Saturday, May 22, 2010

Laban o Bayong: The Winner Takes It All

Re-post lang ito ng epxperience ko sa isang noontime show. Originally posted on October 17, 2009. 'Di ko kasi ma-edit kaya inulit ko nalang.

It's been two months since I arrived here in the Kingdom of Saudi Arabia, the land of limitless sand and overflowing black gold. This is one of the reasons why I wasn’t able to update my NoBenta Site. First time kong magtatrabaho sa ibang bansa kaya sabi ko sa sarili ko, music, movies, TV, and internet ang makakatulong sa paglaban ko sa “homesick”.

Buti naman at kumpleto dito sa company namin – may internet connection sa office kaya pwede akong makinig ng music, magbasa ng news, at maging updated online anytime.

Pag-uwi mo naman sa flat niyo, may nag-aantay na televison packed with one hundred plus channels. Yun nga lang, majority ng palabas ay Arabic. May mga English channels din naman sa nagpapalabas ng series at mga movies. May CNN, BBC, Bloomberg, at iba pang news channel. Pero siyempre, walang tatalo sa sa mga palabas na Pinoy!

Dito sa KSA, tuloy pa rin ang laban ng Kapuso at Kapamilya – it’s either TFC (The Filipino Channel) or Pinoy TV. Ang naka-install sa amin, Channel 7. Ang mga major programs dito ay "Darna", "Kaya Kong Abutin ang Langit", "Rosalinda", "Survivor" at ang dabarkads ng Eat Bulaga. When I say major, as in thrice a day ang pag-air nito! Potah, mabibilaukan ka na sa kakapanood ng paulit-ulit! Nakakasawa rin palang panoorin araw-araw yung "KSP" at "Pinoy Henyo".

I never liked telenovelas (except for the original Marimar, hehehe). Melodrama’s not my type. Aapihin yung bida. Yayaman siya. Maghihiganti. Tapos, happy ending na. Nakaka-stress yung puro iyakan at problema sa buhay!

Games shows? Lalo na! Buti nalang at hindi Wowoweee ang napapanood ko kasi ayoko rin si Willie! At least ang TVJ, part of my pop culture life kaya puwede na’ng pagtyagaan ang EB. For me, Joey De Leon is still the best.

Simple lang naman yung reason ko kung bakit ayoko ng mga noontime game shows – Kung gusto mong magkapera, maghanap ka ng trabaho at ‘di yung sasali ka sa pagkahaba-habang pila doon sa labas ng studio nila madaling-araw pa lang. Well, we cannot blame most of our fellowmen kung talagang walang maibigay na trabaho ang gobyerno. Talagang gugugulin nila yung araw nila sa pagbabaka-sakaling manalo sila ng tumataginting na isang milyong piso nang walang kapagod-pagod. Kung 'di man makapasok sa studio, nandyan pa rin yung TV para mapanood at makiramay dun sa magiging contestant.

Araw-araw na ginawa ng Diyos, sa mga noontime shows nalang tumatakbo ang buhay ng kawawang Pilipino. Hindi ito nakakapag-bigay ng saya, lalo lang nitong pinapalala ang poverty sa ating bansa. Binibigyan nito ng pag-asa ang mga Pinoy na umasa sa "easy money" kaya lalong nawawalan ng pag-asa.

Naaalala ko tuloy na noong Dekada Nobenta, hitik na hitik ang telebisyon sa mga pakulo. Sa Primetime, sumikat yung WW2BAM o "Who Wants to be a Millionaire" na si Christopher De Leon ang host. Nasundan pa ng "Weakest Link" na kung saan host naman si Edu Manzano. Palakihan ng premyo kaya talagang nakakaengganyo.

Sa noontime shows, sumikat si Gracia sa Eat Bulaga noong kalakasan ng "Lottong Bahay". Nagkaroon din ng "Meron o Wala". Tapos yung "Laban o Bawi" kung saan nagkaroon ng Sex Bomb Dancers. Sikat kasi yung kanta ni Tom Jones that time.

Syempre, 'di magpapatalo ang Dos sa mga gimik. Hindi pa "Wowowee" ang tawag sa program nila. Matapos mawala sa ere ng "'Sang Linggo nAPO Sila", pumalit ang "Magandang Tanghali Bayan". All-star cast ang grupo na ito: Randy, John, Willie, Dick, Amy, at napakarami pang iba. Ito lang naman ang pinanlaban ng Dos sa Siete.

Ang pinakaaabanagan ng lahat ay 'yung "Pera O Bayong". Heto yung mas magarbong version nila ng sinimulan ni Pepe Pimentel, ang "Kuarta O Kahon". Kung dati ang jackpot na laman ng kahon ay umaabot lang sa limang libo, ibahin niyo ang laman ng bayong. Tumataginting na isang milyong piso ang pa-premyo! Tatapatan ni Willie ng pera ang bayong na napili mo.

Ang laki talaga ng premyo kaya naman ang daming nagtiyatiyagang pumila sa show na ito. Yun nga lang, gagawin ka munang engot dun sa ipapasuot nilang damit bago ka makasali dun sa elimination round. Nasa one hundred katao lang yung kukunin nila. After nun, may set of questions sila Dick at Amy. Mamimili ka sa apat na sagot, A, B, C, at D. Ang bad trip pa dun, papatayin nila yung mga contestants sa walang kakuwenta-kuwentang tanong tungkol sa mga scientific names ng mga bagay! Putangensis Inangensis!

Pero maniwala man kayo o hindi, NAKASALI AKO SA GAMESHOWS NG MTB.

Sabi nila, "Opportunity knocks only once". Isa sa mga security ng ABS-CBN ang tito ko kaya may "power" siya kung sino ang mga papapasukin sa MTB. Minsan tinanong niya ako kung gusto ko ba raw sumali sa "Pera o Bayong". To make things short, napadpad nalang ako sa game arena ng MTB.

Unang tanong nila Dick at Amy: Ano ang kalaban (kryptonite) ni Popeye?
Panis. Sisiw. Eh 'di BAWANG!
Second Question: Ano ang tagalog ng bracelet?

Letse, wala yung porselas sa choices! Hindi nga ako pinatay ng scientific names, namatay naman ako sa old Tagalog!

Umuwi nalang akong luhaan...

After mga ilang weeks, tinanong nanaman ako ng tito ko kung gusto ko naman daw sumali sa "Winner Take All". Ewan ko ba kung bakit gustung-gusto niya akong isali. Siguro akala niya ay matalino ako. Eh second time na ng buwisit na opportunity kaya ayun nanaman ako sa MTB Arena.

Iba ang larong ito. May fifteen contestants na bibigyan ng tig-ten thousand pesos. Magtatawag sila Amy at Dick ng dalawang contestants. Kung sino ang makasagot, sa kanya na yung pera ng natalo. Ganun kasimple.
Nung ako na yung tinawag, ang tanong: Kanino ang famous line na "What's Up, Doc?"

Heto nanaman, tungkol nanaman sa cartoons. De Javu. Siyempre alam ko yun, si Bugs Bunny!

Amy at Dick: "Correct! Play or Pass?"
May option kasing magpahinga at ipasa yung bola sa ibang contestants.
Jay: Pass nalang...

Kinabog agad yung puso ko na para akong aatakihin. Ganun pala ang feeling kapag nasa harap ka ngmilyun-milyong katao. Parang sasabog yung ulo mo sa pagkablangko! After ilang labanan, natawag ako ulit...one by one, napatumba ko ang mga tatlong contestants hanggang sa tatlo nalang kaming natitira. Isang matabang babae at isang long-haired na lalaking mukhang goon 'yung natitira. Sabi ko, heto na talaga si Opportunity. One Hundred Fifty Thousand Pesos plus One Million sa Jackpot Round. Here I come! 130k na yung pera ko eh.

Ang pamatay na tanong: Ano sa Ingles ang batok?
Siyempre, pindot agad ako sa buzzer. Sinabi ko kaagad yung sagot kasi baka maunahan pa ako ng kalaban.
Dick at Amy: Sorry but that's not the correct answer..

Binigyan ng chance yung kalaban ko. Mukhang 'di niya rin alam yung sagot. Kaso may nag-coach sa audience. Siya na panalo. Bad trip!

Umuwi nanaman akong luhaan. Dugo na ang ipinapatak! Sayang talaga!

Pag-uwi ko sa bahay, aasarin ka pa ng mga kakilala. Lintik, isang linggo din akong hindi pinatulog ng gameshow na 'yon.

Truly a life-changing experience. Tinalo pa nito yung time na nag-take ako ng Board Exams.

Hulaan niyo ang sinagot ko.



3 comments:

  1. Hayaan ml charge to experience yan! At least hindi ka na nakipagpatayan pa makuha lang sa BIGATEN! Ako kasi OO,hahahha

    Ingat!

    ReplyDelete
  2. parekoy, salamat sa pag-comment kahit na medyo luma na itong entry. yup, "experience is the best policy". hehehe. ilan ba naptay mo para makasali sa wowowee?

    peace tayo bro!

    ReplyDelete
  3. haha..habang nagkukwento ka pakiramdam ko ako ang contestant..nice one bro.pwedeng malaman ang sinagot mo hehe?

    ReplyDelete