"Isa kang Batang 90's kung sinubaybayan mo ang mga turo ni Brod Pete sa 'Ang Dating Doon'."
"One two three, asawa ni Marie, araw-gabi, walang panty!", sabay-sabay naming isinisigaw ng mga barkada ko noong mga dugyuting totoy pa lang kami sa lansangan. Tuwang-tuwa kaming pinang-aasar ito sa mga kalaro naming babae.
Matapos ang ilang taon, ay nalinawagan ako sa tulong ng pangaral ni Brod Pete. Akala ko kasi noon ay bastos ang ibig sabihin ng isinisigaw namin dahil sa salitang "panty". Wala naman pa lang masama doon dahil hindi naman talaga magkakaroon ng "salungguhit" ang asawa ni Marie dahil lalaki iyon!
Dumating sa puntong naging synonymous na ang "Bubble Gang" sa "Ang Dating Doon". Mas naging sikat pa itong segment na ito kaysa sa mismong show. Noong una kong napanood ito bandang 1998 ay hindi ko ma-gets ang patawa na gusto nilang iparating. Oo, nakakatawa si Isko Salvador. Mukha pa lang niya na nagmula pa sa "John En Marsha" ay hahalakhak ka na sa kakatawa kapag nakita mo siya pero noong una kong silang mapanood na ilang beses na binabasa paulit-ulit ang mga linya ng nursery rhyme na "Jack and Jill" ay napilitan akong pindutin ang remote control para lumipat ng ibang istasyon sa teevee. Pinagtatalunan nila kung hari ba si Jack dahil sa korona niya o dukha lang dahil umaakyat pa siya ng burol para kumuha ng tubig.
Nagalit ang utol kong si Pot dahil naputol ang kanyang panonood. Sabi niya ay mukhang tanga daw ako dahil hindi ko alam ang "Itanong Mo Kay Soriano (Bibliya Ang Sasagot)" kung saan host din ang host ng "Ang Dating Daan". Napilitan tuloy akong panoorin isang hapon ang mga palabas ni Eli Soriano sa RPN9. Noong mapanood ko ang palabas ay natawa ako kahit na seryoso ang paksa dahil naaalala ko sila Brod Pete, Cesar "Brother Willie" Cosme (na dati ring kasama ni Isko sa show nila Shirley Puruntong), at Chito "Brother Jocel" Francisco. Magaling nga pala ang spoof na ginawa ng trio. Mabilis na dumami ang kanilang mga tagapanood at mga tagahanga.
Naging isa ako sa mga sabik na umaabang sa bawa't episode nila sa BG. Madalas namin silang mapag-usapan sa mga inuman sessions, sa breaktime, at habang nagyoyosi sa pavillion ng UST engineering building kapag vacant hours.
Kapag narinig mo na ang Voltes V theme song na ginamit nila as opening (pati closing), simula na ng kalokohang may sense!
"Alien!" at "Raise the Roof!" ang laro nila sa mga katagang "Amen!" at "Praise the Lord!" na madalas na maririnig sa mga charismatic at religious groups. Dalawa ito sa mga naging "overused expressions" ng mga huling taon ng 90's.
Katulad ng pinaggayahan, may magtatanong kay Brod Pete. May ipapabasa siyang mga linyang galing sa mga nursery rhymes o mula sa isang sikat na kanta kay Brother Willie. Tapos ay sasabihin niya ang kanyang interpretayson ito upang mabigyan ng sagot ang katanungan. Heto ang isang naaalala kong halimbawa.
Girl: Brod Pete, meron po ba talagang 13th month?
Brod Pete: Ah mayroon. Basahin natin ang nasusulat. Brother Willie, basa...
Brother Willie: "Enero, Pebrero, Marso, Abril, Mayo, Hunyo, Hulyo, Agosto...Setyembre, Oktubre, Nobyembre, Disyembre...LUBI-LUBI!"
Brod Pete: O 'di ba? Ano 'yung pang thirteen? Alien?!
Followers: Alien!
May kani-kaniyang trademark ang trio. Ang nunal at salamin ni Brod Pete. Si Brother Willie ay sumikat sa kanyang peluka habang si Brother Jocel ay laging nakikitang tulog sa lamesa at nagigising nalang pag nagpapaalam na sila.
Sa kasikatan ng palabas ay mukhang natuwa rin si Bro. Eli Soriano. Tinanong siya noon kung nagagalit daw ba siya sa spoof na ginagawa ng Bubble Gang. Ang sagot niya ay hindi dahil mas tumaas daw ang ratings ng kanilang show. Nagkaroon pa nga ng "guest appearance" si Brod Pete sa isang parang commercial nila kung saan nagtanong siya kay Bro. Eli.
Masarap pag-usapan at gawing debate ang mga aral ni Brod Pete sa tuwing kaharap ang San Mig Lights. Simula nang sumikat sila ay dumami rin ang mga nagmarunong sa mga lyrics ng mga sikat na kanta. Naisip kaya nila na wala namang puwedeng "masagasaan sa madilim na eskinita (Ang Huling El Bimbo, Eraserheads)"? Sa sobra kasing ganda ng kanta, hindi na natin napansin na gusto pala ni pareng Ely B. na magpatawa.
Isa pang patunay sa kanilang pagiging patok sa masa ay ang inilabas nilang album kung saan galing ang single na "Sundo't Hatid" na hango naman sa isang episode nila.
Ang tropa ni Brod Pete ay isa sa mga nagbigay kulay sa huling taon ng Dekada NoBenta. Sila ang gumamit ng "common sense" upang magkaroon ng "sense of humor".
Alien!
Ang tropa ni Brod Pete ay isa sa mga nagbigay kulay sa huling taon ng Dekada NoBenta. Sila ang gumamit ng "common sense" upang magkaroon ng "sense of humor".
Alien!
Nice memories bro!! :-) HAPPY NEW YEAR to you and your family!!
ReplyDeleteThanks bro!! HAppy New Year din. Enjoy reading my blogs and spread the word...
ReplyDeleteAfter nya mawala sa ere ng ilang years.. Bumalik yung trio nila with new segment name na "Ang Daming Daan" pero hindi na yata sa Bubble Gang.. Sa ibang show sa ibang network na yata.. Not really sure though kung sa ibang show at network nga.. Ang Daming Daan ung name kc kada may magtatanong magbabayad ng 100 pesos..
ReplyDeleteHINDI na maiispup ng Bubble Gang ang Ang Dating Daan! Nagalit na si Eli Soriano sa GMA7 dahil sa report nila sa Case Unclosed!
ReplyDeletelupet ng blog mo parekoy!!
ReplyDelete