Wednesday, May 26, 2010

Oi Punk


"Isa kang Batang 90's kung nakakasabay ka sa kakulitan ni Punk Zappa."


PUNK ZAPPA
Oi, I’m Punk Zappa and my hobbies are lis’ning the radio, reading the song hits, and eating b-bloody fish balls

Matapos kong lumutang sa nakaka-hypnotize na “Minsan”, nakarinig ako ng isang nakakairitang boses. Mga sampung segundo lang naman pero parang bigla akong naasar. Pinindot ko ang rewind button ng aming karaoke machine at sabay tingin sa cassette sleeve ng "CiRcuS" (oo, medyo sinaunang jeJEm0n ang pagkalayout ng title ng album cover). Punk pala ha. Eh obvious naman na word play lang ito sa pangalan ni Frank Zappa. Hmmm, pareho pa kami ng hobbies ah. Humilata nalang ako ulit at itinuloy ang pakikinig sa malufet na second album ng Eraserheads.

NO ROYALTY FILLER NO.9
Oi, I’m Punk Zappa and my hobbies are lis’ning the radio, reading the song hits, and eating b-bloody fish balls

A-ha! Bibili ako ng tapes ng Nirvana, Pearl Jam, Sepultura, Alice In Chains, Soundgarden, Rage Against The Machine, Panteyra. Tsaka yung The Red Hot Chili Peppers band. Tsaka lahat ng klase ng grunge, tsaka lahat ng death metal, ok? Tapos, i-mememorize ko yung lyrics kahit chorus lang, ok?

Tapos, magpapakalbo. Magpapa-mohawk. Magpa-longhair kaya ako?

Tapos, magpapa-tattoo ako. Dapat yung nakakatakot. Ah dragon pare. Tapos, yung dragon nakatusok sa stick. Tapos, yung stick nakatusok sa ulo ni Charles Manson, Jr. Cool yun ‘di ba?

Tapos, dapat meron akong boots. O kaya lumang Konbers para sa slam dancing. Tapos, oi! Bibili ako ng Nirvana t-shirt. Hindi yung yellow ha! ‘Yung red!

Tapos, magpapahikaw ako. Tapos, ‘di pwede na akong makitribu sa mga kamukha ko. Oi! Tapos, pwede na kaming tumambay sa Club Dredd. Sa labas lang ha.

Tapos, ‘pag Linggo, pupunta kaming lahat sa, sa Megamol. Tapos, aabangan namin yang mga hifhaf na yan. Tapos, pag-uumpugin ko yang mga kinginingining breakdancer at mga “Yo!” na ‘yan eh. Tapos, bubugbugin namin sila. Tapos, kukunin namin yung mga DM’s nila.

Ok ba yun? Oi!
Amen!? Gusto nyo?
Amen!
Tiyak yon!
Amen!

Napapa-headbang na ako sa "Insomya", napapa-tee-dee-dee-dee sa "With A Smile", at naaaliw na sa  kakaibang tunog ng "Alkohol", "Wishing Well", at "Kailan" nang biglang pumasok nanaman sa eksena itong si Punk Zappa. Ang kulit-kulit niya! Akala ko ay saglit lang ang pagpapa-epal niya kaya jumingle muna ako pero pagbalik ko ay nagsasalita pa rin siya. Napatakbo tuloy ako at kinuha ulit ang album sleeve. Isa pang album filler na nagmumukhang interesante. Konting rewind, then press play. Idinikit ko na ang kaliwang bingi kong tenga sa speakers para maintindihan na ang sinasabi niya.

Hmmm...mukhang magkakasundo kami nitong si PZ dahil pareho kami ng mga paboritong banda. Kahit na ang iba nga lang na kanta nila ay chorus lang din ang alam ko! Aaminin kong naging miyembro ako ng mga "chorus boys" o mga taong chorus lang ang kabisado! Wala akong hikaw dahil binalaan na ako noon ni ermats na tatanggalin niya ito kasama ang tenga ko. Wala akong burloloy sa tenga pero mayroon naman akong mumunting astig na tatoo - isang 5-mm letter "J" sa kaliwa kong kamay. Nainggit ako sa mga kabanda kong sila Harry, Bobot, Bryan, at Nezelle kaya ginaya ko pang-preso nilang mga skin art.

Oi, pareho rin yata kami ng get-up ni PZ. Meron akong Nirvana t-shirt pero color yellow. Nakabili rin ako ng Chakte at boots na imitation dahil iyon ang uso sa mga konsiyerto. Sayang at hindi kami nagkita habang tumatambay sa labas ng Club Dredd. Okay na sa labas dahil maririnig mo naman ang mga tumutugtog sa loob.

Galit din kami sa mga paksyet na hip-hoppers na tumatambay sa Skating Rink ng Gamol. Riot kapag nagku-krus ang aming mga landas!


PROF. BANLAOI’S TRANSCENDENTAL MEDICATION AFTER EVERY SIX MONTHS (PUNK ZAPPA THREE)
Oi, I’m Punk Zappa and my hobbies are lis’ning the radio, reading the song hits, and eating b-bloody fish balls

Tapos manonood kami ng underground concerts. Kahit hindi underground basta maingay at tsaka grunge. Tapos hindi ako magdadrugs dapat walang amats ‘di ba? Tapos titinggilin ko yung t-shirt ko para makita nila yung tattoo ko at tsaka yung hikaw ko. Tapos maghe-headbang ako at tsaka syempre magbabackstage step ako. Sana wala dun si Dennis. Ay hinde aakyat na lang ako ng flagpol tapos dun ako tatalon syempre sasaluhin ako ni Kart. Ginawa yun ni Eydi Beyder ‘di ba? Tapos ‘pag neygatib yung vakalist papatayin ko siya para may makwento ako kay lola.

Shet! Na kay lola pa yung tape ko ng Panteyra. Hi lola. Tapos ‘pag pagod na ‘kong mag-headbang magslam dance pa rin ako sa gitna ng slam pit. Tapos magyoyosi ako. Tapos syempre dapat peace lang tol ‘do ba? Dapat hindi ako mapraneng mapraneng mapraneng.

Tapos ‘pag tapos na yung concert syempre uwi na ‘ko. Ta’s ‘pag nasa bahay na ‘ko manonood na ‘ko ng House of Noise Channel B! Wow idol yun pare hi-tech sampung oras puro noise!

Tapos magaaral akong mag-gitara! Tapos bibili ako ng kobrayderintergalacticmotionsettertechnogadget! Tapos bubuuin ko na yung The Armpit Band.

Tapos gagawa kami ng original composition gan’to. Dyen-dyen-den-dyen dyereren-dyen-dyen. Tapos double time dyen! Tapos lead. Tapos ipapadala namin sa radyo yun, yung demo. Tapos tapos syempre magna-number three na kami sa countdown. Tapos bebenta ko yung original composition ng five thousand peysos para sa compilation name DIGISKASBARJIBABARANDASPOPOROJI, kilala nyo siya? Tapos syempre magnanumber one na kame. Tapos ‘di bale irerelease na kame sa major label. 

Tapos magtutour na kame hrreyg sa buong Pilipinas sa buong Pilipina. Tapos syempre kukunin na kami sa mga commercials, ganon. Tapos ‘pag dumating na yung mga royalties tsaka ‘pag madaeng madaeme na ‘kong pera tapos bibili ako nang tig-tu-two na kotse. Tapos tsaka syempre ‘di bibili na ‘ko ng mga susunod pang album ng Nirvana. 

Shet! Trapik na naman sa EDSA! Ah bili na lang kaya ako ng bag sa jumaliteyk mukhang mas jupengpeng yung yellowgreen. Red na brownies rasta ngarod manong! Pak padreadlocks na lang kaya ako? Mag-manage kaya ako ng banda? Magtayo ng studio? Haaah

Amen?
Amen!
Gusto nyo?
Amen!
Tiyak yan!
Amen!


Hindi pa pala tapos ang mga banat ni PZ dahil pagkatapos kong mapakinggan ang "Sa Wakas" sa Side B ay mayroon pa palang pahabol bago ang hidden track na piano version ng "Kailan".

Akala niya siguro ay siya lang ang may kaya sa ginawa ni Eddie Vedder sa music video ng "Alive". Kaya ko rin 'yun gawin sa moshpit na punung-puno ng mga bollocks. Hindi ako nasusuntok dahil peace lang kami ng mga kamukha kong dugyot na slammers. Masarap pagkuwentuhan ang mga natapos na gigs kapag mabote at may hithit na yosi.

Ang mga music videos ng mga napapanood kong banda sa MTV Headbanger's Ball ang naging isa sa mga dahilan kung bakit ako nagtayo rin ng sarili naming banda. Nangarap akong marinig kami sa radyo balang araw. Nagawa namin ito kahit papaano sa NU 107's  "In the Raw" pero hindi kami sumikat. Nakatugtog ang Demo from Mars sa iba't ibang underground gigs pero hindi namin naranasang mapasama sa mga independent compilation albums. Siguro ay talagang traffic lang sa EDSA kaya hindi kami nabigyan ng break.

Para sa akin, ang pangalawang album ng Eheads ang pinakamalufet sa lahat ng kanilang nagawa. Kung bibigyan ako ng pagkakataon na gawaan ito ng tribute ay bibigyan ko rin ng importansya si Punk Zappa. Siya lang naman ang nagsisilbing "time capsule" noong panahon na lumabas ang "Circus". Kapag papakinggan mo ngayon ito ay bigla mong maaalala ang mga kalokohan noong 90's!




25 comments:

  1. Dati kinabisado ko ang mga fillers na yan sa CIRCUS album ng Eheads. hahaha!

    nakakatuwang balikan ang punk days natin... Nice post! =)

    ReplyDelete
  2. kinabisado ko rin yan parekoy. sarap talaga balikan ng old skul days natin.

    ang isa sa mga fillers (ewan ko kung filler nga) na paborito ko foreign ay yung "wet my bed" ng STP. ginamit ko siya sa school for presentation at nanalo ako as best actor!

    rakenrol \m/

    ReplyDelete
  3. haha.. napaghahalataan ang edad mo parekoy ah. wahaha. hindi ko na kasi naabutan yan he. beh. haha. pero paborito ko din eheads... ang ganda ng layout mo parekoy... ampangit na tuloy ng tingin ko sa layout ng blog ko! haha. mainit na hapon :P

    ReplyDelete
  4. @ stone cold: p're, matanda na daw tayo (naghahanap ng kakampi)

    @ mr. nightcrawler: bata pa talaga kami. nagpapanggap lang na matanda na! lahat ng naman ng pinoy ay peyborit ang eheads. nasa dugo na natin sila! salamat sa pag-appreciate sa blog makeover ko. hehehe

    ReplyDelete
  5. Isang araw sa noong high school may napulot akong tape na pakalat kalat sa daan. Ang pamagat, CIRCUS by Eheads, at tuwang-tuwa ako pinauulit ulit ko sa bahay kahit kainin ng radyo.

    Nung college, nalasing si Khikhi Monster at kung ano ano ang sinasabi, kaya nirecord ko para maalala namin kinabukasan. Nung umaga na, saka ko napansin na yung tape ng Circus ang napatungan ko. Awwwwwwwww.

    ReplyDelete
  6. waahhh sayang naman 'yung cassette tape. pero itago mo rin ,yung tape dahil tataas din ang value nun kapag sikat na si khikhi monster!!

    ReplyDelete
  7. salamat kabayan. Eto feed URL ko http://yongplace.jonnyspot.megabyet.net/?feed=rss

    ReplyDelete
  8. ok na kabayan 'yung feed ng blog mo. let's volt-in!

    ReplyDelete
  9. hahaha ang kulet nmn ng post n ito hehehe...

    fan pa rin ako ng e-headz upto now...pero pinka gusto kong albun nila ay cutterpillow...

    "I used to have a cat who would'nt ever wanna get fat...so she ate...nine ten...a feather pillow yellow willow..a furry furry furry furyy furry yello willow, exercising all day she never could swim in the beach it seems. infested with jello-like fishes no melotron wishes. The cat and her pillow and the jello-like fishes Cutterpillow" hahahaha saulado ko pa LOL.

    rakenrol \m/

    ReplyDelete
  10. yeahm thanks dude. i also added you on my blogroll.

    ReplyDelete
  11. @ jag: wala naman yatang fan ng eheads na hindi na fan ngayon! ayus ka, memorize mo pa ang hidden track ha!

    @ yong: balik ka ulit dito ha. salamat sa pagdaan!

    rakenrol \m/

    ReplyDelete
  12. waaaah yong iba di ko alam! pero fave ko din yong eheads.

    ReplyDelete
  13. taympers, alam mo ang mga 'yan. nakalimutan mo lang!

    bawal ang pork, bawal ang beef, bawal ang.....

    ReplyDelete
  14. Perry The PlatypusJune 2, 2010 at 2:30 PM

    Wow, ang kulit ni Punk grabe..
    Nung nakita ko yung blog mo, I played the cassette of CiRcuS, ung mga punk zappa I-III.. ngayon ko lang na-realize na may pinagkaiba ung CD and cassette version.. dinownload ko nalang yung complete torrent para madali ilagay sa ipod..

    Na sa akin parin ung tape pero nakatago sa isang solid-state IBM chip case na may foam sa loob. Noong Ondoy nabasa yun pero ung labas lang at hindi napasok yung loob which may lamang CD and tapes including CiRcuS,80s music etc..

    Ayos ba yung mga binigay ko sayo na links?

    ReplyDelete
  15. Perry The PlatypusJune 2, 2010 at 2:31 PM

    Wow, ang kulit ni Punk grabe..
    Nung nakita ko yung blog mo, I played the cassette of CiRcuS, ung mga punk zappa I-III.. ngayon ko lang na-realize na may pinagkaiba ung CD and cassette version.. dinownload ko nalang yung complete torrent para madali ilagay sa ipod..

    Na sa akin parin ung tape pero nakatago sa isang solid-state IBM chip case na may foam sa loob. Noong Ondoy nabasa yun pero ung labas lang at hindi napasok yung loob which may lamang CD and tapes including CiRcuS,80s music etc..

    Ayos ba yung mga binigay ko sayo na links?

    ReplyDelete
  16. Perry the PlatypusJune 2, 2010 at 2:34 PM

    Nadouble post ko yung comment ko.. Sorry!

    ReplyDelete
  17. perry, nice to see you again! ano ang pinagkaiba ng cd at cassette version? 'di ko yata alam 'yun ha. itago mo yang copy mo dahil mataas na value niyan.

    yup, nakita ko na 'yung mga links. astig nga eh. gagawan ko na siya ng draft next week para maisama ko sa entry dito. may mga uunahin lang akong posts.

    rakenrol \m/

    ReplyDelete
  18. Perry The PlatypusJune 2, 2010 at 3:13 PM

    Sa 1994 original release, wala yung kantang Wating sa tape.

    I downloaded the Sony-BMG 2006 re-release which was way clearer at all bonus tracks are included.

    ReplyDelete
  19. ah oo tama, wala nga pala 'yung "wating". pero mas ok yang cassette copy mo. vintage na 'yan.

    ReplyDelete
  20. Perry The PlatypusJune 2, 2010 at 6:34 PM

    Sige, I will wait for new topics..

    Right now, sarap gawing chipmunk voice yung boses ni Markus sa Punk Zappa.. kaboses niya pala si Theodore.. hehe

    ReplyDelete
  21. sige parekoy, enjoy ka muna kay PZ!!

    ReplyDelete
  22. astig nga ang cassette tapes na lumabas dahil limited at obsolete na ngayon. itago mo dahil mataas na ang value nyan at tataas pa balang araw!

    rakenrol \m/

    ReplyDelete
  23. tatas pa kaya ang value ng cassete tapes? ako rin kasi may collection din nyan gawa ng di pa uso cd nun.. hahaha nakatago pa rin yung collection ko ngayon kasi di ko na gano nagagamit, sira na kasi ang walkman ko hahaha..

    ReplyDelete
  24. salamat parekoy sa pagtambay mo sa bahay ko. tataas pa ang value ng cassette tapes mo. abangan mo lang.. basta i-rewind mo lang siya ng magkabilang side from time to time para hindi tumigas at manikit yung mismong tape. \m/

    ReplyDelete
  25. salamat sir sa buong-kasipagang pag-transcribe ng mga binitiwang salita ng peborit nating karakter sa Circus album. di talaga mawaglit sa isip ko lalo na yung "nirvana t-shirt, hindi yung yellow, ha? yung, red!" kakaibang kakulitan din kung tutuusin.

    sya nga pala, speaking of the Metal vs. Hiphop 'war' na nauso noong mid-90s, i remember a certain underground rap group named Oblaxz who made a parody of the Punk Zappa skit, at ang lundo ay ang pag-shotgun nila sa bandang pinatatamaan, then sinabing "di na po namin uulitin" (kung saan nag-'mock apology' sa Oblaxz ang 'banda' - dun pa rin sa naturang skit)

    bagaman di ako sumawsaw sa naturang 'girian', respetado ko ang parehong panig (lalo na't nabibilang ito sa dekada '90 - oldschool talagang maituturing), at aminado akong di ako maka-relate sa mga bagong henerasyon ng banda ngayon (pana-panahon lang din siguro), lalong di ko rin naman trip pakinggan yung mga bagong rap music na nagsisilitawan (nagmumukhang disente ang oldschool hiphop dahil sa mga yun). just my thoughts!

    ReplyDelete