Showing posts with label butt-head. Show all posts
Showing posts with label butt-head. Show all posts

Saturday, May 1, 2010

This Sucks

"Isa kang Batang Nineties kung nalaman mong cool ang maging bobo nang makilala mo sina Beavis & Butthead."

Noong unang panahon ay naimbento ang teevee. At dahil sa lufet ng epekto ng tele-bisyo ay sumulpot sa MTV ang dalawang pinakabobong tao sa balat ng lupa. Sino ba naman ang Batang Nineties ang hindi makakakilala sa dalawang engot na ito? Malamang ay wala. Kung meron man, malamang ay Teletubbies at Barney the purple paksyet ang pinapanood nila noong panahon namin.

Unang ipinalabas ang BEAVIS AND BUTT-HEAD sa Liquid Television, isang show na nagpi-feature ng mga short animated films. Si MIKE JUDGE ang salarin sa cartoon na ito na humakot ng milyon-milyong cult following. Dahil dito ay naging regular show ito sa Music Television na nag-umpisa noong March 8, 1993.

Sa totoo lang, hindi ko napanood ang pilot episode nito. Medyo late na nang mapanood ko sila sa isang episode ng    "MTV's Headbanger's Ball". Ibinalita ni VJ Danny McGill na may lalabas na album entitled "The Beavis and Butt-Head Experience (November 3, 1993)" featuring rockstars like Nirvana, White Zombie, Megadeth, at Red Hot Chili Peppers na mga peyborits ko. Matapos ang announcement ay ipinakita ang "Frog Baseball" (September 22, 1992)", ang una sa magiging two hundred episodes na tatakbo ng seven seasons. Unang kita ko pa lang sa kanila ay alam kong magiging die-hard fan nila ako kasama ang mga utol kong sila Pot at Jeff, kaklase, barkada, at pati na ang ermats at erpats ko. Tuwing gabi, sama-sama kaming nanonood sa bahay para abangan ang "pinaka-cool" na duo sa teevee.