"Isa kang Batang 90's kung alam mo kung sino ang gamol na naghahanap ng panget."
Bago pa man ako biningi ni pareng Kurdt ng Nirvana, pinangarap ko mung maging isang malufet na dancer. 'Yun nga lang, hindi umubra sa parehong kaliwa kong mga paa ang "running man" at "roger rabbit" moves na pinipilit kong matutunan.
Nasa ikaanim na baytang ng elementarya ako nang mauso ang rap at sa pakikinig nalang nito ang pinampalit ko sa pangarap kong humataw sa dance floor.
Isang araw noong 1990, narinig ng Lupang Hinirang ang Pinoy rap song na "Humanap Ka ng Panget". Madali nitong nakamit ang tagumpay dahil nakuha nito ang atensyon ng mga maawaing kababayan natin. Naging kontrobersyal at phenomenal ang pagsikat nito dahil napag-usapan ng madla ang "pang-aapi" sa mga katulad kong panget.
Si Andrew Espiritu, o mas kilala bilang si Andrew E., ang itinuring na "King of Pinoy Dirty Raps" dahil sa kanyang mga awiting double-entendre o dobleng kahulugan na para sa karamihan ay bastos.
Kahit na hindi naman talaga bastos ang unang single niya, marami pa rin ang sumang-ayon sa paniniwalang binastos ng kanta si Zorayda Sanchez na pinasikat ng "Goin' Bananas". Napanood ko pa noon sa teevee ang mga artistang nakapanayam tungkol sa saloobin nila sa kanta ni Gamol. May mga natawa at mayroon ding natuwa sa "bagong" klase ng pagkanta pero marami ring nagalit. Hindi naman daw guwapo si Andrew E. para laitin nalang ng ganun si Zorayda.
'Di natapos doon ang kontrobesya dahil napanood ko rin sa isang episode ng "Martin After Dark" ang pagtanong ng Concert King kung Tagalog version lang daw ng Cash Money's "Find an Ugly Woman" ang kanta ni Andrew E. Kayo na ang humusga.
Ilang beses ko nang nasabi na ang bad publicity ay palaging good publicity. Sa mga nangyaring iyon ay mas maraming nakinig sa kanta. Ito pa nga ang naging daan para sumikat din si Beethoven Bunagan. Oo, naging rapper din si Bitoy bago siya naging isang magaling na comedian. "Maganda ang Piliin" ang ipinangtapat niya sa panget. Hindi ko pa gusto si Michael V. noon. dahil nananampalataya ako sa Espiritu. Kahit si Andrew, napanood ko sa "Sa Linggo nAPO Sila" na kumanta ng "...'sang panget na talagang 'di mo matanggap at huwag ang Michael V. na iyong pangarap...".
Ang sumunod na single ni Andrew E. ay ang masasabi kong hudyat ng simula ng Pinoy dirty raps. Kahit na pang-Xerex ang lyrics ng "Andrew Ford Medina", ito ay tinanggap ng mga takapakinig. Medyo radio-friendly ang edited version na pinapatugtog sa airwaves pero kung una mo pa lang maririnig ang orihinal at long version sa album, siguradong pagpapawisan ka. Kung isa kang totoy na punung-puno ng nagwawalang hormones noong mga panahong iyun ay malamang na maglaro ang isip mo kay Anna at sa kanyang kapatid. Ano kaya ang mga itsura nila, magaganda kaya sila? Ayon sa mga songhits na nabasa ko noon, hango daw ito sa kanyang tunay nakaranasan sa magkapatid.
Sinubukan mo bang i-dial ang numerong nabanggit sa rap song? Ilang beses din naming tinawagang magbabarkada ang telephone number na 801-6722 sa pag-asang baka si idol ang sumagot. Sigurado ako, naperwisyo nang todo-todo ang may-ari ng numerong iyon.
Sinubukan mo bang i-dial ang numerong nabanggit sa rap song? Ilang beses din naming tinawagang magbabarkada ang telephone number na 801-6722 sa pag-asang baka si idol ang sumagot. Sigurado ako, naperwisyo nang todo-todo ang may-ari ng numerong iyon.
Isa pa sa mga paborito kong kanta ay ang "Binibini". Akala ko dati ay wholesome ang awiting ito. Dito ko unang narinig ang mga lugar na Euphoria Disco at 7eleven. At talaga namang napakaganda ni Rita Avila noon. Kapag pinapakinggan ko ito ngayon ay parang lumululon ako ng time capsule na nagpapaalala sa akin na cool at konyotic ang brace sa ngipin noong sumikat ang kantang ito. Malinis naman talaga ang laman ng kanta maliban sa pangalan ng babaeng si "Bini B. Rocha". Wala pa ako sa kamunduhan noon kaya wala akong ideya kung bakit nagagalit si ermats kapag pinapatugtog ko sa karaoke machine namin ang cassette tape ng unang album ni Andrew E.
Parang si Pacquiao (kahit wala naman talagang talento sa pag-arte), nabigyan ng break si Andrew E. na mag-artista. Akala ko ay katapusan na ng karera niya iyon. Langya, hindi lang pala kuwela sa kantahan kundi mas kuwela at natural na patawa pala ang loko. Effortless. Naging paborito namin ng pinsan kong si Badds ang mga comedy films na hango rin sa kanyang mga kanta. "Humanap Ka ng Panget" din ang taytol ng una niyang pelikula kung saan isa sa mga bida ay mismong si Zorayda na gumanap bilang isang mayaman! Kasama rin sa pelikula sina Jimmy Santos at Dennis Padilla kaya talagang pang-laugh trip!
Ilan pa sa mga napanood namin ay: "Andrew Ford Medina: Huwag Kang Gamol", "Alabang Girls", "Ang Boyfriend Kong Gamol", "Row 4: Ang Baliktorians", "Pinagbiyak na Bunga", "Megamol", "Bangers", at "Neber-2-Geder". Hindi naman halatang tagahanga ako, hindi ba?
Lahat-lahat, nakapaglabas siya ng humigit 13 albums na lahat ay certified platinum, at gumanap din sa halos isang dosenang mga pelikula. Ito ang mga dahilan kung bakit siya tinitingala sa industriya.
Sa ngayon ay patuloy siyang sumusuporta sa mga bagong rappers ng bansa sa pamamagitan ng kanyang naitatag na Dongalo Wreckords.
Kahit na mas lamang na sa dugo ko ngayon ang pagiging rakista ay pinapakinggan ko pa rin ang mga kanta ni Andrew E. Hindi ako bibitiw sa taong gumawa ng kantang "MAHIRAP MAGING POGI" na inilaan niya para sa akin!
nice review! sana nga naabutan ko tong mga panahon na sumikat ang mga old schools!
ReplyDeleteterima kasih
Deleteone of the best story of 90's,talagang hit, unique popular etc, andrew e! hindi ako dati naniniwala na taga las pinas c andrew e. kahit ang nauunang code ng phone ay 801 which is code talaga ng las pinas where im from kaso one time nakita ko sya in person sa mall at malapit lang sa school ko ang bahay nila,, to see is to believe kako n lang hehe..
ReplyDeletepards, correction lang din (though medyo matagal na rin 'tong post mo), Michael V. is actually a pseudonym derived from his two idols Michael Jackson and Gary V. both Pop Music Kings, respectively. ang tunay po niyang pangalan ay Beethoven Bunagan. hence, the nickname "Bitoy" :)
ReplyDeleteEto ang dekadang kinalakhan ko. kudos to No-Benta! RAKENROL! \m/
parekoy, maraming salamat sa info. dahil dyan ay gagawan ko ng entry si bitoy \m/
Delete