"Isa kang malufet na Batang 90's kung naitago mo ang mga laruang kinalakihan mo noong Dekada NoBenta."
Nakilala ko si Ka-Dekads JHONNY CAYLAO sa "Kami ang Batang 90's" fan page sa efbee. Talagang napanganga ako at tumulo ang laway noong makita ko ang koleksyon niya ng mga 90's memorabilia partikular na ang mga laruan. Paksyet nmalagket, talagang nanghinayang akong bigla sa mga bagay na meron ako noong Nineties na nasira, napabayaan, at itinapon nalang sa basurahan! Meron akong mga naitabi ngunit wala ito sa kalingkingan ng dami ng kanyang koleksyon.
Kung ang ibang mga grupo sa mga social networks ay nagpapa-audition pa ng mga magiging admins, iba ang naging pagpili ko kay Jhonny. Hindi na ako nag-aksaya ng 0.0002342445 millisecond sa pag-iisip kung imbitahin ko ba siya o hindi na maging parte ng NoBenta Fan Page. Lubos kong ikinatuwa ang pagtanggap niya sa aking alok. Simula noon ay nakilala siya sa grupo nilang si Admin BORIS.
Noong nakaraang dalawang linggo ay may nagpadala ng liham sa akin mula sa I JUANder upang humingi ng tulong na magrekomenda ng mga miyembrong may koleksyon ng mga kung anu-anong bagay mula sa 80's at 90's. Isa lang kaagad ang naisip ko, si Boris!
Hindi naman ako nagkamali dahil nagustuhan ng staff ng palabas sa GMA News TV ang kolesyon ng aming bidang admin.
Nitong nakaraang Miyerkules, August 7, 2013 ay ipinalabas sa I JUANder ang episode tungkol sa pagbabalik-tanaw na pinamagatang "Throwback". Isa sa tatlong Batang Nineties si Admin Boris na na-feature sa 90's segment. Sa mga hindi nakapanood, heto ang video mula kay pareng YT:
Ito ang pinakamagandang episode tungkol sa pagbabalik-tanaw (sa ngayon) na napanood ko sa teevee. Ang daming sumanib na alaala ng aking kabataan habang ipinapalabas nila ang kung anu-anong sumikat noong panahon namin. Malufet ang binitiwan nilang "Kaakibat ng ating pagbabalik-tanaw ang pagbibigay natin ng halaga at respeto sa mga bagay na naging bahagi ng ating nakaraan.". Saludo ako sa grupong nasa likod nito.
Kung nabitin kayo sa mga koleksyon ni Jhonny, heto ang ilang larawan na hiniram ko mula sa kanyang efbee account. Maglaway kayo ng todo!
ADMIN BORIS, ipinagmamalaki naming kasama ka sa grupo at masaya kaming nabigyan ka ng pagkakataon ng I JUANder na ibahagi sa mga kapwa nating Batang 90's at bagong henerasyon ang mga bagay na nagpapakita ng simple ngunit napakasayang pamumuhay noong Dekada NoBenta!
Mabuhay ka!
ADMIN BORIS, ipinagmamalaki naming kasama ka sa grupo at masaya kaming nabigyan ka ng pagkakataon ng I JUANder na ibahagi sa mga kapwa nating Batang 90's at bagong henerasyon ang mga bagay na nagpapakita ng simple ngunit napakasayang pamumuhay noong Dekada NoBenta!
Mabuhay ka!
galing naman... ang daming koleksyon....
ReplyDeletekakabilib....
iba talaga ang batang 90's
lupit ng koleksyon nia!
ReplyDeleteOMG!!! questor at culture crash!!!!!
ReplyDelete