Friday, August 13, 2010

Ganda Lalake


 RENATO "RENE" REQUIESTAS
(January 22, 1957 - July 24, 1993)

"Isa kang Batang Nineties kung naaliw ka sa pagmumukha ni Rene Requiestas."

Nabasa ko dati sa isang 'di ko maalalang magasin na sinabi ni idol Joey na ang kanyang pinakasimple pero pinakapumatok na toilet humor na nagawa sa kanyang buhay ay ang CHEETAE. Sino ba namang Batang Nineties ang makakalimot sa sidekick ni Starzan, the shouting star of the jungle?

Ayon sa mga nakakaalam at nakakakilala sa kanya, bago siya pumasok sa mundo ng showbis ay nagtrabaho siya bilang isang "takatak boy" o cigarette vendor sa kalye. Sinubukan niyang maging "extra" at pinalad naman siyang makasama sa mga pelikula ni Ishmael Bernal tulad ng "Salawahan (1979)" at "Pabling (1981)".

Una kong napanood ang iniidolo ko ring si Rene Requiestas noong matapos ang EDSA Revolution. Isa siya sa mga komedyanteng talagang angat sa grupo nila Jaime Fabregas sa "Sic O'Clock News", isang political satire na ipinapalabas sa dating aktibo pang IBC13. Kahit na hindi ko pa masyadong naiintindihan ang mga usapin sa US Military bases noong mga panahong iyon ay natutuwa na akong makita siya sa mga characters na ginagampanan sa program.  Makita mo pa lang kasi ang malalaki niyang mata at bungal na bibig eh matatawa ka na. Hindi na niya kailangang umarte para patawanin ka. Ganun siya katindi! Nasama rin siya sa makulit na sitcom ng ABS-CBN na "Palibhasa Lalake" sa pagpasok ng unang taon ng Dekada NoBenta. Gumanap siya bilang isang henyong kapatid ni Tita Minerva (Gloria Romero) na hindi naman siniseryoso ng lahat.

Sa mundo ng pelikula, naging malaking factor ang pagiging sidekick niya sa solo career ni master Joey De Leon. Late eighties nang mabigyan siya ng break sa tatlong series ng "Starzan" bilang Cheetae kasama si Noel "Ungga" Ayala sa pagiging sidekick. Sa dalawang installments ng "Long Ranger ang Tonton" naman ay ginanapan niya ang character ni Tonton na isa pa ring sidekick ni Joey.  Matapos ang pelikulang ito ay sunud-sunod na ang kanyang roles na ginanapan sa pinilakang tabing. Natatandaan ko pa na paborito kong ipamato sa teks ang mukha ni Tonton dahil lagi akong panalo. Tsubtsatagilidaken!!

Nagkaroon rin ng dalawang parts ang "Elvis and James" kung saan gumanap siya bilang si James Dacuycoy. Bukod sa mata niya at bungal na bunganga ay kilala rin si Rene sa mga weird hairstyles sa movies. Tawang-tawa naman ang napakababaw kong sarili sa "Barbi: Maid in the Philippines" dahil sa memorable scene kung saan sinabi ni Barbi (Joey) na "I need time." tapos sinagot siya ni Rene ng "You want time? I'll give you time." habang hinuhubad ang wrist watch. Ang iba pang movies kung saan kasama ni Rene si Joey ay "Romeo Loves Juliet...But Their Families Hate Each Other!", "SuperMouse and the Roborats" na nahirapang ipalabas sa takilya dahil na-censor ng MTRCB ang tunog "burat" sa mga dialogues, at "Little & Big Weapon"

Nagkaroon rin siya ng mga roles sa mga pelikulang "Aso't Pusa" kasama sina Tito Sotto at child star Aiza Seguerra. Ang "Gawa na ang Bala Para sa Akin" kasama sila Vic Sotto ay isa namang name play sa isang movie ni FPJ. Kasama pa rin niya si bosing Vic sa "Samson & Goliath". Sinubakan rin ng mga movie producers na gawaan sila ng trio kasama sina Ungga Ayala at Jimmy Santos sa pelikulang "Small, Medium, en Large". Hindi ko rin makakalimutan ang pagganap niya sa "Michael & Madonna" na shinuting sa school na pinag-aralan ko noong high school, ang St. John's Academy. Malapit lang kasi ang Regal  Films sa school namin sa San Juan. The best rin sa akin ang cameo niya sa "Last Two Minutes" na pelikula naman ng mga sikat na basketball players noong mga panahong iyon. Taeng-tae na siya kaso kapag papasok na siya sa cubicle eh nasisisngitan siya. Natapos ang scene na nililinis niya ang lababo ng kubeta! Napakagaling ng delivery niya doon...pamatay ang taeng-tae niyang itsura!

Ang naging first solo movie niya ay ang "Ganda Lalake, Ganda Babae" kasama ang sexy star na si Maricel Laxa. Nasundan ito ng "Cheeta-Eh, Ganda Lalake" kung saan kasama naman ang isang pang sexy star na si Cristina Gonzales. By this time, nakasama na siya sa hanay ng mga mga Box-Office Kings ng Philippine Cinema. Patok sa masa ang mga pelikulang binidahan niya.



Sa lahat ng pelikulang nagawa ni Rene ang Pido Dida series ang pinakanagustuhan ng masa. Hindi mo iisiping kikita sa takilya ang love team nila ni Kris Aquino. Perfect ang naging blending ng isang pang-masang Rene at "konya" na  Kris. Sinubaybayan ng sambayanang Pinoy ang "Pido Dida: Sabay Tayo", "Pido Dida 2: Kasal Na", at "Pido Dida 3: May Kambal Na". Aaminin kong ayoko si Kris pero lahat ng parts nito ay pinanood ko sa sinehan!

Marami pang ibang memorable na mga pelikula si idol tulad ng "Prinsipe Abante at ang Lihim ng Ibong Adarna", "Takbo, Talon, Tili", "Love Ko si Ma'am", "First Time: Like a Virgin", "Hulihin: Probinsiyanong Mandurukot", "The Good, the Bad, and the Ugly", at ang kanyang pinakahuling pelikulang "Alyas batman en Robin" kung saan gumanap siya bilang Joker.

Tulad ng maraming artista, namuhay si Rene sa marangyang buhay dahil sa katanyagan. Ang masama nga lang ay nakasama sa kanyang kalusugan ang pagiging alcoholic at chain smoker. Nawalan ng saya ang industriya nang pumanaw siya sa sakit na tuberculosis.

 Apophenia /æpɵˈfniə/ is the experience of seeing patterns or connections in random or meaningless data.

Sa ngayon, wala pa ring tatalo sa legacy na iniwanan ng iniidolo kong si Rene. Kung si Cherie Gil ay sikat sa isang linyang naglagay sa kanya sa listahan ng mga pinakamagaling na kontrabida, mayroon ding linya si idol na naglagay naman sa kanya sa listahan ng mga pinakamagagaling na komedyante: "Cheetae....Ganda lalake! (Echo: Ulol! Sinungaling! Panget! Panget!)".


45 comments:

  1. chitae.. ganda lalake.

    echo: ulol sinungaling, panget,panget, panget, nget! nget! nget!

    ReplyDelete
    Replies
    1. YouTube Channel airs classic Filipino movies reruns in syndication worldwide.

      Delete
  2. peyborit na comedyante to ng tatay ko -- tsaka pag may nakikita kami noon na payat at kulang ang ngipin, ang tawag namin Cheetae. LOL.
    Mabuhay si Cheeeetaeee!!!! (sabi ng echo... mamatay...mamatay...)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Rene Requiestas (1956-93) Filipino actor and comedian.

      Delete
  3. Naalala ko parang may kissing scene sila ni Kris Aquino na naging kontrobersyal ahihihi sayang wala na sya...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Vangie Labalan Filipina actress comedienne & producer/director.

      Delete
  4. ang dami pala niyang nagawang pelikula. ang naaalala ko lang talaga eh 'yung pido dida nila ni kris aquino. parang sa sabado movie greats ko pa ata napanood un. haha!

    siksik-liglig na naman sa pop trivia 'tong blog post mo ser! \m/

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kris Aquino (b.1971 Manila Philippines) Filipina actress businesswoman entrepreneur and philanthropist now resides in Los Angeles California United States.

      Delete
  5. sayang at maaga sya nawala. Parang kumonte ang comedy shows nung nawala sya.

    ReplyDelete
  6. to be honest, hindi ko siya masyadong gusto. =(

    nung bata kasi ako tinatakot ako lagi ng mom ko sa kanya eh. ever since then, i did not like him. haha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Starzan Shooting Star of the Jungle he is the main hero/protagonist of the popular action adventure comedy released in 1989 followed by other sequels and spinoffs portrayed by Joey De Leon.

      Delete
  7. Totally LEgendary pagdating sa pagpapatawa....
    sa pagkakatanda ko pinalabas din yung buhay nya sa maala ala mo kaya e.. im not sure! napapanood ko pa dati yung mga pelikula nya at di ko talaga makakalimutan yun...

    \m/BlogEnRoll sir! 2 days nalang! wahihihihi

    ReplyDelete
    Replies
    1. Panchito Alba (1925-95) Filipino actor and comedian son of Etang Discher.

      Delete
  8. pards, naalala ko yung kanta nya sa pelikula.

    akoy nakakita ng isang lapis
    hindi pala lapis eene ang nais
    eene ang nais na kay tulis tulis!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Rene Requiestas he is the best actor and comedian in the Philippines.

      Delete
  9. I loved this guy! lalo na yung mga banat nyang " In English ..."

    ReplyDelete
    Replies
    1. Rene Requiestas speaks English very good but good sentence too.

      Delete
  10. ahahaha..naalala ko rin siya..grabe ang dami pala nyang naging movie..nice blog!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Chee-Taeh & Ungga lives in the wilderness home of famous savage warrior of the jungle Starzan.

      Delete
  11. Replies
    1. Chee-Taeh Gandang Lalake classic Filipino fantasy adventure comedy film a spinoff of Starzan Shooting Star of the Jungle.

      Delete
    2. Noel Ayala a dwarf Filipino actor and comedian.

      Delete
  12. ringtone ko yung cheetae ganda lalaki. hehe. sobrang idol ko si rene requiestas. naabutan ko yung ilang movies nya, unfortunately di ko napanood lahat. sayang.

    napanood ko rin yung MMK nya, si long mejia gumanap. inabangan ko tlga yun.

    ReplyDelete
    Replies
    1. The fight scenes between the black dragon & magical superheroine filming in Ayala Bridge in Ermita Manila Philippines.

      Delete
  13. Super idol! Gusto pag ng eenglish xa sa Michael n Madonna with matching body movements at lumalaking mata! Haha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Starzan Shooting Star of the Jungle is the best comedy adventure film is a offshoot of Edgar Rice Burroughs popular adventure novel set in the jungles of Africa.

      Delete
    2. Noel Ayala (1971-2006) Filipino actor and comedian.

      Delete
  14. Kisig! Walang duda, wala pa ring pumapalit kay Rene.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Xuxzia the alien princess and emmisary from another planet side by side with Chee-Taeh and Ungga friends of Starzan.

      Delete
    2. Cristina Gonzales (b.1970 Manila Philippines) Filipina actress & politician daughter of Jose Mari Gonzales.

      Delete
  15. isa siyang alamat ng industriya.. lalo na sa pagpapatawa..

    Patok sa aking ang mga movie niya nung bata ako. Feel na feel ko rin ung ginaya niya ang commercial ng palmolive na.. "I Can Feel It...." sabay labas ng bungal na ngipin.. TNT!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Rene Requiestas May He Rest in Peace Amen. 😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇😇🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏

      Delete
  16. iilan na kang ang nakagagawa at nakapagpapatawa sa akin ng ganyan nuon. nalungkot din ako nung pumanaw na sya,,,

    ReplyDelete
    Replies
    1. Evil puppet master & voodoo witch she is the antagonist of Chee-Taeh and Unggoy together with Xuxzia the alien princess of the galaxy in Chee-Taeh Gandang Lalake movies.

      Delete
    2. Chichay Filipina actress & comedienne now deceased in 1993.

      Delete
  17. hehe tmah! Nkakatuwa ung mga banats niya na 'in English ...' :) pido dida part 1 to 3 lng din napanuod ko, e un plang addict na'ko sa mga pelikula niya, anu nga pla title nung isa niyang pelikula na mey role siya na parang ginagaya niya si jeric raval, kasama niya dun si paquito diaz..pls. Sana mapanuod ko un sa youtube ..salamaat !

    ReplyDelete
  18. un bang estudyante si rene tapos si paquito teacher, yun! Anu kaya title nun?

    ReplyDelete
    Replies
    1. She is the extraterrestrial alien woman she resembles Wonder Woman portrayed by Cristina Gonzales.

      Delete
  19. Solid tong si Rene. Pang wasakan ang mga banat nito eh. Eto ang magtotropa sa kalidad ng komedy: Rene Requestas,Joey De Leon,Babalu,Karding, si Panchito at si Leo martinez aka Don Robert. Mga komedyante na may laman ang mga banat. Trip ko si Dolphy pero aminin natin na slapstick ang kategorya nya. Umiyak talaga ako nung bata ako ng nalaman kong deds na sya. Kung yung mga ibang bata eh si Superman at Batman ang childhood hero,ako si Rene Requestas. Pinagtawanan pa ako ng mga coño kong kaklase nung elem ako kasi jologs daw ang idol ko at skwa-skwa. Nakipag suntukan ako nun kasi tinawag na walang kwenta mga pelikula nya. Ayun,Cheenitae ko nga sa echas ng aso namin. Nakita nya sino ang totoong Cheetae. Hahaha!

    Alam naming lahat na gumugulong ang lahat ng anghel at santo kung nasan ka man dahil sa mga banat mo. Kahit nga tumayo ka lang sa isang tabi at ngumiti eh hagulgol na sila sa kakatawa dahil sayo eh. Salamat Rene Requestas sa mga iniwan mong ala-ala na kailan man ay hindi mawawaglit at malilimutan. "I can feel it! Ssssshhhaaaak!"

    ReplyDelete
    Replies
    1. Rene Requiestas (1956-93) Filipino actor and comedian.

      Delete
  20. I think sya ang first kissing scene ni kris aquino at until now nagagamit ko pa pa rin ang line nyang "what are we waiting for? Eclipse?" Hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Famous catchphrase "Chee-Taeh Gandang Lalake!" A magic word used by Xuxzia the alien princess from another planet becomes her ally and friend of planet earth and the universe.

      Delete
  21. Ang nkktwa p nito ...ng humarap sa salamin
    ...basag ang salamin...

    ReplyDelete
    Replies
    1. A spinoff of Starzan film series starring Rene Requiestas Noel Ayala Cristina Gonzales Chichay Vangie Labalan and all star cast released in 1991 A compilation movie.

      Delete
  22. Ang nkktwa p nito ...ng humarap sa salamin
    ...basag ang salamin...

    ReplyDelete