nung bagong bukas pa lang ang EK meron pa silang ride na the Enterprise e, kaso plging sarado. prang ferris wheel version un ng condor, nsa spaceport. ung condor nsa midway boardwalk naman. hindi na condor un ngaun e, nklimutan ko tawag. it works like a sudden drop, wherein people will feel like freely falling after being hoisted slowly on a very high pole (ung dating pole ng condor na mas pinataas pa).
ReplyDeleteisa lng dko makakalimutan sa fiesta carnival. yun ay nung itakbo ng isang gago na ka deal ko sa nba cards ang isang album ko ng jordan hehe
ReplyDeletecgurado ako lahat tayo na nagcomment d2 hndi sumakay sa kinakatakutang enterprise. na tinitignan mo plang yung ride nahihilo ka na
ReplyDeletesa loob ng 17 taon simula noong binuksan ang Enchanted Kingdom, hindi pa ako nakakatungtong dyan!
ReplyDelete