"Isa kang Batang Nineties kung alam mong 'Kung walang knowledge, walang power'".
Ang yumaong Ka Ernie ang isa sa mga dahilan kung bakit ako nahilig sa mga trivia.
Mahigit apat na dekada rin ang itinagal ni ERNESTO BARON sa industriya ng broadcasting. Nagsimula siya bilang host ng isang general information program na “Gintong Kaalaman” sa DZAQ (DZMM Radyo Patrol 630 ngayon). Nang matapos ang administrasyon ni Makoy at bumalik ang ABS-CBN sa ere, mas nakilala siya sa “Knowledge Power” na may pagkahawig sa nauna niyang programa sa radyo. At dahil umaalingawngaw na ang pangalan niya sa mga Pinoy, naisipan ng higanteng network na gawing weatherman si Ka Ernie. Ilang paglabas pa lang niya sa teevee, mas lalong dumami ang kanyang tagasubaybay. Kung ang dating tagline ni Amado Pineda (ng GMA7) na “And that’s the latest from PAGASA” ang bukambibig ni Juan dela Cruz, napalitan ito ng “Kung walang knowledge, walang power” nang magsimulang mag-ulat si Ka Ernie.
Interesante kasi ang mga trivia na ibinabahagi niya matapos sabihin kung saan ang low pressure at inter-tropical convergent zone, at anong oras ang sunrise at sunset. Ang mga bata noon, nakikinig na sa weather report hindi para alamin kung walang pasok dahil sa bagyo, kundi para malaman ang trivia para sa araw na iyon. Kahit kami ng utol kong si Pot, die-hard fans. Grade six at grade three kami noong mga panahong iyon at hinding-hindi ko malilimutan ang isang trivia na talagang ‘di ko pinalagpas. Sabi niya kasi, bago matapos ang segment, tuturuan niya daw ang lahat kung paano mag-time travel. Eh potah, peyborit ang “Back to the Future” trilogy kung saan bida si Michael J. Fox. Noong sumunod na araw ay umuwi kaagad ako ng bahay (panghapon ako sa iskul bukol) para abangan ang ituturo niya. Excited na akong gumamit ng time machine. Salamat kay Ernie Baron, nalaman ko na kung saan ipinangalan ang pizza ng Jollibee, GREENWICH MEAN TIME o GMT. Tama pero paksyet. Idol ko na siya.
Bigla ring sumikat si Ernie Barong, ang spoof na ginagawa ni Vic Sotto sa “Television's Jesters” ng IBC13. Weatherman din ang karakter pero modelo at tagabenta ng barong Tagalog na may biyak sa likod!
Panahon noon ng brownout sa Metro Manila nang sumikat ang tinuring na “Walking Encyclopedia” ng Pinas at sakto ang kanyang radio program sa schedule ng pagpatay ng kuryente sa lugar namin. Buti nalang at may ever-reliable transistor radio si erpats. Kahit na baka magka-kilikili power kami sa init dahil walang electric fan, masaya ang bawat gabi kapag kami ay nakikinig sa kanya. Ang daming tumatawag doon para magtanong ng kung anu-ano. Merong trivial – kung sino ang nag-imbento, kung ano ang pinaka, sino ang sikat, anong hayop ang, at kung anu-ano pa. Sabi nila, kapag tumawag ka raw doon ay paghihintayin ka ng matagal bago mag live on air. Maraming natutuwa kay Ka Ernie pero may mga galit din. Sabi ng mga naninira, kaya raw matagal maghintay habang nagpapatugtog ng mga folk songs ay sa dahilang hinahanap niya pa ang sagot sa mga hardbound na encyclopedia na nakatago sa studio. Take note, wala pa si pareng Wiki noong mga panahong iyon. Ewan ko kung gaano ito katotoo. Pinilit ko ring tumawag doon para itanong kung anong tanong ang ‘di niya kayang sagutin kaso laging busy ang potang linya!
Kapag hindi mga general info ang tanong, mga tungkol naman sa mga sakit ang ibinabato ng mga callers. Ano daw ang gamot sa pagtatae. Ano daw ang gamot sa gonorrhea. Ano daw ang gamot sa asthma. Isa lang ang isasagot ng ating bida, “CLEANSING DIET”. Hindi ko gaanong alam kung paano gawin ‘yun pero nakadalo na si erpats at tropa niya sa Kamuning para alamin ang alternative healing method na iyon. Pag-uwi ng tatay ko, ang daming dalang mga dahon ng iba’t ibang halaman. Pitong piraso ng pitong klase ng dahon kaya tinawag itong “pito-pito”. Papakuluan mo ang mga ito at iinumin na parang tsaa. Nakinom ako nito nang hindi sinasadya. Galing ako sa galaan, uhaw na uhaw. Ugali ko na umiinom ng tubig mismo sa mga bote na nasa loob ng ref. Letsugas, hindi ko napansin na may kulay pala yung iniinom ko! Mapait ang beer at papaitan na paborito ko ngayon pero hindi ko kinaya ‘yung lasa ng 7-7! Kaya pala liliit ang tiyan mo doon dahil babaliktad ang sikmura mo at itatae mo ang lahat-lahat!
“Pumunta nalang kayo sa Kamuning...” ang sinasabi ni Ka Ernie sa callers kapag nakukulitan na siya sa mga humihirit pang magtanong ulit. Parang na-hypnotize naman si erpats dahil madalas siyang magpunta doon. At pag-uwi nanaman niya, may bagong gadget na dala. May pyramid siya na gawa sa aluminum. Meron ding pyramid hat na gawa sa plastik. Hindi ko kilala si Johnny Midnight pero siya daw ang pinagkopyahan ng idea. Tulad ng mga pyramids sa Egypt, may "healing power" daw galing kalawakan ang mga binebenta sa Kamuning. 'Yung aluminum na parang antenna ay puwedeng gamitin para gumawa ng keso at itlog na maalat, purified water, pang-charge ng battery, at para hindi pumurol ang mga bladed objects tulad ng kutsilyo. Kapag tapos ka na sa kusina, isabit lang ito sa taas ng lugar ng kama niyo para gumanda ang tulog at maging malusog.
Heto ang pinakapaborito ko - nag-aagawan kami ni Pot sa plastik na pyramid hat. Ilalagay mo ito sa ulo mo para daw tumalino ka. Mas okay daw ito gamitin habang nagre-review. Gusto ko nga sanang dalhin ito sa eskuwelahan kapag may pagsusulit pero ayaw ni ermats.
Bago pumanaw si Ka Ernie noong January 23, 2006, tumunog ulit ang pangalan niya bilang endorser ng Baron Antenna. Hindi ko na inalam kung ano ang espssyal dito dahil may satellite dish naman kami sa bahay. Sabi nila, pampalinaw daw ito ng Channel 2!!
Kahit na anong sabihin nila sa idol ko, siya pa rin ang pinakamatalino. Kaya nga hindi siya pinapasali sa "Game Ka Na Ba?" at iba pang pautakan game shows ng Dos.
Favorite ko yan si Ernie Baron napapauwi ako nang maaga tueing Sabado nun dahil sa Knowledge Power at may nabili rin kmaing gadget nya yung lampara na ipapalutang sa tubig na may mantika ang cool...
ReplyDeletenakabili rin kami nun. epektib dahil uso noon ang brownout!. ang kandilang di nauubos. astig. salamat sa pagdaan
ReplyDeletevery informative ito ah. dami ko nalaman. hmm. may biyak sa likod lols
ReplyDeletepaps, salamat sa pagdaan at pagcomment!
ReplyDeleteHangang hanga din ako dyan kay Ernie Baron sa katunayan meron syang picture sa aparador kong gawa sa palochina hihihi
ReplyDeleteSalamat sa pag follow :-D
meron din kaming picture ni ernie baron...naka-laminate pa nga! hehehe
ReplyDeletenaalala ko pa ung pyramid na pinapasuot nang tito ko sa mga pinsan ko... heheheh... saka ung cleansing diet...
ReplyDeletemarv, salamat sa pagdaan.. Di ka ba nagsuot ng pyramid hat? Ang galing mo sa pc eh! Peace.
ReplyDeletegaling naman ang haba pero informative..
ReplyDeleteyung sa baron antenna..indi po sa kanya yung idea na yung..ang tawag talaga dun eh yagi uda antenna. ang problema lang pang isang frequency lang nasasagap nun..in theory dapat kung channel 2 yung length configuration nya dapat 2 lang makikita mo..pero dahil indi naman nangyayari yung ganun eh pwede din masagap ang ibang channel malabo nga lang at 2 lang ang malinaw..
add nga ako sa facebook fan mo sir.
Sir mel, magkasing tanda pala tayo. Malamang ay pareho tayo ng trip sa buhay.
ReplyDeleteSalamat sa info mo tungkol dun sa antenna. Di ko na kasi nasubaybayan ang paggamit nun nang magkaroon na ng cable teevee. At salamat din sa pagsuporto sa fb!
ok talaga si ka ernie marami tyo matutuhan...at hindi cya ipokrito...genius cya...matagal na cya..veteran khit saan mo dalhin radyo or tv kya i mis lalo na kpangalan ko...
ReplyDeleteAyos to ah.. balik tanaw.. Naaalala ko din yung kay Vic Sotto na "Ako si Ernie Barong, may biyak sa likod" tapos iba't ibang barong din yung gimik niya nun.. ahehehe.. Pero iba si Ka Ernie, institusyon sa weather forecasting.. :)
ReplyDeleteIdol! Very informative talaga mga palabas nyan! Kaya nga nung bata pa ako ang hilig ko manuond ng mga Trivia ngayon mga documentaries naman.
ReplyDeleteser, salamat sa pagdaan at pagkomento. pareho tayo ng trip, trivia at dokyus. blogenroll!
ReplyDeleteI have been a fan of Ka Ernie. Dami ko rin natutunan sa kanya. Great post on reminiscing some of his inventions...
ReplyDeleteBaron antennae lang ang nagamit namin sa pamilya kasi nung nagpalipat lipat ng bahay ahahah.
salamat po sa pagdaan at welcome sa aking tambayan! sad to say, hindi kami nagkaroon ng baron antenna. :) gusto ko pa namang subukan yun!
ReplyDeleteYung Kuya ko bumili ng ERNIE FORM, hehehe! The best talaga si Ka Ernie, kasi dati tumatawag kami sa Radio hotline ng Knowledge Power, kapag tinatamad kaming gumawa ng assignment, we can easily get an instant answer from him, hehehe! Parang Steve Jobs siya ng Pilipinas! =)
ReplyDeletehaha..bangis,kakatuwa,tandang-tanda ko din yung time travel na sinasabi niya na yun,pabitin pa yung trivia niya lagi,hehe.nun pala 1 araw lang pala byahe lang pala pabaligtad ng eroplano haha..
ReplyDeleteNgayon lang ako nakapagbasa ng blogs mo. tawa ako ng tawa! Good work p're!
ReplyDeletenakarelate ako dun sa pyramid hat kasi gawain ko din yan nung elementary days ko... Salitan kaming magkakapatid sa paggamit, pag tapos na, sa tubig naman ipapatong para daw maging purified.. Fan kami nuon ni mang ernie.. :)
ReplyDeleteanyone knows the OST / soundtrack on his radio program? please let us know tia :)
ReplyDeletehello po, ask ko lang din kung nadiscuss dati kung aling dahon ang hindi kinakian ng kambing. thanks
ReplyDeleteLook-alike Of My Lolo Bienvenido Lagahid Jr. aka Kumander Ben of Philippine Constabulary (now Known as PNP)
ReplyDelete