Noong bata pa ako ay gustung-gusto kong may nag-iinuman sa bahay dahil ang daling manghingi ng pera sa mga tomador. Siyempre kapag may amats na si erpats at mga katropa niya, payabangan na sila sa pagbunot ng limang pisong papel mula sa kanilang mga Seiko Wallets. Naniniwala ako na ito ay talagang masuwerte dahil hindi nauubusan ng pera kapag pasiklaban na ng mga lasenggo. May aastig pa ba kung ang tatak ay genuine at international pa ang mga designs?
Kapag maingay na sila dahil sa mga pinatumba nilang bote, titingin na ang ermats ko sa kanyang Seiko wristwatch at sisigaw na ng "Tama na yan, magpatulog na kayo!".
Nang magbinata na ako at may sarili nang Seiko Wallet at Seiko 5, nagsimula na ring magpumiglas ang mga hormones ko sa katawan. At parang nakisama ang tadhana, pinakilala sa kamunduhan ko ang SEIKO FILMS.
Ooops, stop ka muna dito. Kung sa tingin mo ay nasa legal age ka na, sige isagad mo na.
Hindi na kakaiba ang porno ngayon. Puwede ka nang makapanood nito na parang bumibili lang ng isusubo mong lollipop mula sa tindahan ni Aling Nena. Bago pumasok ang Dekada No Benta, may mga pelikula na noon na nagbibigay kiliti sa mga manonood na ang majority ay ang mga sabik na kalalakihan. Sino ba naman ang 'di makakalimot sa mga bomba stars na ipinangalan sa mga softdrinks tulad nila Sarsi Emanuel at Pepsi Paloma? Hindi ko sila makakalimutan dahil pangalan din sila ng mga bitches namin na tagabantay ng bahay noong totoy pa ako.
Sinimulan ni Robbie Tan ang Seiko Films bandang 1984. Success ang inabot niya sa pelikulang "Goodah" na bida ang trio nila Tito, Vic, and Joey. Dahil doon, naging major movie producer ang company niya ka-level ang Regal at Viva Films. Sa production niya nagkaroon ng pangalan ang mga artista tulad nila Jestoni Alarcon, Cesar Montano, at Rita Avila. Sa kanila nanggaling ang mga pelikulang "Mahiwagang Singsing", "Natutulog Ba Ang Diyos", at "Machete: Istatwang Buhay".
Sinimulan ni Robbie Tan ang Seiko Films bandang 1984. Success ang inabot niya sa pelikulang "Goodah" na bida ang trio nila Tito, Vic, and Joey. Dahil doon, naging major movie producer ang company niya ka-level ang Regal at Viva Films. Sa production niya nagkaroon ng pangalan ang mga artista tulad nila Jestoni Alarcon, Cesar Montano, at Rita Avila. Sa kanila nanggaling ang mga pelikulang "Mahiwagang Singsing", "Natutulog Ba Ang Diyos", at "Machete: Istatwang Buhay".
Pagpasok ng kalagitnaan ng nineties, tumamlay ang movie industry sa paggawa ng mga quality na palabas. Nagsawa na rin ang mga Pinoy sa kakapanood ng slapstik, mga teen love teams, at mga pelikula na laging may signature dance and sing intermissions.
Kung puro tragedy at massacre movies ang pinauso ng National Artist (daw) na si Direk Carlo J. Caparas, ginastusan naman ni Mr. Tan ang mga low-budgeted soft porn flicks na halatang "pito-pito" rin na ginawa lang sa bakuran ng kapitbahay nila.
Sex Trip (ST) at Titi-llating Films (TF) ang pinauso ni Robbie. Dito naging sex symbols sila Rosanna Roces (dating Ana Maceda), Priscilla Almeda (dating pa-tweetums na Abby Viduya), at Natasha Ledesma.
Sa pagdami ng mga "malalaswang palabas", naging kalaban nila ang MTRCB na ang chairman noon ay si Manoling Morato. 'Di siya sang-ayon pero wala siyang magawa kundi ipalabas ito "with cuts" at may rating na R-18: For Adults Only.
Nang pinalabas ang "Patikim ng Pinya", na dapat daw ay "P (puki) nya", nagkayayaan kami ng mga klasmeyt ko na manood nito sa SM Sta. Mesa. Nakabili kami ng ticket, walang problema. Pero hinarang ako ng nagbabantay sa pintuan. Bata pa daw ako. Paksyet. Pinakita ko yung ID ko sa UST kaso 'di pa rin pumayag. Siguro dahil baby face lang talaga ako at maliit pa ang hinaharap dahil 'di pa ako nakaka-graduate that time. Umuwi nalang akong luhaan. Sabi ko sa sarili ko ay aantayin ko nalang yung sequel nitong "Tikman Mo Ang Biko".
Magaling na producer ang Seiko. Parang kada buwan ay nakakapagpalabas sila ng isang nagbabagang flick. Kung dati ay kailangan ng sex sa istorya, noong panahong yun ay kailangan ng istorya ang sex. Walang maisip na storyline - may babaeng naliligo sa batis o sa tabing dagat, tapos dadating si lalaki dahil 'di na makatiis sa pamboboso. Papalag sa una pero bibigay din dahil nasarapan. Cut!
At saan ka ba naman makakakita ng mga titles na "Itlog", "Talong" at "Kangkong"? Napaka-naughty at very suggestive na pamagat. Sana ay nagkaroon din ng "Longganisa" at "Kamatis"! At least may creativity pa rin. May nagustuhan akong title pero hindi sa Seiko..."Kainan sa Highway". Buti nalang at 'di natuloy ang sequel nitong "Sibakan sa Ere", kundi ay nahulog na ako sa silya sa kakatawa!
Yung ibang titles, medyo maayos tulad ng "Halimuyak ng Babae" na obvious namang tinagalog na "Scent of a Woman", "Mga Nagbabagang Labi", "Sariwa", "Mabango", at "Nang Mamulat si Eba".
At kung may maayos, siyempre ay may mga garapal din naman tulad ng "Anakan Mo Ako", "Di Mapigil Ang Init", at "Exploitation".
Marami pang comedy titles galing sa ibang productions pero mawawala ako sa topic ko kaya isangguni niyo nalang kay pareng google kung gusto niyo pang tumigas ang mga braso niyo.
At aminin mo sa sarili mo na kundi ginawang "nakakael" na mga soundtracks ang mga kantang "Careless Whisper" at "The One I Love", hindi mo ito ngayon gagawing ringtone ng celfone mo. Genius ang musical director dahil timing na timing ang pagpasok ng music sa paghuhubad ng kamison at paggiling ng katawan ng starlet.
Sa sobrang lagkit at umaapaw na katas ay nagsawa rin ang mga noypi at nagising sa hubad na katotohanan. Salamat kay Bathala at tinapos Niya ang mga ito kasama ang mga masaker movies bago pumasok ang milenyo.
Nakakaaliw talaga ang mga palabas noong dekada nobenta. Sa sobrang ganda nito, 'di ginawang mga torotot ang films na ginamit bagkus ay na-preserve ng matagal. Pumunta ka sa kahabaan ng Quiapo at Recto, tiyak na may mumurahing sinehang nagpapalabas ng "double-feature" ng mga pelikulang nabanggit ko. Sa'n ka pa, kahit ilang beses nang na-raid ng Bitag, pinuputakti pa rin ng mga manyakis.
Talagang "IF IT'S FROM SEIKO, IT MUST BE GOOD"! Aaaaahhhhh......
No comments:
Post a Comment