"Isa kang Batang 90's kung naabutan mo ang mga cassette tapes at unti-unti nitong pagkawala."
Sa panahon ng makabagong teknolohiya, napakadaling gumawa, magbenta, at magnakaw ng musika. Isang pindot lang ng teklada ay mapapasaiyo na ang mga digital copies ng mga paborito mong kanta. Hindi na ako magugulat na kung isang araw ay gigising tayo na laos o tuluyuan nang naglaho ang mga compact discs dahil sa mga pirata. Sabagay, weather-weather nga lang 'yan sabi ni Kuya Kim. Internet ang papatay sa compact disc na pumatay sa CASSETTE TAPES.
Naimbento ng Philips noong 1962 at unang ipinakilala sa Berlin Radio Show noong August 30, 1963, ang Compact Cassette o Musicassette (MC), na mas kilala sa mga tawag na cassette tape, audio cassette o tape lang, ay isang uri ng music format na sumikat mula Dekada Setenta hanggang Dekada NoBenta. Ito ang pumalit sa mga LP o plakang ngayo'y parang mga zombies na muling nabubuhay.
Ang isa sa mga hindi ko malilimutang karanasan sa cassette noong ako ay bata pa ay nang 'di ko sinasadyang mapindot ang record button ng player ng aking Lolo Bitoy habang nag-eensayo ang pinsan kong si Bambie ng awiting "Tuliro" ni Celeste Legaspi na ipanglalaban niya sa isang singing contest. Ako kasi ang taga-play at taga-stop sa pag-andar ng multiplex tape kapag may maling tono si insan. "Tuliro, tuliro, tuliro, May biglang sumiklop sa dibdib ko, at nagsumigaw bawa't himaymay ng aking laman nang madampian sa saglit naman". Taena, ramdam na ramdam ko ang lyrics ng kanta dahil sa takot sa kung anong gagawin ni grandpa sa akin kapag nalaman niya ang krimeng kinasangkutan ko. Sa huli, todo ang pag-iyak ko dahil sa hindi pag-amin sa nagawang kasalanan at lalong lumakas nang mahataw na ng tambo ang aking wetpaks dahil sa asar niya sa akin!
Simula noon, itinaga ko sa bato na hinding-hindi na ako magkakamali sa paggamit ng cassette player na may recorder. Lumipas ang panahon at nadiskubre kong meron naman palang paraan upang hindi aksidenteng mapatungan ng kung ano man ang nilalaman ng tape. Tanggalin mo lang ang "write-protect tab" at siguradong ligtas na ang iyong pinakaiingatang album. Lahat ng bagong bili kong tapes noon, tanggal ito kaagad pagkabukas na pagkabukas pa lamang.
Ang mga cassette ay isang teknolohiyang lubos na nakapagbigay ng mga masasayang alaala at mga karanasang kaming mga gurang nalang ang nakakaintindi.
Nahilig ako ng pangongolekta ng mga cassette tapes siguro dahil na rin sa mga tito at tito kong mahilig din sa musika at kombo-kombo. Nasa lahi kasi namin ang mga musikero at kantatero kaya sa murang edad ay namulat na ako sa koleksyon nila ng mga albums ng Beatles, Eagles, America, Cascades, Platters, Carpenters, at kung anu-ano pa. Sa totoo lang ay naabutan ko pa nga ang mga plaka.
Sa aking pagkakaalala, ang kauna-uahang tape na nabili ko ay ang "Rated Double R" compilation album na pinagsama-samang mga labsungs na madalas ipatugtog sa FM radio station ng ABS-CBN. Naawa kasi si ermats sa ginagawa kong pag-record sa mga kantang ipinapatugtog sa DWRR gamit ang aming hi-tech karaoke kaya binigyan nalang niya ako ng 90 pesotas upang bilihin ang orig na album mula sa pinakamalapit na Musikland record bar.
Noong unang panahon ay bihasa ang mga kabataan sa paggawa ng mix tape gamit ang radyo at blank tape. Kung mayroon kayong radyong may dalawang tape decks, napakadaling gumawa ng selection dahil puwede mong kopyahin ng direkta mula sa album na pinanggalingan ang mga kantang isasama mo sa mix tape. Ang pinakapaborito kong nagawang mix tape namin ng pinsan kong si Badds noon ay ang salad ng mga kanta mula sa Metuloka, Gangsengroses, at Nirbanana. Ang pag-ibig namin kasi noon ay metal kaya ganito ang trip! Pero maniwala kayo o sa hindi, gumawa rin ako ng mix tapes ng Air Supply vs. Bread, Andrew E. vs. Michael V., at Vanilla Ice vs. MC Hammer noong mga panahong lawlaw pa ang aking salawal at hindi pa ako marunong tumipa ng gitara. Taena, hindi basta-basta ang mix tape ko dahil ginagawaan ko pa ito ng malufet na sleeve gamit ang mga pinagtagpi-tagping mga litrato mula sa mga song hits. Kung hindi naman, pinag-aaksayahan ko ng mahabang oras ang pagle-lettering ng mga pamagat ng kanta.
Kapag bumabyahe kami ng jeep papunta sa mga konsyerto noon ay hinahanap namin ang mga "patok" o mga pampasaherong jeepneys na akala mo ay hinahabol ni kamatayan sa sobrang bilis. Sila kasi 'yung mga sasakyang may pamatay na sound system na puwede mong ipasalang ang dala mong mix tape. Kahit na death metal ang laman ng ipinagyayabang mo ay papatugtugin nila ito ng walang kiyeme. Mas maingay, mas patok sa kanila.
Kung mahilig ka sa adventure ay siguradong nasubukan mo ang mag-abang sa radyo upang i-record ang isang bagong kanta mula sa paborito mong mang-aawit o grupo. Asar na asar ako sa mga potang disk jockeys na nagsasalita na kahit may 30 seconds pang nalalabi bago matapos ang kanta. Kahit na anong bilis ng reflex mo sa pagpindot ng pause button ay walang silbi sa mga haliparot na biniyayaan ng class A na bunganga ni Cristy Permin. Kapag ganito ang trip mo sa buhay, ang isang istilo upang walang masyadong epal na DJ ay ang makinig sa mga istasyong hindi sikat. 'Yun nga lang, malamang sa alamang ay puro oldies lang ang mapipirata mo!
Hindi laganap ang pamimirata noon. Kung mayroon mang mga nagtitinda ng pirated cassette tapes, hindi ito masyadong tinatangkilik dahil una na dito ay ang kalidad na "maalon at malabo ang tunog". Mahal din ang mga napiratang kopya sa halagang kalahati ng presyo ng orig kaya mapapaisip kang bumili nito. Kapag minalas-malas ka pa ay hindi original artists ang mga kumanta o tumugtog sa nabili mong album! Madalas akong makakita ng mga ganito sa mga kapitbahay naming may asawang nagtatrabaho sa Saudi. Kakaiba ang lalagyan nito na ayon sa iba ay dinisenyo upang maprotektahan ang tape sa matinding init ng araw.
Sa Greenhills at Recto ang aking takbuhan sa tuwing gusto kong bumili ng mga bootlegs. Isang uri ito ng pamimirata pero hindi ng pagkopya mga orig na albums. Recording ito ng mga live performances mula sa mga sikatsupoys. Medyo mahal ang presyo nito at minsan pa nga ay mas mahal pa sa presyo ng mga tunay na albums sa mga record bars.
Doon din sa Tandem ka makakahanap ng mga DIY tapes ng mga indie bands. Sa ngayon, ang "indie" sa pagkakaintindi ng mga kabataan ay isang genre nalang ng musika. Taliwas na ito sa konsepto noon na paggawa ng musika na hindi kailangan ng major label. Sa aking pananaw, mas mahirap magbenta ng musika noon dahil sa mga cassette tapes - wala pa si pareng YT, Soundcloud at iba pang social networks at kung anu-anong katarantaduhan sa teevee tulad ng AI na ginagamit ngayon upang magpapansin nang sa gayun ay maging instant celebrity. Ang mga sumisikat ngayon ay hindi kailanman nakaranas ng katulad ng maalamat na kuwento ng paglalako ng demo tape na "Pop U" ng Eraserheads.
Ang LA105.9 ang istasyon ng radyo noong 90's na naging tahanan ng mga independent artists. Noong nakadalaw ako sa kanilang radio booth sa Philcomcen, nakita ko doon ang sandamakmak na demo tapes ng mga tunay na OPM artists! Sa kanila lang naman unang narinig ang mga awiting "Laklak" ng Teeth, "Tabi ng Bulkan" ng Razorback, "Praning" ng Datu's Tribe, at "Halik ni Hudas" ng Wolfgang. Apat sila sa mga unsigned artists noon na nabigyan ng break ng ilang major labels.
Nakasama ang ilan sa mga debut albums ng mga nabanggit kong banda sa koleksyon ng mga tapes ko noong aking kabataan. "Yun nga lang, kahit na mahilig ako sa musikang Pinoy ay mas kinokolekta ko ang mga banyaga. Karamihan sa mga nabili ko noon ay alternative at grunge - Nirvana, Alice in Chains, Pearl Jam, Soundgarden, Hole, Smashing Pumpkins at napakarami pang iba. May koleksyon din ako ng death metal, thrash, punk, techno, at trance. Sayang nga lang at nawala na ang karamihan nito sa pahiraman. Kahit na may listahan ako ng mga tapes ko noon at kung sino ang nanghiram ay hindi na nakabalik ang ilan nito sa akin. Ang malas naman din minsan, kapag ibinalik sa akin ay gutay-gutay na ang sleeve na akala mo ay ginahasa ng sampung kalalakihan. Mahilig din siguro silang magbasa ng kung anu-anong nakalagay sa ackowledgment kaya hindi na nila napapansing lukut-lukot na ang pabalat. Palusot naman ng iba kong mautak na friendters ay nilamon daw ng gutom nilang player ang tape ko kay hindi na naisauli.
Kahit na nagkaroon ako ng maraming tapes noon ay hindi ako nagkaroon ng Walkman. Pangarap ko ito noon, lalo na 'yung modelong may auto reverse. Mahal kasi kaya walang pambili. Minus ten thousand pogi points.
Sa ngayon, CD na ang standard formats na ibinebenta sa mga record bars pero patuloy pa rin akong nangongolekta ng mga tapes na binibili ko mula sa mga taong nakikilala ko sa mga cassette groups sa efbee. Kapag may panahon ay pumupunta rin ako sa mga ukay-ukay upang maghanap ng mga ito.
Iba pa rin ang koneksyon ko sa mga tapes kumpara sa mga CDs at mp3s. Katulad nito ang samahan ng bolpen at tape na tayong mga Batang 90's (kasama ang mga mas gurang na henerasyon) lang ang tanging nakakaalam kung gaano ito katindi.

winner. haha ako ginawa ko lang silang parang dominoes at tinatanggal yung loob.
ReplyDeletebongga!
Panandaling bumalik ako sa kabataaan!
ReplyDeleteAng una bili ko ng cassette tape mula sa una kong sweldo ay ang Ultraelectromagneticpop! ng paborito kong Eraserheads.
bigla ko tuloy naalala mga casette tapes namin dati... minsan pinaglalaruan ko yan.... hinihila ko ung films niya saka i rerewind ....
ReplyDeleteIto ay isang pangkalahatang pahayag sa publiko mula sa Mayo Clinic at interesado kaming bumili ng mga bato, kung interesado kang magbenta ng isang bato, mabait makipag-ugnay sa amin nang direkta sa aming email sa ibaba sa
ReplyDeletemayocareclinic@gmail.com
Tandaan: Ito ay isang ligtas na transaksyon at garantisado ang iyong kaligtasan.
Mabait na magpadala sa amin ng isang email message para sa karagdagang impormasyon.