Thursday, December 10, 2009

Ang Masarap sa Itlog


"Isa kang Batang 90's nagkaroon ka ng alagang Tamagotchi."

who shines from the land of the rising sun
lookin' so pretty on the dancin' floor
i wanna be with you just a little more
turn it on like a flashlight
satisfy electric appetite
automatic lover you're my techno lust
addicted to your love like magic dust
ecstatic little plastic drives me off the wall
push the right buttons remote control
wa-wa-wa wakari masen
i-i-i i'm in love again
talking to my baby on the LCD
she said I need a triple A battery
user-friendly interface getting wet
dirty little treasures of a pleasure pet
scream so guilty like a suicide
smile like a child taken for a ride

ERASERHEADS, "Tamagotchi Baby"


Sa tuwing nagbubukas ako ng mga notifications sa efbee, imposibleng wala akong mababasang imbitasyong may kinalaman sa Farmville. Kahit na may pagka-adik ako sa mga social networking sites ay aaminin kong hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam alagaan ang mga tanim doon sa potang bukid na iyon. Pasensya nalang mga tropapips, medyo nahuli ako sa agos ng panahon.

Noong na nagbitiw na ako sa trabaho mula dati kong pinapasukan at tumatambay nalang sa bahay bago lumipad papuntang Saudi, sinubukan kong magpaturo nito sa aking misis. Matapos ang ilang pindutan sessions, napansin kong parang katulad nito ang itlog na nilalaro ko dati pero mas hamak na hi-tech nga lang.


Ang "Tamagotchi" ay ang pinaghalong mga salitang Hapon na "tamago" na ang ibig sabihin ay itlog, at salitang Ingles na "watch" na sa Pinoy ay orasan. Sabi ng iba, ang ibig sabihin daw ng salitang "chi" dito ay "maliit".

Ang lufet talaga ng mga Ponjaps pagdating sa mga gadgets at kung anu-anong teknolohiya. Kaya nga paborito kong panoorin noon sa Channel 9 at 13 ang mga dokyus tungkol sa kanilang bansa. Sino ba namang gifted child ang makakaisip na gumawa ng digital na alaga?

Sina Akihiro Yokoi ng WiZ at Aki Maita ng Bandai. ang pinagmulan ng itlog at hindi si Adan. Sila ang lumikha ng laruang ito na unang inilabas noong  November 1996 ng Bandai, ang isa sa mga nangunguna at isa sa mga pinakasikat na pagawaan ng mga laruan sa Japan.

Una naming nahawakang magkakapatid ang aming mga itlog noong dumating ang lola at lola namin galing Hong Kong bandang 1997. Hindi ko lang maalala kung orig na Bandai ba o "class A" immitation lang ang natanggap namin noong Paskong iyon. Basta ang natatandaan ko lang, simula nang binuksan namin ang power nito at inantay na mapisa ang itlog na nasa maliit na LCD monitor, nagbago na ang buhay namin!

Maliit lang ang unang lumabas na tamagotchi, parang kasing-laki ng pinakamurang itlog na binebenta sa manukan sa palengke. Low-tech nang masasabi ang mga sinaunang labas ng laruang ito kung ikukumpara sa mga laruan ngayon pero masasabi kong isa ito sa mga pinaka-astig na gadgets noong Dekada NoBenta. Simple lang ang laro pero talagang nakakaadik. Ang totoo, hindi ko nga itinuring na laro ito dahil nag-aalaga ka ng isang digital na hayop at parang ikaw ang nagsisilbing magulang nito. May tatlong buton ito na gagamitin mo upang magpakain, makipaglaro, patinuin, tingnan ang edad, tingnan kung masaya ba ang alaga, at bukod sa lahat ay ang maglinis ng kanilang mga tae.

Sabay-sabay na napisa ang mga itlog naming magkakapatid kaya nagpapagalingan kami noon kung kaninong alaga ang mas lalaki nang mabilis, masaya at mabait. Dumating pa nga sa puntong nag-aasaran at nag-aaway na kami dahil dito.

Sa iskul bukol, karamihan ng mga estudyante ay meron nito dahil hindi ka "in" kung wala kang pag-aari nito. Kung napupudpod ngayon ang daliri mo sa kakapindot sa inyong mga selepono, malamang sa Tamagotchi noon ay nagkakalyo ka rin. Kung adik ka sa kakaisip sa mga testimonials ng iyong mga friendsters sa newly-redesigned FS ngayon, malamang noon ay nakatitig ka maya't maya sa LCD ng mga golden eggs para makita kung nagkakalat na ang tae ng iyong alaga. Kung ngayon ay hindi ka mapakali kapag may tunog kang naririnig dahil sa mga text messages, ganun din ang naradaman ng mga bata noon kapag minumura na sila ng mga alaga nila dahil sa gutom! Naknang pitongpu't pitong puting pating, napakahirap nilang alagaan. Buti pa ang mga alaga naming sina Pootchie at Cindy, nagnanakaw ng pagkain sa mga tropa nilang aso kapag gutom na sila at wala pa kami sa bahay.

Hindi nagtagal ay nagsawa rin ako sa itlog kaya sinubukan kong patayin at pahirapan ang aking alaga. Hindi ko pinapakain kahit nagwawala na siya. Ang nakapagtataka, tumatae pa rin siya kahit wala namang kinakain. Hindi ko nga nilinisan sa asar ko. Ilang araw kong ginawa 'yun para mamatay na siya pero walang epekto. Matapos ang ilang linggo, naiyak ako sa aking paggising. Wala na siya sa screen.

"Yahoo!! Patay na siya! Tagumpay ako!"

Sinuri kong muli. Paksyet, naubusan lang pala ng battery. Hindi ko na nakita at nalaman kung paano sila namamatay.

Mahigit isang dekada na silang nanggugulo sa mga gawaing-bahay ng mga kabataan sa Japan. Ang balita ko ay marami nang klase ito. Meron nang naka-bluetooth para sa social networking. Puwede na rin daw magpakasal ang mga Tamagotchi's, at puwede na rin daw gumawa ng mga grupo o banda.

Marami ring lumabas na mga anime series, mga pelikula, at mga console games tungkol sa kanila. Kahit nga ang mga banda tulad ng Eraserheads ay gumawa ng kantang nagbibigay-pugay sa kanila.

Astig talaga ang Dekada Nobenta. Sa panahong ito mo lang masasabing "Ang masarap sa itlog ay panoorin, pindutin, alagaan, at palakihin!".



14 comments:

  1. Perry The PlatypusMay 26, 2010 at 1:29 AM

    Dati, pindut-pindot lang para maalagaan ang pet sa Tamagochi.
    Until now meron parin pero ang pinagkaiba sa Tamagochi ngayon ay meron siyang wireless transfer to PC or to other Tamagochi tapos may kukunin kang codes to access secret stuff pero ang mahal sa Toy Kingdom or Toys R Us.

    ReplyDelete
  2. yup, nabalitaan ko nga na sobrang hi-tech na rin ng mga bagong labas ng tamagotchi. check ko nga yan pag-uwi ko ng Pinas. \m/

    ReplyDelete
  3. Perry The PlatypusMay 26, 2010 at 1:44 AM

    Pero mukhang pambabae ngayon ang tinatarget ng Tamagochi. Well Pet Society,Petville and Happy Pets replaces them.

    ReplyDelete
  4. yup, halos parehas din naman ang dating ng mga games and apps sa FB with Tamagotchi!

    ReplyDelete
  5. Perry The PlatypusMay 26, 2010 at 2:08 AM

    Sige, thanks for sharing your memories about the 90s.
    Matutulog na ako para maganahan ako mag-isip ng memories about 90s and early 00s

    ReplyDelete
  6. di ako masyadong makarelate sa new post mo pero nakita ko tong entry na ito.

    Yung japeke na tamagotchi lamang ang naabutan ko. ANg mahal kasi ng orig noon. Thousands ang price. At tama ka, di ka 'in' kapag wala kanito.

    ReplyDelete
  7. just started reading your blogs lately which are nice, true reflections ng praktikal na pamumuhay, but my best answer sa "ano ang masarap sa itlog" is yun "habang kinakamot"

    ReplyDelete
  8. salamat parekoy! tambay ka lang dito kung gusto mo pang balik-balikan ang nakaraan. tama ka, ang masarap sa itlog ay kamutin hanggang sa namumula na. \m/

    ReplyDelete
  9. dati nung uso yan, sumali pa ako sa contest ng regent custard cakes para manalo ng original na tamagotchi at hindi yung japeks... kaso wala... nauwi ako sa imitation sa bangketa :p

    ReplyDelete
  10. yan ba yong maliit na bagay na pinipindot pindot? mukhang pamilyar.

    ReplyDelete
  11. inaamin kong naadik din ako todits.
    Gumigising pa ako ng gabing-gabi o madaling araw para icheck baka gutom, tumae, o kaya may sakit. o madaling araw para icheck baka gutom, tumae, o kaya may sakit.

    ReplyDelete
  12. tamagotchi ang kaaway dati ng mga teachers nung elem aq. dpa cp kasi ang cp dati parang transistors pa sa laki. haha. grade 3 yta aq nung una aq mkakita n2 kasi ung seatm8 slash bespren slash crush qu is hap-hapon. kaya meron lage sia latest na "haytekk" na gamet. since grade aq nun, around y2k na yta nun.

    ReplyDelete