"Isa kang Batang 90's kung alam mong ang Club Dredd ay ang mecca ng mga banda noong Dekada NoBenta."
Ang tunay na Pinoy sa isip, sa salita, at sa gawa ay alam na ang Kilometer Zero ay nakatirik sa tapat ng bantayog ni Pepe sa Rizal Park. Bata pa lang tayo ay naituro na ito ng ating mga guro sa HeKaSi. Ito ang palatandaan sa mapa kung saan sinusukat ang distansya ng mga lalawigan at iba pang mga lugar sa Pilipinas. Kung hindi mo ito alam, Pinoy ka pa rin naman dahil nababasa mo pa ang palabok kong walang kwenta; malamang ay absent ka lang sa klase noong itinuro ito sa eskwelahan.
Sa hindi kalayuang lugar mula sa Luneta ay matatagpuan ang kahabaan ng EDSA kung saan matatagpuan naman ang pinakasikat na marker noong Dekada NoBenta, ang KM 19. Dito nakatayo noon ang bar na nagpatibay ng pundasyon ng Pinoy Underground Scene noong Nineties, ang CLUB DREDD.
Hindi ko na naabutan ang unang Dredd na nasa Timog Avenue. Hindi pa kasi sanay ang tenga ko noon sa ingay dahil si Andrew E. pa lang ang pinapakinggan ko noong mga panahong iyon. Una silang nagbukas noong December 8, 1990 sa ilalim ng pamamahala nina Skavengers' drummer Patrick Reidenbach at Scavengers' manager Robbie Sunico. Ipinangalan nila ito sa kanilang paboritong comic book character na si Judge Dredd. Pinalitan nila ang Red Rocks matapos itong magsara. Ito ang naging tambayan ng mga nilalang na hayok sa rakrakang bato at ilan sa mga regular na tumutugtog dito ay ang Eraserheads, The Youth, Afterimage, Ethnic Faces, Anno Domini (Mutiny),Athena’s Curse (Alamid), Grace Nono, Joey Ayala, Bazurak (na pinagmulan ng Rivermaya), Color It Red, The Wuds, Razorback, Wolfgang at Advent Call. Maganda na sana ang lahat ngunit nagkaproblema ito sa pananalapi na naging dahilan upang sila ay magsara noong February 1993.
Kapag nasa dugo ng isang tao ang pag-ibig sa musika, hindi ito kailanman mapipigilan ng kung anong problema. Kaya noong January 1994, halos isang taon mula nang ito ay magsara sa Timog, ay muling nagbukas ang Club Dredd. Hindi na sa dating lugar kundi sa mas malaking venue sa EDSA malapit sa Cubao. Sa kasagsagan ng Pinoy Rock, dito nadiskubre ang mga grupo tulad ng Teeth, Datu's Tribe, Put3Ska, Parokya Ni Edgar, Tribal Fish, Sugar Hiccup, at Greyhoundz. Isama mo pa ang kataas-taasan at kagalang-galangang Yano at ang Agaw Agimat.
Napakarami kong masasaya at astig na alaala sa Dredd.
Malapit lang ito sa Crame na lugar namin kaya nilalakad lang ng aming tropa papunta doon. Noong nahilig na ako sa maingay na musika ay itinaga ko sa bato na kailangan kong mapasok ang tambayan ng mga tunay na rockers o "metal".
Hindi ko matandaan kung kailan at ano ang una kong gig na nadaluhan sa Dredd pero sigurado akong namangha ako sa pagkawala ng iniisip kong misteryo ng lugar na iyon. Hindi siya ganun ka-sikat pero madalas na napag-uusapan.
Sa labas pa lang ay makikita mo na ang mga bouncers na malalaki ang katawan na taga-check (kuno) kung menor de edad ka pa at ng iba pang seguridad. Natatandaan kong may pagkakataon na hindi nila ako pinapapasok dahil sa ako daw ay baby face. Dumating ang araw na naging kaibigan na namin sila dahil sa dalas nilang nakikita ang aming mga pagmumukha.
Sa labas pa lang ay makikita mo na ang mga bouncers na malalaki ang katawan na taga-check (kuno) kung menor de edad ka pa at ng iba pang seguridad. Natatandaan kong may pagkakataon na hindi nila ako pinapapasok dahil sa ako daw ay baby face. Dumating ang araw na naging kaibigan na namin sila dahil sa dalas nilang nakikita ang aming mga pagmumukha.
andun kami (Demo From Mars) August 9
Makikita sa lobby ang mga posters ng ibang banda. Agaw-pansin ang litrato ng mga miyembro ng RHCP na nakahubad maliban lang sa suot na medyas sa kanilang mga etits. Nasa gitna ng dingding nito ang Dreddsked kung saan makikita ang mga tutugtog sa buong buwan. Madalas kaming kumuha ng kopya ng sked upang malaman ang gig ng mga paborito namin tulad ng Askals.
Nasa lobby din ang bar kung saan, ayon sa kaibigan kong si Michelle Rufo, ay puwedeng umorder ng "Adios Motherfucker", isang inuming naimbento ng isa sa mga may-aring si Robbie. Naririnig ko sa mga kuwento na kaya ganito ang pangalan nito ay siguradong "blackout" daw ang aabutin ng taong lalagok nito. Totoo man o hindi, wala pa akong bayag at pera noon para subukan ang maalamat na toma. Trade secret ang inuming ito na parang isang episode sa The Simpsons, ang "Flaming Moe".
Meron ding mga mesa sa labas kung saan pwede kayong mag-inuman at kumain. Hindi ko lang alam kung kumikita ang kanilangbar sa pagtitinda ng mga pagkain dahil meron namang tapsihan at gotohan sa gilid ng Club Dredd. Doon kami madalas umorder ng lugaw at tokwa bago kami manood o tumugtog.
Astig ang salaming bintana na tumatanaw sa EDSA na may disenyong mukhang liquid paper ang ginamit na pintura. Hindi ko alam kung talagang pinahintulutan ng Dredd na gawin itong parang "freedom wall" dahil ang daming kung anu-anong vandal mula sa mga pumupunta doon ang nakasulat o nakaukit doon.
Kapag pumasok ka na sa loob kung saan ginaganap ang tugtugan ay para ka na ring pumasok sa pugon dahil sa init at sa kapal ng usok. Siguradong pagpapawisan ka dahil sa mahinang aircon at magmumukhang panabong na manok dahil sa usok ng sigarilyo. Ang mga tray ng itlog ang ginamit sa kisame upang magsilbing soundproofing ay nakabawas sa lamig na pumapasok sa silid. Hindi ka na magugulat kung may makikita kang mga kalalakihang nakahubad ng pang-itaas na mukhang mga galing sa inuman sa kabilang kanto ng mga sunog-baga! Maliit lang ang venue kaya isa nga ito sa mga nanganib na maipasara matapos ang trahedya ng Ozone Disco dahil sa fire exit.
ang grupong kinabibilangan ko kasama sila Joe, Pot, Badds, at Geline
Feb 1996 Dreddsked - First time ng DFM!
Feb 1996 Dreddsked - First time ng DFM!
Ang naabutan ko nang pintura ng mga dingding at entablado ay kulay itim na may disenyong yellow traffic o pedestrian lines. Pinangarap kong maging ganito ang kulay ng pangarap kong kuwarto. Ang template ng una kong 90's blog sa multiply, iginaya ko sa disenyo ng Dredd.
Una kaming nakatugtog sa Dredd matapos naming mapilit si Mang Jun na isingit kami sa pangalawang gig ng "Alberto sa Dredd". Siya ang pamosong may-ari ng Alberto Studio, isang praktisan ng mga banda sa Annapolis, Cubao kung saan nag-ensayo ang mga bigatin (noong hindi pa sila sikat) tulad ng Eraserheads, Parokya ni Edgar, Advent Call, at napakarami pang iba. Ako ang gumagawa ng kanyang mga posters at suki kami ng kanyang rehearsal studio kaya naging malapit kami sa kanya.
Malaki ang pasasalamat namin kay Mang Jun dahil ang gig na iyon ang nagbukas sa amin ng pintuan upang makatugtog ng napakarami pang ulit sa Dredd. Kung hindi sa gig na iyon ay hindi namin makakausap si Patrick Reidenbach na nagsabing may potensyal ang banda namin ngunit kailangan naming gumawa ng mga sariling awitin at hindi lang puro cover ng Smashing Pumpkins at Hole.
Naging tambayan namin ang Dredd kahit na wala kaming mga gigs. Madalas ay pumupunta kami doon upang makipagkwentuhan sa mga kakilala. Ginagawa naming hangout ang lugar na iyon upang mag-soundtrip. Nagawa pa nga naming makipag-inuman sa labas nito kasama ang miyembro ng ibang banda tulad nila Louie, Rommel, Kino, at Emerson ng Askals.
Ang pinanghihinayangan kong gig sa Dredd ay noong dumalaw si idol at tukayong Jason Newsted upang i-promote ang kanilang album na "Load". Nakipag-jam siya sa Electric Sky Church, Wolfgang, Datu's Tribe, at Razorback! Hinangaan niya ang magkakapatid na Dela Cruz. Sayang at hindi kami nabalitaan, na-miss ko talaga ang kalahati ng buhay ko bilang musikero at tagahanga.
Ang pinakamalufet sa lahat ng naaalala ko ay ang samahan ng mga tambay doon. Walang mga kupal, walang mga posero. Lahat ay magkakakilala at magkakapatid dahil sa pagmamahal sa musika!
Matapos ang apat at kalahating taong pagiging tahanan ng mga rockers ay muling nagpaalam ang Club Dredd sa hindi ko alam na kadahilanan. Ang balitang nasagap ko noon ay titibagin na ang venue dahil tatamaan daw ng isang high-rise building na gagawin sa kanyang tinitirikan. Ang huling gig na ginanap sa EDSA ay ang "Independence Day Concert" ng NU107 noong June 11, 1998.
Noong nawala sila sa eksena ay naitatag naman noong 1999 ang "Club Dredd online" sa internet. Paminsan-minsan ay may mga sundot-kulangot gigs na ginagawa sa bisa ng "Club Dredd Presents". Nagkaroon din ng radio show sina Patrick at Robbie sa NU107, ang "radioDredd" na tumagal mula March 2006 hanggang April 2007.
Nabalitaan kong nagbukas ulit ang Club Dredd noong June 2007 sa ikalawang palapag ng Gweilos bar sa Eastwood, Libis at muling nag-hiatus mode noong November 2010. Ang totoo, wala na akong balita sa lugar na itinuturing naming mecca noong kapanahunan ko. Matapos silang mawala noong Nineties ay nawala na rin ako sa eksena.
Kung nasa Libis pa rin sila hanggang ngayon, sigurado akong malaki ang pagkakaiba nito sa Dredd na kinalakihan ko. Malamang sa alamang ay mabango na ang mga nanonood sa Eastwood venue at malinis na rin ang mga kubeta. Wala ka na ring makikitang nagtitinda ng fishballs at tapsi sa tabi-tabi kundi mga magagarang tambayan na nagtitimpla ng mamahaling kape ng mga call boys at call girls.
Matapos ang apat at kalahating taong pagiging tahanan ng mga rockers ay muling nagpaalam ang Club Dredd sa hindi ko alam na kadahilanan. Ang balitang nasagap ko noon ay titibagin na ang venue dahil tatamaan daw ng isang high-rise building na gagawin sa kanyang tinitirikan. Ang huling gig na ginanap sa EDSA ay ang "Independence Day Concert" ng NU107 noong June 11, 1998.
Nabalitaan kong nagbukas ulit ang Club Dredd noong June 2007 sa ikalawang palapag ng Gweilos bar sa Eastwood, Libis at muling nag-hiatus mode noong November 2010. Ang totoo, wala na akong balita sa lugar na itinuturing naming mecca noong kapanahunan ko. Matapos silang mawala noong Nineties ay nawala na rin ako sa eksena.
hindi ito akin, nahanap ko lang sa net
Kung nasa Libis pa rin sila hanggang ngayon, sigurado akong malaki ang pagkakaiba nito sa Dredd na kinalakihan ko. Malamang sa alamang ay mabango na ang mga nanonood sa Eastwood venue at malinis na rin ang mga kubeta. Wala ka na ring makikitang nagtitinda ng fishballs at tapsi sa tabi-tabi kundi mga magagarang tambayan na nagtitimpla ng mamahaling kape ng mga call boys at call girls.
No comments:
Post a Comment