Friday, January 20, 2012

Sampu't Sari: TNL Lil Z ng Hay!Men! at Tangina This!

LIL ZUPLADO
Hay!Men! at Tangina This!

Noong ako ay bata pa, may mga pamamaraan kaming ginagawa para malaman kung ang isang lalaki ay tunay na lalaki. Sa simpleng pagmamasid sa mga galaw ay masasabi mo raw kung tigas ang isang barako.

"P're, nakatapak ka ng tae."  

Subaybayan kung paano niya titingnan ang ilalim ng sapatos o tsinelas.

"Hoy, may dumi ang siko mo."  

Abangan kung paano niya titingnan ang siko.

"Pards, pwede nang taniman ng kamote ang loob ng mga kuko mo."  

Pagmasdan kung paano niya titingnan ang mga kuko.

"Bespren, inom ka muna ng isang basong Coke."

Tingnan ang hinliliit ng kanyang kamay na nakahawak sa baso.

"Sindihan mo na ng posporo itong susunugin natin."

Antayin kung saang direksyon ikakaskas ang palitong gagamitin.

SA ISANG BATANG NINETIES, ALAM NA ALAM ANG TUMPAK NA PAMAMARAAN NG TUNAY NA LALAKE SA MGA SCENARIONG NABANGGIT.

Malaki ang naging epekto ng kasaysayan natin sa pagpapahalaga sa pagiging tunay na lalake - magmula sa katapangan ni Lapu-Lapu, kabayanihan ng mga Katipunero, hanggang sa mga malulufet na kanta ng nag-iisang matulis na  Rico J. Puno, at kuwelang bangis ng Hagibis. Hindi mo masisi ang tatay, kamag-anak, o kapitbahay mo kung ilulubog nila sa drum na puno ng tubig at paaaminin kung bakla o lalaki ang kanilang anak na pipti-pipti dahil ang lahat ng Pinoy ay lumaking macho.

Noong unang panahon, ang mga tunay na lalake ay mahirap makilatis dahil ang mga "di-tunay" ay hindi lumalantad sa pangambang hindi sila matatanggap. May halong pagpapanggap. Sa panahon ngayong tanggap na ang pagiging binabae, mahirap pa ring malaman kung sino ang tunay na lalake dahil parang sa sobrang dami ng di-totoo ay nababahiran na ang imahe ng mga totoo. Ika nga nila, kapag nakakita ka ng guwapo, dalawa lang ang ibig sabihin -puwedeng siya ay babaero o 'di kaya naman ay ganap na kafatid na mahilig magpaganda.


Abril 2009 ay isinilang ang HAY!MEN! ANG BLOG NG MGA TUNAY NA LALAKE! SA PANAHONG NAKAKALALAKE! mula sa malikot na utak ng admin nitong si XYXO LOCO, ang kumpare at iniidolo ng iniidolo kong si Lourd De Veyra. Kung hindi niyo siya kilala, siya lang naman ang Carlos Palanca Awardee na lumikha ng "Mondomanila", "Responde", at "Gerilya".

Kapag adik ka sa blog, alam mo ang Haymen. Ito ang isa sa mga pinakasikat na blog sa Pilipinas. Napadpad ako sa kanilang tambayan dahil masyado akong na-curious kung bakit lahat ng blogroll ng mga paborito kong blogs ay may link papunta sa blog ng mga tunay na lalake. Kaya naman pala naging viral ang kanilang site dahil talaga namang malufet ang nilalaman. Ayon sa pinsan ni pareng Wiki, "Sa Haymen, pinagsasama-sama ang seksismo, parodiya, pang-uuyam, parikala at iba pang pamamaraan upang pagtawanan, alipustahin o batikusin ang iba't ibang personalidad.".

Sa Haymen, may tinatawag silang "Manifesto ng Tunay na Lalake (TNL)" at ito ang ilan sa mga sumusunod: (1) Ang tunay na lalake ay di natutulog. (2) Ang tunay na lalake ay di nagte-text-back, maliban na lang kung papasahan ng load. Gayunpaman, laging malabo ang kanyang mga sagot. (3) Ang tunay na lalake ay laging may extra rice. (4) Ang tunay na lalake ay hindi vegetarian. (5) Ang tunay na lalake ay walang abs.
 
Dahil sa kasikatan ng blog, ang nilalaman ng manifesto ay ginamit na ng The T-Shirt Project bilang disenyo ng kanilang ibinebentang pang-itaas. Nakitaan din si Aiza Seguerra ng t-shirt na may nakalimbag na Rule #3 ng manifesto.

Marami ang naaliw at natawa sa mga posts ng Haymen pero meron din namang mga seryosong (daw) bumatikos at ang dalawa rito ay sina Mykel Andrada at Danny Arao. Hindi ko na ikukwento ang punto nila dahil para sa akin ang isang satirical at humor blog ay hindi dapat sineseryo. Oo, seseryosohin mo ang laman pero para lang matawa ka at hindi para problemahin pa ang isyu na totoo namang nangyayari. Nagkaroon ng tugon ang Haymen sa usaping ito sa pamamagitan ng blog entry na pinamagatang "Hay!Men! ang daming galit sa atin!" kung saan nagpatuloy at nagwakas ang mga argumento.

Minsan nang nagsara ang Haymen. Oktubre 17, 2009, nagulat at nagluksa ang mundo ng blogosperyo nang ilabas ng Haymen ang entry na "Paalam, baby..." na may simpleng teksto na "It's not you. It's me.". Pero parang si McArthur, ito ay nagbalik sa internet noong Enero 27, 2010. Ang tunay na lalake ay hindi nagpapaalam tulad ni Pepe.

Ang mga bumubuo ng TNL blog ay ang mga tipo ng taong gusto kong makainuman. Kahit na walang pulutan, siguradong aabutin ng magdamagan ang kuwentuhan. Alam iyon ni Bro kaya itinadhana niyang makapanayam ko ang isa sa mga posters nila na si sir LIL ZUPLADO. Isang malaking karangalan ang mapagbigyan ako ng astiging guro at manunulat na isa sa mga utak ng TANGINA THIS! MOVEMENT na lumalaganap sa Pinas. Gusto ko ring magkaroon ng t-shirt na hindi nabibili pero dumarami.

Tama na ang kung anu-anong shit. Isa siyang certified Batang Dekada NoBenta at heto na ang wasak na wasak niyang kuwentong-karanasan:

1. Ano ang pinagkaiba ng mga TNL ng Dekada NoBenta sa mga TNL ngayon?

Kapag nagbukas ng radyo ang TNL ng 90s, hindi siya mahihirapang maghanap ng makalalakeng kanta. Hindi niya rin problema ang paghahanap ng makalalakeng pelikula pag nagpunta siya sa cinema. Sa VHS siya nanonood ng porn, at magaling siyang makipagphone sex sa landline. Nagkakandado siya ng kuwarto dahil kina Ina Raymundo at Carmina Villaroel.

2. Kung magsusuntukan sina Pong Pagong at Kiko Matsing, sino sa tingin mo ang matatalo at bakit? Sinong mascot (kahit hindi taga-Batibot) ang puwede mong ilaban ng patas sa mananalo sa kanila?

Mananalo si Pong sa round 1, by submission. Dahil alam nating may lahing ninja ang mga pagong, at ang mga matsing ay mahilig sa saging.

Si Jollibee ang ilalaban ko kay Pong. Pareho sila ng weight division, at kung naka-attend ka na ng Jollibee party, alam mong mataas sumipa si Jollibee at mahirap siyang i–take down.

3. Napanood mo ba ang pelikulang “Mistah (1994)” kung saan magkakasama ang Padilla Brothers na sila Rommel, Royette, Rustom, at Robin? Ano ang tatakbo sa isip mo kapag panonoorin mo itong muli at makikita si BB Gandanghari?

Padilla Brothers? 90s palang alam na nating Padilla Brothers and Sister yun. Tanungin mo pa si Carmina.

4. Masasabi mo bang mga TNL ang mga lasenggerong nagpapatayan sa videoke dahil sa kantang “My Way”? Naniniwala ka ba sa urban legend na ito ay isang sinumpang “killer song”? Magbigay ng Top 3 videoke songs ng mga DTNL.

Ang pagkanta ng My Way sa videokehan ay gawain ng tunay na lalake. Songs don’t kill people. I kill people. With songs.

Lahat ng kanta ay kantang pang-TNL, kung aawitin sa makalalakeng paraan. Pero mahirap dalhin para sa average TNL ang mga sumusunod:
          #1 "Ang Tipo Kong Lalake" ni DJ Alvaro
          #2 "Woman in Love" ni Barbara Streisand
          #3 "(You Make Me Feel) Like a Natural Woman" ni Aretha Franklin 

5. Naniniwala ka bang may sexual relationship sina Brutus “The Barber Beefcake” at Hulk Hogan na parehong sumikat sa WWF? Ano sa tingin mo ang epekto ng pasabog na ito ni ex-Mrs. Hogan sa mga Hulksters?

Trabaho lang ang lingkisan nina Hulk Hogan at Brutus sa WWF dahil walang eye contact. At sinumang talagang fan ni Hulk Hogan ay alam kung anong klaseng tao si Linda Hogan.

6. May katotohanan ba ang ang lyrics ng kanta ni L.A. Lopez na “Ang batang lumaki sa sinturon, hindi na lalaki…”? Sa tingin mo ba ay nasobrahan siya sa iodized salt noong bata pa? Ano pang mga kanta niya ang hindi mo nagustuhan?

Sina Shaquille O’Neal, Andre the Giant, Yao Ming, Asi Taulava, Broc Lesnar, Ultraman – mukha bang hindi pinalo yung mga yun? E naglakihan naman sila. Nagpapapaniwala ka diyan kay Lopez.

Yun nga ang malaki niyang pagkakamali. Hindi niya sinunod ang sinasabi niyang "mag-iodized salt iodized salt iodized salt tayo!".

Huh? May iba pa siyang kanya?

7. Sa mga napanood mong TF at ST Films noong 90’s anu-ano ang iyong mga paborito at bakit? Ilarawan ang pagkalalake ni Manoling Morato na kontrabida ng mga producers ng sexy films.

Hm. Nasa 2000s na ang mga paborito kong TF at ST e. Teka lang - maganda pa si Rosanna Roces nun kaya "Ms. Kristina Moran: Ang Babaeng Palaban", "Ang Lalake sa Buhay ni Selya" tsaka "Ligaya ang Itawag Mo sa Akin". "Warat" at "Scorpio Nights 2" dahil kay Joyce Jimenez, at "Talong" dahil kay Nini Jacinto.

Hindi na ako magko-comment sa pagkalalaki ni Manoling Morato. Tatanungin ko na lang siya kung bakit hindi siya nag-react nung pinalabas ang "Totoy Mola", "Sibak: Midnight Dancers" at "Sa Paraiso ni Efren", tapos andami niyang shit sa ibang pelikula.

8. Isa ka ba sa mga naaliw sa pagkatay kay Kris Aquino sa mga massacre movies kung saan siya ang bida? Ano ang masasabi mo sa pinausong genre na ito Carlo J. Caparas noong nineties? Ano ang pinakanagustuhan mong “longest title” ng kanyang mga pelikula?

Wala pang ginawa si Kris Aquino na nagdulot sa akin ng aliw. Yun din ang dahilan kung bakit hindi ko pinanood ang massacre movies niya with Carlo J. Caparas. At panonoorin mo ba talaga ang isang pelikulang may pamagat na "Lipa Arandia Massacre (Lord Deliver Us From Evil/God Save the Babies!)"?

9. Kung ikaw ay si Leo Echegaray, ano ang hihilingin mong pagkain bago bitayin? Kailangan pa ba ng extra rice kapag alam mong mamatay ka na pagkatapos kumain? Siya ba ang pinaka-TNL na nabitay?

Kung nasa death row ako, okey na sa akin si Solenn Heussaff tsaka dalawang basong tubig. Hindi nagpapahuli nang buhay ang tunay na lalake, kaya DTNL si Echegaray.

10. Mamili sa dalawa at sabihin kung ano ang unang pumapasok sa isip kapag ito ay naririnig o nababasa:

         A. Teletubbies o Barney the Dinosaur - Barney
         B. Rico Blanco o Bamboo - Rico. KC Concepcion, at hindi 
                    ganun ang buhok ng tunay na lalake.
         C. Maskman o Bioman - Maskman. Ang tunay na lalake, tumalon 
                    lang, nakapagbihis na.
         D. hiphoppers o metal - hiphoppers. Dahil tunay na lalake si Lil 
                    Zuplado: The Rap Supastah at Candy Cutie of the Week
         E. Patrasche o Fulgoso - Fulgoso. Dahil lagi siyang niyayakap 
                    ni Marimar.
         F. Rene Requiestas o Ungga Ayala - Rene. Ang tunay na lalake ay 
                   ulol, sinungaling at panget, panget talaga.
         G. Britney Spears o Christina Aguilera - Britney Spears. Ang tunay 
                   na lalake ay hindi nagsusuot ng panty.
         H. Sonic the Hedge Hog o Supermario - Super Mario. Ang tunay na 
                    lalake ay hindi humahawak ng tubo ng may tubo, hindi 
                    naglilinis ng tubo ng may tubo, at hindi nagtatanggal ng 
                    bara ng tubo ng may tubo.
         I. Tropang Trumpo o Bubble Gang - Bubble Gang. Dahil sa FHM 
                    cover girls na nasa cast.
         J. Payanig sa Pasig o Big Bang sa Alabang - Payanig sa Pasig, dahil 
                   ang tunay na lalake ang dahilan kung bakit yumayanig sa 
                   Pasig, lalo na kapag Valentine’s Day.

Mensahe sa lahat ng mga 90’s kids na TNL (at DTNL):

Ang importante, yung mahalaga. Ang mahalaga, yung importante. Pero depende sa kumporme yan. Maganda kung hindi panget. Kung bastos, e di hindi magalang (ang bastos, yung tumatae sa plato). Kung mabaho, e di hindi mabango (walang urbanidad). Isipin mo: Hindi ba, kapag naglalakad ang isang tao, hindi siya tumatakbo? Pero kapag tumatakbo siya, hindi ba hindi siya naglalakad? Ang lumakad nang matulin, natatae na. Ang lingon nang lingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan. Huwag kang bibitiw bakla. Makulay ang buhay sa sinabawang gulay. Love is like a rosary because it is full of mystery. Love is blind. God is love. Cogito cogito ergo cogito sum (I think that I think therefore I think I am). I decided long ago, never to walk in Edu Manzano. If I fail, If I sixteen. I'll be...your crying soldier. Nothing’s gonna change my love for you. You know naman mahal how much I love you. Do not judge my brother because he is not a book. My brother is not a pig. Do not judge a person by his cellphone model. Do not text unto others what you do not want others to text unto you. Load is Gold. U-huh. You crush me? The feeling is neutral. I crush you too, pero as a friend. What are friends are for? It's not my problem anymore, it's your problem anymore. I don't know to you! Can you please me alone? Don't touch me not! Ambot sa IMHO! Ano bang ibig kong sabihin kundi yung hindi ko hindi gustong sabihin. Saan ba mapupunta ang lahat ng ito kundi sa patutunguhan. Ganyan talaga ang buhay, parang life. Sabi nga ni Britney Spears: The girl in my mirror, the girl in my mirror, is me. The girl in my mirror is me. Sa yearbook ni Dennis Trillo, siya daw ay silent type at man of few words. Bugtong bugtong: Hayan na hayan na/hindi pa makita. Sagot: Hangin.Bugtong bugtong: Hayan na hayan na/hindi pa makita. Sagot: Tanga. What? Can you repeat again once more for the second time around? Twice the double redundancy. Animal ka, hayup! Nasaan ba ang liwanag? Nasa earth. Nasaan ba ang pag-asa? Nasa earth. Nasaan ang pag-ibig? Nasa earth. Nasa earth? Sino tatay mo nasa earth. Muta mo nasa earth. Sipon mo nasa earth. Libag mo nasa earth. Kilikili mo nasa earth. Suso mo nasa earth. Singit mo nasa earth. Titi mo nasa earth. Ang labo mo namang kausap e. Kausape? Anong kausape? Kinakain ba yun? May salita bang ganun? Salita? Ponema. Morpema. Pantig. Katinig. Patinig. Dahil sa text messaging nawawala ang mga patinig. Saan sila napunta? Sa earth. Hindi, sa Hayden Kho scandal. Nasa Hayden Kho scandal ang mga patinig. Aaaaaaaaa. Eeeeeeeeeee. Iiiiiiiiiiii. Oooooooo. Uuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuaaaaaa! Schlockschlockschlockschlockschlockschlockschlock. Anong tunog ng pagsasalsal? Schlockschlockschlockschlockschlockschlockschlock. Hahaba pa ang usapan na ito kung hindi natin ito paiikliin. Gago ka. Pala. E. Di ba. Ikawanggagoulolkandadosusinilunokangsusi. Apir. Ay nabali, diligan mo. Ay nabuhay, apir tayo. Heaven, earth/hell/he,he,hell/stab the heart/blood dripping/dead, alive/away you go (langit, lupa/impiyerno/im,im,impiyerno/saksak puso/tulo ang dugo/patay,buhay/alis). Alis? Babay. Tc. Take care. Japan. Just always pray at night. Italy. I trust and love you. China. Come here I need affection. Holland. Hope our love lasts and never dies. India. I nearly died in adoration. Russia. Romance under the sky and stars is intimate always. Canada. Cute and naughty action that developed into attraction. Philippines. Pumping hot! I Love it! Please, please, I need erotic stimulation! Trinidad and Tobago?

SIR, MARAMING SALAMAT AT WAZAKENROL! \m/

Para sa LAHAT ng KATANUNGAN
tungkol sa HAY!MEN!...Click ang Larawan

4 comments:

  1. ISA NA 'TO SA PINAKA-MALUPET NA NABASA KO DITO! WAZAKENROL NGA!!!!!!!!!!! PANIS KAY LIL Z E!

    ReplyDelete
  2. naguguluhan ako. si norman wilwayco ba at si xylo loco eh iisa?

    penomenal na ang pagkakalat ng kung anu-anong shit ng hay!men! sa buladaspir. institusyon.

    tulad ng dati, ang kulit pa rin ng q&a portion. pero nahilo ako sa mensahe ni lil z aka xylo loco aka norman wilwayco (?).

    pero mas astig pa rin para sakin si lourd de veyra. pwede bang siya ang sunod sa sampu't sari, ser? request lang. hehe.

    ReplyDelete
  3. Isa ako sa masugid na taga sunod ng tunay na lalake. Kaso nakakaburaot lang ang mag nagkokomento don. sana e-off comment nalag nila.

    ReplyDelete
  4. Haymen rocks! Pero sang-ayon ako kay akoni, may times na nakakaburaot yung comments sa site, though may nakakatawa, pero ewan. ahaahah.

    ReplyDelete