Showing posts with label aerosmith. Show all posts
Showing posts with label aerosmith. Show all posts

Monday, April 29, 2013

Bad Boys From Boston


"Isa kang Batang 90's kung alam mo ang grupong nagpasikat kay Alicia Silverstone."

Kaninang umaga ay gumising akong may ngiti sa aking mga labi dahil napanaginipan ko kagabi ang konsyertong magaganap ngayong darating na May 8, 2013 sa Mall of Asia Arena. Matagal ko nang nakikita sa internet ang mga petisyong dalhin sa ating bansa ang tinaguriang "The Bad Boys From Boston" upang magtanghal. Salamat sa Pulp Live World, ang pangarap na mapanood sa Pinas ang AEROSMITH ay mabibigyan na ng katuparan!

Hindi katulad noong pinanood namin ni misis ang muntik nang hindi matuloy na konsyerto ng Smashing Pumpkins kung saan ay nasa upper box kami, sa harapan ako nakapwesto sa aking panaginip upang makipagrakrakan kila Steven Tyler. Kahit na sobrang mahal ng halaga upang makabili ng ticket para sa "Ultimate Aerosmith Experience VIP" ay hindi ko na ito inangal dahil ang grupong ito ay tinagurian ding "America's Greatest Rock and Roll Band" at "The Best-selling American Rock Band of All Time" na nakapagbenta ng 150 milyong pinagsasama-samang dami ng kopya ng kanilang mga albums. Oo, mahal ang kanilang talent fee para sa "The Global Warming World Tour"- Php2600, Php5700, Php12500, Php15500, at Php20000 lang naman.

Pagkatapos tumugtog ng Rivermaya bilang front act, ay umangat ang mga platforms ng bawat miyembro. Kitang-kita sa malaking screen ang kamay ng lidista nilang si Joe Perry na kakaskas na sa gitara. Bumilang sa pamamagitan ng drumsticks si Joey Kramer kasabay ng pagsambit ng  "1...2...3..." at bigla nilang tinugtog ang alarm tone kong "In Bloom" ng Nirvana.

Epekto ito ng kasabikan.

Friday, May 14, 2010

Aerosmith Chick

 
Noong Dekada No Benta ay nagkaroon ako ng girlfriend na talaga namang pinagpantasyahan ng lahat ng kabataan. Sayang nga lang at 'di kami nagtagal dahil naging hectic siya sa kanyang celebrity life. Ang agreement namin noong una ay magkakaroon pa rin siya ng quality time sa akin para hindi makaapekto ang pagsikat niya sa aming relationship. Pero nabigo kaming i-save ang sinimulan namin nang sobra na siyang sumikat as "the Aerosmith Chick". Sino ba namang teenager at mga gurang ang hindi naglaway sa ex-gf kong si ALICIA SILVERSTONE? Mga ka-dekads, "a-lee-see-yah" ang tamang pag-pronounce sa name niya just in case na hindi mo lang alam.