Friday, May 14, 2010

Aerosmith Chick

 
Noong Dekada No Benta ay nagkaroon ako ng girlfriend na talaga namang pinagpantasyahan ng lahat ng kabataan. Sayang nga lang at 'di kami nagtagal dahil naging hectic siya sa kanyang celebrity life. Ang agreement namin noong una ay magkakaroon pa rin siya ng quality time sa akin para hindi makaapekto ang pagsikat niya sa aming relationship. Pero nabigo kaming i-save ang sinimulan namin nang sobra na siyang sumikat as "the Aerosmith Chick". Sino ba namang teenager at mga gurang ang hindi naglaway sa ex-gf kong si ALICIA SILVERSTONE? Mga ka-dekads, "a-lee-see-yah" ang tamang pag-pronounce sa name niya just in case na hindi mo lang alam.

Una siyang nasilayan ng mga Pinoy sa video na "Cryin'" nila Steven Tyler. Talaga namang mabibighani ka sa alindog ng mahal ko kapag nakita mo ang kanyang mala-anghel na mukha habang nakakagat-labi. Sa sobrang ganda niya ay naging successful hindi lang para sa kanya ang video kundi sa Aerosmith na din. Naging isa sa mga hottest vids sa MTV ito na inaabangan hindi lang ng mga kalalakihan kundi pati ng mga chika babes. Naaalala ko pa ang pinsan kong si Bambie na talagang naghanap pa sa Pink Soda ng medyo kahawig na dress na suot ng ex ko sa video. Tungkol ito sa isang gurl na nahuling nambababae ang bf niya kaya akipag-breakup siya tapos nag-enjoy mag-isa - nandyang nagpahikaw siya sa pusod, nagpa-tatoo sa dibdib, at tumalon sa flyover! First time yata sa music vids na may nag "middle finger" na character, hindi ko lang sure.

After ng success ng "Cryin'" ay ibinida siya ulit ng Aerosmith sa video na "Amazing" na  next single from "Get a Grip". Tungkol naman ito sa isang binata na na-adik sa virtual reality at na-obsess sa ex ko nang napanood ang first video. Cool pa ang idea ng VR dati, sabi ko nga sa sarili ko ay bibili rin ako nito kapag yumaman ako para mapagana ko rin ang imagination ko kasama si Alicia. Ang lufet ng mga pinaggagawa nila dito sa videong ito. Saktong-sakto talaga 'yung pagsirit ng cola sa straw mula sa nasaging tumbler habang nandun na sa scene na naghahalikan sila sa motorsiklo. Panoorin niyo na nga lang 'yung video para maintindihan niyo ako. Nandiyan naman si pareng Youtube para matulungan kayo sa ikinukuwento ko. 

Ang last na pinagbidahan niya sa Aerosmith videos ay ang single na "Crazy" off the same album. This time, kasama na ni Alicia ang anak ni Steven na si Liv Tyler. Mas hot ang mga eksena dito dahil dalawang diyosa na ang makikita mo! Tungkol naman ito sa misadventures nila nang mag-cutting classes. Tulad ng mga naunang videos ay successful din ito at nag-top sa charts noong nineties.

Ang una talagang time na nakitaan ng potential si Alicia ay sa 1993 debut movie niyang "The Crush", isang thriller na tungkol sa isang gurl na na-obsess (ala Stephen King's "Misery") sa professor niya. Kami pa noong time na ginagawa ang film at ayoko talagang payagan siyang magpakita na "butt-naked" sa isang scene kaso integral daw sa film kaya pinagpilitan niya. Ito ang naging cause ng tampuhan namin kaya hindi ko siya sinamahan sa MTV Movie Awards Night kung saan nanalo siya for "Best Villain" at "Breakthrough Performance". Nominated din siya that night for "Most Desirable Female" na hindi ko na ikinagulat. 

Ang pinaka-successful na movie niya sa lahat ay ang 1995 summer film na "Clueless" where she portrayed the role of Cher Horowitz na isang superyaman, superganda, at superkikay na babae all combined in one character.With taglines na "Sex. Clothes. Popularity. Is there a problem here?", talagang naka-relate ang younger generations kaya na-appreciate ang movie na ito. Bago pa man nagustuhan ang "Legally Blonde" ni Reese Witherspoon ay naging darling at peyborit na siya ng mga kababaihang fashion victims! Ito lang din naman ang pelikula na nagpauso ng mga expression na "whatever", "as if", at "solid"! Dito na siya umarangkada sa MTV Movie Awards for winning titles "Best Female Performance" at "Most Desirable Female".

During the same year, lumabas naman siya sa isang movie entitled "The Babysitter". Isa itong erotic thriller naman na naka-center sa isang character na pinagpapantasyahan ng tatlong kalalakihan. R-18 ito nang ipalabas sa Pinas at panahon ng mga pelikula ng Seiko Films. Iba ang poster na pinakalat sa mga sinehan para mag-click ito sa mga manyakis. Sa Diamond Theatre pa namin ito napanood ng mga tropa kong sila Nezelle at Mathew dahil ayaw kaming papasukin sa Ali Mall (mga babyface kasi kami kahit eighteen na). Wala namang serious sexy scenes, kaya nagtataka ako kung bakit ganun nalang ang pag-censor sa pelikula dati. Hindi tuloy siya nag-click sa masa dahil puro mga kalalakihan lang ang nanood nito. Nasundan ng isa pang medyo seryosong pelikula si Alicia noong 1996. "True Crime", isang thriller din tungkol sa isang babae na mahilig sa mga detective novels. Napanood ko rin ito sa Cubao, at tulad ng Babysitter ay hindi ito nag-click sa masa.

Ang pinakaayokong role na ginampanan niya ay as "Batgirl" sa "Batman and Robin" kasama sina George Clooney at Chris O' Donnell dahil hindi bagay sa kanya 'yung role. Pinanood ko lang ito siyempre dahil sa may pinagsamahan kami. Nakatanggap tuloy siya ng "Worst Supporting Actress" sa Golden Raspberry Awards. Buti nalang ay bumawi siya sa "Excess Baggage", a dark comedy na kauna-unahang film under her First Kiss Productions. Kahit na wala itong awards na nakamit, isa ito sa mga personal favorites ko. Hanggang ngayon ay buhay pa ang VCD copy ko nito sa bahay.

Tinapos niya ang nineties sa release ng 1999 romantic comedy film "Blast From the Past" with Brendan Frasier. Isa rin ito sa mga peyborits ko sa mga nagawa niyang pelikula. Tamang cool  lang and "feel happy" movie. Bagay na bagay ang chemistry nila sa story.

Nang pumasok na ang milenyo ay medyo nawalan na kami ng communications sa isa't isa. Hindi ko na rin nasubaybayan ang iba niya pang projects dahil nakapag "move on" na ako together with my labs. Pero in 2002, may lumabas na teaser ang Kamiseta clothing na "Who is the next Kamiseta girl? Is she clueless? Or could she be a bat of a girl?" At hindi nga ako nagkamali na siya ang bagong model dahil tinawagan niya pa ako para lang ibalita ang pag-accept niya sa isang Pinoy product!

Wala na ako masyadong balita sa kanya kundi ang pagiging animal at environmental activist niya. Isa siyang supporter ng PETA at ang huling kita ko sa kanya ay ang pag-pose niya ng nakahubad in support sa pagiging vegan niya. Kanina ay tinext ko siya about this entry. Dapat written in English ito para maintindihan niya kaso nagbago isip ko dahil 'di siya nagreply!





8 comments:

  1. Steven Tyler rocks!!!

    For Alicia Silverstone, well sino ba ang di nakakaalala sa aerosmith music video na yan?-Classic!!!

    Accdng to wiki, active pa rin naman sya and has an upcomimg movie this year along with Alien star, Sigourney Weaver. :D

    ReplyDelete
  2. kalabaw lang ang tatanda kung itatapat kay steven tyler and the rest of aerosmith! every album is a new beginning!

    klasik talaga ang tatlong vids ng ex kong si alicia. the best of the 90's! thanks for the oinfo on her new movie with sigourney. aabangan ko 'yun!

    salamat sa pagdaan.

    ReplyDelete
  3. Salamat sa post na ito. Crush ko din yan si Alicia.

    Nag two time pala siya sa atin.

    =)

    ReplyDelete
  4. whaaat?! 'di pala siya naging loyal sa'kin! ampf

    ReplyDelete
  5. Aabangan ko yung bago movie nya this year...
    tama ka, kakagigil itong si Alicia, lalo na pag naka kagat labi...

    ReplyDelete
  6. yodz, ang dami ring nag-comment sa FB na nanggigil sila sa lips ni alicia. siguro dapat kong lagyan itong entry ng subtitle na "kagat-labi"!

    ReplyDelete
  7. hahaha.. isa rin ako sa mga talagang nahumaling kay alicia.. naalala ko pa highskul ako yung room ko puno ng posters ng mga banda, Nirvana, Sepultura, Pantera and the likes.. pero on one corner, meron akong posters dun ni alicia.. maghahanap pa ko sa market nun, pag may kamahalan didilehensya sa magulang para mabili yung poster.. haha nice one no benta..

    ReplyDelete
  8. pareho tayo parekoy, napuno rin ng posters ang dingding namin. pero 'yung pictures at posters ni alicia, sa cabinet ko iilalagay para walang ibang makakita. selfish ako eh. gusto ko sa akin lang siya \m/

    ReplyDelete