Saturday, May 1, 2010

This Sucks

"Isa kang Batang Nineties kung nalaman mong cool ang maging bobo nang makilala mo sina Beavis & Butthead."

Noong unang panahon ay naimbento ang teevee. At dahil sa lufet ng epekto ng tele-bisyo ay sumulpot sa MTV ang dalawang pinakabobong tao sa balat ng lupa. Sino ba naman ang Batang Nineties ang hindi makakakilala sa dalawang engot na ito? Malamang ay wala. Kung meron man, malamang ay Teletubbies at Barney the purple paksyet ang pinapanood nila noong panahon namin.

Unang ipinalabas ang BEAVIS AND BUTT-HEAD sa Liquid Television, isang show na nagpi-feature ng mga short animated films. Si MIKE JUDGE ang salarin sa cartoon na ito na humakot ng milyon-milyong cult following. Dahil dito ay naging regular show ito sa Music Television na nag-umpisa noong March 8, 1993.

Sa totoo lang, hindi ko napanood ang pilot episode nito. Medyo late na nang mapanood ko sila sa isang episode ng    "MTV's Headbanger's Ball". Ibinalita ni VJ Danny McGill na may lalabas na album entitled "The Beavis and Butt-Head Experience (November 3, 1993)" featuring rockstars like Nirvana, White Zombie, Megadeth, at Red Hot Chili Peppers na mga peyborits ko. Matapos ang announcement ay ipinakita ang "Frog Baseball" (September 22, 1992)", ang una sa magiging two hundred episodes na tatakbo ng seven seasons. Unang kita ko pa lang sa kanila ay alam kong magiging die-hard fan nila ako kasama ang mga utol kong sila Pot at Jeff, kaklase, barkada, at pati na ang ermats at erpats ko. Tuwing gabi, sama-sama kaming nanonood sa bahay para abangan ang "pinaka-cool" na duo sa teevee.


Noong unang mapanood ng nanay ko ito ay talaga namang nabuwisit siya. Bukod sa napakapangit na itsura ay sino ba naman ang hindi maaasar sa boses nila? "Boses kiki" (nakarinig ka na ba nito?) si Beavis habang si Butt-Head naman ay parang may bad case ng sinusitis o baradong ilong. Sisimulan niya ng "Uhhhh..." ang sentence at tatapusin ito ng "Uh huh huh..". Sa mga clueless, panoorin niyo sila sa Youtube para maka-relate kayo sa amin. At sa mga foillowers, alam naman nating lahat na ang boses nila ay parehong nanggaling kay idol Mike Judge. Just in case na curious kayo sa mukha niya ay naglagay ako ng litrato niya na nakalap ko sa internet sa tulong ni pareng Googs. Hindi naman pala siya mukhang mabaho tulad ng naiisip ni ermats kapag napapanood ang mga kumag.

Minsan tinanong kami ni Pot ng aming nanay kung bakit ang hilig naming panoorin ang cartoons na ito kahit na panay replay. Ang sagot namin ay "cool kasi". Paano daw naging cool eh puro kabobohan at katarantaduhan ang ipinapalabas. Hindi raw cool yun. Sabi naman namin ay hindi ito "cool as in cool" kundi "cool" lang. Kailangan daw bang maging stupid para maging "cool"? Sabi naman namin ay hindi pero "cool" na napapanood ang katangahan. Hanggang sa nakulitan nalang siya at 'di na nagtanong. Parang napanood ko na ang ganung eksena - try niyong hanapin ang "Homerpalooza" episode ng "The Simpsons", nandito ang kasagutan kung bakit "hindi cool" sa mga kabataan ang "mga cool" na bagay para sa mga parents.

Pero bakit nga ba kami na-adik sa dalawang mokongs na ito? Tumatakbo lang naman ang buhay nila unang-una sa television. Sunod dito ay ang pangtatarantado nila sa lugar ng Highland. Wala sa intensiyon nila ang mga ginagawa nila pero naging perwisyo sila sa buhay ng kapitbahay nilang si Tom Anderson, teacher nilang si David Van Driessen na bukod-tanging may concern sa kanila, school principal nilang si McVicker, PE teacher nilang si Coach Bradley Buzzcut, klasmeyt na si Daria Morgendoffer, kriminal na si Todd Lanuzzi,   at ang nerdy kid na si Stewart Steven na feeling bestfriend nila. Bukod dito ay ang everyday life nila kasama ang burritos at nachos, pagtatangkang "maka-score sa chicks", heavy metal music, kumita ng pera, at lahat ng "cool" na bagay sa mundo.

Sa suot pa lang nila ay obvious namang rockers sila tulad ko. Kaya nga mas lalo silang nalapit sa nabibingi kong tenga. Makikita mo si Butt-Head na nakasuot ng "AC/DC t-shirt" habang si Beavis naman ay may suot na "Metallica t-shirt". Hindi tulad ni Stewart na nakasuot ng "Winger" na para sa kanila ay isang "wuss" band. Minsan, ang suot nila naman ay "Skulls" o "Death Rock" t-shirts dahil sa copyright issues.

Sa kanila nagasgas ang mga salitang "cool" at "sucks" pero marami rin silang naimbentong salita. Kasama sa listahan ang "asswipe", "dillhole", "buttmunch", "bunghole", "chode-smoker", at "assmunch". Medyo pervert din sila dahil natatawa sila sa mga salita tulad ng "load" at "nuts". Mga manyakis lang ang makakasakay sa mga adik na ito.

Marami akong episodes na paborito. Sa dalawangdaan na nagawa ni Mike, peyborit ko sa lahat ang "No Laughing" episode kung saan binigyan sila ng isang week na bawal tumawa. Ang malufet, bawal sila tumawa sa sexual education ni Coach Buzzcut. Eh ano ba naman ang gagawin nila kapag narinig nila ang mga salitang sexual intercourse, masturbation, at pubic hair? Riot! Isa pa sa mga personal favorites ko ay ang "Nosebleed" episode. Halos mamatay na si Beavis sa balinguyngoy pero tawa pa rin ng tawa si Butt-Head. pamatay 'yung tumawag siya sa 911 tapos sinabi ng operator na hindi emergency ang nosebleed. Lastly, 'yung  "The Mystery of Morning Wood". Alamin niyo nalang kung ano ang ibig sabihin nito. Sigurado naman ako na alam ito lahat ng kalalakihan pero hindi lang alam na ito pala ang slang para sa ganun!

May isa pa akong paborito sa cartoon na ito, si The Great Cornholio. Ito ang alter-ego ni Beavis kapag nasosobrahan siya ng kain ng mga foods na may caffeine at sugar. Itataklob niya ang t-shirt niya sa ulo niya tapos mukhang adik na gagala sa kung saan niya gusto. Sa episode na "Vaya Con Cornholio" ay napagkamalan siyang illegal immigrant kaya pina-deport siya papuntang Mexico. "I need T.P. for my bunghole" ang famous line ni Cornholio.

Ang kada episode ay maikli lang talaga. Usually, tumatagal lang ito ng two to three minutes. Ang isang show ay umaabot naman ng thirty minutes. Equivalent nito ang dalwang episodes. Kaya naman tumatagal ng kalahating oras ay dahil sa isinisingit ng mga music videos na ino-okray nila. Maraming videos ang napintasan na nila para isa-isahin ko pero ang "cool" sa ginagawa nila ay kini-criticize nila 'yung mga videos kahit na hindi naman nila talaga alam ang history, o 'di naman nila talaga kilala, o kaya naman minsan ay based lang sa video mismo. Feeling "matalino" sila kapag nanonood lalo na si Butt-Head. Nakakatawa talaga kapag nilalait nila ang 80's "hair bands" at ang mga katulad nila Yanni, Michael Bolton, Milli Vanilli, at Vanilla Ice. Gusto ko naman 'yung positive review nila sa mga naglalaplapang kabataan sa video ng "Today" ng Smashing Pumpkins.

Violent talaga ang palabas na ito. Sa episode na "Comedians" ay sinunog ni Beavis ang isang building. Medyo pyromaniac siya eh. Ito daw ang "Fire! Fire!" episode na naging dahilan para sunugin ng isang five-year old ang trailer nila sa Moraine, Ohio. Simula nito ay ipinagbawal ang salitang "fire" sa lahat ng episodes nila.

Dahil sa kasikatan ay nagkaroon pa ng movie ang dalawang engot, ang "Beavis and Butt-Head Do America". Medyo hindi click sa Pinas pero isa ako sa mga nagpursigeng mapanood ang dalawa sa big screen. At least ay nakilala ko ang "mga tatay nila" na hawig na hawig nila. Bigatin lang naman ang mga voice-over dito tulad nila Bruce Willis, Demi Moore, Cloris Leachman, Robert Stack, Eric Bogosian, Richard Linklater, Greg Kinnear (in an uncredited role), at David Letterman. Search niyo ang torrent nito sa internet dahil kapg napanood niyo ang pelikulang ito ay parang napanood niyo na rin ang  history nilang dalawa. For a die-hard fan like me, masasabi kong pinag-tagpi-tagpi lang na episodes ang palabas sa sinehan. Parang 'yung time na ginawaan ng pelikula ang "Mari Mar". Pero kahit na ano ang mangyari, isa ito sa mga da best na pangyayari sa pop culture.

Nang dumating  na ang time na medyo nagsasawa na ang tao at nag-iiba na ang taste ay napagdesisyunan nang tapusin ang dalawa. Ang pamagat ng final episode na ipinalabas noong November 28, 1997 ay "Beavis and Butt-Head Are Dead". Hindi na pumapasok ang dalawa sa school kaya nag-alala si Mr. Van Driessen. Pinatawagan sa secretary ang bahay nila Beavis at tiyempo namang si Butt-Head ang sumagot sa telepono. Sinabi niyang patay na sila Beavis ang Butt-Head. Nang malaman ang balita ay nag-celebrate si Principal McVicker kasama ang lahat ng naperwisyo nila sa buhay. Umiyak ako dahil last ko nang makikita ang mga kamukha ko.

If stupidity is bliss, Beavis and Butt-Head are the happiest persons in the world.




10 comments:

  1. Base!!!

    Paborito ko ang Beavis and Butthead, kahit paminsan di ko alam ang mga sinasabi nila. Meron akong album nung "the beavis and butthead experience"

    cool tong post mo! =)

    ReplyDelete
  2. pareho tayo, meron din akong cassette tape ng "the beavis and butt-head experience".

    salamat sa pagdaan bro!

    ReplyDelete
  3. Hi po!! Hindi ko napanood yan sa t.v , nakilala ko lang sila dahil may laro sa comp. namin noon na sila ang bida. At puro kalokohan ang pinaggagawa nila.hehehe.

    ReplyDelete
  4. darklady, welcome sa aking mumunting tahanan. nakuwento at nabasa ko nga na nagkaroon ng video game ang dalawang kumag pero 'yun naman ang hindi ko nasilayan o nalaro.

    tanungin mo nalang ako tungkol sa episodes....

    ReplyDelete
  5. haha kamukha ng dalawang ito yung mga kakilala kong kaklase ko noong elementary

    ReplyDelete
  6. haha. ako kamukha ko si butt-head. at ang barkada ko namang si nezelle ay kamukha si beavis!

    ReplyDelete
  7. husay! beavis and butthead! hahaha mahusay no-benta.. laking 90s ako kaya nasubaybayan ko ang dalawang bugok na to.. rock and roll kaibigan!

    ReplyDelete
  8. malufet talaga ang dalawang bugok na 'yan. kahit na ulit-ulitin ko silang panoorin ay 'di ako nagsasawa sa kalokohan nila. rakenrol parekoy! mabuhay ang mga batan 90s!

    ReplyDelete
  9. sir,plano na daw i-revive to ng mtv. mga reality shows naman daw pagti-tripan nila.

    ReplyDelete