Noong Dekada NoBenta, ang musikang Pinoy ay siksik sa iba't ibang tema at ang isang klase ng tugtugang nagustuhan ko ay mula sa mga grupong masasabi kong may paninindigan pagdating sa mga usaping may kinalaman sa iba't ibang kaganapan sa ating pamumuhay. Ang pagpapahayag ng mga ideolohiya ay idinadaan sa pamamagitan ng paglikha ng mga orihinal na awit. Mga seryosong kantang kadalasan ay mga puna sa maling sistemang bumabalot sa ating lipunan. Mayroong mga piyesang nakakatawa na sa huli ay katotohanan pa rin ang gustong iparating sa mga nakikinig. Ang iba naman ay pinaghahalo ang pagiging seryoso at pagpapatawa upang ilarawan ang mundong ating ginagalawan.
Walang halong pagpapakyut. Masarap pakinggan dahil nagmumula sa puso. Tumatagos sa buto dahil walang halong pagkukunwari. Hindi mo puwedeng sabihing basura dahil hindi bulok ang nilalaman.
December 26, 1993 ay nabuo ang grupong AGAW AGIMAT sa layuning maging bahagi sa rebolusyon ng kaisipan sa pamamagitan ng musika. Ang debut album nilang "R-15" na nailabas sa ilalim ng Alpha Records noong February 1995 ay ang obra kung saan nagmula ang carrier single na "Wanliteltu". Unang rinig ko pa lang dito ay nakitaan ko na kaagad ang kanilang grupo ng talino at galing sa pagggawa ng mga komposisyon. Simula noon ay naging masugid na nila akong tagahanga at madalas ko silang hanapin sa mga konsiyertong dinadaluhan ko. Ang awit na "Sabi Nila" ang single na masasabi kong nagmulat sa ating mga Pinoy kung ano ang "tunay pagmamahal sa bayan" sa pananaw ng mga kabataan. Panalo ang lyrics nitong "Ang pag-ibig sa bayang kinagisnan ay sa puso at hindi sa isip lang...ito'y nararamdaman at hindi napag-aaralan...ito'y walang kinikilalang edad kailanman". Klasik. Ganun ang tunay na paniniwala, wala sa pinausong t-shirt na may mapa ng Pinas o ng "three stars and a sun".
Taong 1997 nang ilabas ang ikalawang album nilang "Patak". Dito nagmula ang napakagaling na "Kiss-A-Me", isang "labsung" na sa huli ay malalaman mong tungkol pala sa butiki. Dito rin galing ang paborito kong "Idol" na madalas nilang tugtugin sa mga kilos-protesta noon laban kay Erap. Inabot ng kantsaw si bespren Geline sa kantang ito dahil itinuro siya ni QT habang tinutugtog nila ito sa isang event sa UP Manila. Magkasing-kaha kasi ang kumpare ko at ng na-impeach na presidente!
Pareho akong may CD copies ng dalawa nilang album pero aaminin kong hindi ko na sila nasubaybayan sa ikatlo nilang "Guerilla Ballroom (1999)" at ikaapat na "Mantra (2004)". Ganunpaman, maganda ang mga nabasa kong review ng mga sumunod na albums. Nag-iiba ang tunog pero hindi nag-iiba ang paniniwala.
Current Members
* QT Paduano - Vocals
* Teta Tulay - Bass
* Jephthah Wenceslao - Guitar
* Renmin Nadela - Drums
Past Members:
* Lee Nadela - Bass
* Jerem Sison - Trumpet, Bass
* Hank Palenzuela - Bass
Horny Boys:
* Manny Manalo - Sax & Clarinet
* Ronaldo Banaag - Trombone
* Victor Caingat Jr.- Trumpet
Sa ngayon ay "on hiatus mode" sila ngunit tiyak akong hindi dito nagtatapos ang kanilang kuwento.
Nabigyan ako ng pagkakataon ng nag-iisang Sir RENMIN NADELA na siya ay makapanayam tungkol sa dekadang aming kinabibilangan. Bukod sa malulufet na palong binitiwan niya sa tugtugan ng Agaw Agimat ay may mga natatago rin siyang mga kuwento na sigurado akong magiging interesante sa mga tagahangang katulad ko. Heto na ang kanyang kuwentong-karanasan:
Current Members
* QT Paduano - Vocals
* Teta Tulay - Bass
* Jephthah Wenceslao - Guitar
* Renmin Nadela - Drums
Past Members:
* Lee Nadela - Bass
* Jerem Sison - Trumpet, Bass
* Hank Palenzuela - Bass
Horny Boys:
* Manny Manalo - Sax & Clarinet
* Ronaldo Banaag - Trombone
* Victor Caingat Jr.- Trumpet
Sa ngayon ay "on hiatus mode" sila ngunit tiyak akong hindi dito nagtatapos ang kanilang kuwento.
Nabigyan ako ng pagkakataon ng nag-iisang Sir RENMIN NADELA na siya ay makapanayam tungkol sa dekadang aming kinabibilangan. Bukod sa malulufet na palong binitiwan niya sa tugtugan ng Agaw Agimat ay may mga natatago rin siyang mga kuwento na sigurado akong magiging interesante sa mga tagahangang katulad ko. Heto na ang kanyang kuwentong-karanasan:
1. Marami ang hindi nakakaalam na ikaw ang original drummer ng Yano. Maaari mo ba kaming kuwentuhan ng karanasan mo sa tandem nina Dong at Eric?
Magkasama kami ni Eric Gancio sa isang play sa PETA nung 1991. Nagka-kuwentuhan kami nang makita ko ang kanyang hollow body electric guitar. Niyaya nya akong sumali sa bandang binubuo nya, ang “NG”. Dun kami nagkakilala nina Dong Abay at ni Larry. Ako ang naatasang maging drummer, si Larry ang bassist, si Eric ang gitarista at si Dong ang bokalista. Unang inalis sa grupo si Larry. Kaming tatlo ay nagpatuloy habang naghahanap ng mga taong puwedeng tumulong sa amin. Naging “RENMIN” ang pangalan namin for one day, hanggang nadiskubre ni Dong ang pangalang “YANO” sa isang Filipino dictionary. Hindi pa ako nun masyadong marunong mag-drums… Gamit ko pa nun ay PLDT phone book bilang drums… Ngunit dahil sa mabilisang pag-sikat ng grupo bilang duo, ninais ni Dong na ako’y tanggalin at palitan ng isang session drummer… ito’y sa kabila ng aming sumpaan sa harap ng Mayric’s na kaming tatlo ang YANO… Hahahaha!
2. Ang kanta niyong “Sabi Nila” ang itinuturing na “tatak-Agaw Agimat”. Ano ang inspirasyong pinaghugutan ng musika at liriko nito?
Sinulat ko ang lyrics ng kantang “Sabi Nila” nung ako ay high school pa… nag-aalab noon ang aking pag-ibig sa bayan at kay Ms. Bayang Barrios ng Bagong Lumad. Hahahaha! Si Eric Gancio ang gumawa ng music… Minsan itong kinanta ni Dong para sa aming demo ngunit ayaw din nyang isali sa mga kanta ng Yano. Noong 1993, nagkasundo kami ni Eric na gamitin ko na lang ang kanta sa bago kong banda… ang Agaw Agimat.
3. Paano nakaapekto sa Agaw Agimat ang paglipat ng kapatid mong si Lee papuntang Slapshock?
Nakaka-lungkot din ang mga pangyayari noon. Mga bata pa kasi kami at kulang pa sa wisdom. Kung ako ang masusunod, mas nanaisin ko pa rin sana na maging all-original ang lineup namin hanggang sa wakas, tulad ng U2... Naging-ok na rin naman ang pag-focus ni Lee sa Slapshock kasama ang kanyang mga barkada. Kami rin ni QT ang isa sa mga unang nag-“manage” sa kanila nung umpisa. Suporta din kami sa Slapshock.
4. Kung ikukumpara mo ang Agaw Agimat sa ibang mga “makabayang banda” noong 90’s, ano ang kaibahan niyo sa ibang grupo? Sino sa kanila ang lubos na hinahangaan ng inyong banda?
Hinahangaan namin noon at hanggang ngayon ang The Jerks, Ang Grupong Pendong, Joey Ayala at ang Bagong Lumad , The Wuds.
Isa siguro sa pinagkaiba namin sa ibang “makabayang banda” noong 90’s ay open kaming gamitin ang commercial na paraan para maiparating sa mas nakararami ang mensaheng socio-political. Open kaming pasukin ang mainstream media para mag-hayag.
5. Sinu-sinong mga 90’s drummers ang naging malaking impluwensya sa iyo bilang isang musikero?
Si Bosyo, Nowie Favila ng Grupong Pendong at sessionist ng Yano, Noe Tio ng Bagong Lumad, Benjie ng The Jerks, Aji ng The Wuds, Weslu ng Put3Ska, Brutus ng Tropical Depression & Indio-I, Harley ng Rizal Underground
6. Paborito ko ang kanta niyong “Idol” na tungkol sa mga artistang naging pulitiko. Ayoko rin sa mga tulad nila pero para naman maiba, sinong mga actor-turned-politicians noong 90’s ang sa tingin mo ay maganda naman ang naging serbisyo sa bayan?
Wala.
7. Madalas kayong maisama sa mga konsiyertong may kilos-protesta. Anong nadaluhan niyong rally noong 90’s ang hindi mo makakalimutan at bakit?
Labor Day rally sa Bacolod noong 1993. Yun ang unang gig ng Agaw Agimat.
8. Ano ang kasalukuyan mong ginagawa nang lumindol noong July 16, 1990?
Nakikinig ng tape sa bahay namin sa Kapitolyo, Pasig.
9. Ano ang naging opinion mo sa komento na “...ghastly and weird city” ni Claire Danes tungkol sa Maynila noong mag-shoot sila ng pelikulang “Brokedown Palace” sa ating bansa?
Ya! We have the best “ghastly and weird city” in the whole world… the best! Ano ngayon?
10. Ano ang unang pumapasok sa isip mo sa mga salitang sumusunod?
A. tambayan – mga tibak sa UST sa Tinoko Park
B. konsyerto – sa buong Pilipinas… Tour
C. usong damit – wala kaming pakialam
D. usong salita – banda!
E. traditional politician - bobo
F. arcade game – basketball shooting lang
G. larong pambata – sa kalye!
H. tsitsiryang pambata - Bazooka
I. radio talk show – LA 105, The Doctor
J. teevee series – PBA lang
Mensahe sa lahat ng Batang 90's:
SIR RENMIN, MARAMING SALAMAT AT RAKENROL! \m/
idol... nung agit pa ako sa pagiging tibak, mga musika ng agaw agimat,buklod at kung sino sino pa. magagaling sila. umaalab ang masidhing damdamin para sa bayan kapag pinapakinggan ang mga tugtugin na ginawa nila..... bumalik tuloy ung mga araw na nasa rally ako sa mendiola..haha
ReplyDeletetama ka parekoy, talagang nakakapagpaalab ng damdamin ang mga kanta ng iniidolo nating Agaw Agimat! \m/
Deletebosschief, tanong lang. dun sa cover ng Hot Hits, may isa pang member na babae bukod kay QT, tama ba? yun din ang pagkakaalam ko eh, around the time ng Patak to. o baka mukhang babae dati si lee bago sya pumunta sa slapshock..hehe
ReplyDelete