Showing posts with label pinoy alternative. Show all posts
Showing posts with label pinoy alternative. Show all posts

Sunday, September 15, 2013

Sampu't Sari: Robert Javier ng The Youth

"Basahin motto para may philosophy ka rin."

Noong ako ay nahilig sa mga kombo-kombo at banda-banda, ang una kong pinangarap ay maging isang tambolero ngunit hindi ito nagkaroon ng katuparan dahil hindi magkasundo ang paghataw ng aking mga kamay at pagpadyak ng aking mga paa. Nagpaturo pa nga ako sa kaibigan kong drummer ngunit kahit bayaran ko ng per ora ay talagang sumuko siya sa mala-Syria kong body parts.

Nauso noong 90's ang gitara at halos lahat ng mga kabataan ay gustong magtayo ng sarili nilang banda kaya naengganyo rin akong sumali sa isang grupo bilang isang rhythm guitarist. Sa kabutihang-palad, naisama ako sa line-up ng Aneurysm ngunit bilang isang bahista.

Ayon kay idol Flea ng RHCP, "bass is the second lead guitar" kaya tinanggap ko na rin ang ten thousand five hundred pogi points na puwedeng makuha sa pagbabaho kahit na wala akong alam sa instrumentong iyon. Hindi ako magaling mag-leads kaya naman nahirapan din ako sa una kong pagkalabit ng mga kuwerdas ng baho. Ganun pa man, humugot ako ng inspirasyon sa mga iniidolo ko upang magampanan ang pagiging isang musikero. Isa sa mga itinuturing kong diyos sa industriya ng Pinoy Rock ay ang nag-iisang ROBERT JAVIER.

Sunday, January 13, 2013

Pinoy Bato: Pinoy Rock 90s

"Isa kang Batang Nineties kung alam mo ang compilation album na 'Pinoy Bato'."

Released in 1991 and produced by Heber Bartolome, ang independent compilation album na ito ay ang isa sa mga pinakapaborito ko noong Dekada NoBenta. Kabilang sa obrang ito ang apat na grupong mula sa Pinoy Underground scene - Wuds, Philippine Violators, Mga Anak ng Tupa, at The Next.

Sunday, July 1, 2012

Sampu't Sari: Noel Palomo ng Siakol

NOEL PALOMO
"Gawing langit ang mundo."

Kapag ang isang tao ay tinamaan ni Mr. Kupido, may mga bagay na ginagawa nang hindi namamalayan.

Kahit na sandamakmak na mga punks, satanista, at alternatibong banda ang aking hilig ay naisingit ko pa ring pakinggan ng patago ang mga pamatay na kanta ng Air Supply at Bread nang ako ay makaramdam ng kakaibang pagtibok ng aking puso noong Nineteen Kopong Kopong. Kasama yata ito sa gintong aral na ibinahagi sa atin ni Donna Cruz - wala kang magagawa kundi sundin ito. Kapag may nagbibigay sa'yo ng matinding palpitation ay kailangan mo ng malufet na senti songs na pampakalma. Kailangan mo ng cheesy-ness at kabaduyan sa katawan dahil 'yun ang katotohanan. Umamin ka, ginawa mo rin ito.

Tuesday, April 20, 2010

Anak Ka ng Ina Mo

(credits to Schizo Archives for the photo)

Kapag sinabing Fab Four ng Pinas, Eraserheads ang una mong maiisip. Eh paano kung tatanungin kita kung sino ang Rock Power Trio ng Alternatibong Pinoy noong Dekada NoBenta, sino ang maaalala mo?

Dalawa ang mga grupong tumatak sa isip ko noong Golden Era ng Pinoy bands – una, ang (Electric) Sky Church na trio ng malulufet na Dela Cruz Brothers. Pero technically speaking, hindi ito ang sasagot sa tanong ko sa inyo dahil hindi alternative at “pang-masa” ang tugtugan nila. Ang tinutukoy ko sa entry kong ito ay ang THE YOUTH, ang itinuring na Nirvana ng mga noypi noong nineties. Dahil sa kanilang mainstream success noong panahon nila pareng Kurdt Cobain, natanggap ng mga ermats at erpats natin na puwede rin palang pakinggan ang mga kanta ng mga rockers.

Originally, “Boyish Days” ang pangalan ng grupo nila Dodong Cruz (bass / backup vocals), Erap Carrasco (drums), Pat Epino (lead guitar), at Zaldy Carrasco (vocals) na nabuo noong 1989.

Dahil sa musical differences ay binuo nina Dodong at Pat ang EnVoice habang sina Erap at Zaldy ay binuo ang Obscure Tone kasama si John Olidan. Madalas pa rin silang magkasabay-sabay sa mga gigs at kapag walang gustong mauna ay nagpiprisinta sila Dodong, Erap at John upang maging front Act. Naisama rin sa line-up nila Dodong si Raul Velez. Nakilala sila bilang THE YOUTH.

Saturday, August 8, 2009

Pag-Ibig Ko'y Metal

"Isa kang Batang Nineties kung nasaksihan mo ang hidwaan sa pagitan ng mga metal at mga hip-hoppers."

Noong ako ay magtapos ng haiskul, binansagan akong “Most Rock Fanatic” sa aming yearbook. Sa totoo lang, para akong si Ka Ernie Baron dahil itinuturing akong isang "walking rock music encyclopedia" na nakakaalam ng mga kasagutan sa kung ano ang bago at kung ano ang meron sa rock music scene.


Ang hindi nila alam ay nahilig din ako dati kina Vanilla Ice at MC Hammer. Oo, ako ay naging isang hip-hopper na gustong matutunan ang lahat ng lyrics ng bagong rap song at umindayog sa latest dance groove. 'Yun nga lang, 'di ako natuto kahit isa. Frustrated pa rin hanggang ngayon.

Noong ako ay nasa grade six, sila Francis M., Andrew E., at Michael V. (rapper pa siya noon) ang mga iniidolo ko sa larangan ng musika. Inaabangan ko palagi sa 89.1 DMZ (Dance Music Zone) 'yung remix ng mga hit songs nila para i-record sa blank tape. Noong Christmas party nga namin, may ginawa akong remix / sagutan version ng “Humanap Ka ng Panget” at “Maganda ang Piliin” tapos nakipag-showdown (lip synch) ako sa barkada ko. Tuwang-tuwa yung mga klasmeyts at adviser namin.
Sino ba namang ‘di matutuwa sa mga rappers noong mga panahong 'yun? Ang sagot, MARAMI rin pala!

Noong ako ay nagbibinata, napapadaan ako sa tambayan ng mga kababata ko kapag papasok sa eskuwelahan at uuwi ng bahay. Parang mga adik ang tingin ko sa kanila kaya ‘di ako nakikihalubilo sa tropa. Eh medyo nerd pa ako noon kaya hindi rin nila ako pinapansin.

Hanggang sa isang araw, sa pangungulit ng pinsan kong si Badds, pinakilala ako sa grupo. Si Melvin agad ang bumulaga sa akin ng “Ah, siya pala 'yung pinsan mong PA-PEE-YO”. Letse, 'di ko naintindihan 'yung sinabi niya pero parang nainsulto ako kaagad. Lalo na nung sinabi niya na disco lang daw ang alam ko at sa DMZ ako nakikinig. Na-challenge ako sa mokong na ‘yun. Pero salamat sa kanya dahil ang pagtatagpong iyon ang gumabay sa akin papunta sa tamang landas!

Pag-uwi ko sa bahay, sinabihan ko si Badds na pahiramin niya nga ako ng cassette ng mga pinapakinggan nila. Parang ready naman siya at nilabas yung “Greatest Hits” ng Queen. Sabi pa niya, “Pakinggan mo yung ‘Under Pressure’, doon kinuha ni Vanilla Ice yung 'Ice Ice Baby'". Parang naging interesado ako dahil idol ko ang kanyang binaggit. Matapos ang ilang ulit pang pakikinig sa mini-karaoke machine namin, nagustuhan ko na ang pang-birit na boses ni Freddie Mercury at killer guitar riffs ni Brian May. Napapagalitan na ako ni ermats dahil ang ingay daw ng pinapatugtog ko. Natanggap na ako ni Melvin sa grupo nila at napatambay na rin ako sa kanila kung saan madalas kaming nakikinig ng mga glam rock idols niya tulad ng Extreme, Aerosmith, Warrant, Poison, at Guns N’ Roses. Inalam ko rin lahat ng detalye sa mga bandang kinahihiligan ko.

Ang hindi ko talaga makakalimutan sa lahat ay ang panahong pinarinig sa akin 'yung “Nevermind” album ng Nirvana. Kahit na “Aling Nena...” ang pagkakarinig ko sa last lines ng “Smells Like Teen Spirit”, sila Kurt Cobain, Krist Novoselic at Dave Grohl ay bigla kong inidolo na parang mga diyos ng rakrakan. Ang lufet ng tugtugan ng trio na ito sa loob-loob ko. Tatlo lang sila pero ang ingay. Nakakapagod. Nakakatanggal ng stress at galit sa mundo. Umaalingawngaw sa buong mundo ang tunog ng Seattle noon kaya nakilala ko rin sila pareng Chris Cornell, Eddie Vedder at Layne Staley.


Certified METAL na ako noong mga panahong iyon kahit na grunge naman talaga ang aking hilig. Oo, "metal" ang tawag dati sa mga taong mahilig sa rock. Hindi pa uso ang salitang "rakista" noon;  "rockista" baka puwede pa, pero mas sikat ang pantawag na "metal". Isa na ako sa mga galit sa hip-hoppers kahit na dati rin naman akong mahilig sa maluwg na pantalon.

Hindi ko alam kung kalian nagsimula ang hip-hop bashing noong Dekada NoBenta. Basta ang alam ko, bigla nalang kaming nahilig makinig sa LA105.9 para antayin yung mga beeper messages laban sa mga paksyet. “If you have messages for the hip-hoppers, you may send them through Easycall 246142”. Pagkatapos ng ilang kanta ay babasahin ni The Doctor 'yung mga uncensored messages. Ang LA105.9 ay isa sa mga pinakamaimpluwensyang istasyon sa radyo noong panahon ng gitara. Mantakin mo, napag-away nila ang mga hip-hoppers at metal.

Mga hip-hop, magtanim nalang kayo ng kamote…Mga hip-hop, mag-ingat kayo kasi aabangan namin kayo sa Megamall… Mga hip-hop, magtago nalng kayo sa saya ng nanay  niyo.” Suwerte mo kung mabasa pa ang message mo sa dami ng mga nagpapadala.

Ang malufet sa station na ‘yun, may mga pagkakataong may mga nagbi-beep (daw) na hip-hoppers. Babasahin nila ito kaya lalong magagalit ang mga metal at tatawag sa operator para makipagsagutan.

Isa pa sa natatandaan kong ginawa ng LA105.9 ay pinag-guest nila si Robert Javier ng The Youth. Kinanta nila yung “Multong Bakla” pero iba ang lyrics tapos ginawang “Multong Hip-Hop” ang title. Parang naging mortal sin ang pagiging hip-hopper dati.

Sa mga malls, mahirap makapasok kapag grupo kayong pupunta. Haharangin lang kayo ng guard kapag nakita kayong lahat na nakaitim na rock shirts. Ang tingin sa inyo ay mga basagulero, adik, satanista at kung anu-ano pang wala nang mas sasama pa. Ganun din ang sa mga hip-hoppers na sumasayad ang mga crotches sa sahig, hirap silang makapasok sa malls kapag sama-sama. Away o gulo lang ang tanging nakikita ng mga jaguars sa dalawang grupo.

Marami akong karanasan na nakitang naghahabulan ang mga hip-hoppers at metal sa Robinson’s Galeria at SM Megamall. Talagang nag-susuntukan dahil lang sa simpleng asaran. Kaya madalas may mga headlines sa tabloids dati tungkol dito.

Tumindi lalo ang tensyon sa pagitan ng dalawang tropahan nang gumawa ang isang hip-hop group g kantang pinamagatang “Bolanchaw”. Hindi ko alam ang taang pagkakabaybay pero ang ibig daw sabihin nito sa salitang Intsik ay "walang bayag". Nakakaasar naman talaga yung chorus na ”Bolanchaw, bolanchaw, ang mga punks ay bolanchaw...”.

Kapag nagpupunta kami sa mga konsyerto, kawawa ang mga nakakasalubong na hip-hoppers ng mga punks. Bugbog-sarado. Pero wala naman akong nabalitaang may kinatay talaga, bugbugan lang.

The "hidwaan" ay nagtapos nang ang mga tulad ng Rage Against the Machine ay sumulpot. Biglang naisip ng mga metal na puwede palang mag-rap kasama ang gitara. Lumabas ang Erectus, Skrewheds, Dogbone at iba pang mga banda. 'Yung LA105.9, biglang naging taga-suporta ng alterna-rap. Naging tambayan na ng mga hip-hoppers at metal ang skating rink ng Megamall. Peace na sila sa wakas.

Kapag naaalala ko ang panahon ng "hip-hoppers vs. metal", ang tanging naaalala ko ay si Punk Zappa, ang makulit na karakter ng album filler ng Circus album mula sa Eraserheads. Ang malufet niyang bitiw ng mga salita ay sumasalamin sa panahong hip-hop-phobic ang mga kabataang Pinoy.





The Tone Def Collection: Rock Revolution (Volumes 1 and 2)


"Isa kang Batang 90's kung may mga alam kang albums na produced ng Tone Def Records."

When we talk about revolution, we talk of a dramatic and wide-reaching change. So why would Ivory Records release a compilation album with “rock revolution” in its title? The answer is simple, the two-volume CD compilation is a collection of some of the best songs produced by Tone Def in the years 1994 to 1997.

For those who have already forgotten, Tone Def is one of the record labels which surfaced during the Nineties and supported the independent music scene. If your band that time is not that “pop”, you cannot make it to major recording companies catering to the mainstream audience. If you’re not pop, then you are the alternative. Hence, “alternative music” became a growing trend.

Outside the country, grunge is the music revolution happening at Seattle in the early 90's. At the same time, the local scene was also cooking up their own version which will later be known as “Pinoy Alternatib”. There were a lot of bands emerging and it was evident in their music that the Nineties is destined to become the Golden Age of Pinoy bands. Of course, we are still grateful to the roots that influenced them.